KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

PRINSESA MARIBUBOT

December 22, 2009

 

Maraming beses na tayong nag-usap. Nagpalitan tayo ng mga ideya, ng mga kaalaman at karanasang makakatulong sa atin upang mapayabong pang higit ang ating pagkatao. Halos isang taon na nang sibihin mo sa akin na ilathala ang iyong karanasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon. Ipinangako ko ‘yon, marapat lamang na tuparin ang kahilingan. Labingdalawa ang buwan sa isang taon, bakit ngayong Disyembre ko pa naisipang ilathala ang iyong kwento gayong nagdulot ito sa iyo ng pagkaligalig at pagbabago sa matiwasay mong pamumuhay bilang prinsesa ng iyong mga magulang. Marahil ito ang diwa ng Pasko, pagtanggap, pagpapatawad at pagmamahal. Sa piling ng iyong mga magulang, alam kong maligaya ka pero pinili mo pa ring makisabay sa hinihingi ng lipunan.Kailangan mo ng isang asawa at anak para mabuo ang iyong pagkatao bilang isang babae.

Nasaksihan ko kung paano ka natutong umawit, kung paano ka natutong sumayaw at kung paano ka umakyat sa buwan kasama ang taong naghatid sayo sa kaluwalhatian. Naramdaman ko na ikaw ay tunay na umibig kahit na mabilis pa sa bulalakaw ang mga pangyayari. Dinala mo ng siyam na buwan sa iyong sinapupunan ang bunga ng inyong pag-ibig. Sa idinulot na kaluwalhatian ng pag-iisa at paghahanap ng ilang taon, hindi ko inaasahang mauuwi ito sa hindi pagkakaintindihan hanggang sa bumitiw ka at piliing iluwal ang sanggol na hindi siya kasama.

Sa mga mata mo ay nabasa ko ang kalungkutan at kagustuhang itago ang sakit na nararamdaman ng isang taong labis na umibig at nangarap na may isang prinsipeng handang mag-alay ng wagas na pag-ibig. Mahilig kang magbasa ng mga nobelang umiikot sa mga romantikong pangyayari at pantasya ngunit tila yata nakalimutan mo ang reyalidad. Sinuong mo itong gabay ang mga kwento sa nobela, at inangkin ang isa sa mga karakter na gumaganap- prinsesang naghahanap ng busilak na puso ng isang prinsipe.

 

Sabi ko sayo dati, hindi ko magawang matapos ang kwento mo, ang katwiran ko, dahil may kung anong salik akong hinahanap. Marahil inaasam ko ring matagpuan mo ang tunay na kaligayahan at kapayapaan sa iyong sarili at magkaroon ka ng sariling “pamilya”  na sandigan at pinaghuhugutan ng mga paliwanag kung bakit ka binigyan ng buhay dito sa mundong ito. Hindi ka nag-iisa, siya, sila ay kapareho mo din, may sariling pangarap na binubuo subalit mahirap idikta sa tadhana ang nais mo lamang. May mga dahilan ang lahat at sa bawat pag-usad mo, alam mong iniaalay mo ang iyong sarili sa iyong anghel lalo’t higit ang kahalagahan mo bilang isang tao.

Naiintindihan kita sa maraming pagkakataon subalit hindi ko pa rin lubusang mauunawaan ang pangangailangan mo pero hayaan mong tadhana na ang gumawa ng paraan para mabuong muli ang nais mong nobela.

 

Sinabi mo, kaya mo na siyang tingnan sa kaniyang mga mata ng wala ka ng pait na nadarama. Tama ring nagkusa siyang dalawin ang inyong anghel ngayong buwan ng Pasko. Pakatandaan mong ang pag-ibig ay hindi dapat hinihingi bagkus ikinukusa. Sa ngayon sapat na ang nakikita kong katatagan sayo para harapin mo ang mga darating na pagsubok sa iyong buhay bilang babae at ina.

  

Minsan kinakailangan nating kalimutan ang ating mga sariling kagustuhan para mas mahanap natin ang ating sarili sa buhay ng iba.”-J.Kulisap

   

Posted by kayumanggingdamdamin at 5:36 pm | permalink

Previous Comments

base!

Posted by bipolarsisa at December 22, 2009, 6:24 pm

naluha. umiyak. gusto kong pilitin ang sarili kong isipin na malayo ang kwento ko sa babaeng tinutukoy rito. pero hindi, dahil ang kwento nya ay kwento ko rin. ang paghahanap, ang sakripisyo, ang pagbitiw. natuto.

sumulat. nagbura. naubusan ng tinta. bagong kabanata na naman. bagong panulat.

“Minsan kinakailangan nating kalimutan ang ating mga sariling kagustuhan para mas mahanap natin ang ating sarili sa buhay ng iba.”

pero pano kung kailangan mong kalimutan ang sariling kagustuhang makasama ang iba para sa kagustuhan ng mga nagmamahal sayo? pano mo hahanapin ang sarili mo? sino ang dapat na patawarin?

maligayang pasko sa’yo!

Posted by bipolarsisa at December 22, 2009, 6:39 pm

prinsesa marirubot? ang ganda ng name bagay sila ni prinsipe sex

pag may time ka pakilala mo naman s’ya sakin :D

Posted by Jex kulisap at December 22, 2009, 9:48 pm

pasensya ka na, si prinsesa maribubot, parang isa lang siya sa katauhan ng taong nakilala ko isang beses sa lugar na maraming libro.

Posted by Jelo at December 23, 2009, 10:51 am

marahil ay masasabi mong napaka babaw ko, dahil hindi naman ganun nakakaiyak ang aking kwento kumpara sa iba ngunit kahit ilang beses kong paulit ulit na basahin ang lathalang ito ay paulit paulit rin akong lumuluha,,,, sa pangalawang pagkakataon ay napaiyak mo ko sa araw na dapat ay masaya ang araw ng pasko..,… naalala mo pa ba nung nakaraang taon ng sisihin ko ang niregalo mong panyo sa pagluha ko ng balde balde? ang pagkakaiba lang ngaun ay luha ng tuwa ang nakaraan ay luha ng pighati….. isang taon na ang nakaraan ng tila mundo ko ay gumunaw… at eto ako ngayon larawang ng isang kontentong ina at patuloy na lumalaban sa buhay…. maraming salamat kaibigan…

Posted by maribunot at December 24, 2009, 9:43 am

maribubot po hindi maribunot… hehehehehe

Posted by maribubot at December 24, 2009, 9:45 am

Kaano ano mo pala si Prinsesa Maribubot? Nacurious lang ako kase parang andon ka sa paglaki nya.

Kurek, kurek. Ang pagmamahal ay kusang binibigay. Hindi natin mapipilit ang isang tao kung walang kayang ibigay. Magpakasaya nalang tayo sa buhay kung kaya natin.

Maligayang pasko Lolo J.Kul. :)

Posted by Vajarl at December 24, 2009, 5:01 pm

hellowness:D maligayang pasko at manigong bagong taon! tska ko na babasahin ito sa aking free time (busy daw ako eh.hehe).. ingat! :D

Posted by modernonglapis at December 28, 2009, 4:53 pm

tol kahit wala ka dito binabati ko pa rin ang blog mo ng aminuyirrr!!!

Posted by y at December 29, 2009, 6:50 pm

wow naman. feel na feel ko ang aking kababaihan matapos kong mabasa ang iyong likha.
“you make me feel like a natural woman…woman!”

Posted by Mr. Nonsense at December 30, 2009, 12:16 pm

Bagong taon bagong pag-asa. Sa bawat pagkakamali ay may aral tayong natututunan. Ang mga pagkakamaling ito ang nagpapatibay ng ating pagkatao. May panahon ng pagkatuto at may panahon ng pagbangon. Inaasahan ko ang iyong pagbabalik at paglaya Maribubot. Muli kang umibig at yakapin ang mga pagsubok na kaakibat nito. At sa pagkakataong ito baunin mo ang aral na magsisilbing tanglaw sa iyong bagong buhay na tatahakin kapiling ng iyong minamahal na supling.

Posted by Paquita at December 30, 2009, 3:43 pm

Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat!

Posted by Salome at December 30, 2009, 3:47 pm

eh kumusta naman na ngayon si prinsesa maribubot? sana okei na siya. parang ako lang. huhlolz!

happy new year, g. kulisap! putukan na!

Posted by lio loco at December 31, 2009, 3:10 pm

woist!

natapos ang 2009, 2010 naman!

Posted by Griffin at January 2, 2010, 1:48 pm

Anu ba yan, bakit ang code na nakuha ko eh spasm, j.k nisisispasm ka na nga ba? Ingles ba ng pasma yun?

Posted by Yin at January 2, 2010, 4:19 pm

Lolo J.Kuliparot! Maligayang bagong year! Hahaha. Nasankaman enjoy enjoy lang. :)

Posted by Vajarl at January 2, 2010, 7:42 pm

At ako ay nagbabalik.

2010 na.

Gaya ng 2009, isa lamang ang sinisiguro ko…darating ang 2011.

Hindi ako nakapagpaalam sa ibang blogger at mga mambabasa dito.

Kaya heto, bangag pa ako pero kailangan kong basahin isa-isa ang inyong mga komento.

Salamat sa mga naligaw dito habang walang tao.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 3, 2010, 3:39 pm

Maligayang pagbabalik at masaganang bagong taon, J. Kulisap!!!
Kumusta ang bakasyon????

Posted by taribong at January 3, 2010, 4:03 pm

eto sa pag aanalyze ko lang G. Kulisap ha.

masyado mong kilala si Prinsesa manunumbot.

Alam mo ang mga hilig nya,
mga pinag daanan nya
mga takbo ng isipan nya.

at ..

ang prinsesa ba ay ang iyong nanay?

ang dumalaw ba sa pasko para dalawin ang anghel(ikaw) ay ang iyong ama ??

Posted by jason at January 3, 2010, 5:22 pm

manunumbot.

Posted by Dei at January 3, 2010, 8:22 pm

tara jk, let’s celebrate life!!!

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 4, 2010, 11:20 am

feeling nanay ang comment ni daddy nonsense.

nanay mo ba ang prinsesang ito jk?

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at January 4, 2010, 1:07 pm

Sisa, hindi ko masagot ang iyong tanong. Blangko. Babalikan ko kapag naglinaw na itong akig isip.

Jex, nasa Facebook si Prinsesa Maribubot, hanapin mo na lamang don.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 4, 2010, 5:50 pm

Jelo, Padre Fiel, Jason at Vajarl.

Kayo ang nagtatanong at nalito kung sino si Prinsesa Maribubot.

Hindi ko siya ina, lalong hindi ako. Sabi niya, naging kami.

Ang pagkakatanda ko, siya ang unang nagpakilala sa akin ‘nong bago pa lamang ako sa aming departamento. Taong 2004, bale mag-aanim na taon na kaming magkasama sa trabaho. Nagkapalagayang loob, at minsa’y inamin naming naging kami (lakas ng tawa ko dito). Oo, naging malapit kami sa isa’t isa dahil sa mga kwentong magkaugnay sa aming buhay.

Ninong ako ng kaniyang anak.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 4, 2010, 5:58 pm

Maribubot at hindi maribunot o manunumbot.

Kailangan na ng eye check-up this year mga kaberks sa blogsphere. Hehehe.

Oo nga pala, dahil may lahing Intsik ka, naniniwala ka sa mga pamahiin..nagregalo ako sa iyo ng panyo. Ginamit mo ng lumuha ka at napaiyak kitang muli pero sabi mo, umiiyak ka dahil lumalaya ka na at nakikita mo na ang reyalidad.

Salamat sa iyong kwento. Sa pagbabahagi mo. Kung gagawin kong nobela, maraming kababaihan ang magigiliw na bumasa nito.

Mga babae nga naman. Sila ay babae.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 4, 2010, 6:03 pm

Lio, buhay ka pa pala.

Si Maribubot ay nandito. Maayos na ang takbo ng kaniyang buhay, kontento sa kaniyang anak na si Chase.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 4, 2010, 6:04 pm

hello, hello muli :D ayan nabasa ko na!
nakakalungkot pala yung kwento.
pero parang pamilyar yung pangalang prinsesa maribubot. o un salitang maribubot.
maganda yung kuwento. pero sana nga’y mabuo na ang nobelang pinapangarap niya. at nang makasulat ka na nga din ng libro.ahehe:D

happy new year!

Posted by modernonglapis at January 5, 2010, 12:16 am

Just read the story and I love it…very well said my dear friend! minsan din akong naging witness sa love story na ito and I would say that this person is a strong woman.:-)

Posted by maldita at January 5, 2010, 5:22 pm

Uy, Malditang maganda, salamat sa pagdalaw mo dito sa aking bahay-kubo.

Oo, sumasang-ayon ako na si Maribubot ay isang matapang at magandang babae.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 5, 2010, 5:31 pm

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

kathlyn:

huh iam not cool i am going to tell the truth you are really not prett your ugly

kathleen:

hhahah tnx i don’t think you rcool not really nosebleed huh??

kathlyn:

who the girl named kathleen she is pretty nice huh ahhahaahhah your cute me iam only cool hahahahha

kathlyn:

that my siste ryear ,year of the tiger nice huh??>>>

kathlyn:

i am a filipino i am just from america argentin a add me on facebook hahahahhakathlynkikumoreto23@yahoo.com

kathleen:

^_^ :) ) :) :0)

kathleen:

paki visit tohttp://tl.answers.com/Q/Kwento_ni_amomongo_at_ni_iput_ipot_na_pabula_ng_visaya ohhh ganda :)

kathleen:

mga kablog kablog hhahah chatting meganon hahahahahh hi kua g. kulisap aq si paroparo /butterfly hehehe nice dito visit lng me ulit here ehhh….

kathleen:

hahahaahhahahahaahahamarami bago ngayon ahhh nice tung world natin lahat nuh???!!!:))

kathleen:

grabe lupet :) ang lupet galing nyo proud ngek…….:)) joke….

kathleen:

anong kaguluhan hgehehehehhehehhehe lupet na ha heheheheheheh nice na rin to

Batang Andeng de Ibarra:

kumusta po…baguhan lamang po ako dito…pwede po bang pakilibot mo po ako dito sa mundo po ninyong mahiwaga? SALAMAT PO!!! <3

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

lem:

…ngayon lang ulit ako napadpad sa mundo mo matapos ang mahaba-habang panahon…

panandalian akong nakatakas sa komplikado kong mundo habang nandito ako sa iyong mundo…

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines