KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

Marinduque

January 5, 2010

 

Ang larawang nasa itaas ay isa lamang sa maliit na isla sa Marinduque. Malapit ito sa pantalan ng Balanacan.

 

           Iginugol ko ang kalahati ng aking buhay sa isla ng Marinduque. Dito ako humabi ng mga pangarap pero itinulak pa ring makipagsapalaraan sa kalakhang Maynila.Kung susuriing maigi sa mapa ng Pilipinas, inilalarawang hugis puso ang islang ito. Ito daw diumano ang puso ng ating bansang Pilipinas.

 

Ipapasyal ko kayo sa aking lalawigan. Ang Marinduque. Tara, galugarin natin ang Marinduque.

   

Mamili ka, barko, dyip o kalabaw? Lahat ‘yan, sinasakyan. Nakakasakay ka na ba sa kalabaw? Sa dyip na namumulaklak sa mga tao. Bihira ang byahe kaya ganyan.

   

Ang malawak na palayan na pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga tao sa amin. Ang lusong at halo ay ginagamit pa rin ng ilan para mabayo ang palay, nilupak at iba pa. Ang tapayan o banga na mas matanda pa sa akin. Malamig ang tubig diyan.

   

Ang kuweba na pinagkukunan ng inuming tubig ng mga kababaryo ko. Ang aming tree house at ang mahigit sa 400 years old na simbahan sa Sta. Cruz, isa sa bayan ng Marinduque.

Dati rati’y nais mong lumayo para makamtan ang halina ng iba pero magbabalik upang hanaping muli ang yakap ng bayang sumisinta. -J.Kulisap-

Ang mga larawan ay kuha ng inyong lingkod.

Posted by kayumanggingdamdamin at 12:25 pm | permalink

Previous Comments

Ang ganda ng unang shot. Parang naramdaman ko yung dagat at gusto ko magswemeng!

At Lolo J.Kul, nakasakay na ko ng jeep na ganyan sa probinsya namen! At dun din ako sa taas. Ang saya kase everytime na may puno na may sanga sabay sabay kameng yuyuko para umiwas. Haha.

Parang gusto ko tuloy umuwi ng probinsya. Huling punta ko eh highschool pa ko.

Posted by Vajarl at January 5, 2010, 2:59 pm

Isama mo naman ako diyan…I want to experience to go there

Posted by maldita at January 5, 2010, 5:10 pm

Natawa ulit ako Vaj.

Alam mo ba, ‘nong pauwi na ako, hindi na ako nagpa “special service”, nakisakay na lang ako sa regular na byahe. Akala ko may sanggol/baby sa taas. Umiiyak ng umiiyak, sabi nong isang manang, nakasabit naman siya sa hulihan…patigilin daw ang bata sa kakaiyak.

Hindi po bata..Kambing po ‘yon. Sabi naman ng isang manong. Paglingon ko, aba at kambing nga ang nasa likuran ko, gusto yatang tumalon.

Oo, nanampal ang mga dahon sa tabing daan.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 5, 2010, 5:17 pm

wow ang ganda nman jan di maitatanggi ang ganda ng kalikasan.

Posted by etchosera at January 5, 2010, 8:01 pm

Saw the pics long time ago. Hehe.

Posted by Ax at January 5, 2010, 10:44 pm

yaan na ba si iskong kalabaw? aba at buhay pa!

hay, nakagagaan ng pakiramdam ang dagat… napakasarap magtampisaw sa dalampasigan. ang tapayan ang bayuhan ay mga simbolo ng mayamang kultura ng inyong lalawigan… nasasabik na akong umuwi ng Pilipinas at sumabit sa mga pampasaherong dyip.

maligayang pagbabalik kulisap… :)

Posted by taga-bundok at January 6, 2010, 12:00 am

Try mo rin pumasyal sa Coron, Palawan. The best din dun!

Ganda pala ng marinduque! Sna makadalaw ako jan this 2010!

Posted by Dorm Boy at January 6, 2010, 11:20 am

Para kina:

Maldita, pwede kang sumama. 2k to 5k, bonggang bongga na ang pananatili mo don ng mga ilang araw.

Etchosera, maganda talaga ang kalikasan. Nakakahalina, nakakapukaw ng interes.

Ax,
Nakita mo na pala ito. May mga bago akong kinuhang larawan pero wala pa akong time para ma-upload.

Anjong,
Apo na siya ni Isko.
Oo, umuwi ka na, para malasap mong muli ang pagiging Pinoy. Salamat sa iyong pagbati.

Dorm Boy,
Dapat noong nakaraang taon pa kami nag Palawan kaya lamang may mga pangyayaring naganap na nagdulot ng hindi pagkakatuloy doon. Mapapasyalan ko din ‘yan.
Oo, pasyal ka sa Marinduque, magaganda ang beaches, caves at mga natural scenic view.

Salamat.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 6, 2010, 12:12 pm

ang ganda ng marinduque… hahahaha miminahin ko yan… JOKE lang…

hi kulisap.

Posted by livingstain at January 6, 2010, 12:47 pm

Tinakot mo ako Alvin. Sana nga manatiling JOKE ang sinabi mo. Balita ko, nais ulit buksan ng pamahalaan ang pagmimina dito sa aking lalawigan.

May mga taong nakinabang sa pagmimina pero kung may umani ng yaman, palagay ko yong nagnenegosyo ng pagmimina, at mananatiling biktima ang mga naiwang mangmang sa kalakaran.

Pamilyar ka marahil sa Marcopper Mining Corporation.

May isang dam ding ginawa ang mga Hapones don nong ako ay bata pa, pero palagay ng mga tao’y sinabay na rin ang pagmimina.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 6, 2010, 12:56 pm

luv ko yung tree house. pwede yung “jungle fever” pag feeling kong maging tarzan para kay jane…
by the way, ang guapo mo pala….bagay sa yung sungay.
peace! happy 2012!

Posted by Mr. Nonsense at January 6, 2010, 12:56 pm

hmmmm. ang ganda sa marinduque.
andami ko pa talagang dapat puntahan sa Pilipinas.

tama nga yung sinabi mo, iba pa rin yung sariling bayan mo. kaya ako, i really put zambales deep down my heart. pero minsan, kelangang lumayo, umalis. and malalaman mo kung mahal mo talaga yung lugar na yun kung bumabalik-balik ka pa rin. :)

Posted by roger at January 6, 2010, 2:14 pm

hello…its me again the original maldita…magiging regular reader mo na ako sa column mo.It would be a pleasure kung magagawan mo din ako ng kwento…jejeje…Thanks!

Posted by maldita at January 6, 2010, 4:12 pm

Wow ang ganda naman…

Kami ba’y inyong inaanyayahan na pumaroon sa inyong isla ng Marinduque???

O kailanganin ko pang bulabugin ang dati kong ka-opisina para matuloy ang sinasabi niyang pagdalaw sa kanilang lugar??? hehehe

Kasi walang dagat sa amin. puro bundok lang, may mga ilog din, dun madalas ang swimming heheehehe tatalon mula sa tulay kung mag-exhibition…

Posted by taribong at January 6, 2010, 4:44 pm

Hm, ano pa ba yung mga pics dun. Nahihiya ako dati magcomment sa mga pics na yan kaya di ako nagcomment dati. hehe.

At di mo inupload yung edited photo mo! yung naka shades ka. Oha, oha! Hehe.

Posted by Leon at January 6, 2010, 4:48 pm

Jess, luv mo ba ang tree house? Masarap kumain diyan, magkwentuhan at mag-aliw.

Masarap ding tsumibog sa tree house lalo na kapag tinolang manok ni nanay ang inihahaing ulam.

Usapang pogi, ang malas naman ng kalabaw, sa akin pa naihambing.

May sungay talaga ako Jess, hanggang sa pagkikita natin may sungay ako para suwagin ka sa 2012.Bwahahaha. Paluin ng buntot pagi si Jess.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 6, 2010, 5:36 pm

Para kina:

Ka Roger,
Taga Zambales ka pala, ilang beses na rin akong nagawi diyan sa inyong lugar para magtampisaw sa karagatan.
Maswerte tayo dahil mayron tayong inuuwiang probinsya kapag nababagot sa kalakaran ng Maynila.

Maldita, salamat sa iyong pagtangkilik.Bukas ang bahay-kubo anumang oras.

Tar,
Pwede kang dumalaw sa Marinduque anumang oras, welcome na welcome ka.May ka-opisana ka na tagaron sa amin?
Nagawi na rin ako diyan sa Baguio, may lagaslasan diyan sa inyong mga ilog- masarap magwater rafting pero hindi ko pa nasubukan sa Baguio. Pasyal lamang.

Leon,
Bakit ba papalit-palit ka ng ngalan? Nahihiya? Dati? Ngayon hindi na? Bakit?
'Yong nakashades, kapatid ko yon, bunso namin.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 6, 2010, 5:44 pm

yep yep. zambales ako. yun talaga ang tahanan ko. :)

anyways, hindi pa pala kita na-add sa blogroll ko. haha. add na kita sir :)

Posted by roger at January 6, 2010, 6:22 pm

Ang kambing umiiyak? O ganun lang talaga ang sound ng kambing? Hindi ba, ‘Meeeeeh! Meeeeeh!’

Hahahahaha. Ginaya ko talaga.

Posted by Vajarl at January 6, 2010, 8:16 pm

ang ganda ng isla..

marinduque pala yan.
kala ko dati marinduque liblib na lugar sa loob ng syudad,,
nagkamali ako

gusto ko sumakay sa kalabaw.

400 years na ang tree house! masmatanda pa saken!!

Posted by jason at January 6, 2010, 10:32 pm

ganda.natural na natural.pupunta ako sa lugar na yan pagnakauwi ako.

Posted by nonoy at January 7, 2010, 11:00 am

Para kina:

Ka Roger,
O hala, sige ikawing mo ako. Ikakawing na rin kitang parang tutubing parang. Hehehe.

Vaj,
Ganun na nga po ‘yon. Umiiyak o may hinihingi na hindi maibigay. Kambingan na lang tayo.

Jason,
Jason ang 400 years old ay ang simbahan, ‘yong treehouse namin, siguro mga 3 years old pa lamang. Liblib na lugar sa loob ng syudad. Weird.Haha

Hi Noy,
Natural beauty comes within. Sige, pwede kita itour ‘don. USD 500/day ang bayad. hehehe

Posted by kayumanggingdamdamin at January 7, 2010, 12:16 pm

Ngayon ko lang napansin na may mga tao pala sa bubong ng jeep…grabe parang hindi ko ma-imagine na pati sa bubong ng jeep carry ng tao sumakay sa hirap ng biyahe;dito nga sa manila hindi ako sanay na may nakikita ako na 5 or 6 ang sumasabit sa jeep pati sa mga buses na ordinary nasa pinto na ang mga tao…Ok na siguro ang sumakay sa kalabaw hindi ko pa din yan na-experience e.

Posted by maldita at January 7, 2010, 5:44 pm

there is no place like home…

ang ganda ng lugar mo jk.

wala ka bang pix na nakasakay sa kalabaw. nakakamiss na yang pagsakay sa kalabaw eh. kinder pa yata ako noong last ako nakasakay ng kalabaw.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 7, 2010, 9:29 pm

Ikaw ay aking papasyalan diyan sa Marinduque pagsapit ng dapit-hapon Kulisap.

Posted by Paquita at January 8, 2010, 12:29 pm

wow tree house, di pa ako nakakaakyat ng tree house. Nakasakay naku ng kalabaw, may kalabaw kasi yung tito ko sa zamboanga.. Ganyan din yung daan sa may bundok sa zamboanga. Halos parehas lang din. I think the 1st 1st photo is such a paradise.. HAppy new year

NEW BLOG POST: http://painuminmoko.crashtequila.info

Posted by walongbote at January 8, 2010, 3:20 pm

Para kina:

Maldita, opo tao po sila. Sa kabila ng ganyang kalakaran, hindi pa naman nagkaroon ng disgrasya kahit na malubak pa ang ilang kalsada at maraming nakakalat na mga bato. Ang tanging kalaban mo lamang ay ang mga dahong hindi ko mawari kong bumabati o nang-aaway dahil nanampal sila.

Padre Fiel.

Tama ka, there is no place like home. Wala po akong larawan na nakasakay sa kalabaw dahil ang kalabaw ng tatay ay nanunuwag. Adik siguro sa kakain ng damo. Nakasakay na rin naman ako noong maliit pa rin ako.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 8, 2010, 4:04 pm

wow. ganda pala dyan.

maganda rin namin samin sa Cavite. haha. basta sa mga tao ka lang titingin. :)

tama, babalik at babalik talaga tayo sa tahanan natin.

Posted by bipolarsisa at January 8, 2010, 4:21 pm

hahaha. habang nagbabasa ako ng comments natawa ako sa comment ni dady nonsense. “ang gwapo mo pala”…binalikan ko agad ang pictures sa taas dahil akala ko may na-miss ako at anduun ka nga.

hehe pagbalik ko sa kanyang comment, iba pala tinutukoy niya…hahaha.

jk, wag mo papuntahin si alvin sa marinduque, hehehe miminahin daw ulit….

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 8, 2010, 4:41 pm

may mga package tours na bang available patungong marinduque na makukuha sa manila? approximately how much? ano ang best time to visit?

Posted by plaridel at January 8, 2010, 5:29 pm

Kamusta Plaridel.

Meron naman, hanapin mo lang sa google.

Bantog ang Moriones Festival tuwing Semana Santa. Masaya ang mga buwan ng Abril hanggang Mayo dahil ito ay makulay at panahon ng bakasyon dito sa Pilipinas.

Anumang oras, pwede kang kandiliin ng aking lalawigan.

Magiliw sa panauhin ang mga Marinduqueno.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 8, 2010, 5:44 pm

Para kina:

Padre Fiel, oo si Jess, inihambing ako sa kalabaw pero sabi ko nga ang malas naman ng kalabaw. Pero si Jess, hawig nong bisiro namin.

Paquita, kailan pa, kapag rayumahin ka na? Kwarenta ka na diba?

Walongbote, kamusta..paraiso ba ang unang larawan? Salamat sa pagdaan. Pasyal ako sa bago mong kuta.

Koror
Oo, dahil ang Palawan at Marinduque ay nabibilang sa MIMAROPA. Asteeg pare. Ipromote ang Palawan at Marinduque. Kalsuhan mo ng bato, baka umurong ang dyip.Hehehe

Sisa,
Ang batang matapang, Cavitena o. Hwag kayong hahara dito sa dalagang ito. Makakatikim kayo ng di pa ninyo natitikman sa tanang buhay niyo.

Happy weekend.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 8, 2010, 6:00 pm

wah, pwede sumama diyan sa bakasyon?? parang ang payapa ng kapaligiran, ang sarap magpahinga!
yung tree house sa inyo po talaga? tunay nga na maraming maipagmamalaki ang bawat probinsya dito sa atin!

laking maynila ako kaya lahat ng mga nakikita ko sa probinsya na wala rito aking kinasasabikan.

pagtanda ko, pangarap kong manatili nalamang rin sa probinsya ni ama o ina, para maranasan ang mga bagay na pinagkakait ng maynila :)

Posted by modernonglapis at January 8, 2010, 6:15 pm

hahahaha!!!Kuya J. Kul, ganyan na ganyan din sa amin sa palawan, exciting sumakay sa jep na my top load kasama ang mga sako ng bigas, case ng beer at gin. hay!!!!kaya pala nakakarelate talga tau sa mga ganito!, Ganyan pa rin ang kalsada sa amin rough road pa rin., pag umulan bumabaon pa minsan ang gulong ng jep, bababa ang mga pasahero at tulong tulong para itulak at hilahin ang jep..pag dating mu sa bayan suot mung panatalon puro putik.hehehe!!!

Isa sa mga dahilan kung bkit di pwedeng talikuran ang lugar na aking sinilangan…

Posted by koror at January 8, 2010, 6:16 pm

ung dyep na punuan pati sa taas, meron din nyan sa amin sa probinsya….

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 8, 2010, 11:55 pm

ModernongLapis,

Oo pinagawa namin ang treehouse para may lugar ang mga kabataan at mga gustong magkaron ng konting kasiyahan, para hindi gaanong masikip sa bahay. Tambayan kumbaga. Mas nakakapahinga ang utak kapag nasa probinsya, mas mabagal ang oras ‘don pero talagang tahimik at payapa kaysa sa Maynila.

Padre Fiel,
Sa ilang probinsya pa yata meron din ng dyip na punuan hanggang itaas.
Di maipagkakailang atin.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 9, 2010, 10:40 am

nakaka inggit ang mga katulad ninyong may probinsyang mauuwian…ako nakiki probinsya lang sa lola kong taga panggasinan..at heaven na para sa akin ang abangan ang pagsikat ng araw sa bukid kasama ng mga isinusugang mga hayop.

nakakalungkot isipin na isa akong dayuhan sa sarili kong bayan.

Posted by nieves at January 9, 2010, 11:57 am

eto na po ang mga bebeng daga…

(nakabox para surprise)

Posted by jasn at January 9, 2010, 12:44 pm

hello! happy new year!!

pupunta din ako jan! wish ko lang! ahaha

Posted by pinkdiaries at January 9, 2010, 1:23 pm

Nieves, napasyal ka. Kamusta na ang mga nag-aapoy na rebelyon? Nakatulog ka ba? Hahaha.
Anyway, masarap talagang may probinsya, kung wala naman, magpa-ampon hija. Oo, masarap mag-ula ng kalabaw kung mabait at hindi adik na kalabaw, nanunuwag yan, hindi pa magpapaalam.Hehehe.

Jason,
Huwag naman,ipagluluto na lang kita ng tinola, native ang manok. Peace tayo.

Pink,
Thanks.Sige punta ka.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 9, 2010, 5:53 pm

ganyang ganyan talaga sa amin ang dyip. mas marami sa taas (top load ang tawag namin dyan), minsan ang mga kalakal ay doon din nilalagay.

then may sa pinakadulo pa (sa labas ng front seat)! lol. taga-salubong sa hangin. hahaha.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 9, 2010, 6:19 pm

Wow…na-miss ko naman ang kagandahan at kasimplehan ng buhay sa isang probinsya sa Pilipinas.

Kapag nakakakita akong mga larawang ganyan ay talagang nassabi ko sa sarili…uuwi at babalik ako sa sariling bayan para dun na i-enjoy ang nalalabing buhay…kasama ang nature at mga kaibigang namulatan.

Salamat sa pag-share ng magagandang litrato ng iyong bayan.

Posted by superlolo at January 10, 2010, 5:37 am

Padre Fiel,

Oo topload nga ang tawag don, at ang mga taong tagasalubong sa hangin, magkabilang gilid sa unahan ng dyip. Buhay probinsya.

Lo,

Babalik ka rin, kay tagal mo ng nawala, babalik ka rin. Salamat din sa pagdalaw.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 10, 2010, 9:10 am

kami meron din kaming banga sa bahay. nasa shower room. dati kasi nilalagyan namin yun ng tubig at doon kami naliligo pagka-umaga kc sobrang malamig pag galing sa banga.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 10, 2010, 1:20 pm

Sasama ako kay jasonhamster na may dala ng naka-box na bebeng daga para surprise. hehehhe gusto ko rin ng tinola na native ang manok.

kakaiba ang hugis ng lusong hehehe. Sarap maglinupak diyan. Nakakapagod nga lang ang pagbabayo pero sulit ang sarap pag nilantakan ang bagong gawang linupak….

Posted by taribong at January 10, 2010, 2:36 pm

Padz, malamig talaga ang tubig galing sa banga. Kung yong sa inyo ay nasa shower room, sa amin naman nasa batalan. Hehehe.

Tar,
Isa ka pa. Pigain ko eyeball mo eh.Hehe. Pano ba niluluto ang tinola sa inyo? Sa amin may asim, (sampalok o kaya mga dahong nakukuha sa sukalan) saka ang gulay papaya, tapos yong blood, nilalagyan ng bigas para mabuo, tapos kasama sa tinola.

Ang linupak o nilupak ay niyubak naman ang tawag sa amin. Pwedeng kamoteng kahoy o kaya saging ang isalang. Nilalagyan ng mantikilya/sapal ng niyog at asukal.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 11, 2010, 12:24 pm

magkalapit lang po ba ang marinduque at paranaque??????

Posted by wes at January 11, 2010, 4:35 pm

padaan lang, nititingnan ko ulit nga pics, hehehe

Posted by pinkdiaries at January 11, 2010, 5:22 pm

Tatanong ko lang kung andy’n yung mama na may pangalang, er, Jo.. Jonathan?!

Posted by Curt at January 11, 2010, 6:17 pm

punta ako dyan basta tour guide ka kuya…hehehe

pinakagusto ko ang sumakay sa toplod pero sa gitna lang o di kaya sa hulihan para di masyadong masalubong ang hangin…

pwedeng tumira sa tree house nyo kahit 1 week lang?…hahaha

Posted by aninipot at January 12, 2010, 8:13 am

Uy, Wes..unang bungad.

Una ang Antique, Marinduque at Paranaque, magkakatabi yan. Malapit yan sa Pilipinas.

PD, sige daan ka lang. Ang bango talaga.

Curt ka dyan. Kahit magtakip ka pa ng mukha kilala ka ni amang J.Kulisap. Naku nasa pagkaingin si Mang Junathan.

Ani, ang haba ng bakasyon mo ah. Sige tour kita USD 500/day ang PF.
Pareho tayo, masarap sa gitna, safe sumakay.

Pwedeng pwedeng tumira sa treehouse. USD 400/day naman ang bayad. Hehehe.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 12, 2010, 8:24 am

aba! mukha ng dollar ang may kayumangging damdamin….i hate u….di man lang ako ilibre…hehehe

palawan nalang tayo…para pareho tayong gagastos…. hmmm, ang j mo pala ay jonathan…..

pero mas gusto ko pari ang kuya kulisap..

Posted by aninipot at January 12, 2010, 9:28 am

Iba na ako ngayon, NY Resolution, maging mukangpera..hehehe..jokeness only.

Heto nga Ani, dito sa trabaho, pinagtatalunan pa kung Palawan,Boracay o Batanes..ang gusto ko talaga Palawan at Batanes, pero olats na ako, mas marami ang may gusto sa Boracay. Pero nakapunta na ako ‘don, di bale, masaya namang mga katropa itong mga ito kaya palagay ko, mag-ienjoy ulit ako.

J sa first name ko. Jonathan, pwede pero hindi eh, pakulo lang ni Ax yan, hindi kasi ako nagsasabi ng first name ko, basta ako si J.Kulisap sa blogsphere.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 12, 2010, 12:16 pm

haha, para palang ako…mabuti ka nga may clue sa first name…ako talaga wlang iniwan bakas…haha, meron pala kung mahuhulaan lang…

sabagay mas masaya ang bakasyon pag masasaya ang kasama, pero no offense, ayaw ko sa boracay sa kadahilanang ayoko ng makadagdag sa bigat na dinadala ni inang kalikasan….sobra sa carrying capacity ng island ang mga turistang pumupunta dun…kaya kahit pambawas man lang ako….

hehe, pacensya, pero cge go..pakasaya kayo.

Posted by aninipot at January 12, 2010, 12:38 pm

Ako alam ko ang J…pero hindi ko sasabihin.Basta ang alam ko maraming mga pangalan na nagsisimula sa J…pwedeng JAK OL !? nyahahaha…JOKE lang po! Peace.:-)

Posted by maldita at January 12, 2010, 2:25 pm

J = Jason

baguio palang pinakamalayong napupuntahan ko.
hinahanap kita dun sa picture na may jeep

Posted by jason at January 12, 2010, 4:59 pm

Maldita, kilala ba kita? Salamat sa pananahimik. Jak en Poy. Saan ka nagkukuta?Bakit wala kang iniiwang bakas?

Jason, oo tama Jason pero hindi yong may-ari ng hamster. Andon ako sa ilalalim, nagkukumpuni, nasira ‘yong dyip..hehehe

Posted by kayumanggingdamdamin at January 12, 2010, 5:12 pm

Jomar,

kamusta? ako, okay lang. wahaha.

From,

Posted by Blackmail at January 12, 2010, 6:49 pm

Ang ganda pala ng Marinduque!
Sa mga larawan, naaalala ko ang banga namin na, tulad ng sa iyo, matanda pa rin sa akin. Kaso hindi ako ang nagmamay-ari ng bangang iyon ngayon kundi ang nakakatanda kong kapatid.
Maraming salamat sa ala-ala, kaibigang kayumanggingdamdamin

Posted by doroastig at January 13, 2010, 8:57 am

Oo naman J.Kulisap you really know me so well,we used to talked about nasty things…Nyahahaha…Kapag kinumusta mo na ang buhay ko wala ng break ang pag kwento ko about…YOU KNOW!?!
Remind ko nga ulet sa’yo…minsan petiks petiks tayo you asked me to describe you diba!? ang dami ko nga nasabi about you good and bad nga e.c”,)

Posted by maldita at January 13, 2010, 9:59 am

ganda naman ng place ginoong kulisap.
sa totoo lang sa mga ganyang tipo ng lugar ko gustong gustong magbakasyon.

Posted by eli at January 13, 2010, 10:33 am

Pareng J.Kul,

Natawa ako sa pagpiga ng eyeball hehehe (Aala ko sa y@gballs …awts…)

Ang tinola sa amin, walang asim hehehe. Pero nakatikim na ako ng tinolang may asim at gusto ko yun.//Tama ka yung blood, nilalagyan ng bigas. Tsaka nilalagay kapag kumukulo na ang niluluto (bago ilagay ang mga gulay: madalas ay berdeng papaya; pwede ring sayote o kaya ay murang sitaw (yung maliliit na bunga o kaya ay talbos). Minsan, ang nilalagay ay dahon ng sili o kaya ay bunga ng malunggay. Minsan din, ang gulay na nilalagay ay ampalaya (bunga o dahon). Madaming variations…

Sa amin lubi-lubi ang tawag sa nilupak. Madaming halo ang kinalakhan kong lubi-lubi. Pangunahin ang nilagang saging na saba. Tsaka dinadagdagan ng kamote o kamoteng kahoy. Nilalagyan din ng bagong saing na malagkit. Tapos yung ginadgad na niyog (alam ko hindi yon sapal ang nilalagay) tsaka asukal. Pag kakainin na saka nilalagyan ng mantikilya o dagdag na asukal kung kailangan. Wow sarap!!! Mangangalahati o kaya ay ubos agad yon pagkahain pa lang dahil sa pagod ng mga bumayo sa lubi-lubi hehehehe Ayos ba? May dala ka bang niyubak???

Posted by taribong at January 13, 2010, 4:05 pm

Aninipot,
Buhay na buhay ang komersyalismo sa Boracay, dinarayo talaga. Sana lang mapanatili ang ganda ng Boracay. Sayang kapag napabayaan.

Blackmail,
Kapag dumaloy ang sariwang dugo mula sa sentido ni J.Kulisap, aagos ito hanggang sa iyong paanan. Hehehe.

G.Doro,
Oo, ang banga o tapayan, sinasalamin nito ang aking nakaraan, ang payak kong pamumuhay sa aking lalawigan. Walang anuman.

Oo nga, Maldita ikaw nga, kamusta ang Scotland at ang iyong pamilya? Salamat sa pagparito mo dito sa aking bahay kubo.

Maganda ang lugar G.Eli dahil ito ay matatagpuan sa bansang Pilipinas.

Salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 13, 2010, 5:38 pm

Lubi-lubi at ampalaya sa tinolang manok, ‘yan ang aking natutunan sa araw na ito. Taga Cagayan Valley ka ba Tari?

Ginamit ko ang sapal, ito yata ang ginagamit na salita ng mga taga Maynila kapag tinutukoy ang kinayod na niyog. Pero ang tawag talaga sa amin ay kinayod.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 13, 2010, 5:41 pm

Masarap ang nilupak…gumagawa kami niyan sa bahay;nilagang saging na ima-mush mo ng bonggang bongga;tama ka Taribong kung minsan ang ginagamit ay kamote or kamoteng kahoy tapos papahiran mo nga ng margarine or butter tapos toppings yung kinayod na niyog na may halong sugar…pero hindi sapal yun kasi hindi pa napipiga diba!?.Ano ba ang lubi-lubi?!hindi kasi ako familiar doon;narinig ko lang yun sa kanta ng Enero…Pebrero…tama ba!?!.Pero ang favorite ko yung nilupak na saging.
Buti naman naalala mo J.Kulisap ang mga topics na pinaguusapan natin tuwing free time natin;maayos naman ang lahat sa Scotland…malamig pa din kasi nagsisimula pa lang matunaw ang yelo.Hanggang sa muli.

Posted by maldita at January 14, 2010, 9:06 am

Dati wahahahaha

Ang kinayod sa Iloko ay “na-igad”. Yung sapal yata ay napiga na, ginagawang macaroons at burger. At ginagamit din naming panglinis at pampakintab sa sahig ng aming kusina hehehehe

Posted by taribong at January 14, 2010, 9:07 am

Lolo J.Kuliparot! Kumustasa with kechap? :P

Posted by Vajarl at January 14, 2010, 9:12 am

Maldits, nilalamas nyo lang ang saging para maging nilupak? Sana lang po naghugas kayo ng kamay ano? Hehehe. Magkano po ang tinunaw na yelo?

Taga Ilocos, na-igad mo na ba ang papaya para maluto na natin ang ginataang papaya na may tanglad at tinapa?
Ang galing, marami palang gamit ang sapal, sa amin binabahog sa baboy.

Vajeee,

Eeeee, haliparot ka, saan ka ba nagsususuot? Kinakampanya mo ba si Erap?

Posted by kayumanggingdamdamin at January 15, 2010, 8:28 am

Yung sapal ay itinataktak din sa palanggana o kaya maski sa lupa na para pagpiyestahan ng mga alagang itik, pato, pabo, gansa at manok. Hayyyy, dows wer da deys….

Posted by taribong at January 15, 2010, 12:35 pm

Tama Tar,

Papahanluyin/tatawagin ang mga manok,gansa, itik at pato ng krokya..kroooooookya.

Nakakamiss di ba?

Posted by kayumanggingdamdamin at January 15, 2010, 12:40 pm

Wow! Ang ganda ng isla ng marinduque ha. Btw, di pa ako nakakasakay ng kalabaw. Namangha din ako sa tree house nyo. Astig!

May tanong ako. Ilang taon na po yung simbahan sa larawan dito?

Salamat!

Posted by Sikat ang Pinoy at January 23, 2010, 3:17 pm

Naku, kailangan mong magpakilala sa kalabaw pare, baka suwagin ka. Oo, noong bata pa ako, mahilig talaga akong umakyat ng puno kaya, nagpagawa kami ng tree house para astig.

Ang simbahan na iyan sa Sta Cruz ay mahigit 400 years na.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 23, 2010, 5:35 pm

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

kathlyn:

huh iam not cool i am going to tell the truth you are really not prett your ugly

kathleen:

hhahah tnx i don’t think you rcool not really nosebleed huh??

kathlyn:

who the girl named kathleen she is pretty nice huh ahhahaahhah your cute me iam only cool hahahahha

kathlyn:

that my siste ryear ,year of the tiger nice huh??>>>

kathlyn:

i am a filipino i am just from america argentin a add me on facebook hahahahhakathlynkikumoreto23@yahoo.com

kathleen:

^_^ :) ) :) :0)

kathleen:

paki visit tohttp://tl.answers.com/Q/Kwento_ni_amomongo_at_ni_iput_ipot_na_pabula_ng_visaya ohhh ganda :)

kathleen:

mga kablog kablog hhahah chatting meganon hahahahahh hi kua g. kulisap aq si paroparo /butterfly hehehe nice dito visit lng me ulit here ehhh….

kathleen:

hahahaahhahahahaahahamarami bago ngayon ahhh nice tung world natin lahat nuh???!!!:))

kathleen:

grabe lupet :) ang lupet galing nyo proud ngek…….:)) joke….

kathleen:

anong kaguluhan hgehehehehhehehhehe lupet na ha heheheheheheh nice na rin to

Batang Andeng de Ibarra:

kumusta po…baguhan lamang po ako dito…pwede po bang pakilibot mo po ako dito sa mundo po ninyong mahiwaga? SALAMAT PO!!! <3

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

lem:

…ngayon lang ulit ako napadpad sa mundo mo matapos ang mahaba-habang panahon…

panandalian akong nakatakas sa komplikado kong mundo habang nandito ako sa iyong mundo…

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines