KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

PAGSUSULIT

January 14, 2010



Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Kung hindi kayang bilugan, bagsak sa pagsusulit.

 

Kilalanin si J.Kulisap. Noon, ngayon at bukas.

 

1. Noong siya ay nasa unang baytang sa mababang paaralan, natuto siyang magbasa noong mga huling araw na ng pasukan, bumawi noong nasa ikalawang baytang subalit siya ay nasampal ng libro sa mukha ng kaniyang minamahal na guro dahil:

a) hindi siya makasagot sa sipnayan, sadyang mapurol ang kaniyang utak.

b) umepal sa pagbabasa, mas malakas ang boses kaysa sa nagbabasang kamag-aral sa unahan ng klase.

k) maraming mali sa pagsusulit.

d) lahat ng nabanggit.

 

2. Marami siyang natamong mga sugat at pilay sa buong katawan dahil sa kalikutan noong bata pa siya, isa na dito ang sugat sa kaliwang kamay na malapit sa kaniyang hinlalaki na muntik ng mapigtal, dahil dito nag-iwan ng pilat na hugis “J”, ano ngayon ang ibig sabihin ng letrang “J” sa J.Kulisap?

a) Jologs siya?

b) Jolina ba talaga?

k) Jupot pa?

d) Jala sa nabanggit

 

3. Paboritong “artista” si J.Kulisap noong nag-aaral na siya sa mataas na paaralan, sa katunayan, nang mapili siyang sumayaw ng katutubong sayaw, ipinamalas na niya ang professionalism, kahit nabubog/natibo na ang kaniyang paa, umiindak pa rin siya habang tumutulo ang masaganang dugo. Ang hindi niya makakalimutang tagpo ay:

a)      gumanap siyang Basilio, na mas nagmukha siyang Sisa dahil sa suot niyang tuyong dahon ng saging. Posporo na lang ang kulang, magliliyab na siya.

b)      Nanalo ang idinerehe niyang dula pero pinagalitan siya ng kanyang guro sa Social Studies, mali ang narinig ng guro, kaya nagalit.

k)      makakalimuting Lakandula, ipasaulo ba naman ang limang pahina ng balagtasan. Nagmistulang sirang plaka si J.Kulisap, engg..enggg…paulit-ulit.

d)      Apat na taon siyang officer ng Student Council, iba na ang taartits.

 

4. Upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo, naging service crew sya ng:

a) Jollibee, iba’t ibang sangay, naipit din sa mainit na griddle ang kaniyang kamay.

b) Shakey’s, madalas makabasag ng mga baso kapag maraming customer. Pero panis sila sa bilis ’nyang mag garnish ng pizza.

k) tagahugas sa Chopstix tuwing Sabado at Linggo, Intsik ang amo niya dito. Galante?

d) nagtrabaho din sa palengke

 

5. Nagpaikot-ikot sa kahabaan ng Makati at Pasig para humanap ng trabaho pero napadpad sa lungsod ng Quezon, isang ordinaryong manggagawa sa kumpanya ng telekomunikasyon. Ipinakita niya ang mga katangiang ganito:

a) Maagap, mabibilang sa daliri ang pagkakalate ng pasok sa mahigit pitong taon bilang  manggagawa. Huwag irason ang trapik, hindi tanggap ni J.Kulisap.

b) Magpahayag ng nasasaloob sa maayos na paraan, magmungkahi ng dapat kung may sense din naman.

k) Pahalagahan ang mga katrabaho anumang antas, katayuan at pagkatao.

d) Makabuluhang pagkilos hindi lamang sa sarili kungdi para sa bayan. Awwoo.

 

6. Kung nais niyong paibigin si J.Kulisap dalhin ‘nyo siya sa/o

a) anyong tubig- para lunurin ng pagmamahal, don tayo magholding hands,pa-sway sway pa.

b) kagubatan- para ipakain ang inyong alindog, tikman natin habang nagagalit ang mga wild.

k) hanapin mo lamang kung nasaan ang aking kiliti. Clue, (wala sa parte ng katawan)

d) wala siyang karapatang umibig, hindi siya mortal. Ay, bakit naman po?!?

 

7) Sabi nila si J.Kulisap ay:

a) suplado, madaling uminit ang ulo (alin?), hindi palakaibigan at mahirap lapitan, intimidating (huh!?)

b) passionate, intense, funny, serious, excited, hardworking at smart.

k) sincere, crazy, gutsy, peace advocate, helpful at quiet

d) straightforward, moody, baliw, may sayad, crazy, insane, praning, may tama sa utak.

 

8) Mapanganib na nilalang si J.Kulisap kung tatakutin mo siya ng:

a) super pink na pink na bebeng daga

b) ginigilitang manok

k) nagpuputukang firecrackers

d) mga taong animo may ari ng mundo, mabaho din naman ang utot.

 

9) Sumulat ng maikling salaysay tungkol sa isang J.Kulisap (2 pts.)

 

Hal.

 

Si J.Kulisap ay mahal ko, kaya mahal din niya ako.Bahag ang kaniyang buntot, pero may nakakakiliting balahibo.

  

 

 

   

Medyas ko po ‘yan, bag na rin papuntang work.

 

Nakigaya pala ako kay Padre Fiel, Kaye at Superlolo, bersyon ko ng ” Random Thoughts About Me” . Salamat

 

Scoring:

0-3- Isa kang TUTUBING KARAYOM

4-6- Isa kang KULIGLIG

7-9- Isa kang PUTAKTI

10- ALITAPTAP

 

Posted by kayumanggingdamdamin at 12:26 pm | permalink

Previous Comments

engot ako…sinubukan ko ngang bilugan ang mga titik…wahahaha
1.b
2. jokista..hehe, wla lang naisip ko lang
3. e. lahat ng nabanggit
4. c. ang hindi kasali
5. hmmm, mag-iisip muna ako
6. haha, ikaw ay imortal, kaya hahanapan kita ng diwatang kulisap…hehehe
7.d.

haha, talagang pinatulan kita ha,…wala lang, basta pagsusulit sasagot ako….di man sumunod sa panuto….

Posted by aninipot at January 14, 2010, 1:14 pm

may pa-contest ba sa paunahan dito?…..madalas din kaya akong base…hehe

Posted by aninipot at January 14, 2010, 1:17 pm

Grabe…wala akong ma-say sa PAGSUSULIT na ito!!! 2 thumbs up para sa’yo J.Kulisap…nothing compares to you;habang binabasa ko ang article na ito napapatawa at napapa-ngiti ako dahil lahat ng mga naka-sulat dito ay hindi kathang isip kundi naba-base sa tunay na buhay…full of experience and hardship ng isang ordinaryong mamayan.
I’m so proud to this person kasi hindi ko na-experience ang mga ganitong mga pangyayari…at his age nung college years hindi ko naranasan ang maging working student…lahat ay galing sa bulsa ng aking mga magulang;pero itong taong ito nagalugad na ata lahat ng Jollibee food chain sa Maynila…at ang Shakeys…naalala ko tuloy nung misang nagkwento siya na habang gumagawa ng pizza tulo ng tulo ang sipon niya sa sobrang hindi mapigilan nilagyan niya ng tissue ang butas ng kanyang ilong at nilagyan ng scotch tape para mag stop lang ang pagtulo ng sipon baka mapunta sa pizza;nakakatuwa diba!? imagine his one of a kind…Saksi din ako sa pagiging moody at suplado nitong tao na ito…shock absorber din ng family niya kung minsan…tuwing umaga laging may bagong kwento sa office sa mga taong nakakasalamuha sa MRT…Well,ito lang ang masasabi ko…ikaw ay isang halimbawa ng tunay na manggagawang pilipino…I LOVE YOU…HOPE YOU LOVE me too…kahit madalas MALDITA ako.Till then my dear bebe.c”,)

Posted by maldita at January 14, 2010, 1:26 pm

hahaha.. galing mo Kulisap. talagang sinalaysay mo lahat ng napagdaanan mo. matinding pagsusulit ito!!

Posted by orville at January 14, 2010, 3:31 pm

Na excite ako masyado kaya no.8 question tuloy agad ang nasagot ko…Ito po ang mga sagot ko sa ibang question:
1.B
2.B
3.A and K
4.A,B and C
5.Para sa akin ALL OF THE ABOVE kahit wala sa choices
6.K
7.ALL OF THE ABOVE parin po

Pasado po ba ako sa pagsusulit na ito!?Kahit medyo may delay ng konti…Thanks a lot and more power.

Posted by maldita at January 14, 2010, 3:31 pm

What fascinates me is that you remain a mystery until now. Everyday is like a new day with you. And that makes you a person worth knowing. Your imperfection makes you human. Your struggle to maintain a life of simplicity amidst this materialistic world gives hope to people who choose to take the same path as yours.

1. B
2. D
3. K AND D
4. ALL OF THE BOVE
5. ALL OF THE ABOVE
6. A
7. ALL OF THE ABOVE

Posted by Salome at January 14, 2010, 4:00 pm

Wow…very well said Salome! You remind me of someone…Are you related to INDAY BINAYUBAY!?

Posted by maldita at January 14, 2010, 4:18 pm

8. A

Posted by Salome at January 14, 2010, 4:22 pm

Ang sagot ko po sa karagdagang question ay letter “A”…I’m sure and final answer ko po yan.Kahit nakapikit at tulog ako yan po ang kasagutan.Perfect ang exam ko tama po ba ako S’J.Kulisap!?

Posted by maldita at January 14, 2010, 4:23 pm

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8. letrang A!

ahahaha!… ang pink na pink na bebeng daga. :)

Salaysay:

Si J. Kulisap ay buhay at buhay na kayumangging damdamin. Anito ng Lahing Pilipino. hehe… :)

Posted by taga-bundok at January 14, 2010, 11:34 pm

teka, wala namang time pressure eh…
pag-iisipan ko muna ang sagot sa bilang isa hanggang pito… magawa nga rin minsan ang ganito… haha!

Posted by taga-bundok at January 14, 2010, 11:37 pm

gusto kong sagutan un number 8.
a. haha:D
nakakatuwa naman ito, parang lahat totoo eh. hehe joke lang po :P

Posted by modernonglapis at January 14, 2010, 11:48 pm

1. sinigaw nya sa klase ang nickname nya: “J-kul!”
2. yung hobby nya (censored)
3. first experience nya kay ax
4. viva babes
5. sipsip( o sa ingles eh suck)
6. ermita…wait, doon na pala sya nagtrabaho
7. mallit lang daw…
8. *hoy, utot ko mabango!*
9. J-oy to the world ang
K-anta nya sa araw-araw
U-pang ang
L-ahat ay
I-bigin
S-iya kahit ang kanyang
A-anyo ay mukhang
P-utakti!

Posted by Mr. Nonsense at January 15, 2010, 9:18 am

Haha ayos ito JKulisap…salamat sa special mention.

Teka kukuha muna ako ng eksam.
1.B
2.D
3.B&D
4.All
5.All
6.K
7.All
8.All
9.Salamat sa friendship dito sa blogosperyo. Kakaiba ka.

Salamat din sa pagshare kung sino si Jkulisap.

Posted by superlolo at January 15, 2010, 10:58 am

Panawagan para kay AX, tila yata nangangamote sa pag-iisip sa pagsusulit na ito.

Posted by Paquita at January 15, 2010, 12:20 pm

Ako’y napapaumi sa mga sagot ninyo dear bloggers and visitors.

Thank you na lamang muna ang masasabi ko.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 15, 2010, 12:47 pm

Hi j.Kul! sige subukan ko ha!

1.B
2.K
3.K
4.B
5.A
6.K
7.D
8.B
9.astig mag-tagalog! naks naman!

heheh o tama ba ko sa karamihan? heheh! hinay hinay lang ser lagi! at nasa larangan ka pala ng lomunikasyon? galing ah!

Posted by bongkito at January 15, 2010, 2:29 pm

1. B
2. D
3. A
4. A
5. A
6. K
7. A
8. D
9. Si Kuya JK ay isang misteryosong nilalang. Umiibig. Nagpapalaya.

Hahaha.

Posted by bipolarsisa at January 15, 2010, 4:47 pm

hehehe jk! jk! hali ka nga dito (nagtatago sa door)

(lalapit si jk)

may surprisa ako sa yo…

teka jk, may kasama pala ako…

(biglang lalabas si brother hamster)

jk, pikit ka muna…

(pipikit si jk)

andito na…open your eyes jk…

hehehe bebeng daga na pink na pink for you!!!

nyehahahaha.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 15, 2010, 8:45 pm

si ax din gusto ng supresa

jk: k ax meron din ako para sa yo

sabay pikit ang mata ni ax

pinitik ni jk itlog ni ax

ngiti si ax

ngiti ang pink hamster

nag-bless ang pare…

Posted by Mr. Nonsense at January 16, 2010, 9:01 am

Aninipot,Maldita, Salome, Paquita, Orville, Mr.Nonsense,Bongkito, Tagabundok,Superlolo,ModernongLapis at Padre Fiel.

May mga tama naman sa inyong sagot pero wala pang nakakakuha ng perfect score.

Salamat.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 16, 2010, 9:46 am

1. B, pabida effect si Lolo J.Kuliparots. Bibo kid, may future sa pulitika.

2. K, ayoko na i explain *blush*

3. A, actually ever since naman ehinimagine na kitang kamukha ni Sisa. Haha. :P

4. Nabother ako sa paghuhugas ng chopsticks. Waaaaah! Hindi na ko kakain gamit yaaan! Dahil hindi naman ako marunong. Hahaha.

5. Pulitikong pulitiko sa D ah. Haha.

6. Kung wala sa parte ng katawan mo ang kiliti mo kiliti pa ba yon? Oh baka naman nakikiliti ka pag may nakikita kang nagkikilitian? Haha.

7. D. D. D. D. D. :P

8. OMG gusto ko makakita ng pink na daga! Hahahahahah!

9. Si J. Kuliparots ay gagayahin ko sa post na to. Gagawa ren ako ng ganto. Beeehlat! Hahaha.

Posted by Vajarl at January 16, 2010, 11:34 am

teka, itu naba random thoughts about you?! sows!

o sya teka exam muna ako ha?!

1.d
2.a
3.a
4.d
5.d.
6.natawa ako sa letter d, kaya yan ang sagot ko! toinks!
7.sana letter b, naks!
8.k
9.ahaha, comedy naman picture sa # 9! si j.kulisap ay hindi ko lubusang kilala, kaya wala ako idea about sa kanya!

ang aking sagot ay pawang hula lang, peru sana may tumama! hehe

Posted by pinkdiaries at January 16, 2010, 7:08 pm

1. b) umepal sa pagbabasa, mas malakas ang boses kaysa sa nagbabasang kamag-aral sa unahan ng klase.

2. d) Jala sa nabanggit (Syempre alam ko kasi ka-email ko tong si G. Kulisap)

3. b) Nanalo ang idinerehe niyang dula pero pinagalitan siya ng kanyang guro sa Social Studies, mali ang narinig ng guro, kaya nagalit.

4. a) Jollibee, iba’t ibang sangay, naipit din sa mainit na griddle ang kaniyang kamay.

5. a) Maagap, mabibilang sa daliri ang pagkakalate ng pasok sa mahigit pitong taon bilang manggagawa. Huwag irason ang trapik, hindi tanggap ni J.Kulisap.

6. b) kagubatan- para ipakain ang inyong alindog, tikman natin habang nagagalit ang mga wild. (natawa ko pramis)

7. d) straightforward, moody, baliw, may sayad, crazy, insane, praning, may tama sa utak.

8. a) super pink na pink na bebeng daga
(SURE NA!!!)

9. Si Ginoong Kulisap a.k.a. G. Kulisap ay isang matalinong bata, malalim mag-isp, alam nya kung paano hulihin ang kiliti ng mga mambabasa. Malalim syang magtagalog na halos 30% ng mga sinusulat nya ang nahihirapan akong intindihin dahil sa lalim.

ilan points ko G. Kulisap?

Posted by jason at January 17, 2010, 10:23 am

arf.

Posted by Akso at January 17, 2010, 12:26 pm

hehe, ayoko sumagot. aw.

Posted by kehoe at January 17, 2010, 1:37 pm

ako nga makikisagot na rin.
1. b
2. d
3. a
4. a
5. k
6. b
7. k
8. a

ilan ang tama ko jk?

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 17, 2010, 9:58 pm

1. b
2. d
3. k
4. a
5. lahat pero gusto ko yun a at d
6. k eto ang gusto minsan, yung hinahanap pa. Challenge. Hula lang hehe
7. a
8. a - dahil nabasa ko na ito sa comments section. Di ko lang alam kung kaninong blog.
9. Si J.Kul ay hindi pwedeng maging titser dahil mahirap siyang magbigay ng pagsusulit. Minsan hindi mo maintindihan pero parang lalansihin ka ng mga ibibigay niyang pagpipilian, mukhang tama lahat pero baka isa lang pala ang totoong sagot.

Haynaku. ang hirap naman!

Posted by lababo at January 18, 2010, 8:47 am

Kinalabasan ng pagsusulit.

Pangalan Puntos/Marka
1) Aninipot- 2
2) Orville- 0, hindi nag-exam
3) Maldita- 6
4) Salome- 9
5) Tagabundok- 3
6 ModernongLapis- 1
7) Jess- 2
8) SuperLolo- 7
9) Bongkito- 3
10) Bipolarsisa- 4
11) Vajarl- 4
12) PinkDiaries- 2
13) Jason- 5
14) Padre Fiel- 3
15) Ax- saling-aso, dalhin ang magulang sa principal
16) Lababo- 5.5

Sa unang pangkat, si Salome ang nakakuha ng pinakamataas na puntos (9 pts), sinundan ni Superlolo na may 7 puntos at si Maldita ang nasa ikatlong pwesto na may 6 puntos.

Balikan ang inyong kauring mga kulisap sa itaas ayon sa inyong puntos.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 18, 2010, 12:54 pm

Bakit hindi ako perfect!?!
Alam ko naman na nsagot ko lahat ng tama ang mga katanungan mo Ginoong J.Kulisap…Jejeje

Posted by maldita at January 18, 2010, 12:55 pm

January 18, 2010

Dear Mr. J. Kulisap:

Please excuse Mr. Bong Tari from taking the examinations in this subject until he has finished his pending works at the office.

Thank you very much for your kind consideration.

Very truly yours,

Boss ni Taribong

Posted by Boss ni Taribong at January 18, 2010, 12:57 pm

1. a
2. a
3. a
4. a at b
5. a
6. a
7. a
8. a
9. si j. kulisap ay isang kaibigan… marami sya nun pero ang alam nya wala syang kaibigan…

Posted by maribubot at January 18, 2010, 1:01 pm

Iba talaga kapag katabi mo ang bangko ni Kulisap. Subalit, ako ay may apila. Nakalimutan ata ni Kulisap na mas may nalalaman ako sa nakaraan niya kesa sa kanyang sariling pagbabalik-tanaw.

Posted by Salome at January 18, 2010, 1:03 pm

Ang galing mo Salome…top notcher ka pala ha!? pero isa kang putakti?! jejeje…ako naman sa aking score ako raw ay isang kuliglig…maingay yun sa gabi diba!?! nyahahaha.:-)
Maraming salamat sa’yo bebe J.Kulisap sa iyong pagsusulit…isa itong challenge sa ating lahat.

Posted by maldita at January 18, 2010, 1:07 pm

Huuuweeeyt! Akala ko ako ng nagwagi? Isa pala akong kuliglig! Haha. Pero infernes naman masaya naman maging kuliglig (parang mna try ko na eh).

Ano nga uli tsura non?

Posted by Vajarl at January 18, 2010, 4:00 pm

weeehiw! 5.5??? partial points o! may problem solving ba at nakakita na naman ako ng 0.5 na score? hanggang dito ba naman?? (lugmok na emoticon)

Sayang muntik na akong manalo. hehe

Posted by lababo at January 18, 2010, 4:07 pm

1. d) lahat ng nabanggit.
2. d) Jala sa nabanggit
3. a) gumanap siyang Basilio, na mas nagmukha siyang Sisa dahil sa suot niyang tuyong dahon ng saging. Posporo na lang ang kulang, magliliyab na siya.
4. a) Jollibee, iba’t ibang sangay, naipit din sa mainit na griddle ang kaniyang kamay.
5. b) Magpahayag ng nasasaloob sa maayos na paraan, magmungkahi ng dapat kung may sense din naman.

6. k) hanapin mo lamang kung nasaan ang aking kiliti. Clue, (wala sa parte ng katawan)

7. d) straightforward, moody, baliw, may sayad, crazy, insane, praning, may tama sa utak.

8. d) mga taong animo may ari ng mundo, mabaho din naman ang utot.

9. HI J.KULISAP
saan ka ba pinaglihi ng ina mo, bakit ang kulit mo? saka bakit ko kailangan sagutin ito? bibigyan mo ba ako ng BAHAY AT LUPA? kung hinde.. sayang naman ang hirap ko sa pagsagot ng mga Q&A na ito.. lol

Posted by walongbote at January 18, 2010, 4:14 pm

ano? tama ba lahat ng sagot ko?! hehehe

Posted by pinkdiaries at January 18, 2010, 4:16 pm

hala. G. Kulisap kasama na ba sa points ko ang essay sa number 9?
Ambaba ng grade ko.

Posted by jason at January 18, 2010, 4:18 pm

wahaha…mataas na ba ang 2?… ok narin kaysa zero…hahaha, natatawa parin ako na may puntos kahit di ako sumunod sa instruction…hehehe

Posted by aninipot at January 18, 2010, 4:30 pm

wwahahaha, ayun na pala ang marka ko, hindi kopa nakita sa sobrang taas! lol!

salamat, atleast may marka! hehehe

Posted by pinkdiaries at January 18, 2010, 5:03 pm

Mahal na Boss ni Taribong,

Ipinaalam ko po sa pamunuan ang pagliban ni Bong Tari, pumayag naman subalit magdadala daw po kayo ng isang manok at isang dosenang itlog para sa principal.

Makakakuha siya ng pagsusulit.

Lubos na gumagalang,
J.Kulisap
Principal- Lubaklubak Elementary Skul

Posted by kayumanggingdamdamin at January 18, 2010, 5:53 pm

Maribubot at WalongBote,

Kasalukuyang tinitingnan ang inyong mga sagot pero maraming mali. Tsk..tsk.Ipapaalam sa madla ang mga kamalian ninyo sa mga susunod na araw.

Don sa mga unang pangkat, na nalaman na ang kanilang nakuhang puntos, salamat.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 18, 2010, 5:55 pm

Nakaligtaan mo po ang yeso at pambura.

Posted by Salome at January 18, 2010, 5:56 pm

akala ko perfect ang score ko. tsk. haha. bagsak pala.

Posted by bipolarsisa at January 18, 2010, 6:57 pm

ahahahaha, 3!!!

at nakikisali na rin ang boss ni taribong…

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 18, 2010, 9:46 pm

isa sa mga natutunan ko sa buhay ko, ang sumunod sa mga panuto. kaya susunod ako sa panuto. bagsak na ako kasi hindi ko kayang bilugan yung mga titik na nasa pahinang ito! hahaha.

but i always say to myself, ‘defy roger, defy’. im still working on it though. haha.

kaya pasesnsya na. bagsak ako sa pagsusulit. hindi ka makatarungan! haha. :D

Posted by roger at January 18, 2010, 10:37 pm

hala!

akala ko pa namam walang time pressure.
ngayon ako bumalik para sagutan ang nalalabing tanong na hindi ko sinagutan…

isa akong tutubing karayom… may naalala tuloy ako. :D peude ba magre-take ng eksamin?!

Posted by taga-bundok at January 19, 2010, 5:59 am

kasagutan sa pagsusulit ni Kua K. KUL

1. b
2. a
3. a
4. b
5. a
6. a
7. b
8. a
9. Isang henyo…

Posted by koror at January 19, 2010, 10:47 am

errarum: J. KUL

Posted by koror at January 19, 2010, 10:48 am

Abnormalites ka @Junjun. Hahahaha. Kaya mo naman bilugan yan eh, try mo whiteboard marker. Kahit na hindi yan white board. Pramis, pwede yon. Dali!!

Posted by Vajarl at January 19, 2010, 10:48 am

Para kina:

Salome. Ang yeso na nakakaan-an, at ang lumilipad na eraser sa mag-aaral na hindi nakikinig o nakikipagdaldalan sa katabi. Deja Vu.

Sisa, oo nga, bagsak po. Pwedeng re-take.

Padre Fiel, 3 lamang nakuha mo? Oo, sumulat ang boss ni Tari. Siguro pinarusahan ng boss. Hahaha.

Little Roger, huwag ka ng umangal. Hala sagot. Tama si Vajee, mag whiteboard marker ka na lang.

Anj, sige pinapayagan kitang magretake. Ano ang naaalala mo sa tutubing karayom? Tinatalian mo rin ang buntot para hindi makalayo?

Koror, hahaha. Errarum ka diyan, nagmamadaling tumipa?

Vajee, si Roger, nagmamaasim. Ayaw sumagot.Hahaha

Posted by kayumanggingdamdamin at January 19, 2010, 12:15 pm

isa sa pinakamahirap na test na natake ko. haha. nagpapatunay ang pagbagsak ko sa pagsusulit na ‘to na kahit isa akong psychology graduate ay hindi ko pa rin kayang ‘manghula’ ng personalidad ng isang tao. in short, hindi effective! haha.

Posted by bipolarsisa at January 19, 2010, 1:34 pm

hmmm, maraming salamat at may permiso akong magre-take ngunit di na po ako uulit sa iyong pagsusulit, ginoong kulisap… ang ibig sabihin po ng score na nakuha ko ay kelangan pa kitang kilalanin… at mahabang panahon ang kelangan para ikaw ay lubos na makilala.

Posted by aninipot at January 19, 2010, 2:24 pm

Hahahaha…alam ko din ang kwento ng chalk at eraser dahil paulit-ulit itong napag-uusapan!!!Nyahahaha…hindi pwedeng kalimutan ang karanasan tungkol sa chalk at eraser.

Posted by maldita at January 19, 2010, 4:09 pm

ayaw gumana ng mouse ko, di ako makagawa ng bilog. :-D

nice blog. tnx pala sa pagdaan sa aking site.

Posted by neilpogi at January 19, 2010, 5:56 pm

nakapag-review na ako…
at dahil hindi ko naman sinagutan ang bilang isa hanggang pito… eto na. hehe… sana may tumama. :D

1. B
2. D
3. A
4. Puede bang lahat?!
5. Lahat na rin siguro.
6. K
7. A, B, C at D na rin.

sagot ko nung unang eksamin…

8. A

Salaysay:
Si J. Kulisap ay buhay at buhay na kayumangging damdamin. Anito ng Lahing Pilipino.

(ang tutubing karayom nagpapa-alala sa akin ng aking kamusmusan… tama ka, tinatalian sa buntot para di makalayo… ang sarap ng pakiramdam kapag naghahanap at nahahabol kami nuon… nuong buo at magkakakilala pa kami ng mga pinsan ko…)

Posted by taga-bundok at January 19, 2010, 8:38 pm

kulisap taas pala ng alexa ranking ng site mo.. tagal na siguro ng site na to..

Posted by orville at January 19, 2010, 9:12 pm

Ito na ang resulta ng pagsusulit
Pangalan Iskor
Maribubot 4pts
Walongbote 3pts
Koror 4pts
Tagabundok 7pts pero dahil re-take, 3.5 na lamang.
Roger 0- nagrebelde sa guro
Aninipot binigyan ng tsansa pero minabuting huwag kumuha, mas takot bumagsak

Posted by kayumanggingdamdamin at January 20, 2010, 8:21 am

ako rin sasagot muna (sorry na at ngayon lang ako nakadalaw dito. buti na lang, dahil baka lalo akong mabokya kung di ako nakakuha ng pagsusulit)

1. B (sobrang napahagalpak ako dito sa choice na to kaya ito ang sagot ko)
2. D
3. A
4. A pero bakit parang tunog kandidato yung huling choice? nakaligo ka na rin ba sa dagat ng basura?
5. A
6. A
7. all of the above?
8. A! ito, talagang sure na sure ko. kaya nga di sila pwedeng magkita ng kapatid kong si hamster eh. hahahaha! pink na pink na bebeng daga! hahaa!
9. Si J. Kulisap ay isang masayang kabalitaktakan at kaututang dila. Marami siyang sinasabi at kahit pa man ang iba rito ay walang kwenta, kapupulutan pa rin ito ng aral na maganda. (ha? pwede ba yun?

o sha, ano kayang score ko? at least may sigurado na akong tama sa sagot ko. hahahaha!

Posted by Kaye at January 20, 2010, 1:35 pm

kung sasagutin ko yan for sure mananalo ako…

kala mo hindi kita pinapasyalan noh… ingat lage

Posted by livingstain at January 20, 2010, 5:10 pm

Kaye, naka 7 puntos ka. Hmmmm…patingin ng kodigo. Ilabas, ibuka mo ang palad, ano yang nakasulat diyan.

Alvin hijo, saan ka nagagawi? Kamusta ka na? Ano na ang balita? Bakit ayaw mo ng pumasok sa buladaspir iskul, may nang-aaway ba sayo ha? Sumbong mo kay Lolo J.Kul,paluluhurin ko sa bilaong may asin.

Anj, ibinabalik lamang kita sa nakaraan, nasa isip at puso ang mga pangyayaring hindi nalilimot ng panahon. Masarap magbalik tanaw.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 20, 2010, 5:50 pm

haha..ayos to ah.

saka na ako sasagot sa mga tanong. apura mode. haha random lang din ang binasa ko.
8. a & d.

9. si j kulisap ay isang mabuting kaibigan. nagpapa-icecream siya at madalas magpainom.

ayos yong bag mo ah. magaya nga rin.

Posted by eli at January 21, 2010, 8:22 am

Kamusta Eli, si Busyok kamusta rin?

Apura- ayos yan, may hinahabol ba?

Salamat sa pagdaan

Posted by kayumanggingdamdamin at January 21, 2010, 12:20 pm

Pakiramdam ko kasi zero ako sa pagsusulit n’yo maestro JK. Kaya di ko na sinagot ang mga tanong sa taas para di masabi na nandaya ako…hehehe.

Maestro JK, ang dami pa palang pinipirmahan dito bago mag submit ng comment.

Posted by pruelpo at January 21, 2010, 3:30 pm

Bokya ka ba Pruelko? Matapat na mag-aaral. Naiintindihan ko dahil unang bisita mo pa lamang dito sa aking kuta.

Oo, marami talagang kailangang pirmahan dito, hindi katulad sa WP, mabilis.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 21, 2010, 5:49 pm

nagpunta na ako sa blog ni taribong! nakapag-special exam pala siya!

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 22, 2010, 6:49 pm

Hindi po ako nagreview…. pwedeng pakopya?

Nice naman! kakaiba parang unique na different at tipong one of a kind si Jkulisap!

Posted by Dormboy at January 22, 2010, 6:58 pm

ano, sino na highest sa exam?

Posted by ron at January 23, 2010, 2:19 am

Para kina:

Eli, may 2.5 puntos ka sa pagsusulit.

Padre Fiel, oo binigyan siya ng special exam kaya lamang ayaw pumasok sa klase dahil walang dalang itlog at manok, sabi nga ng principal talbos ng kamote at malunggay na lamang. Hehehe.

Dormboy, ‘yan ang sinasabi ko sayo, sayang ang pinapabaon ni nanay at tatay mo, papakopyahin kita pero libre mo ako recess ha? Bibigyan kita ng 2 puntos sa maiksi mo pero nagustuhan kong salaysay tungkol kay J.Kulisap. Salamat sa pagdaan.

Ron, si Salome ang may pinakamataas na nakuha.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 23, 2010, 8:06 am

grabe ang hirap ng iyong mga katanungan,
1 D
2. D
3. A
4. A
5. B
6. K
7. A
8. A
9. Si Kuya JK ay isang misteryosong nilalang. Umiibig. Nagpapalaya.

Posted by jonathan at January 23, 2010, 12:08 pm

palpak naman tong test mo…lahat bagsak! wala kang kwentang teacher.

Posted by Mr. Nonsense at January 23, 2010, 12:47 pm

Kamusta Jonathan, saang lupalop ka man nanggaling, salamat sa iyo.

Nakisagot ka pero hindi ka pa yata nag-enroll sa klase ko, kaya 3 puntos lang nakuha mo..sana..kaya lamang yong salaysay mo kinopya mo kay Sisa….dahil diyan may nagtext…1 point ka na lang. hehehe

Posted by kayumanggingdamdamin at January 23, 2010, 12:48 pm

Kung wala akong kwentang teacher, bakit may kwenta ka ba?
Kaya ka dito ipinasok sa akin ng mga magulang mo dahil patapon ka na. Buhakhakhak.

May araw ka din Jess, sa 2012..magkikita din tayo.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 23, 2010, 12:50 pm

Sagot ko sa mga tanong, lahat ng nabanggit ay nangyari, kung may halaw man sa imahinasyon eh may hawig pa rin sa katotohanan. Tama ba j.kul? Sanaysay?
Si j.kul kelan lang binigay niya yung premyo ko sa patimpalak niya yung titik pasko, aklat ni herman melville na moby dick, tapos t-shirt (ano tagalog ng t-shirt, baro ba?) na may mapa ng pilipinas sa dibdib, hindi nga lang accurate kasi wala ang mga isla ng batanes. Pero sa simpleng pinakita niyang yun, sinadya pa niyang hanapin yung aklat, hiniling ko kasi, hehe, maraming salamat. At saludo ako sa iyo, purihin ka. Andami ko natutunan tungkol sa iyo sa pamamagitan ng poste’ng ‘to, pati na rin sa kasipagan. Mabuhay ka. Pinili kong dito ilagay ang tungkol sa premyo’ng hinandog mo, para sa mga taga-subaybay mo. Ngayon lang ulet ako naligaw.

Posted by Yin at January 24, 2010, 11:31 am

Ganun ba Yin? Wala ang isla ng batanes sa mapa?Sadyang pinatanggal ko pare, dahil mismong ang lugar ng Batanes ang ipapadala ko sa iyo.

Kailangan ko na bang isarado ang pagsusulit na ito?

Hindi na siguro, inilalaan ko sa mga taong nais akong kilalanin kahit na sa virtual world lamang, may mga ilang nakakalapit sa akin…akala nyo lang wala pero isa lang masasabi ko…binabalik balikan ako…siguro isa akong masarap na kulisap..iba-iba ang putaheng niluluto ko, nakasalalay 'yan sa panlasa mo.

Masipag nga ba ako? Kailangan nating magsipag, kung hindi ko naranasan ang mga makukulay na tagpo, itim lamang ang pwede kong iaalay sa inyo.

Pakisingit ang humihikbing aykon sa pagbabalik ni Yin..akala ko pumanaw na.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 24, 2010, 11:45 am

Bwahaha, hindi mamamatay ang diwa ni yin. Sapilitan kong iiwan ang mga pururot ko senyong lahat.

Posted by Yin at January 24, 2010, 12:32 pm

Ako’y alipin ng iyong pururot kung gayon.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 25, 2010, 12:39 pm

dahil sa mapagpatol ako:

1. B
2. B
3. K
4. A
5. B
6. A
7. B
8. D
9. “Kerev top virek voktep tirepovtek, erev evetvekrerov rivek…” (kulisap ba to o palaka?)

Posted by Yvar at January 27, 2010, 4:45 pm

Uy si Yvar, kumuha ng pagsusulit at ikaw ay mayrong 4 na puntos.

Kulisap na isinumpang maging palaka.

Salamat sa iyo Yvar.

Avisala ylangre.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 27, 2010, 5:34 pm

Si bas…

Posted by yvar at January 27, 2010, 5:48 pm

magaling…. magaling…
ang taba ng utak mo…
promise, tawa ako nang tawa… saan mo hinuhugot ang lahat ng yan?

Posted by MD at February 11, 2010, 1:14 am

MD.

Ikaw ang magaling, natawa ka eh.

Mataba? Wow bawawaw.

Kinukuha ko ito sa aking karanasan. Sa ating lipunan, sa mga taong nakakasalamuha.

Salamat sa iyong pagdalaw.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 11, 2010, 5:46 pm

I guess that to receive the loan from creditors you must present a firm reason. However, once I’ve got a car loan, because I was willing to buy a car.

Posted by BritneyBAKER at May 12, 2010, 4:11 am

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

kathlyn:

huh iam not cool i am going to tell the truth you are really not prett your ugly

kathleen:

hhahah tnx i don’t think you rcool not really nosebleed huh??

kathlyn:

who the girl named kathleen she is pretty nice huh ahhahaahhah your cute me iam only cool hahahahha

kathlyn:

that my siste ryear ,year of the tiger nice huh??>>>

kathlyn:

i am a filipino i am just from america argentin a add me on facebook hahahahhakathlynkikumoreto23@yahoo.com

kathleen:

^_^ :) ) :) :0)

kathleen:

paki visit tohttp://tl.answers.com/Q/Kwento_ni_amomongo_at_ni_iput_ipot_na_pabula_ng_visaya ohhh ganda :)

kathleen:

mga kablog kablog hhahah chatting meganon hahahahahh hi kua g. kulisap aq si paroparo /butterfly hehehe nice dito visit lng me ulit here ehhh….

kathleen:

hahahaahhahahahaahahamarami bago ngayon ahhh nice tung world natin lahat nuh???!!!:))

kathleen:

grabe lupet :) ang lupet galing nyo proud ngek…….:)) joke….

kathleen:

anong kaguluhan hgehehehehhehehhehe lupet na ha heheheheheheh nice na rin to

Batang Andeng de Ibarra:

kumusta po…baguhan lamang po ako dito…pwede po bang pakilibot mo po ako dito sa mundo po ninyong mahiwaga? SALAMAT PO!!! <3

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

lem:

…ngayon lang ulit ako napadpad sa mundo mo matapos ang mahaba-habang panahon…

panandalian akong nakatakas sa komplikado kong mundo habang nandito ako sa iyong mundo…

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines