Ang lahat ay nagsisimula sa kawalan. Anumang damdamin nag-uumpisa parang pahinang walang laman. Puti, simbolo ng pagkadalisay. Malinis, ibig sabihin walang bahid ng duda, lungkot, ni pagkabahala. Blanko, pero nilikha ng Panginoon ang mga titik para punan ang kawalan na ito. At sa pamamagitan ng mga titik maaari ipahayag ang damdamin na kanlong ng puso. “titik ng pasko”, tama ba nabasa mo? Oo, hindi “itik ng pasko”, manok kasi handa namin, matigas kasi karne ng itik. mas mainam sa puso ang karne ng manok, lalo na pag ganitong kapanahunan kung saan ang mga puso ay nagdidiwang, mahirap na atakihin. Malikot ang mga titik sa sanaysay na ito, gaya ng mga damdamin na hindi mapakali at sabik, hindi layunin ng may akda na lituhin ang iyong diwa pero nais lang iparating sa giliw na mambabasa na walang iisang kahulugan ang mga titik. Puso ang maglalagay ng kahulugan sa mga salita, kaya anuman ang binabasa mo ngayon eh ikaw ang magbibigay ng kahulugan nito. Tuliro ka na ba? Ako din. Ibig sabihin may puwang ang pagkakaintindihan. At mas nalito ka? Ako din. Ibig sabihin nagkabuhol-buhol na yung usapan, anak ng katipay. Balik tayo sa una, sa bakante’ng espasyo, sa blanko’ng papel. Simple, hindi kumplikado. Mas masaya. hindi ba? Mas masaya, mas bongga. Ganun ang pasko, gaano man kadami ang mga palamuti at paghahanda, mga ilaw at kulay, awit at kanta, pagkain at alak, pagmamahal at tuwa, simple lang ang mensahe ng pasko, ipagdiwang ang buhay. Sino may angal?
Puso ang maglalagay ng kahulugan sa mga salita, kapag ang mga titik ay inunawa ng isip at ipinasa sa puso, lumalabas ang nais iparating na mensahe. Si Yin na nagpiprito ng pretzels ang bumulaga sa huling araw ng aking patimpalak. Kung naliligaw kayo sa kuta ni Yin, mapaghahambing ninyo ang kaibahan ng kaniyang mga gawa kaysa sa kaniyang ipinasang akda dito sa aking mundo. Dahil si Yin ang nanalo, sa panaginip mo lamang ako makikita Yin, mag-abang ka dahil ako ay darating. Puro ang wikang Pilipinong kaniyang ginamit.
Ikinagalak ko ng labis ang mga sanaysay na inyong inilahok kusa man o nahikayat ko para makisali sa aking patimpalak. Hindi na magiging blangko o puti ang espasyong ito dito sa aking bahay-kubo lalo’t higit dito sa aking puso at isip. Kayumanggi ang aking damdamin, itinalaga ko ang aking sarili na magsulat para sa ibang naghahanap ng kasagutan sa mga nalilito nilang pakiramdam bilang Pilipino. Hindi makagagaling ang aking mga salita dahil walang himala dito subalit may mga uhaw na kaluluwa ang nangangailangan ng pagkalinga sa pamamagitan ng aking mga akda. Karamihan sa aking mga isinusulat ay pawang hango sa totoong nangyayari sa aking kapaligiran na nagsisilbing gamot sa napapagod kong kaluluwa. Naglalakbay ang aking isip sa walang hanggang pagtatanong dito sa mundong ito. Katulad mo, natagpuan mo ang blogosperyo para ikaw ay malibang, makapagbigay ng iba’t ibang impormasyon sa mga naliligaw. Mas mainam magpahayag ng nasa isip kung walang mukha ang isang manunulat dahil tanging puso lamang ng mambabasa ang maaring magbigay kahulagan sa iginuhit ng utak sa pamamagitan ng mga titik.
Iba’t iba ang pakahulugan natin sa Pasko. Mayroong hindi nagdiriwang nito, mayroong panatang ipagdiwang ang Pasko dahil ikaw at ako ay may sariling buhay na dapat pahalagahan. Kapag narating mo ang buwan ng Desyembre sa buong taon, alam mong pinahalagahan mo ang iyong buhay dahil kapag nangyaring naging blangko ka na- ikaw ay isa na lamang alaala ng mundong ito.
Sa mga nagsipag-ambag ng kanilang akda, kahit hindi ko na ipagsigawan ang inyong katalinuhan, marami na ang nakaalam bago pa ako, subalit inuulit ko ang aking pasasalamat. Ang inyong kaalaman ay isang magandang aginaldong ipinagkakaloob sa mga uhaw na katulad ko.
wahaha!…nagtaka tuloy ako bakit wala akong nakita….hehehe.
daliri mo? ay wag na lang..hehehe.
magbabalik si aninipot mamaya.
tinamad na talagang mag-post to. pati kami na lang ang pinapasulat. ingat ka at baka ulo mo’y makalbo!
Posted by Mr. Nonsense at December 9, 2009, 2:32 pmakala ko nagloload. inantay ko, pramis.hehe:D aba'y excited ako, ano kaya mailalagay dito?
Mygulay! Ilang beses ako nag refresh tapos nag control A pa ko baka sakaling puti yung font. Buti nalang naisipan kong pumunta sa comments at baka natuyo na ko kakahanap sa entry! Haha.
Sige na, huwag ng umangal, magsimula ng sumulat.
Seryoso may gantimpala talaga.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 10, 2009, 8:10 amhaha.. nakow, ibang klase na ang blog mo. may pacontest na.
at ang gantimpala, medal na may nakalagay, Best in Filipino.
Posted by ax at December 10, 2009, 10:08 amhaha..kaya pala hintay ako ng hintay walang lumalabas..akala ko mabagal server ko..
ang pasko ay pagmamahalan, na siyang dapat nating isabuhay hindi lang sa araw ng pasko kundi sa araw-araw ng ating pamumuhay.
maligayang pasko sa iyo kaibigan.
Posted by eli at December 10, 2009, 10:12 amYaman din lamang at ito ay blangko,susubukan ko ring magsulat:Ito ang aking kwento:
ang isip koy madami ang laman,ang puso ko'y napakabigat.madami sanang sasabihin itong aking isip pero hindi ko alam paano sisimulan.
Posted by humihikbing puso at December 10, 2009, 10:13 amdear santa kulisap,
wish ko po ngayong pasko ay bumalik sa pagiging bata, kahit anim na oras lang….kaya ba ng powers mo santa kulisap?…
masarap ang pasko sa mga bata, kahit simpleng pagkain lang masaya na….gusto kung maranasan ang excitement ng mga bata…cge na po…santa kulisap…kaw na lang palit kay santa klaus…di na kasi ako naniniwala sa kanya eh!….madalas syang wala, nanay at tatay ko lang naman ang santa klaus tuwing pasko.
di na po ako hihiling ng iba…basta gawin mo lang bata ulit si aninipot…. ayaw nyo po?…bakeeet? mabait naman ako ah!.. di na nga ako nang-aaway ng mga bata ngayon para naman may gift ako sayo….hehehe
cge, mangagaroling na lang ako…..
jingle bells, jingle bells, silver bells basta lahat ng bells…. piso lang po bawat bell…hehe,
kaya, bellssssssssssssssss……bellsssssssssssssss.
madami na yan…issanglibo ang hihingin ko sa pangagaroling.
tenk u poh!…
Posted by aninipot at December 10, 2009, 11:42 amwoi.
kung ganon swe-swertihin siya sa exchange gifts. yay.
Posted by ax at December 10, 2009, 12:00 pmMay pasko pa ba Kulisap?
Posted by Naglulupaging puso at December 10, 2009, 1:06 pmAno ang pasko?
Bonus sa mga nagtatrabaho. Bagong laruan at damit sa mga bata. Handaan para sa mga magkakaibigan at magkakapamilya. exchange gifts at party sa opisina. santa claus at pati na rin reindeer niya.
sale sa mga mall, saka sa divisoria. caroling ng mga sintunadong bata. puto bumbong at masarap na bibingka. makulay na parol. ilaw na patay sindi sa matayog na krismas tree.
napansin ko lang, wala pa pala dito ang totoong rason at nagdiriwang tayo. dapat pala,
misa de gallo at sama samang pagsamba sa Kanya. pagbibigay lalo na sa mga kapuspalad na walang maibibigay na iba. at sa huli’y pinakamahalaga, sabay-sabay na pagbati sa sanggol na ating Hari.
Maligayang Pasko, J.Kul!
Posted by kaye at December 10, 2009, 6:06 pmako rin pala nawindang pagkakita ko kanina. shempre, mega-highlight pa ko mula dun sa open parenthesis hanggang close parenthesis kasi akala ko din, kulay puti ang ginamit na kulay at may trick ito. buti na lang din at tiningnan ko ang comments section. hahaha!
kagaling naman. meri krismas muli.
Posted by kaye at December 10, 2009, 6:12 pmhuwaw. ayos ‘to.
dito na rin ba sa pahina ng kumento ipapaskil ang akda o isusumite ko sa sulatroniko? wala lang… magpapasa sana ako.
Anj dito na lamang sa pahina ng komento mo ipaskil, kung sakaling ang iyong akda ang mapipili, ito ang siyang magiging laman ng blangkong espasyo.
'Nga pala mga kalahok, hanggang Dec 21 na lamang ang pagsali. Sa Dec 22 ko ilalathala ang magwawagi.
Salamat sa mga nagbigay na ng kanilang kontribusyon.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 11, 2009, 9:23 amNapakasaya na ng paligid dahil palapit ng palapit ang pasko. Ilang araw na lang, ipagdiriwang na ang kapanganakan ng Tagapagligtas ng sansinukob. Pero napansin ko, maski naggagandahan ang mga palamuti sa pasko at pinaglalaruan ng mga ilaw ang aking mga mata, parang may kulang… Parang may lumbay na dulot ang pasko ngayon. Hindi ko alam kung ako lang talaga ang nakakapansin noon. Ang sunod-sunod na trahedya dulot ng magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng at ang napasaklap at nakagigimbal na Maguindanao massacre ay hindi kayang masakloban ng sayang dulot ng pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa boxing at ni Efren Penaflorida bilang CNN Hero of the Year.
Kagabi, pinagmasdan ko ang nakasabit na parol sa aming bintana: ang parol na sumasagisag sa bituing sinundan ng tatlong mago papunta sa Bethlehem kung saan naroon ang bagong silang na Mesiyas. Kay lalim ng kahulugan nito.
Bumaling ang aking paningin sa labas ng bintana. Sa kailaliman ng gabi, mangilan-ngilan na lang ang nakabukas na ilaw sa aming mga kapitbahay bagamat karamihan ay may mga kumikindat-kindat na mga Christmas lights. Pero wala akong makitang bituin sa kalangitan. Bakit kaya? Dahil ba sa natatakpan ng smog ang papawirin sa lungsod? Kung nagkataon, maliligaw ang tatlong mago ang daan patungo kay Hesukristo. Tayo kaya, masusundan ba natin kung nasaan ang Mesiyas?
Nakita ko ang magarbong Christmas tree sa salas. Kayraming palamuti at umiindak-indak ang mga ilaw na nakapalibot dito. Ngunit bigla kong naisip: ano nga ba ang kahulugan nito? Maliban sa ito ay nagsisilbing silungan ng mga pamaskong regalo at aginaldo hehehe. Blangko ang isip ko sa kahulugan ng Christmas tree. Ang sumagi sa isip ko ay kung bakit kailangang may plastic na punong napapalamutian sa loob ng bahay. Hindi ba’t mas masaya kung maraming tunay na puno sa paligid? Punong puwedeng sungkitin ang bunga. Punong aakyatin para magtago sa taas nito kung hinahabol ng palo ni Nanay. Punong puwedeng pagtaguan sa larong taguan at pwedeng ukitan ng pangalan ng ating labidabs na nasa loob ng hugis-puso na may palaso pa. Aaah, may magagawa pa tayo para maging luntian ang paligid. Hindi pa huli ang lahat. Berde ang kulay ng Christmas tree at sumisimbolo ng pag-asa.
Pula ang isa pang kulay na pasko, katulad ng poinsettia na nasa tabi ng Christmas tree. Sumisimbolo ng pag-ibig at pagmamahal. Aaah, kailangan nating mahalin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal sa sarili. Madugo ito pero hindi tayo dapat nawawalan ng pag-asa. Darating at darating ang pasko taglay ang pag-asang mababago pa ang estado ng ating buhay sa pagdating ng dakilang Manunubos. Ang tanong ay kung handa na nga ba tayo.
Maligayang pasko sa lahat!!!
Posted by taribong at December 11, 2009, 10:47 am“LABS”
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at December 11, 2009, 10:51 am“Sana ngayong Pasko… Ay maalala mo pa rin ako… Hinahanap-hanap pag-ibig mo…Ihinto mo na. Huwag mo ng patugtugin sa iyong puso ang saliw ng malungkot na musika. Huwag mo ng paawitin ang iyong isipan sa titik na magdudulot lamang sa iyo ng luha. Pasko ng muli. Pass akong muli.
Ilang Pasko na ba ang lumipas? Ilang pass na rin ba ang nagdaan?
Pasko ang panahong nagkakasama ang buong pamilya. Pass 'ko sa salu-salo, nasaan ba sila? Pasko ang tanging araw ng pagbibigayan ng aginaldo. Pass 'ko sa ganitong tagpo, kanino ko ba ihahandog ang yaring puso? Pasko ang pinakamasaya para sa mga bata. Pass akong muli, kailan ko ba ito nadama?
Tahan na. Huwag ka ng mangulila. Hayaan na ang mga munting tinig na iyong naririnig ay yapusin ka sa init ng pag-ibig kasabay ng simoy ng hanging kay lamig.
Parating na muli ang araw na ang tala ay nagliwanag sa kahabaan ng dilim. Sa sabsaban iniluwal yaring gunita ng walang hanggang pagmamahal at pag-asa.
Tumingala ka sa langit. Sundan ang kislap ng bituin. Ikaw ay ihahatid sa iyong mapag-arugang pamilya. Naruon sila at hinihintay ang iyong pagbabalik. Sa iyong pagdating sa abang tahanan, ihandog ang sarili ng buong puso at walang alinlangan. Hindi ba't kaysarap damhin, kayakap, kapiling ang mga taong sa iyo'y nagmamahal din. Isinilang kang muli kasabay ng Hari, sa sabsaban na saksi sa panibagong sandali.
Pasko ng muli. Sa puso mo ito'y habambuhay mananatili.
Posted by taga-bundok at December 11, 2009, 4:41 pmUnang titig ko, wishlist kaagad pumasok sa kukote ko, hahaha!
Posted by brVince at December 11, 2009, 11:53 pmpwede bang i-paste yung christmas centerfold ng playboy jan sa page mo?
Posted by Mr. Nonsense at December 12, 2009, 1:02 amLol @ PapaJess. Wahahahaha. Rakenrol!
)
May gusto ren ako ilagay kaso baka ma MTRCB tayo. Joklang. Haha.
Posted by Vajarl at December 12, 2009, 10:21 amVaj and Jess, bago niyo pa lang ilagay dito ang mga pagnanasa ninyo, papatayin ko na muna ang kaluluwa ninyo..hahahaha.
Ang nais ko ay mga panitik sa wikang Pilipino.
Huwag ng maraming sinasabi, magsulat na.
Salamat sa lahat ng mga nagsipag-ambag ng kanilang karunungan dito.
Sige lamang, sinisimulan ko ng limiin ang may mahusay, mas mahusay at pinakamahusay, hanggang sa ako ay mahandusay na sa kakapili.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 12, 2009, 10:31 amSana may masulat nga ako bago mag deadline. Pero magandang idea talaga yung sinabi ni PapaJess eh. Pede ba gawing background ng akda yung picture? Hehe.
Posted by Vajarl at December 12, 2009, 10:38 amHijo, wala akong ideya sa sinasabi ninyong larawan.
Hindi ko alam kung pwede dito yong ideya mo na gawing bakgrawnd ang larawan. Ang mahalaga mabasa ko ang iyong isip, may maipahatid ka na maaaring hindi ko pa napagtatanto.
Panawagan kay Jess, hinahamon kita na gawan mo ako ng isang akda ng panitikan tungkol sa Pasko.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 12, 2009, 10:47 amwaah!..nainggit ako…walang kwenta ang nilagay ko..huhuhu..kuya pwedeng kasama na lang ako sa mag-husga, cge na plsssss..hahaha
toinks!…cge na nga pwedeng di na…basta magsusulat cgoro ako ulit…hehe
Posted by aninipot at December 12, 2009, 12:45 pmHaha. Sige, susubaybayan ko ang paligsahang ito.
Posted by xdalisayx at December 12, 2009, 3:25 pmAng bawat tao ay may kanya kanyang kahulugan, titik o interpretasyon kung ano ang tunay na pasko. Paskong makulay na kalsada, masasarap na pagkain sa lamesa gaya ng hamon, queso, lechon, at sangkaterbang regalo ang pasko para sa buhay may kaya.
Paskong may krismas tree na gawa sa lata, paglimos sa kalsada, pagbabanat ng buto gabi man o umaga makaraos lang at kumita para sa naghihirap na pamilya. Maswerte na ang may pagsaluhan na noche buenang tuyo sa lamesa. Ito naman ang pasko para sa naghihirap na masa.
Ano man ang pasko natin, ang mahalaga ay pag-unawa at pag-ibig sa bawat isa. Ang tunay na pasko ay wala sa sarap ng nakahain sa lamesa, ito man ay mapa tuyo, hamon, lechon, sari saring prutas o keso. Ang tunay na titik pasko ay nasa ating puso, Ang pasko ay ang pagpapasalamat, pagbabahagi at higit sa lahat pag-ibig. Pag-ibig ang tunay na diwa ng pasko.
Tulad ng marahang simoy ng hanging ating nilalanghap, ang pag-ibig ay para sa lahat, at magmumula sa lahat. Damhin ang tunay na diwa ng pasko. Ang pasko ay para sa mundo.
Isang mapagmahal at maligayang pasko po!
Posted by christopher luzana at December 13, 2009, 9:55 amPrinsesa Dalisay, huwag mong subaybayan, kasali ka.
Aninipot, may entry ka na di ba? Sabi mo gusto mo pambata, kaya ayan ang lumabas. May mga hurado na ako diyan.
Salamat sa inyo, hindi ako magkokomento muna sa inyong mga akda, basta nagpapasalamat ako.
Ang dami na ng titik pasko.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 13, 2009, 10:20 amakala ko bangag talaga ko o gutom na, sige gawan ko ano.
yung espasyong to hmmmm, blanko, malinis, walang mantsa, maluwang, MASAYA. =)
ikaw talaga lolo!
Posted by yiN at December 13, 2009, 2:41 pmhmmm. akala ko naghang yung pagload ng page. hahaha.so kelangan Filipino?
ang Pasko ay isang gahum para sa ilan. isa itong paraan ng mga kapitalista, upang kumita ng mas maraming salapi at lalong paigtingin ang kulturang konsumerismong namamayani na nga sa mundo.. isa itong pangyayari na malinaw na nagpapakita ng pagkakahati-hati sa lipunan- ang mga mayayaman, nagpapalipas ng Pasko sa ibang lugar, ang mga burgis, nagdidiwang sa kani-kanilang bahay ng NocheBuena, ang mga mahihirap na nagsasalo-salo sa kung ano ang nakaya ng sahod nila, at yung mga mahihirap nagtitiis na lamang sa wala. isa rin itong paniniphayo at hindi makatarungang pagturing sa mga taong hindi naniniwala sa pasko.
pero, sa lahat ng dalumat na ito, ang pasko ay ang pagsilang ng ating panginoon- na nakaranas ng lahat ng kasamaan ng mundo- mula sa pagiging biktima ng mga tagasingil ng buwis ng panahong iyon( malamang ito yung mga kapitalista ngayon), sa pagiging bahagi ng isang lipunang hati at makikita ang malaking agwat mula kay Caesar hanggang sa mga ketongin, at sa pagkakadapa dahil sa paniniphayo at hindi makatarungang pagturing sa kanya dahil sa mga katotohanang inilahad niya.
ilan lang ito sa naranasan niya, marami pang mas malala . kahit na ang dilim-dilim ng pasko natin ngayon, dapat, nakikita pa rin natin si Hesus dito, dahil Siya ay nasa lahat ng bagay, gaano man ito kasama o kadilim. pano nga ba natin malalaman na maliwanag kung hindi tayo nakaranas ng kadiliman? mapapahalagahan ba natin ang kahalagahan ng mga bituin kung maliwanag na sumisikat ang araw?
napadaan lang!
Titik Pasko
Sanggol na Jesus, Santa Maria at San Jose, at Sabsaban.
Santa Maria at San Jose…mga simpleng magulang na nagmahal upang isilang ang Sanggol na Jesus.
Panginoong Jesus na punong-puno ng pagmamahal na nagkatawang tao upang iligtas ang tao sa kasalanan at ipagkaloob ang kapayapaan.
Sa isang napaka-simpleng lugar… naganap ang unang Pasko…sa isang sabsaban. Nawa’y maging isang sabsaban ang ating mga puso…walang materyal at makamundong bagay na makakahadlang upang ang Panginoong Jesus ay manahan.
Nagsimula ang lahat sa pagmamahalan…pagmamahal na iniisip muna ang ibang tao bago ang sarili.
Kailangan pa bang maging marangya ngayong Pasko?
Maging marangya sa pagmamahal…at ang Pasko ay mapupuno ng kasiyahan at kapayapaan.
Maligayang Pasko sa inyong lahat.
Posted by superlolo at December 14, 2009, 10:17 amteka, akala ko nagkakamali lang ako ng pindot, at nahihilo ako dahil sa wala ako makita..
kakaiba! naks!
Maligayang pasko Lolo J.kul.
Wala parin akong mapiga sa utak ko na pwede isali sa pakonteskontes mo. Makiki cheer nalang muna siguro ako. Hehe.
tuwing pasko, ugali ko ng magpapicture sa belen. ito ay nasimulan ko simula noong 2006 at balak kong ipagpatuloy ito ngayong 209.
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at December 14, 2009, 10:10 pmVacation, Christmas mode na ang madlang pipol…
Mga kumukutitap, nagkikislapang parol, lights, Xmas trees… Parties… Sayawan, kantahan, inuman… Simbang Gabi… Mga regalo… Wooh, pera… Tataba na naman sa masasarap na pagkaing tuwing Pasko lang naaamoy at nasasayad sa dila… Reunion ng pamilya… Mga kaibigan…
Masaya, napakasaya ng Pasko dahil sa mga iyan… Sa sobrang saya, nakalimutan na ang tunay na dahilan ng pagdiriwang…
(Heto na po ang entri. Paskil ko lang din ito sa aking pook-sapot.)
Habang nagpapakabusog sa Noche Buena
Habang nagsasaya sa mga regalo at pera
Alalahanin natin
Ang mga namamalimos sa lansangan
Ang mga nilindol, binaha, nasunugan
Ang mga walang makain at walang tahanan
Huwag nating kaligtaan
Na sa labas ng ating mga bahay
Merong ninanakawan
Merong ginugulpi
Merong nirereyp
Merong binobomba
Merong pinapatay…
Di ko mawari kung paanong
Nasisikmura ng mga Kristiyano
Ang kumain ng masarap
Gayong napakarami
ang nagdurusa sa hirap?
Malaking bahagi ng populasyon ng mundo
Ay mga Kristiyano, nagdiriwang ng Pasko
Mga Pilipino ang tanging mga Katolikong Asyano;
Ating ipinagmamalaking mahal natin ang Diyos
Mahal natin si Jesus
Ating Panginoon
Ating si Bro!
Haha…
Kaya pala
Kaya pala…
“Mahal namin si Jesus!”
Ang mundo’y balot ng karimlan;
“Purihin ang Panginoon!”
Naghahari ang kasamaan;
“Shout for joy! Rejoice! Sing His praises! Glory to God! Sambahin ang Banal Niyang Pangalan!”
Maraming nanghoholdap, nagdodroga, nangingidnap, nagpuputa, nang-aalipin, nangugurakot, nananamantala, pumapaslang;
Kay raming naguguluhan, naghihirap, namimighati, napopoot, nasasaktan…
Sa pagdiriwang natin
Ng Paskong darating
Wala sa pakiwaring simba, dasal,
selebrasyon, sayaw, at kanta
Ang pananampalataya kay Jesus na dakila
Kundi nasa pagsasakatuparan at pagsasabuhay
Ng mga turo Niya at hiyas na aral
Sa pamamagitan
Ng mabuting gawa
At pagtulong sa kapwa.
Kaya, bago mo isubo
Ang salad at menudo
Isipin mo
May minasaker
May dinemolish na namang mga bahay
Patuloy sa pagnanakaw ang gobyerno mo
Walang makain ang batang
Nangangaroling, nagrarugby,
Namamalimos sa iyo…
P. S.
“Ano ang Christmas lights na iyan,
Magagarang Belen,
Nag-uumapaw na pagkain sa hapag?
Gayong pinaghaharian ni Satanas
Ang inyong daigdig?
Mga mapagpaimbabaw!” - Jesus
Tsk. Napakaironiko — napakagulo, napakasalimuot ng mundo, gayong ang majority ay mga Kristiyano… Ano ngayon itong relihiyon natin?!
Ayun. Nangongonsyensya lang, G. Kulisap.
Posted by xdalisayx at December 15, 2009, 2:39 pm“may tsansang makita ang daliri ni J.Kulisap”
hanggang ngayo ba ay nasa pwet mo pa rin yun?
Posted by Mr. Nonsense at December 15, 2009, 3:06 pmano ang tagalog ng centrifugal force?
wala na. talo na.
Posted by Billy at December 16, 2009, 1:40 amcentrifugal force- sentrong lakas/pwersa
Posted by kayumanggingdamdamin at December 16, 2009, 8:12 amSimula na pala ng simbang gabi.
‘Yong mga sasali pa, magsumite na ng akda para masaya tayong lahat.
Sa mga nakapagpasa na, salamat.
Puro pasasalamat.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 16, 2009, 12:06 pmayun alam mo pala tagalog ng centrifugal force.. sali ka na dito sa pakontes mo, baka ikaw manalo. hehe.
Posted by Ark at December 17, 2009, 11:57 amMay pasko pa ba Boy?
Posted by Palab at December 17, 2009, 2:16 pmakala ko may sira ang aking koneksyon sa internet…
para sa aking komento, masasabi ko na para sa akin, maagang pamasko na makita ng aking anak ang kanyang ama,,, matagal ko rin inasam na sila ay magkita… nakakatwa silang panuorin na naglalaro… maari ngang wala pa syang muwang, ngunit makikita mo ang ngiti sa kanyang mga mata habang tinititigan ang kanya ama… nagpapasalamat ako sa pagkakataon na ito.. na sana hindi ito ang huli nilang pagkikita at sa wakas naramdaman ko rin ung tunay na kahulugan ng pasko… ang pagbigay ng tawad sa taong nakasakit sayo…
‘Hindi kita pinapalaya para lumuha,tinatapos ko lamang ang pangarap na hindi naging buo dahil kulang ito ng isang kabanata. Magsimula tayong buksan ang mga hindi nasimulan.”
napadaan ulit ako rito, at naantig ang puso ko sa mga linyang ito. naiyak ang tamang salita.
Posted by bipolarsisa at December 19, 2009, 5:19 pmArk, kung ako ang sasali dito, ano ang ibibigay mo sa aking premyo?
Palab, hindi nawawala ang Pasko, ang itanong mo, ano ang Pasko para sa iyo?
Maribubot, ang aking si Maribubot…ako ay sobrang nagalak sa mga pangyayaring ito sa iyong buhay. Pangako, bago ko lisanin ang blogosperyo sa taong ito ay ipapaskil ko na ang bahagi ng iyong buhay. Ang sabi ko sayo, may hinahanap akong salik subalit parang hindi ko matagpuan…pero kaya kong itawid.
Bipolarsisa, nadalaw ka. Sapat na ang salitang iyan para maramdaman ko rin ang nais na ipahayag ng mga kataga. Kakayanin alang-alang sa Pasko dahil ito ay pagmamahal.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 19, 2009, 5:50 pmoo. dahil ang tunay na diwa ng Pasko ay pagmamahal, pag-asa at liwanag. ang 3 yan ang pinanghahawakan ko ngayon.
Posted by bipolarsisa at December 19, 2009, 5:55 pmAng lahat ay nagsisimula sa kawalan. Anumang damdamin nag-uumpisa parang pahinang walang laman. Puti, simbolo ng pagkadalisay. Malinis, ibig sabihin walang bahid ng duda, lungkot, ni pagkabahala. Blanko, pero nilikha ng Panginoon ang mga titik para punan ang kawalan na ito. At sa pamamagitan ng mga titik maaari ipahayag ang damdamin na kanlong ng puso. “titik ng pasko”, tama ba nabasa mo? Oo, hindi “itik ng pasko”, manok kasi handa namin, matigas kasi karne ng itik. mas mainam sa puso ang karne ng manok, lalo na pag ganitong kapanahunan kung saan ang mga puso ay nagdidiwang, mahirap na atakihin. Malikot ang mga titik sa sanaysay na ito, gaya ng mga damdamin na hindi mapakali at sabik, hindi layunin ng may akda na lituhin ang iyong diwa pero nais lang iparating sa giliw na mambabasa na walang iisang kahulugan ang mga titik. Puso ang maglalagay ng kahulugan sa mga salita, kaya anuman ang binabasa mo ngayon eh ikaw ang magbibigay ng kahulugan nito. Tuliro ka na ba? Ako din. Ibig sabihin may puwang ang pagkakaintindihan. At mas nalito ka? Ako din. Ibig sabihin nagkabuhol-buhol na yung usapan, anak ng katipay. Balik tayo sa una, sa bakante’ng espasyo, sa blanko’ng papel. Simple, hindi kumplikado. Mas masaya. hindi ba? Mas masaya, mas bongga. Ganun ang pasko, gaano man kadami ang mga palamuti at paghahanda, mga ilaw at kulay, awit at kanta, pagkain at alak, pagmamahal at tuwa, simple lang ang mensahe ng pasko, ipagdiwang ang buhay. Sino may angal?
Posted by yiN at December 20, 2009, 2:13 pmkaya walang nakasulat dyan kasi hindi na kailangan pa ng salita.
nasa sarili na yan.
magsisimula sa atin ang diwa ng pasko.
tapos sa mga nakapaligid sa atin
at sa panginoon.
ano pang hahanapin natin, nandyan na yan sa puso natin kelangan lang dumilat at dumamang maigi
Posted by jasonhamster at December 20, 2009, 4:08 pm@YIN YANG - natulala ako. O.O
Posted by taga-bundok at December 21, 2009, 6:18 amwow! may bet na ako para manalo…. grabe! natawa tlaga ako at napaisip…magaling yin.
Posted by aninipot at December 21, 2009, 8:16 amhaha… pareho tayo! botohan ba ito?!
Yin Yang for President! este for the win! haha!
(paumanhin Kulisap… dala lang ng emosyon.)
Posted by taga-bundok at December 21, 2009, 9:50 ammaligayang pasko sa lahat. ang nais ko ngayong pasko ay wala akong pasok sa opis hahahahahah
Posted by jason at December 21, 2009, 10:40 amhaha!..sasabihin ko na ang bet ko hanggang third….pasensya kuya…wag magalit kay aninipot ha?
1st- yin
2nd-taga-bundok(kuya anjong)
3rd- dalisay
maligayang pasko, pare. sana eh di maging blanko ang pasko mo tulad ng post na ito.
congrats yin…sabi ko na nga ba kaw mananalo…
kiss na lang para sa iyo… mwuah!
hahaha.
Isang taos-pusong pagpugay sa nagwagi sa patimpalak.
Yin, tanggapin po ang isang masigabong palakpakan sa iyo. Mahusay ka at ang galing ng pagkagawa ng iyong akda. Hanep sa banat, umpisa pa lang heheehe. Hanga ako sa inyo ni J.Kulisap.
Maligayang pasko sa lahat!!!
(Woohooo, wala bang pulutan diyan? inuman na hehehehehe)
Posted by taribong at December 22, 2009, 1:53 pmYun, ang nanalo ay si G. YIN. Binabati kita, dude!
Hehehe. Maligayang Pasko po sa lahat! Ilang araw na lang, ambilis.
Posted by xdalisayx at December 22, 2009, 5:11 pmYin! Inuman na! Hehe…
Sa wakas makikita mo na ang daliri ni Kulisap!
What is the true meaning of Christmas? Whatever it is, just Google it.
Posted by salbehe at February 22, 2010, 10:12 amSalbehe,
Gusto ko itong iyong winika kahit na ingles.
Kung anuman ‘yon, nasa iyo na kung papaano hanapin.
Salamat sa muling pagdaan
Posted by kayumanggingdamdamin at February 22, 2010, 12:44 pm
Mga ginigiliw na mambabasa, ano ang aral na iyong natutunan sa aking akda? Wala? Ano ba ang nabasa mo? Wala rin akong maintindihan…Wala ba? Baka naman hindi mo lang makita ang nakasulat? Wala ba talaga?
Yaman din lamang na ganun, sige, lagyan mo ng laman, ikaw ang magsulat..Ipahayag mo ang nais mong sabihin, wikain mo ang iyong nasasaloob..hilingin mo ang nais mo…isigaw mo ang iyong bulong, kausapin mo ang nais mong makausap.
Ang blankong espasyo ay para sa iyo.
Lagyan mo ng titik ang aking Pasko.
Ang pinakamahusay na panitik sa wikang Pilipino ang siyang mailalathala sa blankong espasyo dito sa aking bahay-kubo. Bukod diyan, siya ay may tsansang makita ang daliri ni J.Kulisap.
Seryoso, bibigyan ko ng gantimpala ang magwawagi, iwanan lamang ang iyong sulatronikong adres para sa mga impormasyong kakailanganin ko kung papaano makukuha ang gantimpala.
Wala sa iksi o haba ang iyong salaysay o akda. Nasa nilalaman.
Salamat sa inyong lahat.
J.Kulisap.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 9, 2009, 8:14 am