KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

BALANSE

January 23, 2010



J.Kulisap:
Nagdadalawang isip kung lalapit sa ama para magtanong. Sumilip ng bahagya sa dahon ng pinto. ‘Tay,ppp-pw-pwede p-po po bang magtan…?!?” Kaba, kaba…urong itlog.

Tatay: Hindi pa man tapos. Umiling kaagad ang tatay ni J.Kulisap. “Mali, sundin mo kami ng nanay mo.”

Nanay: “Kung ayaw mo na, maari ka ng umalis at kalimutan mong may pamilya ka pa. Ilang taon ka na ‘nga? Sengkwenta y dos ka na Kulikuli. Sana hindi ka na lang lumaki, damulag ka, kung hindi kasalanan sa Panginoon, sana..sana..’di kita iniluwal.”

Tatay: “Tingnan mo kami ng nanay mo, ang mga kapatid mo, tingnan mo sila. Gawin mo kaming halimbawa. Huwag kang gagawa ng sarili mong diskarte. Mali ‘yon.”

J.Kulisap: Walang masabi, namimilipit, malapit ng magkarera ang mga luha. Punas ng sipon, singhot. “Pero ‘tay, ‘nay….gusto ko lamang namang…mahalin ko kayo. At…at magpatuli na…po.”

Tatay at Nanay: Nanlaki ang mga mata bago magsalita. Mali ka JKul, kahit kailan wala kang ginawang tama.

Tatay: “Mali ka J.Kulisap.” Halos tumalsik na ang ulo sa kakailing ng tatay.

Nanay: “Tama ang tatay mo, mali ka J.Kulisap.”

J.Kulisap: “Tanggap ko na po, mali po ako…maling mali po ako…dahil kayo po ang mga MAGULANG KO.”

 

Hopyamanipopcorn..huwag munang humikbi mga ‘tol. Drama lang. Epek ba?

 

Siguro naman ang mga mambabasa ko dito ay marunong bumasa pero hindi lahat nakakaunawa. Ilang taon ka na? ‘Yan ang madalas nating marinig mula sa mas nakatatanda sa atin lalo na kung pumapalpak ang ating mga desisyon o plano sa buhay.

 

Sa bawat pagpapalit ng taon, may mga inililista o ipinapangako tayo sa ating mga sarili na gagawin, babaguhin o pag-iibayuhin pa ang mga hindi nagagawa natin para sa ating pag-unlad. Kung nangyayari, bakit hindi nagaganap? Nasaang estado ka na sa puntong ito?.Naghahabol ka na ba ng oras, mapayapang naglalakbay o tuluyan ng sumuko?

 

Ang laman ng dulang (table sa wikang English) sa ibaba ay sinipi ko sa Wikipedia subalit nilapatan ko ng sariling estilo para mas mabilis nating maunawaan.

 

Edad

Kabanalan/Birtud

Krisis Sikososyal

Gabay na tanong para Sarili

0-1

Hope

Trust vs. Mistrust

 

2-3

Will

Autonomy vs. shame and doubt

Can I do things myself or must I always rely on others?

4-6

Purpose

Initiative vs. Guilt

Am I good or am I bad?

7-12

Competence

Industry vs. Inferiority

Am I successful or worthless?

13-19

Fidelity

Identity vs. Role Confusion

Who am I and where am I going?

20-34

Love

Intimacy vs. Isolation

Am I loved and wanted? or Shall I share my life with someone or live alone?

35-65

Care

Generativity vs. Stagnation

Will I produce something of real value?

65 pataas

Wisdom

Ego Integrity vs. Despair

Have I lived a full life?

 

Nasa itaas ang 8 Stages of Psychosocial Development ni *Erik Erikson. Kilala ‘nyo ba siya? Pinakilala sa akin ni Pareng Wiki kahapon.

Kung iisa-isahin kong ipaliwanag ang nasa dulang, tiyak kong manghihikab ka sa pagbabasa nito. Iminumungkahi ko na lamang na sa pamamagitan ng iyong edad o gulang sa kasalukuyan tingnan mo kung NASAANng punto ka na ayon kay pareng Erik. Kailangan mo bang magbalik-tanaw, maghinay-hinay o magbago?

 

Kulang o sobra, negatibo o positibo = WA EPEK.

 

Kung ikaw ay isa ng magulang, hanggang saan ang pagiging magulang mo sa iyong anak? Maselan ang edad mula 0 hanggang 19 na taong gulang para sa isang bata. Balikang muli ang dulang. Kapag ang mga tagapangalaga sa bata ay sumobra o kinulang ng mga pangangailangang pisikal, espiritwal, mental o emosyonal dito na magkakaroon ng krisis sa kaniyang pag-unlad bilang TAO.

Walang perpektong tao pero hindi naman natin hinahanap ang perpektong tao, BALANSE ang kailangan natin. Anupaman, mahalaga ang paggabay sa isang bata para lumaki siyang marunong BUMALANSE. Ang maikling dayalogo sa itaas ay isang halimbawa ng pagmamanipula sa anak. Tradisyunal na paniniwala, ang katwiran, mas alam ng mga magulang o nakatatanda kung papaano mapapabuti ang kanilang anak. Ito ang tanong ko, paano kung ang magulang ay kinulang sa BALANSE ‘nong kaniyang kabataan.

 

Isa pang halimbawa:

 

13-19 taon

Fidelity

Identity vs. Role Confusion

Who am I and where am I going?

 

Si Vajarl (21 taong gulang) ay nalilito sa kaniyang damdamin dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang bestfriend. Paano niya ito ipapaalam sa kaniyang mga magulang? Dapat hindi na siya confused dahil 21 years old na siya.

 

Masalimuot mamuhay sa mundong ito bakit kailangan mo pang makisali? Huwag ka ng maiingit sa iba na sa tingin mo ay matagumpay na kaysa sayo, hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Makakabalanse ka kung makikilala mo ang DISIPLINA.

 

Hindi nakamamatay ang makipag-usap sa mga taong marami ng karanasan sa buhay. Walang masama sa pagbabago kung alam mong mas mapapabuti ka dito. Kausapin ‘nyo si Jess, siya ay mahigit otsenta na, kakatubo pa lamang ng kaniyang WISDOM tooth.

 

Kaya kung may nais ka: “HUWAG MO NG SABIHIN IYO NA LAMANG GAWIN.”-J.Kulisap

 

*Erik Erikson- (June 15, 1902 – May 12, 1994) was a Danish-German-American developmental psychologist and psychoanalyst

 

Posted by kayumanggingdamdamin at 12:52 pm | permalink

Previous Comments

maganda ang tema ng iyong blog.. masasabi ko na sa aking personal na papanaw makakatulong ito sa mga magulang o magiging magulang pa lang kung pano nila palalakihin/idisiplina ang kanilang anak.. para mas gumanda ang buhay nila sa kanilang paglaki… gagawin ko itong basehan sa pag didisiplina sa aking munting CHASE… kung anong antas ba ang dapat kong ituro at ipaintindi sa kanya ng sa ganun ay hindi sya magkaron ng kaguluhan/kagitlahan sa buhay… maraming salamat sa pagbabahagi ng 8 yugto ng Psychosocial Development .. naalala ko nung ako ay nag aaral pa hindi ko iniitindi ng PSYCHOLOGY subject ko…ngayon ko lang napagtanto na mahalaga pala ang subject na ito….

Posted by maribubot at January 23, 2010, 1:45 pm

hehehehe very timely! ito ang pinresent ko sa mga first year high school students noong nagbigay ako sa kanila ng recollection.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 23, 2010, 3:04 pm

Kilala ko si erikson, siya partner ng sony para gumawa ng mga selepon na may walkman. Babalikan ko posteng to pag may anak na ko, o isaulo ko na lang kaya. Ako ba tingin mo jakuli tama sa estado ko ngayon?

Posted by Yin at January 24, 2010, 11:12 am

Agham blog. Matalino ang taong yun. Lalo na mga magulang niya, kasi hindi na nag-isip ng pangalan, tinanggal lang yung son, lol. Supot pa po kayo?

Posted by Wes at January 24, 2010, 1:55 pm

Huweeeeeeeyyyyt!!

Shaks namula ako don ah. Sana hindi sya isa sa mga lihim mong mamababasa. Lol.

Nga pala Lolo J.Kul, ang 8 stages of Psychosocial Dev’t ni Erik Erikson ay hindi na matibay na teyorya sa ngayon. Gaya na sya ng mga theories ni Freud na marami ng nakapagsabi na hindi naman talaga applicable sa tunay na buhay. Sa ngayon.

Siguro nasa panahon na rin yan. Eto ay base lang sa natatandaan ko sa aking pinag aralan, pero ang alam ko kase ay ginawang experiment ni Erik Erikson ang mga anak nya para sa table na to. Which is weird, para sa magulang. And it also violates some scientific research rules.

Or am I talking about the right person?

Anyways, I think what we are and what we go through cannot be explained and should not be tied up with a single table alone. This demonstrates what people go through, generally, but we must also consider how time has changed how people deal with things and with each other that maybe some of the things people believed in before do not hold true anymore. But that’s just what I think.

On a less serious note, ARE YOU REALLY 52 YEARS OLD? I mean, really? I imagined you being older than me, I just didn’t think you’d rival Lola Techie. No offense meant. :P :P :P

Posted by Vajarl at January 24, 2010, 6:07 pm

Sorry, I just remembered. Si Piaget pala yung nag experiment sa sarili nyang anak.

Nakakahiya para sa kakagraduate lang na gaya ko. Hahaha.

Posted by Vajarl at January 24, 2010, 6:11 pm

ang tindi naman nito J.Kulisap … talagang nilagyan mo pa ng talaan ah.. tama ka kung may gusto kang sabihin minsan mabuti pang wag na lang… may naaalala tuloy ako dahil sa post na ito..

Posted by orville at January 24, 2010, 8:32 pm

infairness, mahaba siya sir. hahahaha.

ako ay 19 years old pa lamang kaya andun ako sa stage na yun! haha.
napag-aralan ko to sa class ko last sem. ayun, okay naman yung nagreport, may natutunan ako. haha.

isa sa mahirap kong gawin sa buhay, yang pagbalanse. mahabang kwento pero nahihirapan na akong balansehin ang buhay ko. hahaha. pero alam kong kasalanan ko rin naman.
mahabang kwento eh. dapat personal ang kwentuhan para mas cheesy! haha. :D :D :D
game?

Posted by roger at January 24, 2010, 11:13 pm

Maribubot.

Ako’y naligaw na sa kakahanap ng salitang iyong nabanggit. YUGTO.

Alam kong magiging kapakipakinabang na Pilipino si Chase. Ikaw pa.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 12:42 pm

Talaga Padre Fiel?

Bale baga’y napapanahon nga itong artikulo na ito. Kayo na mga mambabasa at mga ginigiliw na naliligaw ang bahalang umunawa at dumagdag/bumawas ng kulang/labis sa akdang ito.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 12:44 pm

Yinyang, hindi ko pwedeng sukatin ang pagkatao mo, kung magbibitiw man ako ng mga salitang maaring magsunson sa katauhan mo, malamang sa malamang, panghuhula lamang ito.

Malawak na ang iyong pang-unawa, iniiwan ko na sayo ang gawaing makapaglalagay sayo sa kasiya-siyang tagpo ng iyong buhay.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 12:46 pm

Wes, silipin mo nga kung jupot pa nga si Lolo mo? Ikaw, jolina ka na ba?

Matalino nga.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 12:48 pm

Vajarl, Freud, Erikson o Piaget, sino man sila, maaring nakaambag sa pagpapalawak ng karunungan natin tungkol sa paksang pinag-uusapan. Sabi mo nga ay teyoriya lamang ang mga ito, ibinatay sa totoong daloy ng buhay ng mga huminga at ngayo’y nalagutan na ng hininga.

Ang sabi, ang pinakamabisang pamamaraan ng pagkakatuto ay ang iyong karanasan, dito mo pa lamang mabibigkas ang mga noo’y hindi mo nasang-ayunan.

Kung nagbabago na ang panahon, marapat lamang na hindi natin itali ang ating sarili sa panahong damo ang tinitira ng tao, kungdi dapat usok at gomang sunog na dapat. Pagnilayan mo, ang bahaging ito.

Hindi ko kokontrahin ang iyong isinaad, pagpapalawak ng kaisipan ang aking hangad. Salamat sa iyong kaalaman.

Vajee, iba ka…pero bago lumubog ang araw, nais ko’y nakangiting kang hihimlay..dahil pangit ka kapag nakasimangot ka sa iyong himlayan.

Kung sasagutin kita sa huli mong tanong, para mo na akong hinubaran at pinagnasaan Vajee.Hahaha

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 12:55 pm

Uy Orville, para sa mga naghahanap o dati na’y nakahanap pero nakakalimot na.

Balanseng pamumuhay ang pinupunto ko sa bahaging ito ng aking akda, subalit may mga balakid na nagpapabagal ng ating naisin, magkagayon man, ang mahalaga, umuusad tayo.

Ayos ba?

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 12:57 pm

Normal ka pa Roger, huwag munang masyadong dalhin ang buhay. Maglakbay ka, gamitin mo ang iyong talino, sigurado akong..makadadagpa kang buo at pantay pa ang iyong itlog este dangal.

Huwag nating kalimutan na sa kabila ng mga pangyayaring dumadagok sa ating matibay na paniniwala, may kaniya kaniyang oras para sa mga bagay na dapat ay ATIN.

Namnamin mo ang iyong kabataan hijo, hindi na babalik ‘yan.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 1:01 pm

Wahahaha. Sira.

Anyways highways, hindi pa nga ako natutulog. So yang himlayan na yan, iba ang iniisip ko. Iskchurd ako. Lol.

Posted by Vajarl at January 25, 2010, 3:21 pm

hmm, freud yata ang natandaan kong pinag-aralan at maslow din yata…

anyway, mas feel ko ang ginawa mong conversation, naiinis ako pag naririnig ko na mas tama ang desisyon ng magulang kaysa anak…sigoro lumaki lang talaga akong independent… oo may pagkakataong tama ang nakikita ng mga magulang at mahal ko ang mga magulang ko pero pag-umabot ka na sa tamang edad, desisyon parin natin ano ang tatahakin nating buhay.

ipinag-pasalamat kong binigyan ako ng kalayaan ng mga magulang para sa sarili ko… mas madaling tayong matuto kung tayo mismo ay gustong matutunan pano lakbayin ang karagatan ng mga pangarap natin.

ngunit di ko nakakalimutang, andito ako sa mundo dahil sa pagmamahal ng mga magulang ko… kaya kung saan man ako aabot, babalik at babalik parin ako sa kanila.

magandang araw kuya kulisap..

Posted by aninipot at January 25, 2010, 3:36 pm

No matter what my son did, I still love him! J_ _ _ _ _, I love you son, Till death do us part - Marlene Aguilar-(Excerpts from latter’s dramatic statement)

Posted by koror at January 25, 2010, 5:22 pm

ahaha, natawa lang ako sa post mu.. kulit! hehehe

kung may nais ka, pwede mu namang sabihin, peru make sure na gagawin mu!

Posted by pinkdiaries at January 25, 2010, 6:37 pm

“uwag ka ng maiingit sa iba na sa tingin mo ay matagumpay na kaysa sayo, hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Makakabalanse ka kung makikilala mo ang DISIPLINA.”- linya ito ng erpat ko lage sa aming magkakapatid… :-)

at d age of 21 open na open na ako sa mga magulang kahit personal o lovelife ko ndi ako naghehesitate magsabi sa mga magulang ko lalo na sa nanay ko…nagkaroon din ako ng ganung karanasan naconfuse ….na til now confuse pa rin ako…. well, buti nalang parang bestfrend ko ang mga magulang ko kung makipag usap sa kanila…..

nsa hanay ako ng 20-34 na edad …LOVE?.. hehehe

Posted by lhen at January 25, 2010, 8:07 pm

alam ko to! alam ko to! napag-aralan namin iyan eh.haha. gusto ko nga dati sumpain sila erikson, freud at piaget, meron pang isa yung sa spiritual naman, andami kasi nila naiisip na teorya eh, kinakabisado tuloy lahat kapa nag-aaral.haha.

pero isa ito sa mga teoryang naenjoy ko, kasi maaapply mo sa mga kamag-anak mo, o tao sa bahay kaya madaling aralin. ang naalala ko, maaari kang matrap sa isang stage diyan kapag hindi ka ba makamove-on, parang kahit 45 years old ka na, dala-dala mo pa din ung conflict sa nakaraang stage kung hindi mo iyon nalampasan. magulo po ba? ahihi. basta ganoon.

pero tinign ko, halos lahat ng tao may kaniya-kaniyang dalang conflicts sa buhay, kumbaga, wala naman atang perpektong tao na lalagpas sa mga stages na iyan na matagumpay nilang nalabanan ang lahat. iyon lang naman eh pananaw ko, na ayon sa teoryang iyan :D

namiss ko magbasa ng mga blog. grabe.:D

Posted by modernonglapis at January 26, 2010, 12:39 am

Nays!!! ay lab et! ang disiplina ay kaakibat dapat natin sa pang araw araw na gawain o pamumuhay!

kudos kuya Jkul. :D

Posted by topher at January 26, 2010, 6:27 am

Aninipot,

Dapat lamang na magpasalamat tayo sa ating mga magulang subalit dapat bilang anak alam natin ang limitasyon bilang mas nakababata.

Gayon din naman, sa mga magulang,nararapat lamang na gabayan natin ang ating mga anak ng bonggang bongga.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 26, 2010, 12:24 pm

Koror, ang batang choosy.

Sinabi ba ito ni Ginang Aguilar?

Hindi natin masisisi ang isang ina kung itago/ipagkaila niya ang kaniyang anak, higit sa lahat, mas nasasaktan ang isang ina kaysa sa anumang sakit na mararamdaman ng isang anak.
Sa kabilang banda, kaya nga kung anong sama o buti ng isang supling, iniuugnay ang bawat kilos sa pamilyang pinagmulan.

Kung ikaw ang nasa katayuan ni Gng. Aguilar, isusuko mo ba ang iyong anak o ganun din ang iyong gagawin?

Posted by kayumanggingdamdamin at January 26, 2010, 12:31 pm

Pd, may puntos naman.

Bakit ka naman natawa lamang.

Nasabi ko ito dahil kapag tayo ay may mga binabalak, mas malamang ang tipa ng bibig kaysa sa kilos ng kamay para gawin ang mga plano.

Kaya, kung may nais talagang gawin, huwag ng tsumika, gawa na.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 26, 2010, 12:34 pm

Lhen, isa lang masasabi ko..may nagtext..hehehe.

Tama ba ako kung sasabihin kong, natutunan mong bumalanse dahil marunong ding bumalanse ang mga taong nasa kapaligiran mo?

Ngayon di’y dadapo ako sa iyong kuta.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 26, 2010, 12:36 pm

MLapis,
Ayon don sa dulang na ginawa ko, dalawa ang kauuwian, isang bigo at matagumpay.

Tama ka naman na may mga karanasan tayo na nakapagdudulot ng kabiguan, pero naniniwala akong kung lalabanan yan, matutunan na natin ang pagbalanse…’yon ay kung marunong tayong LUMABAN.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 26, 2010, 12:38 pm

Walang anuman Utoy Tupe.

DISIPLINA..saan ba ito nabibili..makapag-imbak, para kapag nararamdaman na ang medyo kaluwagan at walang direksyong buhay, iinumin o kakainin na lang ang Disiplina.

Hehehe.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 26, 2010, 12:39 pm

naks!now lang ako nakabasa ng ganitong blog haha

para kang titser ko noon elementary!LOL

nice entry though,and educational too!

Posted by MAC at January 26, 2010, 12:55 pm

abah?!!! anong alam mo JK?..at MAY NAGTXT? hehehe :-) hmmmm ano alam mo ha ?… hehehe

MAY NAGTXT!!! korek ka jan siguro ung nag txt eh wala sa hulog heheehe wala sa lugar at buti nalang maraming taong nakaalalay sa akin kaya nakapag balanse ako at salamat sa mga taong iyon…. isa na siguro si B3 :-)

Posted by lhen at January 26, 2010, 4:24 pm

maganda ito, naalala ko tinuro samin ito noon. tama lang na ang pagpapalaki sa anak ay hindi basta-basta. dapat may balanse.

gusto ko din yung sa DISIPLINA. Kasi akala ng iba, swerte lang ang mga mayaman. Ang totoo, pinaghihirapan yun. Kahit pinanganak pang mayaman, kung hindi naman marunong magbalanse ng pera, mauubos din yun.

Posted by Pinoy at January 26, 2010, 5:16 pm

*char* natatawa naman ako dun sa charchar mong kwento, pero oo kilala ko si erikson kasi bukang bibig yan sa subject namin sa PSYCHOLOGY OF NURSING, ang nurse na di nakakakilala sa kanya, ay di nurse.. haha.. pero sa totoo lang ayon kay freud isa ding developmental psychologist, sabi niya.

0-18 months yan ang tinatawag na ORAL STAGE. ANG ID AT SUPEREGO ay gawa ng magulang. Napaka dominant sa kanila yung ID..

ang 18-36 months- ANAL STAGE
ito yung part na tinatawag na toilet training..
kung saan ang magulang idinidevelop nila ang paguutos na sa bata. Like for example wag kang iihi sa salawal.. pag super higpit ng magulang, the tendency the child will be OC pag tumanda pwede manyari yun sa kanila. Pag laging sinasabi ng magulang na Dirty yan, Disobedient ka pwedeng maging anti social.

Kaya tama ang mga sinabi mo, na ang magulang kailangan bigyan nila ng karapatan ang mga bata na magdesisyon para sa sarili nila. Iba ang disiplina sa over protected…

Ang dami ko na naman sinabi.. haha.. :)

Posted by walongbote at January 26, 2010, 5:57 pm

yes, ginagamit ko rin ito sa mga recollections ko, lalo na pag mga high school o youth ang audience ko. kasama na rin ang heirarchy of needs ni abraham maslow, ung bintana ni johari…etc.

lately, ang patok ngayon ay psychogenetics. ang pag-aaral tungkol sa value formation ng isang tao through his family line…

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 26, 2010, 9:58 pm

Susuriin ko lamang ang aking sarili batay sa dulang na naipaskil:

0-1: ?

2-3: sabi ng lola ko nuon sa edad na ito madalas ko na raw gawin ang mga bagay na nais ko. (ano bang ginagawa ko sa edad na ito… hmmnnn).

4-6: hindi mabait hindi rin masama… pero masunuring bata. alila ng mga nakatatanda.

7-12: competent ako. sumasali at lumalaban sa maraming paligsahan. pakiramdam ko nuon sa edad na ito may silbi ako sa mundo.

13-19: simula ng pagkabagabag ng aking kalulwa at pagkatao. self-pity. sino ako? wala akong silbi. walang kwenta. maraming gusto, maraming pangarap wala namang ginagawa para makamit ito. pero madalas nag-iisa at nabubuhay sa dilim.

20-35: nandito na ang age bracket ko. am i loved or wanted? tinatong ko na sarili ko niyan. marami naman talaga nagmamahal eh. kaso shall i share my life with someone or live alone? plano ko mag-asawa pero open akong iwan niya ako basta sa akin ang mga anak namin.

36-65: siguro naman… haha!

65 pataas: wish ko lang… pabili rin ng disiplina kung may nabilhan ka na Kulisap. :D

Sa totoo lang… lahat ng nabanggit mo sa dulang ay batayan sa wastong pagpapalaki at pagkilala sa sarili pero sa aking pananaw… basta, magulo ang buhay at kumplikado ang bawat sitwasyon sa isang pamilya at wala ni isang pamilya ang magkapareho ng kalagayan. ako, kinilala ko ang sarili ko at ang mundo sa kalye at sa labas ng bahay…. sa kung kani-kaninong bahay…. pero mas nakilala ko ang sarili ko sa aking pag-iisa.

(haha… wala na ata kinalaman mga pinagsasabi ko. basta, tamang gabay ng magulang sa mga anak at wastong pagpapalaki para mas maunawaan at maging disiplinado ang mga supling hanggang sa pagtanda.)

Posted by anjong at January 27, 2010, 8:02 am

Saan nga ba nabibili yang disiplina? Kelangan ko yan. Saka pabili na ren ng kasipagan. Saka tamang desisyon para sa mga pinoy sa darating na eleksyon.

Posted by Vajarl at January 27, 2010, 8:48 am

Uy Mac, kamusta ka na? Ang laki mo na ah? Anong bitamina mo? Hehehe.

Parang guro ba? May naalala ka lamang kaya nawika mo ang ganun.

Salamat sa pagkaligaw mo dito.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 12:14 pm

Galing ng pakiramdam ko Lhen…talagang may nagtext.

Sige lang, umayuda ng umayuda para ayos.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 12:15 pm

Mainam ang punto mo Pinoy.

Disiplina at tamang pagbalanse.

Totoo ba na kapag mayaman, maramot?

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 12:17 pm

WalongBote.

Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong kaalaman. Ayaw ko ng pahabain ang komento ko, baka may makiminor, baka kung saan pa humantong ito. Hahaha.

Tama ka, iba ang disiplina sa Over protected.

OA ang kinakalabasan.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 12:19 pm

Psychogenetics, isasangguni ko ‘yan kay pareng Wiki Padre Fiel.

Salamat sa pagkakabanggit ng mga iyan.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 12:21 pm

Anjong, batay sa pag-aaral na isinagawa ni J.Kulisap, ikaw ay nakadama ng pagkasabik at pagkalito sa panahong kailangan mo ng karamay at taong makakaunawa sa iyong damdamin, subalit hindi mapunuan ng mga taong pansamantalang kumakalinga sayo dahil mas nauunahan ng iyong pag-iisip ang mga gagawin pa lamang nila, ang kinahahantungan ay ang pagkaawa sa sarili at konting pagrerebelde sa mundo. Minsa’y inisip mong sumabog na ang mundo, pero bigo ka pa rin.
Kung magpapamilya ka, nangarap ka na din lamang, bakit hindi mo ito buuin ayon sa talagang nais mo, kung ikaw ay bukas sa paghihiwalay at anak lamang ang nais na matira, sadyang mangyayari dahil ito ang disenyong nais mong maganap sa buhay pamilya mo.
Ito ay punto lamang ng isang J.Kulisap.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 12:25 pm

Vajee at Anjong, subukan kaya nating magtinda-tinadahan ng mga produktong yari sa Disiplina, kasipagan,pagmamahal, paglimot, pag-iwas at kung anek-anek. Pwedeng prepaid at pospaid card. Yayaman tayo, sinisugardo ko yan.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 12:27 pm

Yes Kuya J.Kul, Un din ang reaksyon ng aking ina, kahit nga daw gaanu kasama ng isang anak, anak niya pa rin yun..

Posted by koro at January 27, 2010, 5:00 pm

Ako’y nagagalak at ako ay napalaki ng aking mga magulang ng tama at may takot sa Diyos.
At ako din naman ay nalulungkot sa tuwing may nakikita ako sa kalye na mga kabataan na pagala-gala lamang at parang wala ng mgandang bukas para sa kanila dahil sila ay hinayaan na ng kanilang mga magulang na pakalat-kalat lamang.
Ako ngayon ay isang magulang na din at baon ko ang mga magagandang asal na natutunan ko sa aking mga mahal na ama’t ina para ipamana din sa aking mahal na unica hija.Salamat sa isa nanamang napakahusay at napaka-gandang artikulo…hanggang sa muli J.Kulisap!!!

Posted by maldita at January 27, 2010, 5:14 pm

jk, Psychogenetics will show you how to examine your mother and father’s adult couple relationship and understand its lasting influence, not only on your attraction, selection, and interactional patterns in your adult-adult relationships, but also its subconscious imprinted effect on your self-talk, family, friends, and career relationships and parenting skills today. it will show you how these learned Inner Couple patterns can be easily unlearned and changed for the better.

interesting di ba?

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 27, 2010, 9:22 pm

Pwedeng sakin i test ang product? Kahit sa kasipagan lang. Haha. Gagawa pa ko ng Home TV Shopping video para sa inyo. :P

Posted by Vajarl at January 27, 2010, 9:25 pm

shall i share my life with someone? hmmm… lemme think.

Posted by timangkey at January 27, 2010, 9:51 pm

Koror,
Karamihan sa atin kapag nakita nating masama ang taong yon, hinuhusgahan natin kaagad, sukdulang isumpa at tanggalan ng karapatan. Tama ang iyong ina, anak niya ‘yon.
Sa kaso ni Ivler at ni Gng. Aguilar, bahala na ang batas natin. Batas na dapat nagpapatupad ng patas.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 28, 2010, 12:31 pm

Maldita.
Maswerte ka dahil nagkaroon ka ng buong pamilya na may mabubuting asal at maipagmamalaking Pilipino.

Kailangan mo pang ipamahagi ang kagandahang iyong natutunan upang sa ganun ay mas dumami pa ang mga taong marunong bumalanse.
Hindi natin kailangan ng Santa, sapat na ang isang mabuting mamamayan ng lipunang ito.
Walang anuman. Salamat sa iyong papuri.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 28, 2010, 12:33 pm

Oo nga padre, napaka-interesting ito. Babasahin ko at susubukang i-apply sa akin ang hatid nitong psychogenetics.

Salamat na muli.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 28, 2010, 12:37 pm

Natest na kita Vajarl, gamitin mo ang Vitamin KS (Kasipagan, generic name) every morning.
Kapag nalunok (imaginary) sabihin lamang tuwing umaga na, magsisipag ka ngayon. ‘Yon lang.

Walang himala di ba? Ang himala ay nasa puso ng Saging? Aw..’Te Nura kaw ba ine?

Posted by kayumanggingdamdamin at January 28, 2010, 12:39 pm

Timangkey, double-meaning ba ito?

‘Kaw, may presyo ka ba kapag nagshare ka? Hahaha.

Salamat sa pagkaligaw mo dito.

‘Yong isang baso diyan sa paminggalan, iyo talaga ‘yan, walang gumagamit.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 28, 2010, 12:41 pm

meron lang akong tanong, J. Kul. Andun ka na ba sa kalagayan na nagtatanong ka sa sarili mo if you have lived a full life? hahahaha! peace!

totoo yung sinabi mo na ang mga magulang, partikular ang mga ina, ang unang nasasaktan kapag nasasaktan ang kanilang mga anak. ngunit naniniwala akong ang pagmamahal ay may kaakibat na disiplina at responsibilidad. bilang mga magulang, dapat tayon ang unang unang didisiplina sa ating mga anak upang sa gayon, wala din tayong pagsisihang gagawin nilang hindi maganda sa kapwa balang araw.

oo nga, masakit nga kay G. Aguilar ang nangyari sa kanyang anak, pero paano ba ang ginawa niyang pagtuturo sa kanyang anak noong ito ay bata pa? hmm…

Posted by kaye at January 28, 2010, 5:07 pm

So much has been said about this so called Pyschosocial development. While it’s true that this could help us in understanding human nature. We could not rely on it as basis for all human behavior/actions. As complex as it is, we are continuously discovering the mystery of how we are able to deal w/ each other in a way that it is appropriate to our age and to society.

