Handa ka bang ibigay ang 80 % ng iyong naimpok para sa kabutihan ng nakararami?
Ito ang mga pwedeng isagot:
Oo, ipaliwanag kung bakit.
Hindi, ipaliwanag na rin kung bakit
Anong paki ko, pwede pa ring magpaliwanag, mas mainam.
Muli inihatid ako ng aking damdaming aba sa kalawakan. Nasaan ka na? Dinudurog ang aking puso kapag umuukilkil sa aking balintataw ang ating nakaraan. (more…)
Kapalaran mo ngayong 2010.
Hmmm…hmmmm.hmmmmmmm.Vuker vojek ruvek suker mekeruv. Hmmmm.Hmmmm.
Kawal75: Pinapatawag ka ni Dyosa Esmina, J.Kulisap.
J.Kulisap: Hwak kayo ingay, nakYoyoka ako. Ken’t you si?
Kawal3,984: Pinuno, papatulan ko ‘na to, masyadong maarte, 48 years na tayong nanunuyo dito, choosy pa rin. Sino ba itong hangal na ito? Isa lamang itong ewwww…kaderder na Kulisap.
Pinunong Kawal: Chillax dudey, masyado kang hot. J.Kulisap, nagtext ang mahal na Dyosa Esmina, ipagkakaloob na raw ang matagal mo ng kahilingan. ‘Di ba gusto mong maging tao kahit 30 seconds lang?
J.Kulisap: Ano kapalit kahilingan Esmina?
Kawal8,956,789: Ilalatag mo daw ang kapalaran nya sa taong ito, pati na rin sa kaniyang 800 na jowa.
J.Kulisap: Well, you leave me no choice. Splashhhhh. Vekeruv Nomer Ekervek.
The Rat
Dadagain Ka (Bubuwit)
Para sa mga dinadaga ngayong 2010, lungkot-lungkutan ang drama mo. May pagkapraning ka din pero maninindigan kang maganda at pogi ka the whole year. Magbago na ang mga daga, kung mahilig ka sa keso, itry mo namang kumain ng pusa. Ito pa ang good news, para sa mga sipunin, single at malapit ng maging old na daga, panahon na para umalembong ng bonggang-bongga. Ibig sabihin, kahit may-asawa ka o wala, kailangan mong kumati para mapansin at makahanap ka ng lalandiin ngayong 2010. Mainam na magsuot ng panty kaysa sa brip kung lalake. Sa babae naman, wag nang magsuot ng anumang saplot lalo na sa gabi para presko. Advantage ito sa mga wala ng kalatoy-latoy sa kama. Uy..kinikilig ang pwet.Lucky Charm: Brip ni Superman for her, panty ni Darna for him.
The Ox
Baka lang
Mag-ingat sa sumisipang kabayo lalo na ang pula (nakakalasing) at sa mga bumubuga ng apoy (dragon), masusunog ka, tatalsik ka pa. Para maiwasan ang pakikipagbabag at pagtalsik ng laway, buksan mo ang iyong utak, try mong ipalagare, ‘tas takpan mo ng bao ng niyog, lagyan mo na rin ng zipper para any moment na gusto mong buksan, pwede. Isa lang ang sikreto para hindi ka mapa-away, huwag kang ma-epal lalo na kung ‘di mo alam ang puno at dulo ng kwento. Mag-aaral ka din ng ibang lenguwahe, body language, animal language and plant language pati na rin UFO language para maiba naman ang iyong trip. Medyo sasapian ka daw ni Juan Tamad, kaya aabangan mo na lamang ang ipot na mahulog. Mababaliktad ang pagkatamad kung gagawing tsokalate ang ipot. Tip: Mas masarap daw ang ipot ng pusa kaysa sa aso.Lucky charm: Ngipin ng Tikbalang.
The Tiger
Tigre ka nga ba? Wehh? Di nga?
Taon mo ito dong at day pero hindi ibig sabihin ikaw na ang mamamayagpag, utot mo bilog. May araw ka ring hinayupak ka. Panahon mo para magmagaling at gawin mo ang gusto mo pero mahihirapan ka din, chura neto. Mahigpit na kalaban ang sarili mo, kamusta naman. Magiging malusog na tigre ka daw ngayong 2010. Sa mga may suliranin sa panunaw, tanggalin ang intestines at ilagay sa taynga para iwas sa pagtatae. Maswerteng numero, wala. Hindi pa alam kung ano ang tawag. Asa ka pa. Magtrabaho ka, magsumikap ka. Maligo kahit isang beses lang sa isang buwan.Lucky Charm: Wala rin. Ambitious.
The Rabbit
Ang Kuneho
Ay, kamalas mo namang kuneho ka, ikinalulungkot ko, kahit mag-evolve ka pa, magkapakpak ka pa, kahit na magpatattoo ka pa sa retina mo, wa-epek ang trip mo. Magdusa ka. Aba eh, sinuwerte ka na last year, ‘yong iba naman. Sa lahat ng larangan, medyo malas ka. Para maiba ang direksyon, magtayo ng bagong kulto, magkalkal ng iba’t ibang paniniwala na pwedeng mauto ang mas marami.Matuto kang magtipid, napakabulagsak mo ever. Sa halip na sumakay, try mo naman gumapang, tutal, taon ng kamalasan. Gumapang ka sa lusak. Buhakhak. Maging maingat, gumamit ng proteksyon laban sa paglobo ng mga kuneho. Kalilibog nyo pa naman. Tip: try mo ang ginger,sili-labuyo at higad flavor, mura na matalap pa..yeboy. Gawa sa medyas at supot ng ice candy. Lucky charm: Amoy ng singit, ipunin sa botelya..ipahid sa may ilong kapag may lalakaran.
The Dragon
The Dragon
Para sa mga ipinanganak talagang dragon, panahon na para pumasok sa eskwela. Huwag ka nang matakot kay titser,’di na sila nambabato ng eraser, dinamita na ang pinambabato nila ngayon. Pag-aralan ang Alibata para mas maging matagumpay. Paminsan-minsa’y magpapakawala ka ng apoy mo at pwedeng masunog ang kalaban, go ng go lang, trip mo yan. Minsan maglinis ng taynga para makarinig, umaawas na ang tutuli. Stay positive daw sa lahat ng aspect, positive ang pregnancy test, positive sa HIV, positive sa Cancer, positive na mabubuntis ka kahit 80 ka na. Positive na tibo ang tatay mo, positive na bakla ang future partner mo.Happiness, lumaklak ng syoktong. Kailangan mo daw talagang tumawa, kahit natutulog ka na, tawa ka pa rin ha? Lucky Charm: Balahibo ng Unicorn.
The Snake
Ahas ka Talaga
Ahas ka na nga, matigas pa ang iyong mga kaliskis. Gapang ka ng gapang, try mo namang lumakad. Iwasan ang pagkahumaling sa lahat ng bagay. Madalas kang magwi-wetdreams, hanggang don lang. Mangarap ka ng mas masarap pa don, sobra na yan, abuso ka na. Mag-ingat sa mga pinagtataguan, baka mabulaga ka…huli ka. Mapapahamak ka ng bonggang bongga. Peborit ko talaga ang bonggang bongga. Hahahay. Mainam ding magpalit ng pangalan, maswerte ang pangalang Irsa, Pudong, Lukib,Panyang at Paknutan. Panahon na para mas maging bakaw ka, leche ka..buhay ka pa. Huwag masyadong ilagay sa ulo ang ganda at pagkapogi, feeling mo lang ok pero ok nga siguro. Ewan sayo. Lucky number:12345678941011, kung anong gusto mo diyan, pili na.
The Horse
Petrang Kabayo
Magandang balita mga Kabayo, close na ang San Lazaro at hindi na talahib ang food ‘nyo, bubog na para mas bonggang bongga. Hindi ka na tatakbo, magiging tapang Kabayo ka na lang. Magiging expert ka na sa ngiti mong ngising kabayo. Sinisiguro ko, paeasy- easy ka this year pero next year, tatakbo ka ulit mula Appari hanggang Jolo. Chura mo. Kabayo ka at hindi ka magiging unicorn ever sa buong life mo. Isinusumpa ko. For a change, ipalipat mo ang iyong private part sa noo, mura lang sa akin ka pagawa ha? 75 % discount. Kunin mo address ko sa Chinatown?
The Goat
Meeeh.Meeh.Kambingan
Sa mga ipinanganak na mga kambing, yayaman ka. Sinong piniperahan mo? Sino sugar daddy mo? Sinong bakla ‘yan? Sige gamitin mo ang katawan mo para magkakwarta ka ng limpak-limpak. Sa mga unang tatlong buwan, palpak ang mga desisyon mo, kwidaw huwag mawalan ng pag-asa, magpapogi at magpaganda para manghuthot ng pera. Pera, pera. Mukha kang pera ngayong 2010. Amoy pera ka, kainin mo pera mo. Hoy, fake ‘yan. Mas maswerte ka kung si Madam Auring ang magiging syota mo. O kaya si Mommy D at si Bertang Bakla. Para sa mga girls, alam na, ilang taon na nga si Gov? Si Senator? Mga ganung tipo ha mga ineng, aba lalaspagin mo rin lang ang sarili mo don na sa amoy pera, paliguan mo na lang, huwag ng choosy.Mga haliparot. Lucky charm: 500 years old na banga/tapayan, yong super big. Gawing kuwintas for 400 days.Oopsss, huwag tanggalin.
The Monkey
Unggoy Ka.
Oo, alam kong baliw ka talaga. Walang kalaro, kapag hindi isinali, daig mo pa si Anita Linda at Dindo Fernando sa kakaemote. Mawawalan ka ng mga kaibigan. Pano naman tayo ‘nyan? Wala ka naman talagang kaibigan sa buong buhay mo. Akala mo lang meron pero wala, wala, wala. Chura mo. Kung magnenegosyo, siguraduhing may pera, puro ka balak. Unggoyin mo sarili mo ulol. Sa mga supot, magpatuli ng limang beses, aba katanda mo na, supot ka pa rin. Sa mga unggoy na peborit ang monkey-business, ituloy lamang. Para sa mga babae, mukhang unggoy ang perfect husband. Sagutin mo na. Lucky Charm: Siling labuyo, hindi na uso ang banana..tikman mo ang aking banana..aking banana ay sili pala.
The Rooster
Ang Sasabungin
Anong binabasa mo? May hinihintay ka? Umaasa ka? Tigilan mo yan. Wala kang kapalaran ngayong 2010. Next year naman ha? Maghabol ka sa barangay tanod..Wala nga eh.
The Dog
ASKAL (ASO)
Ngiting aso naman diyan. Kung nais magrebelde sa amo, idaan sa text, ibroadcast mo thru sms, 24 oras ang sending, siguro naman, mararamdaman na ng iyong bossing ang pagrerebelde mo.Maging malikhain, nakakasawa ang dog-style na pagsisigaw sa kalye. Lucky charm: 200 years old na puno ng akasya, itanim sa loob ng kwarto mo.Diligan 24 hours din.Hwak na complain. Gawa na pala swelte.
Ang Baboy
Baboy ka pa rin hanggang ngayon? Anong petsa na? Subukang makipagpalit ng animal sign, try mo muna yong mga ipinanganak sa taon ng mga kambing. Mga uto-uto ‘yon. Lucky Charm: Damtrak, gawin ding kuwintas, huwag na huwag tatanggalin for life. ‘Yan na din ang mitsa ng buhay mo. Lucky charm: 24 million dodo ng langgam.
Pinunong Kawal: Dyosa Esmina, naibigan po ba ninyo ang kaniyang prediction?
Dyosa Esmina: Kasagad, ka sagad sagad guid kay j.kulisap. Ipalayu nyo ina sa akon. Pulbusin yan
J.Kulisap: Esmina, di um thang togwa shung bokenshaw! Hwak tabi ako pilit hula eh.
Dyosa Esmina: Ayaw na ayaw kong mababalitaan na may J.Kulisap pa sa kaharian ko, kahit kauri pa niya. Gawing pataba yan sa mga halaman ko. Wait….hwag na lang..wala siyang sustansya…baka mamatay pa ang mga alaga ko. Tawagin ang isa sa mga dyuwa, paligayahin ako. WI FI ready na ba itong kaharian? Magsearch na lang kayo ng horoscope sa internet.Year of the Tiger ngayon mga kawal. Magpatay ng mga tigre, gusto kong kumain ng kinilaw na tigre. Pwede bang isama ang bolsie ng tigre dong?Sup nambir tin.
J.Kulisap: Wala ka pulos nga tawo, vuker..irkkk…aghhhh.ikkkkk.