Nakatutulig ang pukpok ng martilyo,nakapangingilabot ang katahimikan sa courtroom, ang mahigit 10 pahina ng paghahatol ay nakakakapos ng hininga, kaya ko kayang busalan ang bibig ng branch clerk?
“Malaya na si Bro, Malaya na si Bro”, ito ang aking hiling, ito ang gusto ng aking pamilya.
Ang stenographer,branch clerk, fiscal,judge, pulis, ang biktima at ang suspek, kompleto na ang casting…nasa courtroom nga ako, kasama ng aking pamilya. Pinagmamasdan si Bro habang nakaposas.
May mangilangilang pagkakataong napapasulyap siya sa akin, sa mga mata niya, dama ko ang paghihirap ng kaniyang kalooban.Sa taas niyang anim na talampakan, sino ang mag-aakalang, may mga luhang umaagos sa kaniyang mga mata, isa siyang simbolo ng Pinoy macho, matikas, matatag, maginoo at magalang… ngunit ano itong kaniyang kinasadlakan, nasa piitin siya at kasalukuyang nililitis ang kaso niyang murder.
Naniniwala akong inosente si Bro, ngunit paano namin makukumbinsi ang mga taong bingi at bulag sa katotohanan? Ang mahalaga sa mga taong ito ay pera, ito ang kanilang buhay.
Masama bang magmahal sa iyong kapwa? Umawat lamang si Bro upang mapigilan ang sumisilakbong damdamin ng aking bayaw at ng kaniyang kaaway. Hanggang ngayon, nagtatago ang tunay na may sala.Kailangan bang hugasan ng dugo ang natapon ding dugo para masabing, amanos na kami? Ito ay away ng kanilang pamilya, hindi suspek ang kapatid ko ngunit biktima ng mapait na pagkakataon at ganid na pamilya.
Isang taon na mahigit ngunit kasing bagal ng pagong ang proseso ng kaso ni Bro, absent si fiscal dahil nagtatae, wala si judge dahil gusto niya lang. Napatungan na ng bagong kaso ang papel ni Bro, kailangan na naman ng padulas. Malaking pera na ang nawawala ngunit pakiwari ko’y maliit pa sa butil ng pawis
ang pag-asa ni Bro.
Sa kabila ng lahat, unti unting binubuo nito ang aking pamilya. Sandigan namin ito upang maipaglaban naming ang kaso ni Bro, ito marahil ang paraan ng Diyos upang kami ay muling maging isang pamilya.
Matapos man ang kasong ito,marahil kaakibat nito ang pagsamba namin sa mga may kapangyarihan, dahil kung hindi, hihimasin ni Bro ang rehas na bakal sa halip na yakap ang kaniyang munting anghel na si Kurt.
Ngayong Pasko, taimtim naming hinihiling ang pagbabalik ni Bro sa bahay. Maghihintay kami, maghihintay….
* Ito ay isang pagpapahayag ng saloobin ng damdamin, salamat sa iyo kaibigang Sivalugs.Naniniwala akong pagkatapos ng bagyo ay muling sisikat ang araw, nanabik akong ibabalita mo sa akin ito.*
what you've written for bro…for us… i consider a prayer, which i read with a very expectant heart and with all the faith i could muster… maraming salamat, … mula sa puso! God bless you!
Posted by shiela parungao galvez at November 28, 2008, 3:49 pmAng naisin ng may akda ay makapaghatid ng mensaheng may katuturan ngunit ang maihambing ito sa isang panalangin ay lubos na ikinagagalak ng iyong abang lingkod. Katulad mo pinakananais ko ang ganap na paglaya ni Bro, naniniwala akong hindi tayo mabibigo.Marahil may tamang panahon at iyon ang nakatakda, ang mahalaga huwag tayong bibitaw.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 1, 2008, 3:27 pm
Ito’y isang pagsubok sa katatagan ng isang pamilyang muling pinagbuklod ng pagkakataon. Nawa’y ganap na
Posted by Paquita at November 26, 2008, 1:05 pmmapalaya si Bro hindi lamang para sa kanyang sarili at pamilya kundi sa ganap na pag-asang may hustisya pa nga sa Pilipinas.