KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

TADHANA

February 4, 2010

Kapalaran mo ngayong 2010.

 

Hmmm…hmmmm.hmmmmmmm.Vuker vojek ruvek suker mekeruv. Hmmmm.Hmmmm.

 

Kawal75: Pinapatawag ka ni Dyosa Esmina, J.Kulisap.

J.Kulisap: Hwak kayo ingay, nakYoyoka ako. Ken’t you si?

Kawal3,984: Pinuno, papatulan ko ‘na to, masyadong maarte, 48 years na tayong nanunuyo dito, choosy pa rin. Sino ba itong hangal na ito? Isa lamang itong ewwww…kaderder na Kulisap.

Pinunong Kawal: Chillax dudey, masyado kang hot. J.Kulisap, nagtext ang mahal na Dyosa Esmina, ipagkakaloob na raw ang matagal mo ng kahilingan. ‘Di ba gusto mong maging tao kahit 30 seconds lang?

J.Kulisap: Ano kapalit kahilingan Esmina?

Kawal8,956,789: Ilalatag mo daw ang kapalaran nya sa taong ito, pati na rin sa kaniyang 800 na jowa.

J.Kulisap: Well, you leave me no choice. Splashhhhh. Vekeruv Nomer Ekervek.

 

The Rat

Dadagain Ka (Bubuwit)

Para sa mga dinadaga ngayong 2010, lungkot-lungkutan ang drama mo. May pagkapraning ka din pero maninindigan kang maganda at pogi ka the whole year. Magbago na ang mga daga, kung mahilig ka sa keso, itry mo namang kumain ng pusa. Ito pa ang good news, para sa mga sipunin, single at malapit ng maging old na daga, panahon na para umalembong ng bonggang-bongga. Ibig sabihin, kahit may-asawa ka o wala, kailangan mong kumati para mapansin at makahanap ka ng lalandiin ngayong 2010. Mainam na magsuot ng panty kaysa sa brip kung lalake. Sa babae naman, wag nang magsuot ng anumang saplot lalo na sa gabi para presko. Advantage ito sa mga wala ng kalatoy-latoy sa kama. Uy..kinikilig ang pwet.Lucky Charm: Brip ni Superman for her, panty ni Darna for him.


 

The Ox

Baka lang


Mag-ingat sa sumisipang kabayo lalo na ang pula (nakakalasing) at sa mga bumubuga ng apoy (dragon), masusunog ka, tatalsik ka pa. Para maiwasan ang pakikipagbabag at pagtalsik ng laway, buksan mo ang iyong utak, try mong ipalagare, ‘tas takpan mo ng bao ng niyog, lagyan mo na rin ng zipper para any moment na gusto mong buksan, pwede. Isa lang ang sikreto para hindi ka mapa-away, huwag kang ma-epal lalo na kung ‘di mo alam ang puno at dulo ng kwento. Mag-aaral ka din ng ibang lenguwahe, body language, animal language and plant language pati na rin UFO language para maiba naman ang iyong trip. Medyo sasapian ka daw ni Juan Tamad, kaya aabangan mo na lamang ang ipot na mahulog. Mababaliktad ang pagkatamad kung gagawing tsokalate ang ipot. Tip: Mas masarap daw ang ipot ng pusa kaysa sa aso.Lucky charm: Ngipin ng Tikbalang.

  

The Tiger

Tigre ka nga ba? Wehh? Di nga?

Taon mo ito dong at day pero hindi ibig sabihin ikaw na ang mamamayagpag, utot mo bilog. May araw ka ring hinayupak ka. Panahon mo para magmagaling at gawin mo ang gusto mo pero mahihirapan ka din, chura neto. Mahigpit na kalaban ang sarili mo, kamusta naman. Magiging malusog na tigre ka daw ngayong 2010. Sa mga may suliranin sa panunaw, tanggalin ang intestines at ilagay sa taynga para iwas sa pagtatae. Maswerteng numero, wala. Hindi pa alam kung ano ang tawag. Asa ka pa. Magtrabaho ka, magsumikap ka. Maligo kahit isang beses lang sa isang buwan.Lucky Charm: Wala rin. Ambitious.

 

The Rabbit

Ang Kuneho

Ay, kamalas mo namang kuneho ka, ikinalulungkot ko, kahit mag-evolve ka pa, magkapakpak ka pa, kahit na magpatattoo ka pa sa retina mo, wa-epek ang trip mo. Magdusa ka. Aba eh, sinuwerte ka na last year, ‘yong iba naman. Sa lahat ng larangan, medyo malas ka. Para maiba ang direksyon, magtayo ng bagong kulto, magkalkal ng iba’t ibang paniniwala na pwedeng mauto ang mas marami.Matuto kang magtipid, napakabulagsak mo ever. Sa halip na sumakay, try mo naman gumapang, tutal, taon ng kamalasan. Gumapang ka sa lusak. Buhakhak. Maging maingat, gumamit ng proteksyon laban sa paglobo ng mga kuneho. Kalilibog nyo pa naman. Tip: try mo ang ginger,sili-labuyo at higad flavor, mura na matalap pa..yeboy. Gawa sa medyas at supot ng ice candy. Lucky charm: Amoy ng singit, ipunin sa botelya..ipahid sa may ilong kapag may lalakaran.

  

The Dragon

The Dragon


Para sa mga ipinanganak talagang dragon, panahon na para pumasok sa eskwela. Huwag ka nang matakot kay titser,’di na sila nambabato ng eraser, dinamita na ang pinambabato nila ngayon. Pag-aralan ang Alibata para mas maging matagumpay. Paminsan-minsa’y magpapakawala ka ng apoy mo at pwedeng masunog ang kalaban, go ng go lang, trip mo yan. Minsan maglinis ng taynga para makarinig, umaawas na ang tutuli. Stay positive daw sa lahat ng aspect, positive ang pregnancy test, positive sa HIV, positive sa Cancer, positive na mabubuntis ka kahit 80 ka na. Positive na tibo ang tatay mo, positive na bakla ang future partner mo.Happiness, lumaklak ng syoktong. Kailangan mo daw talagang tumawa, kahit natutulog ka na, tawa ka pa rin ha? Lucky Charm: Balahibo ng Unicorn.

 

The Snake

Ahas ka Talaga

Ahas ka na nga, matigas pa ang iyong mga kaliskis. Gapang ka ng gapang, try mo namang lumakad. Iwasan ang pagkahumaling sa lahat ng bagay. Madalas kang magwi-wetdreams, hanggang don lang. Mangarap ka ng mas masarap pa don, sobra na yan, abuso ka na. Mag-ingat sa mga pinagtataguan, baka mabulaga ka…huli ka. Mapapahamak ka ng bonggang bongga. Peborit ko talaga ang bonggang bongga. Hahahay. Mainam ding magpalit ng pangalan, maswerte ang pangalang Irsa, Pudong, Lukib,Panyang at Paknutan. Panahon na para mas maging bakaw ka, leche ka..buhay ka pa. Huwag masyadong ilagay sa ulo ang ganda at pagkapogi, feeling mo lang ok pero ok nga siguro. Ewan sayo. Lucky number:12345678941011, kung anong gusto mo diyan, pili na.

 

The Horse

Petrang Kabayo


Magandang balita mga Kabayo, close na ang San Lazaro at  hindi na talahib ang food ‘nyo, bubog na para mas bonggang bongga. Hindi ka na tatakbo, magiging tapang Kabayo ka na lang. Magiging expert ka na sa ngiti mong ngising kabayo. Sinisiguro ko, paeasy- easy ka this year pero next year, tatakbo ka ulit mula Appari hanggang Jolo. Chura mo. Kabayo ka at hindi ka magiging unicorn ever sa buong life mo. Isinusumpa ko. For a change, ipalipat mo ang iyong private part sa noo, mura lang sa akin ka pagawa ha? 75 % discount. Kunin mo address ko sa Chinatown?

   

The Goat

Meeeh.Meeh.Kambingan

Sa mga ipinanganak na mga kambing, yayaman ka. Sinong piniperahan mo? Sino sugar daddy mo? Sinong bakla ‘yan? Sige gamitin mo ang katawan mo para magkakwarta ka ng limpak-limpak. Sa mga unang tatlong buwan, palpak ang mga desisyon mo, kwidaw huwag mawalan ng pag-asa, magpapogi at magpaganda para manghuthot ng pera. Pera, pera. Mukha kang pera ngayong 2010. Amoy pera ka, kainin mo pera mo. Hoy, fake ‘yan. Mas maswerte ka kung si Madam Auring ang magiging syota mo. O kaya si Mommy D at si Bertang Bakla. Para sa mga girls, alam na, ilang taon na nga si Gov? Si Senator? Mga ganung tipo ha mga ineng, aba lalaspagin mo rin lang ang sarili mo don na sa amoy pera, paliguan mo na lang, huwag ng choosy.Mga haliparot. Lucky charm: 500 years old na banga/tapayan, yong super big. Gawing kuwintas for 400 days.Oopsss, huwag tanggalin.


The Monkey

Unggoy Ka.

Oo, alam kong baliw ka talaga. Walang kalaro, kapag hindi isinali, daig mo pa si Anita Linda at Dindo Fernando sa kakaemote. Mawawalan ka ng mga kaibigan. Pano naman tayo ‘nyan? Wala ka naman talagang kaibigan sa buong buhay mo. Akala mo lang meron pero wala, wala, wala. Chura mo. Kung magnenegosyo, siguraduhing may pera, puro ka balak. Unggoyin mo sarili mo ulol. Sa mga supot, magpatuli ng limang beses, aba katanda mo na, supot ka pa rin. Sa mga unggoy na peborit ang monkey-business, ituloy lamang. Para sa mga babae, mukhang unggoy ang perfect husband. Sagutin mo na. Lucky Charm: Siling labuyo, hindi na uso ang banana..tikman mo ang aking banana..aking banana ay sili pala.


 

The Rooster

Ang Sasabungin

Anong binabasa mo? May hinihintay ka? Umaasa ka? Tigilan mo yan. Wala kang kapalaran ngayong 2010. Next year naman ha? Maghabol ka sa barangay tanod..Wala nga eh.

 

The Dog

ASKAL (ASO)

Ngiting aso naman diyan. Kung nais magrebelde sa amo, idaan sa text, ibroadcast mo thru sms, 24 oras ang sending, siguro naman, mararamdaman na ng iyong bossing ang pagrerebelde mo.Maging malikhain, nakakasawa ang dog-style na pagsisigaw sa kalye. Lucky charm: 200 years old na puno ng akasya, itanim sa loob ng kwarto mo.Diligan 24 hours din.Hwak na complain. Gawa na pala swelte.

 

Ang Baboy

 

Baboy ka pa rin hanggang ngayon? Anong petsa na? Subukang makipagpalit ng animal sign, try mo muna yong mga ipinanganak sa taon ng mga kambing. Mga uto-uto ‘yon. Lucky Charm: Damtrak, gawin ding kuwintas, huwag na huwag tatanggalin for life. ‘Yan na din ang mitsa ng buhay mo. Lucky charm: 24 million dodo ng langgam.

 

Pinunong Kawal: Dyosa Esmina, naibigan po ba ninyo ang kaniyang prediction?

 

Dyosa Esmina: Kasagad, ka sagad sagad guid kay j.kulisap. Ipalayu nyo ina sa akon. Pulbusin yan

 

J.Kulisap: Esmina, di um thang togwa shung bokenshaw! Hwak tabi ako pilit hula eh.

 

Dyosa Esmina: Ayaw na ayaw kong mababalitaan na may J.Kulisap pa sa kaharian ko, kahit kauri pa niya. Gawing pataba yan sa mga halaman ko. Wait….hwag na lang..wala siyang sustansya…baka mamatay pa ang mga alaga ko. Tawagin ang isa sa mga dyuwa, paligayahin ako. WI FI ready na ba itong kaharian? Magsearch na lang kayo ng horoscope sa internet.Year of the Tiger ngayon mga kawal. Magpatay ng mga tigre, gusto kong kumain ng kinilaw na tigre. Pwede bang isama ang bolsie ng tigre dong?Sup nambir tin.

 

J.Kulisap: Wala ka pulos nga tawo, vuker..irkkk…aghhhh.ikkkkk.

 

Posted by kayumanggingdamdamin at 12:13 pm | permalink

Previous Comments

Parang gusto kong maniwala sa prediction mo…Gusto ko din pagpalit ng pangalan napili ko ay Paknutan mukhang magandang gamitin…palitan ko kaya ang pangalan ko sa FB ko!? jejeje…hindi masama.
Hindi ako year of the pig…pero ng nabasa ko natawa ako!!! Ok itong article na ito swak na swak ngyong darating na Chinese New Year.Maraming salamat Senyor Kulisap sa iyong prediction ngayong 2010…Stay cool J.Kul.:-)

Posted by maldita at February 4, 2010, 12:43 pm

ang kulet nman talaga…ang likot ng isipan mo Ginoong Kulisap..wahaha

Posted by etchosera at February 4, 2010, 1:02 pm

lagot…. di ako pwedeng pakita kay dyosa esmina, takot ko lang mapulbos…hahaha

muntik na akong maniwala sa prediction mo kuya…hahahaha

nalungkot ako, malas ako this year?..huhuhu, sabagay sinuwerte nga ako last year…haha

Posted by aninipot at February 4, 2010, 1:13 pm

hay napangiti mo na naman ako, kahit pa base sa kapalarang nilatag mo ay ubod ng malas ko (kuneho) ngayong taon na ito babawi na lang ako sa susunod na taon…mag sisilbi itong warning para sa akin…salamat

Posted by nieves at February 4, 2010, 2:15 pm

ayus ang prdiksyon mu jkul, year anung hayup kaya ako?! heheheh..

Posted by pinkdiaries at February 4, 2010, 2:53 pm

si Jkul ay monkey dahil mahilig sya maglaro ng monkey nya
si jason ay daga dahil…..hmm?
si padz ay baboy…kaya di sya kumakian ng baboy
si VaJJ eh dragon dahil nakamatay ang hininga nya
si ax ay aso….dahil kahit paru-paro eh kinakasta nya
si kaye…oy prinsesa yan…dahil handsome raw ako
hulaan mo kung ano ang zodiac ko? hint: horny ako

Posted by Mr. Nonsense at February 4, 2010, 3:21 pm

@JKul, ang kulit naman ng mga predictions mo… nakakatawa. Year of the Dragon ako at natakot ako bigla. ngek.

@Fafa Jesse: buti na lang at binoto kita. kundi, yari ako. hahaha!

Posted by kaye at February 4, 2010, 5:25 pm

Kailangan ko ang tulong ng isang sikat na blogger tulad mo.
The viewing is Until February 10, 2010.
pls, support Roan Alcala,John Rey Rasco finalist of fan fun art wallpaper contest of pinoy bigbrother uplate, just by clicking this link, he needs more viewer of his wallpaper, i really appreciate ur support sana makapasok sa BIG 5 winners….salamat

Roan Alcala =
http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/390/Fan_Fun_Art_Entry_by_Roan_Alcala

John Rey Rasco = http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/381/Fan_Fun_Art_Entry_by_John_Ray_Rasco

Mark angelo Versoza = http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/386/Fan_Fun_Art_Entry_by_Mark_Angelo

Posted by roan at February 4, 2010, 5:50 pm

hala. bisaya ka kuya? taga asa ka?

Posted by i kill the suckingbird at February 4, 2010, 5:58 pm

HAHAHAHA!!! Panalo ito! Kagagaling ko lang school, pero pinawi mo ang pagod ko. Nakakatuwa! XD

Posted by batopik at February 4, 2010, 7:53 pm

ayoko na, wala ng saysay ang mga butiki sa mundo, hindi mo kami binigyan ng pagkakataon pra mabigyan pansin khit dito lamang, paano na ang milyong milyong mong tagahanga na puro butiki, na sa tuwing may pumupuri sayo, ay palagi ka nming pinapalakpakan para sa iyong tagumpay, khit pa kapalit nito ay ang aming disgrasya mula sa pagkakahulog sa kisame…. hehehe. katuwa ang hula para sa kin. hehehe. sana next time may butiki na din..

Posted by machongbutiki at February 4, 2010, 8:46 pm

Dyosa na pala si Esmina? Hahahaha. Baka mahawa tayong lahat sa pagtatype nya. LOL.

Bohahaha. Ako’y isang Dragon! At maghahanap na ko ngayon ng balahibo ng unicorn! Babu!

Naalala ko sa post mo yung college journal namen. Halos ganyan magsulat ng horoscope, pero puro inside jokes. Pwede ka palang next Jojo Acuin. Yun nga lang, yung kabastos bastos na version. Wahahahaha.

Posted by Vajarl at February 4, 2010, 9:30 pm

VaVaVoOM!

AbAy Anu ToH?… (KamAy!), naPiTonG kuRap KuRap Na Ako, PaNgALan Ko pLa AnG nAndyAN? GuiAtAy kA DuNg! Dautan maN ako diNhi? Kangil aran!

GiNiGiNaw Ako!, NKabiLi na Ba nG bAgong iNk?
Mag pa priNt Nga kAyo nG mga 6,739 coPiEs nG bLoG na To: TaS sUNuGiN niO!

Pag MaLamiG pa Din, SaMa niu Na yUnG guMaWa! BwAhahHahah!

Posted by Esmina at February 5, 2010, 2:24 am

haha. magpapalit na’ko ng pangalan! :) wet dreams ka dyan.

nakakatuwa. nakakaaliw magbasa nito.

Posted by sisa at February 5, 2010, 8:17 am

hindi ako makapagcomment through cellphone.. hehe.

may tanong lang ako, jellyfish po kase yung year ko, bakit wala?

Posted by Sid at February 5, 2010, 9:29 am

AbAh! HinDi BaT iPinAkaiN nA nATen sAmGA GiAnt Nemo Ung mGA LahinG ISiNiLanG sA TaoN nG mgA diKyAH? IpInAnGanAk SiLanG maLas, biLanG siMbuLo nIto: LahAT nG mGA tAonG iPinANgaNak sa YeAr of thE JeLLyfISh aY PanTaY aNg taAs nG hiNTuToRo at nG palaSinGsiNGan SA kaNanG kAMay (wAg mo Nang TignAn, eChoS LanG yAN.)

Posted by Esmina at February 5, 2010, 10:52 am

Maldita, maganda ang naisip mong pangalan. Baka mabago ang sumpa.

Paknutan, sosyal ang pangalan.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 12:54 pm

Etchosera, ang batang malikot, pinapakain ng ipot. Malikot ‘di naman. Abnoy lang ang lolo mo. May sapak, punong puno ng sayad ang utak.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 12:56 pm

Aninipot, maging mapagbigay, magkawanggawa, huwag makasarili. Sundin ang hula at babala. Huwag kalimutan ang lucky charm mo ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 12:57 pm

Nieves,
Ako lamang ay nagtataka, kwarenta mahigit ka na pero kapag kalokohan ang mga ginagawa kong artikulo doon ka nagpupunyaging sumagot, pero kapag may kinalaman sa lipunan ang paksa, parang ayaw mong pansinin. May sayad ka din?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 12:59 pm

PinkDiaries,

Anong taon ka ba ipinanganak? May katumbas na hayop yan, kung wala ka sa mga taon, mas malas ka pa sa Jellyfish ayon kay Dyosa Esmina..hehehe.

Alamin mo, tapos tingnan na ang kapalarang naghihintay sa taong ito.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 1:01 pm

dregon ako G. Kulisap.
hehehe..

pero binasa ko rin yung daga baka sakaling makatulong. haha

ganun puro positive? wag naman sana HIV a cancer. hahaha

teka,, gradweyt na po ako. hahaha di na ko papasok sa school ayaw na. grabe mga teacher ngayon kung dati terror lang ngayon ma horror na!

medyo tumama yung medyo bingi. hahaha

ano daw?

Posted by jason at February 5, 2010, 1:32 pm

Mr. Nonsense.

Wala na akong sasabihin. Hayaan mong sila na lamang ang pumuksa sa matalim mong pahayag.

Ang galing mo isa nga akong unggoy, mas masahol pa sa unggoy.

At hindi mo na kailangan pang sabihing horny ka. Alam na ng daigdig ‘yan.

Puksain ang mga gwapong katulad ni Jess.

Salamat sa pagdaan parekoy.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:35 pm

Kaye, natuwa at natakot..naghalo ang iyong emosyon.

Mabuti na lamang at iyong ibinoto si Jess dahil kung hindi baka kung ano na ang sinabi sayo.

Magaling. Ka sagad.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:37 pm

Roan, salamat sa handa mong spam.

Maniniwala na sana akong sikat nga ako, kaya lang, ng mapuntahan ko ang ibang site..sikat din sila..wala na..nasira na ang trip ko.

Ang hula ko ay..hindi ako makakaclick ng iyong inihahain.

Salamat sa pagpunta mo dito Roan.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:38 pm

Ikillthesuckingbird.

Dili po me Bisaya, pero gusto ko matuto ng inyong lenggwahe?

Mamangkot me sa imo dong ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:39 pm

Batopik,

Panalo na naman, lagi na lang akong panalo kay Batopik..bato bato pik..ay taya ka.

Sige tanungin mo ang teacher mo kung ano ang animal sign niya, basahin mo sa kaniya ang prediction ko.

Sigurado ako sa hula ko, matutuwa siyang.

Ibagsak ka.

Salamat.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:41 pm

Oo nga naman MB.

Bakit walang butiki sa Chinese Horoscope.

Gawa tayo ng pang Pilipino.

Ito ang aking mga minumungkahi kapag Pilipinong simbolong hayop:
Kulisap
Butiki
Ipis
Surot
Langgam
Kuto
Bangaw
Linta
Uod
Gagamba
Salagubang
Garapata

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:45 pm

Baka nga nahahawahan ako ni Jojo Acuin ng kaniyang kagalingan, lage ko siyang nakakasalubong sa daan. Seryoso ito, pero hindi ako sigurado kung siya ‘yon.

Oo Dyosa yang si Esmina.

Magsusunog na po ba ako ng Dracula kamahalang Esmina.

Sa mga paaralan may ganito, sa Libre (dyaryong libre sa MRT) at kung saan saan pa. Nakakaaliw. Hindi ito orihinal pero ang mga nandiyan ay galing sa aking mahangin at masayad na utak.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:47 pm

I am not confined within the limits of signs and symbols. I face challenges as they come. I live my life according to my will. Sadness is fleeting. Hapiness is just a state of mind. Discover the mystery of life. Be your own destiny.

Posted by Salome at February 5, 2010, 5:48 pm

Dyosa Esmina (sabay yukod at halik sa tuhod).

Sige, paningkamot lang diha ug imo.

Nakapagsunog na ho kamahalan. Sobrang mainit na po. Mas mainit pa sa bunganga ng bulkan.

Nakatakas po ang Kulisap. Itinakas siya ni Kulikuli.

May nagtataksil po kamahalan.

Dati daw po ninyong dyuwa, hindi daw po ninyo nabahagihan ng ginto pagkatapos niyong sairin ang katas ng kaniyang kabataan.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:51 pm

Sisa,

Anong pangalan ang nais mo? Subukan mo, baka swelte ikaw kapak palit ka iyo ngalan.

Pili na diyan? Pudong, Irsa, o Panyang? Ang isa nagustuhan na ni Maldita.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:52 pm

Sid,

Ano ba ang lahi mo at iba ang animal sign mo?

Jellyfish? Dikya…sandali paiikutin ko ang bolang kulangot.

Ikot..ikot..kintab..kintab..himas..bilog..bilog kulangot.

Pasensya na Sid, wala pang available na Jellyfish.

Balik lang next year baka melon na ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:55 pm

Sid, basahin mo ang komento ni Dyosa Esmina.

Baka matulungan ka niya.

May kembelyar ka ba sa pagitan ng dalawang kembelyar?

Password yan sa kaharian ng Dyosa Esmina.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:56 pm

Bingi na ikaw utoy Uton?

Iwasan ang HIV, gumamit ng protesyon.

Mayron ako produkto:

Condom yari sa fiberglass at bakal, siniguro ko wala tagas, may expoxy at super sealant pa. Bili ikaw Master Kulisap ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:58 pm

Salome, gusto mo bili pangontra sa sinabi mo?

Huwak ka adik lage ha?

Kwarenta ka na, nag-aadik ka pa.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 5, 2010, 5:59 pm

Pano nalaman ni Fafa Jess na dregon ako? Base lang ba talaga sa hininga yan? TSE! Haha.

Posted by Vajarl at February 5, 2010, 9:00 pm

NakaTaKas Si KuLiSap? MakauuLaw Man doNg!, WaY BalE na: IsaMa SiU nA lANg YanG Mga Ka DaBaRKaDs NiA sa FiLpiNo ZoDiaC: Hala! AdTo na! HantinGiN niO nA yANg SiLa BuTiki, iPis SuRot eTc…

Posted by Esmina at February 6, 2010, 9:28 am

Vajee, makaling manghula Jess, ako hula niya din na unggoy pero labis pa ako unggoy.

Hulaan mo nga din yang si Jess kung ano animal sign, pag nalaman mo baguhin ko kapalaran niya.

Gawin kong karumal dumal sa taong ito.

Ahihi

Posted by kayumanggingdamdamin at February 6, 2010, 10:40 am

Nakasampong butiki na po ako sa kisame kamahalan.

Handang itaya ang buhay alang-alang sa kanilang tagapaglitas na si J.Kulisap.

Ayaw magsalita.

Ang ipis, dagliang naglalaho…nagtatago sa likod ng dingding at aparador. Hindi ko mahuli.

Walang surot..busy daw sila sa pakikpagtext.

Wkc daw sila kay J.Kulisap.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 6, 2010, 10:42 am

watda,
kaya pala nawala si atsing, at ditse ikaw pala ang nangidnap sa kanila habang nag gagala sila. tsk. ipunin mo n lhat ng armas at ng mga alagad nyo dahil. si amputwan lang ang wlang latay.

Posted by machongbutiki at February 6, 2010, 10:37 pm

mukhang naiba ang style nang pagsusulat ah.
hmmmm. pagbabago :D

anyways, pardon me, dahil sobrang lutang at sabaw ang utak ko, wala akong naintindihan sa kapalaran ko! haha.

wala rin akong time na i-analyze kasi kinukulang na ako sa oras! haha. anyways, napadaan lang para ipaalam na andito pa rin ako. hindi mo man ramdam, andito pa rin ako. haha. cheesy! :D :D :D

Posted by roger at February 6, 2010, 10:54 pm

hahaha. di ko irereveal ang aking sign. hahahaa. loko ka talaga timangkey.

gusto ko ung suggesion na pinoy zodiac naman.

mag-imbento ka na nga jk..

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at February 6, 2010, 11:38 pm

ammm K.Kulisap,

ikokonsulta ko lang po sana
kasi may kadate ako kagabi.

babae po sya. sa tingin mo po
magkakatuluyan kami?

nababahala kasi ako sa hula sa mga dregon
na bakla ang makakatuluyan ko?

saan naman ako hahanap ng balahibo ng unicorn.
at ano po ang shoktong na lalaklakin?

Posted by jason at February 7, 2010, 8:46 am

pangsabong si fadz…..
or sa ingles eh payting cock

Posted by Mr. Nonsense at February 7, 2010, 8:55 am

hahaha baka matalbugan mo na si madam auring niyan!

Posted by maccallister at February 7, 2010, 1:54 pm

MB, ipinag-utos ho ng kamahalan.

May nakapatong na hong pabuya sa makakahuli kay Kulikuli, siya ang utak sa pagtakas ni J.Kulisap.

Siya ang may kagagawan ng panghuhulang ito.

Anyway, ang hula ko kay Ampatuan, taga Mindanao siya, tama ba ako?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 7, 2010, 4:08 pm

Ka Roger, huwag, huwag mo kaming iiwan.

Huwag Ka Roger, alam ko naman little girl.

Andyan ka lang.

Gawin mo ang dapat.

Balik ka kapag gusto mo na ulit maglibang.

Ano ba ang sabi sa hula?

Makakatulong ba o disgrasya ang nag-aabang sayo?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 7, 2010, 4:10 pm

Meron na po akong iminungkahi tungkol sa Pilipino zodiac signs padre.

Sino si Timangkey?Iisa lamang sila ni MB? Bakit di nahulaan ng bilog na kulangot iyon? May depekto ata ang aking kristulangot.

Padre, ireveal mo na.

Tingnan natin kung swelte o malas ka sa taong ito.

hahaha

Posted by kayumanggingdamdamin at February 7, 2010, 4:12 pm

Utoy Uton,

Yong kadate mo kagabi ay babaeng bakla.

Hindi kayo magkakatuluyan dahil ayaw ni Ax, ni MB, ni Jess, ni Padre at ni Ate Kaye mo. Sila ang hadlang sa kaligayahan mo.

Huwag kang matakot na makatuluyan ang mga ehem..beklu…sila naman takot din sayo eh. Quitz lang.

Gyera ang kalalabasan.

Ang balahibo ng Unicorn ay nasa paanan ng mabalasik na dagang kosta sa Timog Tawitawi. Tumawid ka ng sampung beses, mag-alay ng awit na sumikat noong 100BC.

Laklakin mo ang Syoktong na may apdo ng ahas, limang beses kada isang oras.

Gudlak sa yo dong.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 7, 2010, 4:16 pm

Jess, ikaw ang magreveal ng animal sign ni Padz.

Rooster siya? Fighting Cock.

Mama Mia, Al dente..Que porque, que sera sera Padre.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 7, 2010, 4:17 pm

McCallister,

Kamusta batang pogi na mahal din ay pogi?

Talbog na talbog sa akin yang si Madam Auring.

Laos na siya, ako nananariwa pa, kung baga sa sugat, nagnanaknak sa pananariwa. May aray, may amoy, umaalingasaw.

O, ano? Nacheck mo ba ang iyong kapalaran?

Dadami ba ang boylet sa taong ito?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 7, 2010, 4:19 pm

naku baboy pa rin ako hanggang ngayon.. kulisap matinding patama to ah hehe

Posted by orville at February 7, 2010, 5:43 pm

Lolo patok saken ang poging may mahal na pogi. Hahahahahahaha.

Posted by Vajarl at February 7, 2010, 6:54 pm

eh saan naman ako mkkuha ng balahibo ng unicorn??? hehe gusto ko ang tadhana ng aso. hehehe

Posted by suckingbird keller at February 7, 2010, 8:51 pm

i have a feeling kung saan mo makukuha ang balahibo ng unicorn. tyempuhan mo lang sa umaga…

Posted by Mr. Nonsense at February 7, 2010, 11:40 pm

ayos to ah!

hmmnnn… nitong nakaraang unang lingo ng pebrero napag-uusapan ng mga kasamahan ko ang pagrerebelde sa kumpanya…

…may halong kalokohan man ang taon ng mga sakal ayon sa inilathala mo Kulisap, tunay nga na nagbigay ng kargdagang lakas ng luob para sa akin. sa ngayon, inihahanda ko na lahat ng katibayan para sa nalalapit na komprontasyon. magiging askal muna ako…

(seryoso, may kalokohan kasi sa pasahod.)

Posted by taga-bundok at February 8, 2010, 11:04 am

Orville, hwak mag-alala, inom lang water every morning, banatin ang buto, maglakad, takbo, lakad, takbo punta work.

Gawin mo ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 8, 2010, 12:38 pm

Vajee,

Kasama na sa earth yang nagmamahal na pogi sa kapwa pogi.

May kasabihan po tayong

Sa panahon ngayon, ruler na lang ang straight.

Salamat Dani K sa kasabihan mong ito.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 8, 2010, 12:40 pm

Oporuski.

May sagot si Jess sa katanungan mo.

Pwedeng sa comfort room tuwing ikaw ay naliligo or sa kama kapag bumangon ka.

Inom din ikaw tubig sa umaga, baka hingal ka.

Kulang kasi tayo sa water element this year.

Oki?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 8, 2010, 12:44 pm

Tama Jess.

Ang brainy mo talaga.

Bilisan lamang ang pagkuha at paghahanap, agad naglalaho ang balahibo ng unicorn.

Nasa hindi kalinawang tubig, may bula at may medyo taglagas sa punong puro ugat.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 8, 2010, 12:46 pm

Hmmm. Ipagpaumanhin.

Magiging seryoso muna ang sagot ni J.Kulisap sa komento ni Anjong.

Makipag-usap ng mahinahon kung madadaan dito.
Alamin kung may makukuhang suporta mula sa Embahada ng Pilipinas.
Alamin ang legalidad ng mga inihahaing reklamoo, limitasyon, sagabal at kaakibat na pananagutan kung sakali man.

Kaya ‘yan. Gabayan ka nawa ng iyong tala mula sa itaas.

Kaligtasan at kasiguruhang maipapanalo ang inihahain ang aking hinihiling.

Hanggang sa muli.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 8, 2010, 12:49 pm

Alangya kahapon pa ko nagkokomento ayaw pumasok. May kinalaman ba to sa pagbabago ng style ni j.kulisap??

Posted by Yin at February 8, 2010, 1:26 pm

hala sila ang mga hadlang ??? bakit sila pa.. baket!!!

wala akong alam.. wala akong magawa.. pano na to?

pupunta pa ko ng tawi tawi para mawala ang sumpa?

hardcore to!!

Posted by jason at February 8, 2010, 2:33 pm

Where I came from straight people are the minority. They just don’t know it yet. If you dig what I mean. :P

Posted by Vajarl at February 8, 2010, 3:44 pm

langhiya ka j.kulisap!!! nakakatawa yung horoscope mo sa Dragon! this is just for fun..

Posted by walongbote at February 8, 2010, 6:38 pm

mukhang ok namn ang prediction mu para sa mga askal kua J.KUL..

Kelan mu kaya mapepredict na laht ng mga tao ay magiging aso..ei! panu nalang kaya pag nangyari un, pag inabot ng “L” sa kalsada dun nalng magpaparaos..tingin mu? malamang di ka makatingin!!jejeje

Posted by koror at February 9, 2010, 11:18 am

Uy si Yin, bakasyunista sa blog ka ah.

Huwag ka tamad Yin, sipak at tyaka kailangan mo para unlad. Pagsubok lang yan, o tingnan mo, pasok ka na ngayon.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 9, 2010, 12:08 pm

Jason.

Mag water therapy ka din Jason. Huwak masyado complain. Gawa na.

Oo sila hadlang sa kaligayahan mo, dahil kapag ikaw ay nagkadyuwa, wala ka ng time para magblog.

Iba na priority mo.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 9, 2010, 12:10 pm

Vajee.

‘Di ko nagets. English eh.

Pakitagalog mo nga Utoy Vajee.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 9, 2010, 12:10 pm

WalongBote.

Mamalasin ka, natawa ka eh. Seryoso ito. Huwag ipagwalang bahala.

Kamusta?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 9, 2010, 12:11 pm

Koror.

Pag nangyari yan, wala ng tao. Aso na lahat.

Malamang traffic lage. Wala ng magagawa ang MMDA.

Hindi ako titingin, makikisali ako.

Loko ka.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 9, 2010, 12:12 pm

salamat sa iyong mga prediksyon para sa taong ng mga tigre. ngayon kelangan ko makahanap ng damtrak, bago mahuli ang lahat. ayoko malas. hehe

Posted by Pinoy at February 9, 2010, 5:49 pm

bakit parang naging mr. shuli ka K. Kulisap?

heheheh

water teraphy sisimulan ko ngayon…

teka wiwi ako ng wiwi hussle!!

Posted by jason at February 9, 2010, 6:18 pm

one of your best. nakakatawa pero parang totoo. s’an ang pwesto mo sa quiapo? :)

Posted by plaridel at February 10, 2010, 5:51 am

hehe..ayos to ah. saan galing ang mga kapalaran na yan? sa mambobolang kristal?

ayos..masaya…maayos..mabuhay ka.

Posted by eli at February 10, 2010, 8:24 am

Wala. Sabi ko tanders ka na. Behlat. :P :P :P

Posted by Vajarl at February 10, 2010, 10:04 am

makabuang man ni nga predictions uy,nakakatawa hahhaa

Posted by nonoy at February 10, 2010, 12:24 pm

Pinoy,

Sige hanap ka na damtrak, para hindi ka malas buong taon, huwag mo tanggal kahit tulog ka, ligo ka, date ka, suot lang kwintas ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 10, 2010, 12:31 pm

Jason,
Galit na ako iyo, lage ka complain.

Water therapy ka na. Para di problem wiwi, labas-masok office, magdiaper ka.

Solve na problema. Wala na suliranin.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 10, 2010, 12:33 pm

Plaridel.

Mas malupit pa ito sa Mayan prediction pare. Malapit ako sa kalye ng Lagusnilad.

Minsan nasa underpass.

May tinda rin akong syoktong, sambong, alcampor, tawas, paminta, bawang, maning hubad..marami..sideline.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 10, 2010, 12:35 pm

Eli.

Bakit di ‘nyo inaannounce ang animal sign nyo?

Dahil natawa ka, mamalasin ka ng 60 seconds.

Ito ang eksaktong mangyayari, makakalimutan mo ang name mo.

Hahaha

Posted by kayumanggingdamdamin at February 10, 2010, 12:36 pm

Vajee,

Di ko itinatanggi na lolo na ako. Ganun ba ibig sabihin non?

Kamusta pogi?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 10, 2010, 12:37 pm

Nonoy.

Dati ka ng buang, hwag mong isisi dito sa prediction ko ang pagkabuang mo uy.

Maligayang kaarawan sa’yo pala.

Kitam nahulaan ko birthday mo. Galing ako hula eh.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 10, 2010, 12:38 pm

Keri lang Lolo. Papalit pala ng link ko. Lumipat na ko ng blog. :)

Posted by Vajarl at February 10, 2010, 1:54 pm

nagsisimula pa lang akong mag-basa… tawa na ako ng tawa!

Posted by MD at February 10, 2010, 10:58 pm

Aw! Year of the Baboy (Boar) ako. pero hindi ako mataba or baboy. hahaha! Natawa ako sa mga prediction ha.

Posted by Sikat ang Pinoy at February 11, 2010, 1:24 am

teka….

bago ka magalit…

ano nga ba ang compatible

hayop sign ang nakalaan para saken??

Posted by jason at February 11, 2010, 8:42 am

Busy ka Lolo? Saka ka na mangarir. Haha. Gumuneng. :D

Posted by Vajarl at February 11, 2010, 10:23 am

happy hearts day! :-)

Posted by pinkdiaries at February 11, 2010, 11:59 am

Kamusta ka Vajee.

Nadalaw na kita.

Napalitan ko na po.

Salamat sa iyong patuloy na pagtangkilik sa bahay-kubo ko.

Isa ka ng anay dito.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 11, 2010, 5:38 pm

MD, hula ko utot ka. Bawal ka utot buong taon.
Malas sa buhay utot ng utot lalo na sa MRT.

‘Di makalabas hangin.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 11, 2010, 5:40 pm

Sikat ang Pinoy. Huwag ka sinungaling, Baboy ka pa rin.

Tawa ka ng tawa, tatanda kang walang asawa.

Salamat hijo.

Dadalaw ako diyan sa kuta mo. Hintay lang.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 11, 2010, 5:42 pm

PD, kamusta?

Mahal mo ba Master Kulisap?

Salamat sa iyong pagbati.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 11, 2010, 5:42 pm

Jason,

Sabi ng Dog, siya daw compatible mo, pero nagsisinungaling siya. Mortal enemy mo ang Dog, huwag ka kuha partner Dog ang sign.
Lokohin ka lang ng Aso.

Pwede ka kuha partner Rat at Monkey. Pwede ikaw loko sa kanila.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 11, 2010, 5:44 pm

Anay? Nanunundot nanaman ng pwet. Hahaha.

Posted by Vajarl at February 12, 2010, 8:21 am

Nanunundot ba ng pwet ang anay, di ba surot?

Ewan.

Ay, utoy..yang bagal na ng pagpasok ko sa bago mong bahay, paano ang taas ng gate at grills..di na ako maka-akyat agad.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 12, 2010, 12:26 pm

Ay putek, so petrang kabayo pala ako, G. J. Kul? Ganon?… Hehe. Nice post.

Posted by xdalisayx at February 13, 2010, 6:34 am

ang galing namn hehe, pagpatuloy nyo lang ang inyong kapalaran, go!

Posted by jonathan at February 13, 2010, 3:11 pm

Oo, Dalisay…isa akong putek..hahaha.

Malay ko, si J.Kul ang may kagagawan nyan.

Kamusta ang pagtuturo hija?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 15, 2010, 5:39 pm

Jonathan,

Alin,sino,bakit,saan…ang magaling?

Hehehe.

Salamat.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 15, 2010, 5:40 pm

Ha? Walang gate ang bahay ko, kahit sino pede pumasok kahit walang bantay. Hahaha.

Di nga, di ko masyadong nagets.

Posted by Vajarl at February 15, 2010, 7:42 pm

Di mo nagets, hayaan na natin.

Basta, nanibago lang siguro ako.

Anong handa mo sa house warming?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 16, 2010, 12:44 pm

Haha. Magulo ba? Nako umeepal lang yang blog ko na yan. Haha. Nagsawa na kasi ako sa dati. Saka nag eenjoy ako sa burloloy. Kikay ako eh. Lols.

Naghanda ako ng ginisang kulisap! Want some? :P

Posted by Vajarl at February 16, 2010, 12:57 pm

Gusto mo bang gawin kitang tinuhog na Vajarl tapos isasawsaw ko sa suka na may sili?

Ginisang kulisap..ewwww.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 18, 2010, 12:43 pm

uy! kuyaaaaaaa….hahaha
namiss kita bigla.
dami ko kasing trabaho….haays! anyway, magkaka-oras din ako…

Posted by aninipot at February 18, 2010, 4:35 pm

Temaarts Lolo. Cannibal ka naman eh. Wag na mag inarte. :P

Posted by Vajarl at February 18, 2010, 5:44 pm

Mana lang ako sayo Vajee.

Makati ka.Makati. Buhahaha

Posted by kayumanggingdamdamin at February 19, 2010, 5:47 pm

Balita ko fortune teller ka.

Pwede magpahula? :)

Posted by carizza at February 22, 2010, 9:09 pm

Pwedeng pwede magpahula.Bayad muna.

Hula ko ikaw ay babae..tama?

Hula ko ikaw ay Pilipino? tama?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 23, 2010, 12:48 pm

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

kathlyn:

huh iam not cool i am going to tell the truth you are really not prett your ugly

kathleen:

hhahah tnx i don’t think you rcool not really nosebleed huh??

kathlyn:

who the girl named kathleen she is pretty nice huh ahhahaahhah your cute me iam only cool hahahahha

kathlyn:

that my siste ryear ,year of the tiger nice huh??>>>

kathlyn:

i am a filipino i am just from america argentin a add me on facebook hahahahhakathlynkikumoreto23@yahoo.com

kathleen:

^_^ :) ) :) :0)

kathleen:

paki visit tohttp://tl.answers.com/Q/Kwento_ni_amomongo_at_ni_iput_ipot_na_pabula_ng_visaya ohhh ganda :)

kathleen:

mga kablog kablog hhahah chatting meganon hahahahahh hi kua g. kulisap aq si paroparo /butterfly hehehe nice dito visit lng me ulit here ehhh….

kathleen:

hahahaahhahahahaahahamarami bago ngayon ahhh nice tung world natin lahat nuh???!!!:))

kathleen:

grabe lupet :) ang lupet galing nyo proud ngek…….:)) joke….

kathleen:

anong kaguluhan hgehehehehhehehhehe lupet na ha heheheheheheh nice na rin to

Batang Andeng de Ibarra:

kumusta po…baguhan lamang po ako dito…pwede po bang pakilibot mo po ako dito sa mundo po ninyong mahiwaga? SALAMAT PO!!! <3

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

lem:

…ngayon lang ulit ako napadpad sa mundo mo matapos ang mahaba-habang panahon…

panandalian akong nakatakas sa komplikado kong mundo habang nandito ako sa iyong mundo…

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines