KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

BALARAW SA DIBDIB

November 30, 2009



  Tinalunton ko ang daan pabalik ng bahay. Sadyang tahimik sina Inay at Itay nang magbalik ako.Nagtatanong ang kanilang mga mata pero walang namumutawing mga salita mula sa kanila. Hinihintay kong sumbatan ako pero yakap na mahigpit at mainit na luha ang natanggap ko mula kay Inay. Ligtas na ako sa panganib pero parang lalong umantak ang pintig ng aking puso. Kakaibang balaraw ang tumarak sa akin- kung lumala pa’y maaring magdulot sa akin ng pamamaalam.

Limang taon na pala akong nagmahal sa aking asawa pati na rin sa aking dalawang anak. Pinanindigan ko ang paglayo sa aking pamilya para bumuo din ng sariling pamilya.Mapagmahal, malambing, maginoo, maalalahanin, simpatiko, masunurin at responsable ang aking asawa. Nagdiriwang ang aking puso at kalulwa ng ihandog niya sa akin ang kaniyang sarili, sinuklian ko naman ito ng pagmamahal bilang isang ulirang maybahay. Tamang ipinaglaban ko siya sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko dahil ramdam kong ako’y kaniyang iniibig.

Tama ring unti-unti kong nakalimutan ang sarili kong buhay para matugunan ang pangangailangan ng aking asawa at pati na rin ng aking mga anak. Nagtatrabaho ako sa araw, maybahay pagdating sa tahanan at ina ng aking mga anak.Anong kulang sa akin kung bakit naliligalig ang aking kaisipan? Marahil ako ang mali. Pag-iisip ko lamang ang madumi.

Bakit ko ba sinasabi sa iyo ito? Saan ba patutungo ang mga inilalahad ko? Nauunawaan ko naman na hindi ako perpektong asawa at ganun din siya. Ilang mga babae ang napa-ugnay sa aking asawa, likas yata sa mga lalake ang mabighani pa sa iba kung kaya’t sinuklian ko pa ng pang-unawa ang aking asawa sa halip na sumbatan siya. Asawa ako, ako ang dapat umuunawa sa kakulangan niya, tinanggap ko siya pero napapagod din pala ang puso. Lahat ng mga naging babae niya ay kinaibigan ko pa, nagbabakasakaling makonsensya naman sa mga ginagawa. May punto pang ninang pa ng isa kong anak ang naging babae niya. Ang asawa ko pa mismo ang nakiusap sa akin na ako ang makipag-usap sa isa niyang babae para makausap lamang niya ito, mabait ako kaya pinagbigyan ko siya. Mabait ako kung kaya’t kahit naririnig ko na ang kanilang lambingan ay musika naman ang pagpatak ng aking luha. Humihiyaw ang utak ko pero nagawa ko pang ngitian ang isa pang na-ugnay sa kaniya kahit huling huli kong naghahalikan sila. Mabait ako, tungkulin ko bilang asawa ang mahalin siya, alagaan at unawain ang kaniyang kakulangan. Kung babanggitin ko pa rito ang mga ginawa niya sa akin, hindi na maituturing na lalake ang asawa ko. Sa aspetong hinahanap ko, nabawasan ang aking respeto.

 

 

Luluha ako hanggang may pumapatak na likido sa aking mga mata. Pilit kong ikinukubli ang totoong nangyayari sa amin ng aking asawa sa aking mga magulang at mga kaibigan. Asawa ko siya, dapat pinagtatakpan ko ang kaniyang kakulangan. Impit na daing ang sakit na itinatarak ng aking asawa. Magtitiis ako…hanggang kailan..hanggang sa tuluyan ng bumitiw ang aking katiting na pag-asa? Mas masakit ang kimkimin ang galit at hinanakit na naipon na pala. Tanggap kong minsan napagbuhatan mo ako ng kamay, pumasok akong hindi pantay ang blush-on sa pisngi. Pinagtanggol kita dahil asawa kita.

Binabawi ko na ang sinumpaan kong salita sa harap ng mga sumaksi sa pag-iisang dibdib namin. Akala ko, kaya kong tiisin ang mga magdamag na iba ang kaniyang kaulayaw, ang kaniyang kapabayaan, ang pagiging sunod-sunuran niya sa kaniyang mga magulang. Sa mga unang buwan lamang pala ang pagpapatikim niya sa akin ng kaginhawahan. Naglaho na ang imahe ng asawang aking inibig at pinangarap. Sadyang bulag yata ang pag-ibig. Hindi ko na maibabalik pang muli ang nakaraan para magsisi sa agarang pag-aasawa na hindi ko napaghandaan. Huwag mo na akong sisihin..nandito na ito, pang-unawa ang kailangan ko.

Sabi ng isip ko, asawa ko siya, pero bakit ayaw nang kilalanin ng aking puso ang taong naging mundo ko sa loob ng limang taon?

Isang hamon ang yumanig sa pagkalalake niya, dati rati’y pagbabanta lamang ang aking ginagawa, mahal na mahal ko siya kung kaya’t isipin ko pa lamang na iwanan siya, parang ikamamatay ko na, pero sadyang naging sarado na ang aking isip, tuluyan ng sumuko ang pagod kong puso. Nilisan ko ang aming tahanan bitbit ang dalawa kong anak subalit nagawang itakas nito ang mga bata pabalik sa kaniyang mga magulang. Sa legal na pamamaraan, ako ang dapat na nangangalaga sa kanila dahil wala pa sila sa sapat na gulang pero ayaw kong umabot pa kami sa korte. Hihintayin ko na lamang ang kaniyang pagsuko at muling ibalik sa akin ang aking mga anghel.

Hindi siya nakinig sa aking banta na kapag tuluyan akong napagod- hinding hindi na ako magbabalik. Ilang buwan na niya akong sinusuyo pero manhid na ang aking puso. Ang sabi ba naman, kung kailan daw ako nawala saka niya lamang daw napagtantong mahal niya pala ako. Huli na ang mga pagsuyo, lalo lamang akong namumuhi, mas naaawa ako sa sarili ko. Ang alam ko lamang, nais kong bumuo ng pamilya kasama ang isang lalakeng pangangalagaan ako bilang babae, ina at asawa.

Paninindigan ko na ang paglayo kong ito. Sa huli, nais ko pa ring makamit ang kaligayahan ng aking asawa lalo’t higit ng aking mga anak. Sana ngayong pasko, maipaghele ko ang mga bata.

 

Imahe mula sa Google

 

 

J.Kulisap, salamat sa pakikinig mo sa akin. Sadya kong itinago ang buhay-pamilya ko dahil ito ay pribado ng usapin pero kailangan ko lamang talaga ng kausap. Salamat dahil napaunlakan mo ang aking hiling na makipag-usap sa akin. Ilang taon na tayong hindi nagkikita pero heto pa ang narinig mo mula sa akin.

  

Posted by kayumanggingdamdamin at 6:36 pm | permalink

Previous Comments

Sa mga mambabasa. Mag-iwan ng puna para sa mas ikaliliwanag ng aking inilathala.

Pinasasalamatan ko si Ginang L. dahil pinahintulutan niya akong ibahagi ang kaniyang buhay may asawa. Layunin kong maging daan ito para sa ating mga lalake na bago pasukin ang pagpapamilya- dapat kaya nating manindigan para sa ating kabiyak at sa magiging mga anak.

Mahalagang salik ang kontribusyong tayo ang maghuhubog sa pamilyang ating pangarap.
Pinapayo kong,kung hindi rin lamang kayang maging isang ama at asawa- huwag nang subukan pa.

Para sa mga babaeng dumaranas ng ganito- huwag ipasawalang bahala ang lahat. Hindi lahat ng nakikita mo ay tama, kahit mali na- basta alam mong sumumpa ka sa harap ng Diyos o ng mga taong saksi ay susundin mo na ang lahat. May sarili ka ring buhay na dapat alam ng magkabilang partido kung ano ito at alin ang dapat.

Ang gusto ko sana, masasayang pangyayari ang isusulat ko dito sa aking bahay-kubo dahil magpapasko na pero ayaw ko ng patagalin pa ito.

Maging TAO tayo- huwaran pero hindi naman perpekto.

Isa ito sa diwa ng Kapaskuhan- dahil naniniwala akong ang sentro ng kaligayahang nararamdaman natin ngayon ay nagmula sa ating PAMILYA.

Lubos na sumasainyo,
J.Kulisap ( sabay kindat)

Posted by kayumanggingdamdamin at November 30, 2009, 6:52 pm

Marapat lamang na mahalin mo rin ang iyong sarili upang manumbalik ang pagmamahal mo sa iba. Ano pa ang maibibigay mo kung wala na para sa iyong sarili? Ako’y iyong pinahanga sa iyong katatagan. Nawa’y iyong makamit ang hustisya at makapiling mo sana ang iyong mga anak sa paskong darating.

Posted by Palab at December 1, 2009, 12:37 pm

Ang bigat naman. Sa tingin ko masyado pang musmos ang isipan at kulang pa ang aking mga karanasan para magbigay ng puna tungkol sa mga pinagdaraanan ng mga mag asawa. Kahit sa mga pelikula at teleserye palaging nambababae ang lalake. Bakit nga ba? Ay ewan. Tapos ganon din ang ending, gaya ng sinabi ng nagsulat sayo J.Kul, sasabihin nung lalake ‘ngayon ko lang narealize na mahal kita nung nawala ka’. Achehe.

Posted by Vajarl at December 1, 2009, 2:35 pm

ikokowt ko na lang yung sinabi ko sa isa kong entri sa aking abang blog (hehe):

Sa tunay at dalisay na pagmamahalan: “pantay ang dalawang tao sa relasyon. Walang dapat na api, walang nakapangingibabaw. Kapwa kayo may karapatan at responsibilidad sa samahan. Hindi dapat mangyari na ang isa ay bigay nang bigay, habang ang isa ay tanggap nang tanggap. Oo nga’t ang tunay na pag-ibig ay di naghihintay ng anumang kapalit, ito’y unconditional, ito’y nagsasakripisyo. Ngunit di ibig sabihin na wala nang responsibilidad sa iyo ang kapareha mo. Minamahal mo nga siya, tunay ang pag-ibig mo, di ka umaasa ng kapalit, subalit siya nama’y di pansin ang pagmamahal mo o kaya’y sinasamantala niya – hindi magtatagal ang inyong relasyon. Wala na siyang pag-ibig sa iyo at dapat na wakasan na ang inyong samahan. Sa isang tunay at wagas na relasyon, ang dalawang tao ay nagmamahalan, at hindi ang isa lamang ang nagmamahal. Oo’t mahal mo siya – datapwat kung di ka mahal ay huwag nang ipilit ang sarili. Palayain siya, bumitiw sa relasyon, sapagkat lalo ka lang masasaktan kapag ipagpapatuloy mo.”

Hiwalayan na lang niya yung lalaki. Loko-loko yun. Kapag mahal mo ang isang tao — di mo siya magagawang saktan nang ganun katindi. Ay sus, napakarami namang babae. Sige na, ang kalalakihan ay ganyan talaga — di maiaalis sa kanila ang pambababae. Pero wag naman sanang seryosohan at saka yung pinamumukha mo pa sa iyong asawa… Basta, kaya niya ‘yan, malalampasan niya, maging matatag lamang…

Posted by xdalisayx at December 1, 2009, 9:39 pm

j kulisap…. nice story…

Posted by livingstain at December 1, 2009, 10:25 pm

sabay kindat daw….
ikaw yung si Ginang L no?

kawawa ka talagang babae ka.

all kidding aside, good story. unfortunately, this is more common than what we think

Posted by Ginoong Walang Batik at December 2, 2009, 10:17 am

Hi JKulisap pabisita ha.

Ang lungkot naman ng kuwentong ito. May kurot sa puso. Sang-ayon ako sa ginawa ni Gng L para lumisan na sa kanyang pagka-martir na kalagayan. Ang dalangin ko na lang ay mapunta o maibalik sa kanya ang mga ANGHEL niya.

Posted by superlolo at December 2, 2009, 1:44 pm

Hi JKul! finally nakakoment agad ako sa isang recent post mo.

sa totoo lang, maraming ganyan sa ating lipunan. marami nagkakaayos, marami din ang nawawasak sa kalaunan. pero kung respeto na ang mawala, kahit man di sa perspektibo ng babae, ‘yun ay magiging kasiraan na ng ating mga sarili kung pababayaan lang natin na maging mapagmasid at mapagparaya sa mali mga bagay-bagay. saludo ako kay Gng L sa kanyang lakas na loob na tumayo na sa sarili at ibalik muli ang tamang buhay na para sa kanya. kaya siguro sa amin ni kaye, ibayong pag-aalaga ang ginagawa ko sa kanya dahil ang kanyang importansya sa kin ay higit pa sa buhay na kinamulatan kong kasama s’ya.

salamat sa iyong istorya at nawa’y maging malakas ang ibang mga babae (o lalaki man) na ibalik ang respeto sa kanilang sarili upang tumayo muli at matamasa ang magandang buhay kasama ng mga totoong taong nagmamahal sa kanila.

Posted by bongkito at December 2, 2009, 2:05 pm

masasabi kong martir sya pero bilib ako sa kanya, sa ilang taon nyang pagdurusa at hindi nawalan ng pag asa na magbabago ang kanya asawa… MABUHAY ka dahil ginawa mo lahat para lang maging buo ang iyong pamilya..tama nga na kapag ang puso ay napagod, mahirap ng magtiwala at ibalik ang dati..hangad ko na dumatng ung araw na mahanap nya ung lalaking magmamahal at irerespeto ang kanyang pag kababae…

Posted by maribubot at December 3, 2009, 1:39 pm

grabeh, bilib ako sayu! nakuha mu pang kaibiganin ang mga babae ng iyong asawa? siyet! kung aku yun naku, magtigil sila noh!!

well, napahaba ng itong kwento, peru ako talaga ay natuwa, at sumaludo din sa iyo!! ganyan namn tlaga siguru ang buhay may asawa, bakit nga ba ganun ang mga kalalakihan? hndi makuntento sa buhay?! i mean, kung mahal ka tlaga kahit anu kapa for the sake of love, hindi ka talaga pababayaan… sus, sana may sense mga sinabi ko!!

i bow seo!!! :-)

Posted by pinkdiaries at December 3, 2009, 2:55 pm

Dear Kulisap,

kumusta ka na rin dyan?

Sinagot ko na ang tanong mo kung ako ba ay Pilipino, at bakit?

Mahirap sagutin pero nasagot ko na sa wakas. Sana pumasa ung sagot ko.

Ito ang link nang aking sagot.
http://exodians.wordpress.com/pinoy-emessages/#comment-2224

Posted by darbs at December 3, 2009, 4:01 pm

Uy…magandang araw sa lahat ng napapadpad. Binabasa ko ang inyong mga komento.

Malungkot ang kwento ni Ginang L. pero ito ay may hatid na aral kung kaya't ginusto ko ring ilathala. Para sa ating lahat para mabuksan o madagdagan pa ang ating kaisipan.

Sa huli..kaligayahan ng taong sangkot ang nais kung maganap para sa kaniya.
___________________
Don sa mga bagong dating..huwag kayong mahiya, bagong laba ang kumot…don kayo sa katre matulog kapag inabot kayo ng gabi dito sa aking bahay kubo.

May suman diyan sa hapag. Isawsaw mo sa sampililok. Magmumog ka bago kumain.

Posted by kayumanggingdamdamin at December 3, 2009, 5:36 pm

naantig ang puso ko :(
langya naman mga lalake talaga, minsan dapt kasi nililibing kayo eh! tsk! wag nga kayong mangangako sa harap ng altar kung hindi niyo naman isasabuhay.hay nakuw.

pero totoo,madaming nangyayaring ganito, ngayon nga lang ay naatasan na idiscuss namin ang marriage sanctity and family values sa isang komunidad na aming hawak dahil sa dumaraming kaso nito.

Posted by modernonglapis at December 3, 2009, 6:30 pm

matalinong pagsusulat. pwede mo ba akong turuan ng malalim na tagalog?

Posted by Vladimir at December 3, 2009, 8:57 pm

Sa wakas natapos ko ring basahin ang kwento ni Ginang L. Ang galing ng pagkasulat.

Lesson 1: Please kababaihan hwag na hwag tanggaping na mapagbuhatan not once not ever.

Tanggap kong minsan napagbuhatan mo ako ng kamay, pumasok akong hindi pantay ang blush-on sa pisngi.

Kung may batas man about “Domestic Violence”, hwag nang ipagpaliban pa. ipadakip at ipabilanggo na kaagad ang mga lalaking nambubugbog ng asawa.

Dapat hiwalayan na at hwag mahiyang ipamalita sa buong madla na mag-ingat ang mga babae sa kanya dahil hindi lang syay salawahan, siyay nambobog-bog pa ng babae.

Kung gusto nyung mabogbog ng isang salawahan then at least may babala.

Posted by darbs at December 4, 2009, 7:41 am

medyo malungkot ang kwento pero maayos ang pagkakasulat. magaling..magaling..magaling!

bakit nga kaya hindi nadadaya ang puso?

Posted by eli at December 4, 2009, 7:55 am

balaraw.. lalim ah.

dami mo na namang kakwentuhan.. pero ayoko mag emote. yay.

Posted by aks at December 4, 2009, 8:54 am

Mopis,Vlad,Darbs,Eli at Akso.

Salamat lamang ang aking maipaaabot.

Iniiwan kong bukas ang tahananang ito para lahat ng naghahanap ng kasagutan at pagkalinga..ng pagkampi sa mga hindi makatarungang pagturing sa isang kabiyak ng puso.

Tama si Eli, kapag dinaya ang puso- mararamdaman pa rin, walang epekto.

_________________
Maghugas kayo ng pinagkainan ninyo.

Posted by kayumanggingdamdamin at December 4, 2009, 6:22 pm

mahirap harapin ang problema ni Ginang L. sana lang malagpasan nya ang pasan nyang problema….ang tanging hangad ko lang kay Ginang L ay ang maibalik sa knya ang kanyang mga anghel…ang tanging tamang resulta ng kanilan relasyon…sana wag na natin tularan ang ganitong sitwasyon at maging aral sa bawat isa ang kwentong ito….

Posted by angel at December 4, 2009, 6:36 pm

Ikaw na ba ang anghel na sugo ng langit Angel?

Salamat sa iyo. Hindi ka nag-iwan ng bakas.

Maligayang Pasko sayo Angel.

Posted by kayumanggingdamdamin at December 4, 2009, 6:47 pm

ang lungkot naman, pero talagang ganun talaga ang buhay, nakakarelate ako sa post mong to. sana matagpuan nya na ang tunay na magmamahal sa kanya, yun lang.

Posted by sakpin at December 4, 2009, 7:37 pm

kakalungkot naman ng nangyari sa kanya. ipagdadasal ko siya, kanyang asawa at mga anak…

inaamin ko, noong una kong binasa ito, parang naguluhan ako. babae ba si jk? lol. buti na lang tinapos ko ang pagbabasa…

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at December 5, 2009, 9:44 pm

aba, ikaw po pala c j kulisap..

napakagandang istorya…

isa ka ngang alamat sa panitikan filipino..

(turuan moko..)
magandang tanghali po!! :wink:

Posted by sows at December 6, 2009, 1:05 pm

totoo ba si ginang L tol?
kahinagpis naman ay…

Posted by yiN at December 6, 2009, 5:21 pm

Sakpin, Padre Fiel, Sows at Yin, kamusta kayo?

Malungkot ang kwento pero nais kong iparating ang aral na hatid sa kwentong ito ni Ginang L. Ito ay totoo Yin, hindi lamang ito isang sulatin para mailathala ang aking mga panitik, bawat salita dito ay katumbas ng isang patak ng dugo mula kay Ginang L, sa kaniyang pagmamahal na nauwi sa pamamaalam sa kaniyang asawa at mga anghel.

Padre, salamat sa iyong dasal, oo nga pala pwede rin akong si Ginang L, kaya lang hindi po ako yan. Iba po.

Posted by kayumanggingdamdamin at December 7, 2009, 7:33 am

oist horn, wala lang.

hehe.

Posted by ax at December 7, 2009, 5:03 pm

may pinapatamaan po ata ang may akda?

Posted by xxx at December 8, 2009, 12:06 am

Oist ka rin Palakol, wala ka na namang dala. Maglinis ka na lamang ng bahay kubo ko. Pansamantalang mawawala si J.Kulisap sa darating na mga araw.

XXX kamusta ka? Pakiwari ko’y ikinubli ng mga markang iyan ang reyalidad kaakibat ang tunay na pagkakakilanlan. Salamin ka ng pagkatao ng may akda. Hindi sinasadya ng mga akda kung may hatid na kurot ito sa may markang XXX, ito ay isang sulatin na naghahatid ng pagmulat, ng pag-alala, ng pagmamahal- may lungkot pero kung lilimiing maigi, nais iladlad ang totoo- ang magmahal ng kusa sa kabiyak, sa kapareha.

Salamat sa iyong pagsubaybay..bukas ang tahanang ito para sa mga taong nais na makandili sa munti kong bahay-kubo.

Ito ay kwento ni Ginang L, kwento ng mga maybahay, asawa, ina at babae.

Posted by kayumanggingdamdamin at December 8, 2009, 9:00 am

Napakabigat dalhin sa puso ang kalagayan ni Gng. L. Mayruon akong matalik na kaibigan na kahalintulad ng kanyang kalagayan. Ninais kong tulungan, isumbong sa kinauukulan ang asawa… Ngunit wala akong nagawa. Pinili ng babae ang manatili sa bisig at dahas ni lalake. Kamartiran man o pag-ibig hindi ko kayang husgaan.

Isang gabi tinawagan ako ni lalake. Pinagbantaan na papatayin ako at ang aking matalik na kaibigan. Samantalang dinig ko sa kabilang linya ng telepono ang pagmamakaawa, iyak, pagkalabog at bagsak ng kamay ni lalake sa katawan ni babae. Wala akong nagawa.

Isa lang ang nais kong iparating kay Gng. L at sa lahat ng dumaranas nito. Maaaring bulag ang pag-ibig dahil pinili mo huwag makita ang kamalian ng iyong asawa. Ngunit hindi kailanman ito kadahilanan upang ikaw ay saktan pisikal, emosyonal o mental.

Gng. L, dalangin ko’y makapiling mo ang iyong mga munting anghel. Kung sakaling wala ibang makatulong sa iyo, mayruong mga organisasyon at samahang pangkababaihan na mapaghihingan mo.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon Gng. L at J. Kulisap!

Posted by taga-bundok at December 9, 2009, 10:44 pm

ang lungkot ng istoriang ito. magpapasko pa naman. dapat ay pangatawanan na nya na di bumalik sa mister kahit na ipakita nito ang pagsisisi at mangako na magbabago na. isipin nya na napagbuhatan na sya ng kamay, magagawa ng mister nya na pagbuhatan uli sya ng kamay. darating din ang araw na babalik ang kanyang mga anak sa kanya dahil sa di makakaya ng mister nya na palakihin sila habang sya ay nangbababae.

Posted by plaridel at December 22, 2009, 2:42 am

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

salbehe:

@J.Kulisap, yuhu!!!! inemail na kita, iniisnab mo ako. At hindi ako nagbebenta. Libre kong binibigay ang serbisyo ko, pero sa iyo pag-iisipan ko, baka may bayad :P At naka-get-over na pala ako sa pagtawag mo sa akin na ser. Peace?
(Alam mo bang “tite” nakalagay sa “Enter the code shown above. This will help fight off spam”. Nahiya naman ako :P )

Joyo:

:D

pengen-bente:

naninilip lang :D

Suckingbird Keller:

kuya jkul… musta ka na?

kayumanggingdamdamin:

Kamusta po kayo? Tuloy lang po. Pasok po

salbehe:

Baguhan ako sa site mo. Ganito pala sa i.ph!

lababo:

tiger lababo hahaha

suckingbird keller:

hi.. kuya jkulisap.. i mess you! hehe

jason:

OI namiss ko d2 sa blogworld. parang ang dami ko ng namiss. anong bago G. Kulisap?
isa nga pala kong dragon.

ML:

hello, hello po :D padaan.padaan po hihi

Sikat ang Pinoy:

Hi! Maaari bang makipag exchange link? Maraming Salamat po!

kayumanggingdamdamin:

Hi sa inyong lahat. Wink

kayumanggingdamdamin:

Mtoni hija, pasensya, naiiba sa wP itong kuta ko, hindi naman.tuloy ka lang.Saan ba kuta mo at magalugad?

melody:

nice blog site!
keep it up…

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines