Tumatagos sa laman ang hapdi na dulot ng sikat ng araw. Tagaktak na ang pawis habang ang ugat ay animo’y puputok na sa sidhing dulot ng pag-akyat ng dugo.
Hukot na ang katawan, kulay ay naging madilim dahil sa pagkasunog ng balat sa ilalim ng araw. Kuko ay pudpod, medyas ay sira, may amoy ang kilikili at paa, naninilaw na ngipin, buhok na halos magdikit dikit, at natuyong semento sa kamay at paa..siya si Edong,may binubuhay na pamilya, ang kaniyang asawa at pitong anak, isang manggagawa sa konstraksiyon Kadalasay tuyong isda at karampot na kanin ang baon. Sumasahod ng P150-200 kada araw.
Sa tingin mo masaya at kuntento siya sa kaniyang ginagawa? O sa mas malalim na paghukay…kuntento ba siya sa buhay niya?
Kung nababayaran lang ang “sigaw” ng mga kilusang nagtataguyod sa mga manggagawa, may isang Edong kaya na sumasalamin sa kakulangan ng maayos na pagkakakitaan sa ating bansa? Isa ka ba sa nakikibaka habang nagmamartsa at binubulabog ang kalye para maipahatid ang mga hinaing nating manggagawa ng bansa? Napag-isip isip ko, nasaang estado na ba ang naabot ng pakikipaglaban natin, kanino ba tayo humihingi ng tulong?
Sa pinagsamasamang pagtatrabaho nabuo ang bansang Pilipinas, nagkaroon ng sariling pagkakalinlan ng maitatag ang Republika, kung ano ang mukha ng ating bansa sa ngayon ay siya na ring larawan ng totoong kalagayan ng lakas paggawa.
Ang uri ng pamumuhay ng mga maralitang Pilipino ay isang malinaw na salamin ng pagdarahop, may kakulangan na ‘di natin tuwirang mabigyan ng solusyon, may mga balakid.
Isang pagpupugay para sa mga manggagawang Pinoy dito sa ating bansa o sa labas man. Kung pinapahalagahan ni Edong ang kaniyang trabaho masasabi nating siya ay matagumpay na tao. Kung ikaw ay nagtatrabaho na ‘di inaasahang susulitin ng kumpanya ang pagpapagod mo, ipinagkakapuri kita. Kailangan ng tulad mo sa panahon ngayon.Mahalaga ang katapatan at prinsipyo.
Ang babaeng ito ay isang ina na inabot na ng gabi sa pagtatrabaho. Pansinin ang larawan. Siya ba ay isang ehemplo ng manggagawang Pilipino?
Ilang dekada na ang hiyaw na nauwi na sa sigaw. Kung may nakinig at pumansin upang maibigay ang mga benepisyong nararapat, salamat po. Kung hindi naman kahit ang mabuhay ng marangal ay isa ng kayamanang ‘di mapapantayan ng anumang salapi, kahit iyon man lang.
Sa bawat pagsisikap at tagumpay dulot ng iyong paggawa, mabuhay ka Pinoy
makata ka pala, dude! ipagpatuloy mo yan. napakagandang talento yan. kahit ganyan yan, maimpluwensya ang binibitawan mong mga salita.
kudos sa iyo, kaibigan!
Posted by Ax at May 16, 2009, 9:33 pmSalamat sa iyo kaibagang (AX) palakol.
Itong aking munting pagsisikap na managalog ay iniaalay ko sa mga kapuwa ko Pilipino.
Makapag-ambag manlang sa lahing nais magtagumpay sa ibabaw ng mundo.
Posted by kayumanggingdamdamin at May 18, 2009, 12:17 pm
Hindi mapapalitan ng kahit anong klaseng makinarya ang pagsasakripisyo at lakas ng daang ama na nagbubuhos ng lakas sa trabahong kanilang nasadlakan upang buhayin ang kanilang pamilya. Nawa’y maigawad sa kanila ang karapatang magkaroon ng sapat na sahod at benepisyo.
Posted by Paquita at May 1, 2009, 1:57 pm