Posted by Salome at January 28, 2010, 5:56 pm

unfortunately, new pa lang dito sa pinas ang psychogenetics….

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 28, 2010, 9:48 pm

Kaye, tinatanong mo ako kung nasa punto na ako ng pagtatanong kung ang aking buhay ay katanggap-tanggap at kasiya-siya?

Sa pagbabalanse ng aking buhay, minsa’y nakaka-apak ako ng marupok, inaakala ko rin minsan na matibay ang aking ginagamit dahil yari sa bakal pero may kalawang pala sa loob, kung kaya’t napuputol din ang kagamitan. Pero, kung hindi ko tinanggap ang kakulangan ko bilang nilalang, maaring nasa isang sulok ako ng mundong ito, nagbabato ng mga walang kwentang kaisipan.
Bawat araw ay pagkakatuto sa isang J.Kulisap. Bawat pagkakamali, may inaasahang itatama.

Salamat sa punto mong yan Kaye, disiplina ang kailangan, at ang akmang taong magpapasimula niyan sa pamilya ay tayo mismong mga magulang.

Kung sasagutin kita sa huling tanong mo tungkol kay Ginang Marlen Aguilar-Pollard sa paraan ng pagpapalaki nya kay G. Ivler, paumanhin pero hindi ko kayang tuldukan ang kanilang pagkatao. Maaring may mali sa pananaw natin pero baka sila ay tama sa paraang alam nila ang kanilang pinaniniwalaan.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 29, 2010, 12:13 pm

Salome, ingles na naman ito. Nakakaunawa ka ba ng Pilipinong wika? Sana naman.

Isa lamang itong gabay pero nasa atin pa rin ang pagpapasiya kung anong uri ng pamumuhay ang gusto natin.

Ipinapaunawa ko lamang sa artikulong ito kung paano bumalanse para ayos ang buhay.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 29, 2010, 12:15 pm

Talaga Padre, ibig sabihin hindi mo pa sinusubukang gawin ito tuwing mayron kang recollections o activities?

Nakapagseminar ka na ba?

Posted by kayumanggingdamdamin at January 29, 2010, 12:16 pm

haha. si Pareng Erik, naextra. :) mga life issues nga naman. maganda ang teorya ni Erikson..nang minsang gumawa ako ng pag-aaral sa sikolohiya ng pagbablog, sya ang ginamit kong basehan..pero tama, psychosocial sya. may mga kulang parin..naniniwala rin ako na hindi lang pagpapalaki ng magulang ang nagiging dahilan kung bakit nagiging ganito tayo..biological factors din..kaya, hindi pedeng sabihin na abnormal ang pag-iisip ng isang tao just because nagdeviate sya sa stage na sinet ng isang psychologist. pero, ayun nga, may mga debates pa rin..sina Piaget at Vygotsky, makakatulong din ang stages of development nila sa pagpapalaki ng anak. :) hehe. hala.

ang galing nang pagpresent mo Kuya..naalala ko tuloy ang prof ko sa developmental psych. hehe.

saka dagdag ko lang, hindi naman una-unahan ýan. :)

Posted by bipolarsisa at January 29, 2010, 3:02 pm

Ito ang nagiging problema sa mga nagpapakadalubhasa at nag-aaral, may konting pagtatalo at paghahamon tungkol sa kaalaman at karunungang kanilang pinagtyagaang pag-aralan.

Si Piaget, si Erik Erikson at Vygotsky, may pagkakahawig ang kanilang pinag-aralan pero may mga kaibahan din. Nasa mga mag-aaral na kung papaano nila tatanggapin ang mga pag-aaral at teoryang kanilang hatid.

Maraming salik ang nag-aambag sa paghubog ng kabuuang pagkatao ng isang nilalang,’yon nga lamang kapag nasa murang gulang o wala pa sa wastong pag-iisip ang isang tao, hindi pa naman niya kilala itong sina Piaget, Vygotsky at Erikson, kung kaya’t paninindigan ko pa ring mahalaga ang kontribusyon ng mga tagapangalaga sa mga bata.

Wala akong tanong sa mga sikolohistang nabanggit Sisa, sila ay may punto, may ipinapaunawa.

Salamat sa iyong kontribusyon.

Tama, kanya kanyang oras at panahon.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 30, 2010, 9:56 am

It’s great to be surfing your blog. Ito pa lang nababasa ko, solb na! Kaya babalikan ko pa yung iba!

Pwede ba kitang i-add sa blogroll? Sabagay ilalagay kita sa ayaw mo at sa hindi. Hehe. Salamat!

Posted by carizza at January 31, 2010, 10:22 pm

Uy, may psycho subject, kailan ang exam ne’to?

Posted by Rick at February 1, 2010, 8:01 am

Kumusta Lolo J.Kul? Chillax ka ata these days ah. :P

Posted by Vajarl at February 1, 2010, 12:16 pm

@kayumanggingdamdamin di naman siguro lahat ng mayaman ay maramot. im sure meron silang mga tinutulungang mga orphanage and non-profit organizations. hehe

Posted by Pinoy at February 1, 2010, 5:43 pm

Igan, binuhay mo ang mga maliliit na ugat ng aking pisngi sa katatawa sa ginawa mong diyalogo … Ok ka talaga. napadaan lang. galing!

Posted by pruelpo at February 1, 2010, 6:37 pm

bukas na ang base contest ko jk…

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at February 1, 2010, 8:05 pm

galing ng presentasyon..maliwanag po prog j.kulisap. hehe

Posted by eli at February 2, 2010, 12:31 pm

Carizza, ang babaeng maganda.

Solb ba? Salamat naman kung ganon.

Idinagdag mo na ako? O sige, sige..idadagdag na rin kita.

Laro tayo ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at February 2, 2010, 12:54 pm

Rick…wala pong exam po.

Vajarl, kamusta..dumalaw na ako sa kuta mo. May inaasikaso lamang ako dito sa trabaho. Maganda yong bago mong topic.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 2, 2010, 12:56 pm

Pinoy.

Hindi ko naman nilalahat pero may mga kakilala ako talagang medyo mapait ang pag-uugali. Siguro dahil mahirap ako, kaya nasasabi ko yon. hahaha.

Humanda sila..bukas…bukas..luluhod ang mga.may tuhod.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 2, 2010, 12:57 pm

Pruelpo, igan kamusta na diyan? Maigi naman at natawa ka sa aking dayalogo. Salamat sa pagdaan

Padre Fiel, salamat sa iyong reminder. Wala hindi talaga ako nananalo.Ang daming nakaabang.

G.Eli, hala maghanda ka sa pagsusulit tungkol kay Piaget, Vygotsky at Erikson. Idepensa mo kung sino ang pinakamahusay sa tatlo sa larangan ng paglalaro ng Larong Pinoy.ahihi

Posted by kayumanggingdamdamin at February 2, 2010, 1:00 pm

NeW PoSt nAmaN jAn. NaUuMay Na aKo Sa hAnDa Mu.. PapA Jk!

Posted by Esmina at February 3, 2010, 10:41 am

Ang tagal naman ng bagong topic…gustong-gusto ko na makabasa ng bago at kakaibang article.:-)

Posted by maldita at February 3, 2010, 2:42 pm

Ang galing, ang galing, ang galing! *palakpak*

palaging may kakaiba sa mga post mo. Nakakatuwa! XD

Posted by batopik at February 3, 2010, 9:08 pm

congrats jk sa pagbe-beys mo! naaliw talaga ako sa timecheck mo. wahahahaha. ^_^

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at February 3, 2010, 10:18 pm

Pa beys muna Jkulisap…last beys na ako.

Malaman ang post na ito.

Yung huli naalala ko na….Nike: Just do It!

Congrats agen JKulisap.

Posted by superlolo at February 4, 2010, 7:46 am

daan lang po.. :-)

Posted by pinkdiaries at February 4, 2010, 11:46 am

Kamusta kayong lahat.

Maldita, Esmina, Batopik, Padre at Super L.

Tama: Nike, Just do it. Ito na ‘yon.

Padre, ako ay naging abala ‘nong nagpost ka na.

Wow. Napisipol ako kay Batopik.Palakpakan. Sige pa, utuin mo pa ako.Hehehe. Salamat.

Esmina, huwag ka ng makulit, magbasa ka na lang.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 4, 2010, 1:02 pm

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

kathlyn:

huh iam not cool i am going to tell the truth you are really not prett your ugly

kathleen:

hhahah tnx i don’t think you rcool not really nosebleed huh??

kathlyn:

who the girl named kathleen she is pretty nice huh ahhahaahhah your cute me iam only cool hahahahha

kathlyn:

that my siste ryear ,year of the tiger nice huh??>>>

kathlyn:

i am a filipino i am just from america argentin a add me on facebook hahahahhakathlynkikumoreto23@yahoo.com

kathleen:

^_^ :) ) :) :0)

kathleen:

paki visit tohttp://tl.answers.com/Q/Kwento_ni_amomongo_at_ni_iput_ipot_na_pabula_ng_visaya ohhh ganda :)

kathleen:

mga kablog kablog hhahah chatting meganon hahahahahh hi kua g. kulisap aq si paroparo /butterfly hehehe nice dito visit lng me ulit here ehhh….

kathleen:

hahahaahhahahahaahahamarami bago ngayon ahhh nice tung world natin lahat nuh???!!!:))

kathleen:

grabe lupet :) ang lupet galing nyo proud ngek…….:)) joke….

kathleen:

anong kaguluhan hgehehehehhehehhehe lupet na ha heheheheheheh nice na rin to

Batang Andeng de Ibarra:

kumusta po…baguhan lamang po ako dito…pwede po bang pakilibot mo po ako dito sa mundo po ninyong mahiwaga? SALAMAT PO!!! <3

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

lem:

…ngayon lang ulit ako napadpad sa mundo mo matapos ang mahaba-habang panahon…

panandalian akong nakatakas sa komplikado kong mundo habang nandito ako sa iyong mundo…

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines