KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

12 X 3 =

November 16, 2009



  

12 X 3/336 = 940, 000, 001.00

  Tama ang computation ko, aaminin ko hindi ako magaling sa Mathematics pero sa pagkakataong ito, paninindigan kong tama ako. Depende pa yan sa dollar rate kung kailan ipapalit ni Pacman ang kanyang kwarta.

 

Ang halaga ng napalunan ni Pacquiao sa laban niya kay Cotto ay halos katumbas na ng isang taong kita ng malaking kumpanya dito sa Pilipinas.Paano kaya iuuwi ni Pacman ang premyo kung tig-pipiso ang ibibigay sa kaniya? Ang isang ordinaryong construction worker ay hindi ito kikitain kahit pandayin pa niya ang isang gusali na aabot sa ulap. Ikamamatay na niya iyon, kahit na ako o ikaw man maliban na lamang kung hanggang sa kabilang buhay ay kikita pa tayo ng kwarta, kwarta, oo mukha akong kwarta.

  Hindi ko pinapaboran ang boksing bilang isang uri ng pampalakasan, basagan ng mukha na para sa iba ay banal, iniingatan at inaalagaan o halos sambahin ng ilan. Sakitan ng katawan ang larong boksing, paano ka susuntok kung walang pwersa o enerhiyang magtutulak sayo para saktan ang kalaban? Hindi ko itinatangging umaangat ang aking pwet habang tumutulo ang pawis sa aking kilikili habang nagpapaapoy naman ng suntok si Pacman kay Cotto. Marahil napapasuntok ka rin habang tumatalsik ang laway mo sa iyong katabi.

 

Matagal ko ng kinalimutan ang larong boksing pero napag-isip isip ko, kailangan ko na ulit umakyat sa ring Ax, pwede ba kitang coach, kaya lamang abala ka pa yata sa kakapraktis ng sayaw para sa inyong Christmas party. Si Jason na lamang muna ang aking manager, pwede ba Hamster? . Syempre joke joke lang ‘yan.

 

Si Pacman ay Pilipino pero bakit siya ang sikat? Bakit hindi si J. Kulisap? Naghuhumiyaw ang katangian ni Pacquiao bilang isang lipi ng kayumanggi, pitong titulo sa larangan ng boksing- kasaysayan na ‘yan. Salamat sa kamote, hindi ba pareng Taribong?

 

Sa kabilang banda hindi matatawaran ang katatagang ipinakita ni Cotto,  halos matagalan niya ang umaapoy na 12 rounds na laban kung hindi lamang inawat ni Kenny Bayless sa huling round, tiyak na mahihimlay sa canvas si Cotto kung nagkataon. Pero ang pinakamahalagang natutunan ni Cotto sa labang Fire Power ay hindi ang maglaro ng apoy kungdi ang matutong sumayaw ng cha-cha, dapat ang titulo ng laban ay “ Bloody Cha-cha with Pacman” you know, now you know. Totoo pala ang kasabihang “ Lumuha ka ng dugo”, nasaksikhan ng mundo ang pag-agos ng dugo ni Cotto habang yakap niya si Pacquiao. Dahil sa ipinakitang katapangan at katatagan ni Cotto, maituturing na malinis at mahusay na manlalaro si Cotto. Karapat-dapat na purihin bilang isang tunay na kampon ni Adan. Hindi nalugi ang mga manonood, sulit na sulit pati sa patalastas.

 

 

Si Cotto habang nag-aaral ng Bloody Cha-cha.

 

Sapat nang maging inspirasyon ka sa mga Pilipino, na matuto silang mangarap, magkaroon ng disiplina, determinado at tingnan ang buhay sa positibong pananaw.

 

 

  Hindi na siya isang simpleng mamamayang Pinoy kahit na magpakababa pa siya.

Mabuhay ka Manny Pacquiao, mabuhay ang lahing Pilipino.

 

Hanggang dito na lang, may tumatawag sa akin.

 

J.Kulisap: Haylo? Hus diz?

Caller: Bi ip ip, nagwatch ka ng payt ko?

J.Kulisap: (medyo irate ang voice)…hindi eh, bc ako.

Caller: You know..i’m so tampo na, ‘di mo ako lab lab. Ano ba ginagawa mo?

J.Kulisap: Nagsusulsi ng butas kong brip. Next time, magwatch na ako dong.

P.S.

Salamat sa mga larawan mula sa internet.   

 

Posted by kayumanggingdamdamin at 10:12 am | permalink

Previous Comments

kung sukatan ng pagka-pilipino ang panonood ng laban ni pacquiao, 100% bagsak ako…hahaha

kami lang yata ng mga housemate ko ang tanging pilipino na di nanood ng laban ni pacquiao…di ko kayang ipagpalit ang beatbox lesson ko.

pero sumasalado ako kay pacquiao bilang simbolo ng pangarap ng masang pilipino…. sya ang perpektong halimbawa ng dugo, pawis, luha at katawan ang puhunan para umangat…makapasok sa elite class ng di naghahabol kundi sya pa ang hinahabol…

ang ayaw ko lang tuwing laban ni pacquiao ay ang idea ng sugal…kahit sobrang bata pa, nakikipagpustahan na.. zero crime rate ang pilipinas tuwing may laban si pacquiao ngunit halos lahat naman natuto at nalulong sa sugal.

hahay! buhay nating mga pilipino ang gulo.

Posted by aninipot at November 16, 2009, 11:04 am

bilang boksingero, bilang pinoy hanga ako sa kaniya. ang ayoko lang kay manny, showbiz siya. pero lahat naman ng tao eh may kahinaan. pero pag ako ganun kayaman siguro araw-araw nagpapalugaw ako sa mga schools na mahihirap na bata ang napasok, magdodonate ng wheelchair sa mga ospital, magpapa-aral ng ilandaang estudyante- kahit two-year course lang, magbibigay ng ilan-libong tsinelas sa ilan-libong ang mga trip lang eh naka-paa palagi, at marami pa.. nang hindi nalalaman ng ibang tao. malay nga naman natin may ginagawa siyang ganun at hindi natin alam. totalidad: pinoy pa rin siya at maangas akong isang pinoy dahil sa kaniya.

Posted by yiN at November 16, 2009, 12:48 pm

round 1 kala ko panalo i cotto kasi malakas sya nn, lyamado.

pero nanalo pa rin si pacman as expected.

ung premyo ni pacman nakakalula. pero alam ko marami ring kaltas yun diba.

manager? hahaha pwede.

nakakainis live streaming na palabas kahapon, ang daming LAG

Posted by jason at November 16, 2009, 1:19 pm

ako din mukha akong kwarta! hehe
paano mo ba tatagalugin ang “in all fairness to manny” hehe. Kasi, in all fairness to him, kinita naman niya iyon nang marangal. Although masakit isipin na bakit ganun kalaki, bakit tayo hindi kumikita ng ganun. Hahaha. Pero yun na nga, wlaa tayong magagawa.
Magaling naman talaga siya sa larangan na yan. Hindi yun maikakaila. Pero sana dun na lang siya. Maimoluwensiya naman siya eh, kaya kung gusto niya na makatulong sa ibang tao, magagawa niya iyon nang hindi pumapasok sa pulitika. Yun lang naman ang sama ng loob ko sa kanya (oo close din kami).
Sana pag isipan niya pa ring mabuti ang lahat bago siya tumakbo.
Proud ako na kababayan kita Manny. Magaling ka sa iyong larangan. Inuulit ko, sa larangan mo. Okay na yung sidetrips mo as singer, producer, artista, pero wag mo nang isama ang pulitika utang na loob.

Posted by lababo at November 16, 2009, 1:28 pm

Sana lang, hindi matulad si Pacman sa ibang atleta natin na bigla na lang bumagsak at nalimot ng lahat after magretire.

Posted by Man in Heat at November 16, 2009, 2:39 pm

hindi lang sa wikang pilipino magaling si kulisap, kundi sa aritmitik din.

hindi nya kelangan magpolitiko para tulungan ang bayan. ang politiks ay matagal ng sira. mag-ala bill gates na lang sya

Posted by Mr. Nonsense at November 16, 2009, 5:30 pm

Hindi ako nanonood ng laban ni Pacman. Okay lang sa akin si Pacman. Nung napanood ko nga dati yung laban niya, nakakatouch nung nanalo siya eh. Pero this time, di ako nanood. Busy ako. Nag-asikaso lang ako ng blog ko dahil matagal tagal na di ko nabisita. Hehe.

Ayun. Marami rin akong ginawa. Linis. Pahinga. Compose ng artics.

Maganda naman ang laban ni Pacman.. At pwede yan idownload ng Kuya ko! Haha. Papanoorin ko na lang pag di na ako busy.

I know how to handle time. Hehe.

Posted by Palakol at November 16, 2009, 8:04 pm

Bigyan kaya niya ng tig-iisang milyon ang bawat Pilipino? Haha. More than 90 million pesos lang yun, Manny. Bilyun-bilyon na pera mo e. Hehehe… Oist, baka naman sabihin ni Manny, marami pa diyang ibang mga bilyonaryo. Mas mayaman sa akin. Share your blessings naman… Ay sus, anong kababawan ko ito? Naive… xdalisayx, di naman gayon kadali at kasimple ang takbo ng mga bagay-bagay sa mundo…

Napadpad ako roon sa Pangasinan nitong Sabado hanggang Lunes, sa lugar ng ilang malayong kamag-anak… Napanood ko ang laban ng Kampiyon natin, sa piling ng mga Pangasinense. Hehe. Ngayon ko napatunayan, idol na idol talaga siya ng lahat ng Pilipino, saanmang dako.

Maski ako, naging idol ko na siya — nung napanood ko nga itong nakaraang laban niya. Grabe… Ang galing talaga. Sige na, hanga na ako sa ‘yo, Manny. Kahit na pa-you know you know ka pa. At kahit na ano pa ang paninira nila sa ‘yo. Pero, magaling ka talaga. Ikaw na lang ang tanging bumabawi sa karangalan ng ating banwa…

Posted by xdalisayx at November 16, 2009, 10:16 pm

may bago ng slogan ang haydensholders: “anti-dandruff na, anti-cotto pa!”

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at November 17, 2009, 1:29 pm

Wag ka mag alala J.Kul, hindi ka nag iisa. Ako ren, mukhang kwarta. Hehe.

Kakarinig ko lang kagabi sa news ang tungkol sa napanalunan ni Pacquiao. Napamura pa nga ako, sabay imagine na kung ano ang gagawin ko kung sakaling nagkaron ako ng ganon karaming pera. Shemay. Siguro lampas 30 mins akong nagpantasya. Lol.

Nadistract ako sa tattoo ni Cotto. Parang optical illusion. Nakakahilo. Hehe.

Hello hello J.Kul! Hihi. Pasali sa bahay bahayan mo sa cyberworld. :)

Posted by Vajarl at November 17, 2009, 6:28 pm

aba, bakit j.kul ang tawag ni vajarl sa u? may double meaning yata ah…hang kulit!

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at November 17, 2009, 8:01 pm

napakalaking karangalan ang naibigay ni pac-man sa ating bansa. sinong pinoy ang di mapipigilang humiyaw o lumundag kaya habang pinapanood ang kanyang laban kay cotto? sana ay ito na ang kanyang huling laban. wala na syang dapat na i-prove. nakamit na nya ang immortality sa boksing. pero ang realidad ay patuloy syang lalaban hanggang sya ay matalo o mabaldado tulad ni ali. yan ay nasa guhit ng palad ng ’sang kampeon.

Posted by plaridel at November 18, 2009, 7:16 am

Nako Father walang ibang ibig sabihin yan, nasa isip mo lang ang lahat. Hahahahaha. :P

Posted by Vajarl at November 18, 2009, 2:24 pm

vajarl: hahahaha. baka kasi magkamali ng pagbasa ung iba. haha, lagot ka kay dencio at alkapon.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at November 18, 2009, 4:44 pm

kilala ng daddy ko sa pacman kasi may bahay din si pacman sa davao. mabait siyang tao, at galante pati.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at November 18, 2009, 4:45 pm

hmmm… ang laki nga pala ng kinita ni pacman!

napanood ko lang sa live streaming yung bandang dulo ng laban, mga round ten na ata nun. nagsimba kasi muna kaming mag-anak. shempre, mas mahalagang magsimba kesa manood kasi yung panonood, pwede naman sa delayed telecast, pero ang pagsisimba namin, walang delayed telecast. :-)

May tanong ako, J.Kul, anong gagawin mo kung isa kang boksingero na nakapanalo ng ganyang kalaking pera?

Posted by kaye at November 18, 2009, 6:37 pm

magandang umaga kulisap.
napanod mo ba ang video na
si Krysta ranillo ay nasa kotse ni wapacman?
hahahah

anong masasabi mo rito?

Posted by jason at November 19, 2009, 10:14 am

bakit tawag sayo dito ay jkul? mahilig ka ba nun? di ba nakakahina raw ng mata yun?

Posted by Mr. Nonsense at November 19, 2009, 1:56 pm

haha, sa father eh kini-claim na sya si pacman

Posted by Mr. Nonsense at November 19, 2009, 1:57 pm

oy daddy, di ko kini-claim na ako si pacman ah. ang sabi ko, kilala ng aking biological father si pacman. pareho kasi medyo mahilig sa sabong. hehe.

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at November 20, 2009, 6:08 pm

Aw, may koneksyon ka pala Father Fiel kay Pacman!

Posted by Ax at November 21, 2009, 7:46 am

kaya nga magkahawig si padsman at pacman

Posted by Mr. Nonsense at November 21, 2009, 11:14 am

Ang haba na ng thread. Ipagpaumanhin po, hindi talaga maganda ang pakiramdam ni J.Kulisap.

Para kay Mr. Nonsense,
Wala naman akong matris pero parang nasusuka ako. Si Mr. Nonsense siguro ang may kagagawan nito, pinagnanasaan niya ako. Ganti-ganti. Blog ko ito Jess, wala kang magagawa ngayon. Grabe kang mang-asar.

Ano bang tinitira mo diyan sa U.S bukod sa bulok na epol?

Si GK, pumapatol sa insekto. Hehehe

Posted by kayumanggingdamdamin at November 21, 2009, 11:47 am

Para kay Kaye,

Ano ang gagawin ko kung may ganun ako karaming pera?

Mahirap magsalita ng tapos. Pero likas sa akin ang pagiging matulungin pero likas din sa akin ang hindi na matulungin kapag naabuso na ako. Abuso? Hehehe.
Sabi nga ni Dalisay, pwede na tayong magkaroong ng tig-iisang milyon sa napalunan ni Pacquiao pero kalabisan sigurong iasa natin ang ating buhay sa isang lalakeng nagpapabasag ng mukha para lang malamanan natin ang sikmura.
Magbibigay ako ng salapi para sa mga proyekto ng mga mamamayan partikular na ang mga taong walang bahay. Hindi ako si Manny Villar, yong mga nakatira sa iskwater, gagayahin ko yong istilo ng mga taga Hongkong pagdating sa pagpapabahay Kaye. Maliit na espasyo pero matataas na gusali. Nalulungkot akong makita ang mga bahay na parang isang ihip lamang ng malakas na hangin, giba na.
Magtatayo rin ako ng kumpanya na pwedeng pagkakakitaan ng mga walang trabaho.

Magandang pakinggan hindi ba? Pero ang totoo…masarap lamang magsalita pero kapag nandyan na ang pera baka baguhin tayo ng pagtingin natin sa salapi. Kaya nga, bihira sa masalapi ang mabait. Pangangarap lamang ang akin.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 21, 2009, 11:50 am

Para sa lahat ng mga nagkomento dito sa aking artikulo.

Halik ng isang insekto na lamang muna ang aking ibibigay. Salamat ng napakarami sa inyong komento.

Naduduwal pa rin ako. Mr. Nonsense, panagutan mo ito…bwahahaha.

Ax at Padre, naiganti ko na kayo dito kay GK.

Yong J.Kul, kagagawan ni Timangkey yon..hindi ko naman itatanggi na ginagawa ko ang bagay na normal lamang sa isang lalake, ewan ko na lang sayo Padre kung hindi mo ito ginagawa o ni Ax, pero mas malalang tanungin kung ginagawa ni GK..huwag na lang.

Si Lababo at Yin, paborito 'yan.

Pati pala si pareng Taribong, mahilig, lalo naman si pareng Al Kapon.

Asus..ano ba itong pinagsasasabi ko. Yong mga readers kong inosente, lampasan niyo itong bahaging ito.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 21, 2009, 11:55 am

napakalaking halaga. wag sanang masayang sa pamumulitika. sana ang salaping kanyang natamo sa pakikipagbakbakan ay may mapuntahang maganda.

tama naman na tinatamasa niya nag marangyang buhay dahil sa kanyang dugo at pawis. pinagsumikapan niya ito. wag lang sana siyang makakalimot sa kapwa niya, kung saan siya nanggaling, sa mga dukhang pinoy na tumitingala sa kanya.

maraming umaasa na maambunan ng kanyang kaban kaban na salapi. pero sana wah na lang sa pulitika idaan. maaari naman siyang makatulong sa ibang paraan.

gayunpaman, saludo ako sa iyo manny pacquiao.

——————————————————————————-
kasama ba ako sa inosente? hmnnn…

mayruon din akong kwentong salapi pero saka ko na gagawan ng artikulo.

Posted by taga-bundok at November 21, 2009, 6:38 pm

pasasan bat darating din ang taym mo na sumikat ka, buti nga yan wala kang sakit ng ulo kung san mo ilalagay at dadalhin yang sandamakmak na perang yan.

Posted by lee at November 21, 2009, 10:53 pm

Laki talaga ng kita ni Pacman. Nahahanay na siya sa highest payed athletes of the world like Kobe briant, shaquile O’neal etc.

Posted by Rocky Garcia at November 22, 2009, 3:46 pm

plus mo pa ung mga laban n’ya nung mga nakaraan laban n’ya (sama mo na rin yung kay maywether) ang pagkakaalam ko pa si pakyaw ay pangatlo sa pinaka mayaman sa larangan ng larong palakasan…

thx sa info…

Posted by jex is sex at November 22, 2009, 6:48 pm

wwwhhhhooooooohhhhh pengeng pera….

Posted by livingstain at November 22, 2009, 9:57 pm

naku! hang dami!!! hmmmm

pero ayoko magboxing para dami pela?!

ayaw ko, u know. it might … u know!

ahehehe

Posted by topexpress at November 23, 2009, 6:07 am

Padaan pala JKulisap ha. Si Ali dami din pera pero nakalog ang utak…yoko na rin boksing…pero talagang pinaghirapan naman ni Manny at panahon niya talaga ngayon…u know…just part of the job(trabaho lang Dung).

Babalik po ako.

Posted by superlolo at November 23, 2009, 8:03 am

Sa mga bagong napapadpad dito sa aking bahay kubo..pakiiwanan po ang tsinelas sa batalan. Huwag kayong maingay…natutulog ang J.Kulisap. Tawa, kayo..tawa..

Usapang Pacquiao pa rin tayo.

Iisahin ko na lamang ang aking komento.

Anjong,Lee, Rocky,Tupe,Alvin,Lolo at sa lahat na din ng mga nagkomento.

Kasama na siguro sa kasikatan ang mga pasakit, ang pagkaladkad sa pribadong buhay.
May kapalit ang lahat- simpleng buhay laban sa pampublikong buhay na ngayon ay nararanasan ni Manny.

Nasa kaniya na ‘yon kung paano niya tatanggapin ang mga batikos na mas masakit pa yata sa suntok na natamo niya sa kaniyang kalaban.

Inudyukan man siya para pumalaot sa pulitika, kung ayaw niya, hindi siya susuong..marahil gusto niya rin.
Kung sakaling palarin siya don at makapamuno ng mahusay- kahanga hangang tunay yan. Lalo ng hindi magiging sukatan ang antas na pinag-aralan para maging pinuno sa Pilipinas.

May kapalit ang lahat.

Salamat sa inyong pagdalaw.

O, hwag kalimutan ang tsinelas..baka magkapalit-palit.

Panaog na.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 23, 2009, 12:33 pm

Haha…sobra mo naman ako pinatawa jKulisap…dyan sa tsinelas sa batalan…naalala ko tuloy nung nakikipanood pa ako ng TV sa kapitbahay(60’s)…may bayad na diyes sentimos ang bawat bata…sa dami ng bata ganyan…iwan talaga ang tsinelas sa may hagdanang kawayan…pagkatapos kagulo na sa paghanap ng magkaparis na tsinelas pag-uwian na…hehe

Posted by superlolo at November 23, 2009, 1:24 pm

diyes sentimos po Ginoo? Mahal na ‘yon nong mga panahong iyon.

Opo, naranasan ko rin po ang ganong eksena, minsan nga yong maloloko, itinatago ang kapares ng tsinelas, sinisiksik kung saan saan.

Buti na lang hindi pa uso ang Havainas, kung nagkataon magbabarangayan ang mga magulang.

Salamat po sa pagdalaw po dito sa blog ko.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 23, 2009, 5:39 pm

hmmmmmmmmmmm
kung sino ang napakayaman
ay sya namang napakalungot.

hmmmmmmmmmmmmm

isa pang
hmmmmmmmmmmmmmm

Posted by jason at November 24, 2009, 12:52 pm

Hmmmmm..hmmmmmm, at isa pang hmmmmmmmm…himig Pasko ay umiiral..intro pala yon..hahaha

Oo Jason, oo Jason..oo Jason.

Hindi pera ang sagot sa tunay na kaligayahan.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 24, 2009, 12:55 pm

Daming pera ni pakman!panu nga kaya nya iu2wi kung tigpipiso ang ibigay sa kanya.grabeng hakutan yun.
Tama ka.sulit na sulit panoorin ang laban.at bwat pgtama ni pakman dinig ang sigaw ng bawat pinoy

Posted by Eli at November 24, 2009, 5:26 pm

bakit pati fads ay tinanung mo ng personal na tanong? wala kang modo at walang awa!

so, kanino ang pusta mo pagnag-boxing si ax at si sows? sabi ni ax ay “magpapakanton” daw sya.

Posted by Mr. Nonsense at November 25, 2009, 2:15 pm

‘Hindi pera ang sagot sa tunay na kaligayahan. ‘

Pruveeet J.Kul! Pruveeeeeet!! Haha. Joklang :P

Posted by Vajarl at November 25, 2009, 2:51 pm

Hi Eli, Jess at Vaj.

Daming niyang pera ano? Mamasko tayo sa kaniya.Hehehe

Jess, ano ba ang tinanong ko kay Padre? Masama bang magtanong?

Vaj, hindi sa lahat ng oras. Patunayan mo nga din.

Gandang araw po.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 25, 2009, 5:40 pm

sus kalami ba paminawun na daku kaayo ang daug ni Pacman no?unsa man lang na sila sa una dung?si nanay nya gapang ibot ra man man sya ug kamote unya si Pacman nagapangkargada ra man ug isda sa pier.hende mo talaga maesep na begla talaga silang yayaman ay.ako pa niya, dili nalang sya magpolitiks kay gamay ra man sweldo.kahet mag upo nalang sya maghapon kay daghan naman sya kwarta ug balay ug negosyoh,mabuhi na man sya.Sana wag lang mangyare na matatalo sya sa sosonod na laban plus maembaledo siyah kay wat es money if the face and body is not working praperley.u know?ahehehe you know ulit.
We had so much fun watching it although nagbayad pa kami online para mapanood lang ang laban dito sa Australia.Feeling namin,kahit sinong kaharap naman takot sa amen kay wat is isog daw ang mga pinoy hehhehe. Pero atin atin lang ha? Kahit di ako yayaman basta di masumbagan ang aking fes oks lang..aguyyyyyyyy dugu ilong ko ah (nose bleed)

Posted by nonoy at November 28, 2009, 8:09 pm

Nonoy,damo salamat gid, napadpad ka ulit didhi sa balay kubo ko.

Daming pera no, pati si Nay Dionisia.

Yaman ka na din naman ah.

Nosebleed din ako sa sinabi mo dong.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 29, 2009, 9:27 am

Wonderful!Very worth to read.I like this post.

Posted by UGG Boots UK at July 29, 2011, 4:26 pm

I learn more from this post. It’s very worth to read.

Posted by Tory Burch Outlet at July 29, 2011, 4:29 pm

funny articl.i love it very much.thanks

Posted by Moncler at September 16, 2011, 3:02 pm

Your blog is outstanding; do not a lot ofthings people are talking about intelligence. I am glad I have this chance in my relatingsome of the search.I like it.Thanks for you sharing.

Posted by Coach Outlet at October 10, 2011, 11:56 am

Thank you for sharing your stuff on blog. It is doubtless that we have similar interests. Something are very helpful to me!.

Posted by Christian Louboutin Boots at October 20, 2011, 10:47 am

Those parts of the system that you can hit with a hammer (not advised) are called hardware; those program instructions that you can only curse at are called software. Thanks for you sharing..,,

Posted by Coach Factory Outlet at October 31, 2011, 2:29 pm

Thanks for taking the time to share this, I feel strongly about it and love reading more on this topic. If possible, as you gain knowledge, would you mind updating your blog with extra information?

Posted by Christian Louboutin Boots at November 7, 2011, 3:25 pm

Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

Kata Mutiara:

http://bestxbox360console.org/
http://applemacbookpromd313ll.org
http://alienwarem14x.org
http://angrybirdscollection.org
http://modscloth.info
http://memphiscaraudio.info
http://clarksshoesstore.info
http://cheapprinterstore.info
http://bakersshoesstore.info
http://babystrollersonline.info
http://acerstoreonline.info
http://aldoshoes.asustf201.org
http://springshoes.asustf201.org
http://cheaptiresonline.asustf201.org
http://tiresonlineshop.asustf201.org
http://samsungrefrigerator.asustf201.org
http://kenmorerefrigerator.asustf201.org
http://cheapbunkbeds.asustf201.org
http://cheapairsoftguns.asustf201.org
http://cheapbridesmaiddresses.asustf201.org
http://loweskitchencabinets.asustf201.org
http://loweshoursofoperation.asustf201.org
http://appliancepaint.asustf201.org
http://toyfoxterrier.asustf201.org
http://batteryjumpstarter.asustf201.org
http://pampersbabydry.asustf201.org/
http://kitchenaid.asustf201.org
http://kitchennightmares.asustf201.org
http://kitchencurtains.asustf201.org
http://moenkitchenfaucets.asustf201.org
http://outdoorkitchens.asustf201.org
http://ikeakitchencabinets.asustf201.org
http://brahminhandbags.asustf201.org
http://jessicasimpsonhandbagssale.asustf201.org
http://nicoleleehandbags.asustf201.org
http://tignanellohandbags.asustf201.org
http://michehandbags.asustf201.org
http://mcmhandbags.asustf201.org
http://furlahandbags.asustf201.org
http://tanohandbags.asustf201.org
http://keystoneautomotiveparts.asustf201.org
http://moogautomotiveparts.asustf201.org
http://headlightcleaner.asustf201.org
http://automotiveelectricalconnectors.asustf201.org
http://automotiveupholstery.asustf201.org
http://automotivemanufacturers.asustf201.org
http://toyangrybirds.asustf201.org
http://lannybarbie.asustf201.org
http://barbiecummings.asustf201.org
http://barbieelectronic.asustf201.org
http://spongebobsquarepantsonline.asustf201.org
http://hasbrotoyshop.asustf201.org
http://cribtent.asustf201.org
http://canvastents.asustf201.org
http://growtents.asustf201.org
http://backpackingtents.asustf201.org
http://walltents.asustf201.org
http://tentheater.asustf201.org

Rangkaian Bunga:

Florist diMedan !…Thank

Sepeda Motor Injeksi Irit Harga Terbaik Cuma Honda:

http://www.bawelohbawel.com/sepeda-motor-injeksi-irit-harga-terbaik-cuma-honda/

cam kapi:

cam kapi

medyum:

medyum

web tasarım:

web tasarım

bisnis online 2012:

Nice web..
http://seo4kontes.wordpress.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://bloggerseo.blog.com/bisnis-online-2012/
http://hanakres.pressku.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://4terindexdoogle.blogdetik.com/bisnis-online-2012
http://membuat1.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html
http://4tipsseo.wordpress.com/2012/01/25/bisnis-online-2012
http://bisnisemas.blog.com/bisnis-online-2012/
http://investasiku.pressku.com/bisnis-online-2012/
http://caraberbisnis.blogdetik.com/bisnis-online-2012/
http://investasi4syariah.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html

rental mobil murah jakarta:

rental mobil murah jakarta
http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

Info bisnis:

Great web, visit my blog:
http://bisnishana.com/usaha-bisnis-yang-menguntungkan http://bisnishana.com/program-investasi http://bisnishana.com/usaha-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/bisnis-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/jasa-adsense http://bisnishana.com/afiliasi http://bisnishana.com/bisnis-online-2012 http://bisnishana.com/peluang-usaha-baru http://bisnishana.com/jendela-usaha http://bisnishana.com/wira-usaha

badut:

blogwalking here…
please visit my site too. thanks

http://www.mitrabaitullah.com/
http://www.kopiluwakbandung.com/
http://www.jeparacrafters.com/
http://citraindah.biz/
http://sinergibisnis.com/
http://www.souvenirku182.blogspot.com/
http://www.kostumbadut.info/
http://www.cantikherbal.com/
http://tki-mandiri.com/
http://www.om-onny.net/
http://www.sinergibisnis.info/
http://www.om-onny.com/
http://hotnews.om-onny.com
http://allabout.om-onny.com
http://jasaseomurah.om-onny.com
http://pasangiklanbaris.om-onny.com
http://tokobunga.om-onny.com
http://kanvaslukis.om-onny.com
http://www.buzzwalker.com/
http://www.rotankita.com/
http://keishaflorist.com/
http://sinergibisnis.com/2011/09/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.net/2011/09/jasa-seo-murah.html
http://onny.i.ph/blogs/onny/2011/09/17/jasa-seo-murah/
http://onny2001.multiply.com/journal/item/1/Jasa_SEO_Murah
http://om-onny.tumblr.com/
http://onny.pbworks.com/w/page/44842364/FrontPage
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html
http://pasangiklanbaris.om-onny.com/2011/08/jasa-seo-murah_17.html
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-menghilangkan-stress-di-pagi-hari.html
http://hotnews.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://allabout.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://tokobunga.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://kanvaslukis.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://archuntagsmg.academia.edu/onnysupriyono
http://ki-dukun.blogspot.com/2011/07/jasa-seo-murah.html
http://jagoiklanbaris.om-onny.com/
http://jasaiklanbaris.om-onny.com/
http://juaraiklanbaris.om-onny.com/
http://jawaiklanbaris.om-onny.com/
http://blog.ub.ac.id/tephoz/2012/01/12/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.com/2011/07/jasa-optimasi-seo-murah-hanya-100-ribu.html
http://www.buzzwalker.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html

download murottal:

ok

hadits shahih:

nice blog

yuke:

nice blog!

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia
http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/puisi-ibu/
http://wemelt.com/harga-hp-blackberry/
http://wemelt.com/mivo-tv-online/
http://wemelt.com/kata-mutiara-cinta/
http://mutiara-bijak.blogspot.com/2012/01/kata-kata-mutiara-cinta.html
http://wemelt.com/tag/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/category/seo-contest/
http://wemelt.com/

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/

Rumah Dijual:

Rumah Dijual

Jual Beli Mobil Bekas:

Jual Beli Mobil Bekas

Grosir Baju Murah:

Grosir Baju Murah

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines