KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

HWAG NAMAN

November 11, 2009



Inakyat ko ang bundok, bigla akong niyakap ng talinghaga, siya ay patpatin. Ikinurap ko ang aking paningin wala siya sa bundok kundi nasa disyerto. Mainit ang klima ngunit tila yelo naman sa lamig ang kaniyang kalooban.Patpatin ang talinghagang bumalot sa kaniyang katauhan.Tangan ang talangkang mahigpit na sumipit sa nalulumbay na kinabukasan. Kung kaya ko…ayaw ko nang bitiwan ka..kung kaya ko lamang.

 

Namamalisbis ang luha ni Jesuza habang mahigpit na yakap ang kaniyang mag-iisang taong gulang na anak na si Busyok at ang kaniyang asawang si Plaridel. Pumirma siya ng dalawang taong kontrata bilang domestic helper sa HongKong, tila naiintindihan naman ni Busyok ang nangyayari, pumalahaw ito ng iyak, namumula naman ang mga mata ni Plaridel habang nakakuyom ang kamao nito, wala siyang magawa, pumayag siyang lumisan ang kaniyang asawa……pinakamamahal na kabiyak ng puso.

 

Makapigil hininga ang tagpo sa itaas mga giliw na mambabasa. Ginahasa, binitay, pinatay, inalipin, itinuring na hayop, binaboy at tinanggalan ng karapatang pantao, mga kwento sa likod ng mga kaganapan sa mga itinuturing nating makabagong bayani sa ating panahon sa ibayong dagat. Sila na nag-aakyat ng malaking salapi sa naghihikahos at naghihingalo nating bansa. Sapat ba ang papuri para matighaw ang pait na idinulot ng pagkakalayo sa kanilang mga mahal sa buhay? Hindi man lahat, karamihan sa ating mga OFW’s ay isinantabi ang sarili nilang kapakanan para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahirap makipagsapalaran sa ibang bansa, nandyan ang takot at mga walang katapusang pagtatanong kung ano ang kanilang kahihinatnan. Mabilis kumita ng pera doon kaysa sa dito. Ilang beses na rin akong hinikayat na magtrabaho sa labas, pero mas madalas kong sabihin sa sarili kong, hindi ko kaya ang ginagawa nilang sakripisyo, isang kaduwagan…subalit hindi ko isinasara ang opurtunidad na inihahain. Isa ako sa tatlo o sampung Pilipino na umaasang may pag-asa pa tayong makaahon kung magsisilbi tayo ng tapat at wasto dito sa ating bansa.

 

Buong puso kong naiintindihan ang paghahanap mo sa iyong nanay na nag-aalaga ng iba. Ilang taon na ang pasko sa buhay mo na wala ang iyong ama, si ate o si kuya. Huwag mo naman sana idaan sa pagrerebelde ang lahat, mas masasaktan sila kung uuwi silang bigo sa kanilang pangarap sayo..huwag naman.

 

Ibang citizen ka na? Hindi mo pa rin maitatago ang iyong kulay, ang iyong dugo. Alam mo kung saan ka nagmula, minsan lingunin mo itong bansang nagluwal sa iyo, kailangan niya ng tungkod lalo na ngayon. Huwag mo sanang kalimutan, minsa’y minahal ka niya, kinandili at ipinagyayabang..huwag naman.

Posted by kayumanggingdamdamin at 3:38 pm | permalink

Previous Comments

Base ako..walang basagan ng trip.

Inihahandog ko sa mga taong malapit sa aking puso, sa mga kamag-anak, sa mga kaibigan, sa mga bloggers na nakikipamuhay sa ibang bansa. Mula sa puso ni J.Kulisap ang saludo ko.

Mabuhay po kayo.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 11, 2009, 3:43 pm

wow! galing….dahil sa sinulat mo isang saludo para sayo kuya kulisap….

iba talaga ang forte ng yong pagsusulat…bawat bitiw ng salita tagos hanggang kalamnan.

Posted by aninipot at November 11, 2009, 4:27 pm

may kurot talaga sa puso…ramdam ko yung tila pakikipag usap mo sa mga nangungulila sa kanilang mga kaanak, lalo sa kanilang mga magulang. at tulad mo, nananalangin ako na di nila ito ipagrerebelde, bagkus, itoy magsisilbing inspirasyon sa kanila upang magsikap ding mabuti sa kung anumang mainam na pinagkakaabalahan nila upang makatulong di lamang sa kanilang pamilya, kundi sa buong bayan natin.

Posted by kaye at November 11, 2009, 4:59 pm

sadyang matalinghaga at malalim ang iyong pangungusap kapatid, tila isang balon na mahirap sisirin, at tila isang bulalakaw na hindi mo malaman kung saan ito dadapo o kusang maglalaho na lamang sa kalawakan.

Posted by alkapon at November 11, 2009, 8:28 pm

Bakit niyo inaaway si Daddy?!

He is a foreigner.

Posted by Ax at November 11, 2009, 9:51 pm

naku, bakit walang comment dito ang daddy namin ni ax? haha. brown american na un.

(tumitingin-tingin) daddy!!!!! asan ka na!!!

Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at November 11, 2009, 11:57 pm

aba, na-extra pa ko dito. :)

sa totoo lang, ang tunay na mga bayani ay yung di umalis ng pinas. di sila naduwag na gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa ikabubuti ng ating bansa. matindi man ang hamon, magiting nila itong hinaharap.

Posted by plaridel at November 12, 2009, 5:57 am

naalala ko tuloy ang pelikulang ANak na ginanapan ni Vilma santos..

Naging selfish kasi ang anak, inisip na
pinabayaan daw sila, iniwan, ayun, di nila alam ang hirap na dinanas ng mommy nila..

pagpapray ko mga OFW nating mga kalahi.

teka, sana wag magrebelde ang mga anak.
ayoko ng ganun.

Posted by jason at November 12, 2009, 10:54 am

waw, “spicy” ang word na nasa baba.

Tama ka jason, yung ANAK na movie ang sampol.
Para naman sa mga naiwan dito sa Pilipinas, please lang, hindi namimitas ng pera ang mga tatay/nanay/kapatid nyo sa ibang bansa. Bukod sa salitang “musta?” natanong mo na ba sila kung anong gusto nila na baka may maitulong ka sa pangungulila nila, baka gusto nilang marinig ang mga kwento mo hindi yung listahan ng mga gusto mong ipabili. Kahit isang beses lang, kumustahin natin sila nang seryoso. Nakakasama kasi minsan ng loob ang iba, puro na lang hingi. Minsan hindi pa magawang magpasalamat. =(

Posted by lababo at November 12, 2009, 11:05 am

Isang isyu hinggil sa ating bayan na di makayang matimbang at mahusgahan ng hamak kong isip ay ang tungkol sa mga OFW… Bayani ba sila?… O mas dapat yatang sabihing sila’y martir?… Mga taksil ba sila sa bayan?… Mga alipin, gaya nga ng paghamak ng isang Chip Tsao at mga diksyunarong Ingles?… Ano ba ang dapat nating gawin para hindi na umalis ang mga mamamayan sa sarili nilang bayan at lumayo sa piling ng pamilya’t minamahal?… Ah, masalimuot na usapin…

Posted by xdalisayx at November 12, 2009, 3:09 pm

Aninipot, tagos hanggang laman hanggang atay, bituka at buto….ganyan ang epekto kapag naramdaman mo.

Salamat po.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 5:52 pm

Halo Kaye, kumirot ba ang puso mo. Maraming mga kabataan ang hindi naiintindihan ang pansamantalang paglayo ng kanilang mga magulang o kaanak,para sa kanila ang bawat pawis na tumatagaktak, ang bawat pangungulila..para sa kanila yon.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 5:54 pm

Pare Alkapon,

Isang balon na madilim at kailangan ng isang patpat para matingnan kung may nagbabadyang panganib, bumubulusok hanggang sa sukdulan ng alapaap, walang hanggan..matatanaw mo pero hindi mo kayang angkinin..ito ang iyong utak, na pwede ko ring hiramin.

Salamas ulit pare.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 5:56 pm

Ax di ko po inaaway si Mr. Nonsense.

Bida nga siya dito sa artikul ko eh.

Alam kong ibang citizen na si GK pero nananalaytay pa rin ang pagiging Pilipino niyan.

Pero hindi natin kayang takpan na may mga Pilipinong parang nakalimutan na ang kanyang pinagmulan, siguro may mga kakilala pa nga si Mr. Nonsense, tama ba ako?

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 6:09 pm

Padre, may sakit pa daw si Mr. Nonsense, pupunta din yon dito.

Abangan mo.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 6:10 pm

Wow Plaridel.

May ibang hindi makaalis dahil walang pera para makapunta sa ibang bansa, may iba at mangilan ngilang nagsisilbi muna sa bayan bago tumikim ng ginhawa sa ibang bansa.

Kanya kanyang pagtingin yan.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 6:11 pm

Ang bait mo talaga Jason, si Rizal ka nga, kalahi ka ni Rizal.

Bow na bow na ako sayo po.

Salamat na may isang ikaw..naka naman. Ang bigat non ‘tol.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 6:12 pm

Lababo, maanghang ba? Di naman, dinurog na luya at paminta lamang na may sili.

Isang tawag lamang ng taos sa pusong pangungumusta, maiibsan na ang kanilang pananabik. Marami ng pamamaraan ngayon para marating natin sila, may e-mail, facebook,friendster, tweeter,plurk,telepono, voice-chat, voiceSMS…at kung anu-ano pa.
Hindi katulad dati recorded voice sa tape, sulat na tapos na ang pagluha bago pa matanggap o kamalasan, wala ng buhay bago pa matanggap.

Maganda ang pelikulang inyong nabanggit, napanood ko rin ito.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 6:16 pm

Dalisay,

Sa ibang bansa o dito ka man, kung walang pag-iimbot ang iyong pagsisilbi at pagsusumikap, bayani ka…martir kung mag-aalay ng buhay para sa ikagaganda pa ng mas marami, pero sino ba ang may gusto niyan, kayang bilangin sa daliri.

Taksil sa bayan kung pilit na kinakalimutan ang lahing kanyang pinagmulan, yong tipong nagkulay ka lang ng buhok, lumaklak ng pampaputi at nagsalita ng medyo gdskjksrewrijfkjfer–ganyan kaarte….at magtanong kung ano ba ang lubak..magtanong kung unggoy nga ba ang mga Pilipino.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 6:20 pm

nagparinig na naman sa tisoy na katulad ko si kulisap. btw, pwede next time eh tagalugin mo…di maintindihan eh :)

Posted by Mr. Nonsense at November 14, 2009, 2:49 am

GK hindi kita pinaparinggan, para sa lahat ng mga Pilipino yan, alam ko na sa puso at isipan mo ikaw ay Pilipino.

Paninindigan ko ang paniniwala mong yan GK.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 14, 2009, 8:15 am

buti pala at pinagtanggol ako ng mga kampon ko rito. palibhasa eh kamukha ko si keanu reeves, eh ako na ang pinag-initan. sige, hindi ka sali sa balikbayan box this year!
ikaw, pati si alkapon at kaye ay nahawa sa yo na magtinapa ng taluglog.

Posted by Mr. Nonsense at November 14, 2009, 9:23 am

pwede bang ituloy dito ang pakikipagsapalaran ni prinsipe jason? ahahaha

magandang umaga kulisap

Posted by jason at November 15, 2009, 9:04 am

muntik na rin ako mag-trabaho bilang stripper sa ibang bansa, tas sa factory ng chocolate sa taiwan, pero naudlot lahat. kasi hindi gusto ni papa jeez. di sana’y kasama ako sa mga sinasaluduhan mo J.K hehehe. saludo rin ako sa mga gaya ni taga-bundok nating katropa. ako nga andito lang sa ibang probinsiya eh kakapangulila na. sila pa kayang andun. *clap-clap

Posted by yiN at November 15, 2009, 5:01 pm

GK, di ba sabi ko kapag nasa lungga ko,pipilitin nating magsalita ng wikang Pilipino, kahit pangtribo pa yan. Ito na lamang ang nagsisilbi nating koneksiyon, kaya naman pinagsusumikapan at pinaninindigan ko ang wikang Pilipino. Hindi tama ang konstruksiyon ng pagkakagamit ng tamang salita at pangungusap ang mahalaga nagkakaintindihan tayo.

Walang problema kung hindi ako kasama sa pasalubong mo, ang mahalaga..nandyan ka..Nakanaman parekoy, ang bigat.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 16, 2009, 5:29 pm

Magandang hapon na Jason.

Pwede kung gusto mong makipagsapalaran pa.

Kapag nakagawa ako ng kwento tungkol sa digmaan, pwede mo bang lapatan ng iyong makulay na pagguhit, pero hindi ko pa alam kung kailan ko siya magagawa.

Basta pwede ba?

Posted by kayumanggingdamdamin at November 16, 2009, 5:30 pm

‘Yin, stripper? Totoo ba yan o ekek mo lang?

O mali ang pagkakaunawa ko sa trabahong stripper? English yong salita eh.

Ikaw ay mahusay na Pilipino kaya saludo rin ako.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 16, 2009, 5:32 pm

Para sa isang pamilyang nagsasakripisyo ng isang ama o ina sa ibayong dagat, saludo ako sa kanilang katatagan at patuloy na pagsisikap. At lagi pa’y alam natin ang sanhi kung bakit libo-libong ama at ina ang nakikipagsapalaran sa labas ng bansa. KAHIRAPAN. Hanggat hindi ito natutugunan patuloy ang pagkakawatak-watak ng pamilyang Pilipino at patuloy din ang pagkakaroon ng mga kabataang maliligaw ng landas resulta ng pagkawalay sa kanilang mga magulang.

Posted by Paquita at November 18, 2009, 4:58 pm

Tama ka Paquita, may ilan ding nanay at tatay na nakalimutan na ang pamilyang iniwan nila dito sa Pilipinas.

Hangga’t lamang ang kapakinabangang natatamasa ng iilan sa ating bansa, mananatili tayong alipin sa paningin ng mga bansang umuuri sa ating lahi.

Kaya nga, ganun na lamang ang pag-asam natin na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 19, 2009, 12:12 pm

magandang hapon Kulisap!

ilang araw din naman ang lumipas bago ko napuno ng lakas ng luob ang munti kong dibdib para makapag-iwan ng kumento.

salamat ng lubos. hindi ko alam kung papaano ang tamang pasasalamat. gayunpaman, ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi at muling pag-buhos nito mula sa aking paulit-ulit na pagbabasa ng iyong artikulo. iyon ay luha ng papuri at pasasalamat.

bago pa man ako nangibang-bayan, isa akong anak na iniwan ng isang ina para mangatulong. nasa unang baitang ng elementarya ako nuon. aalis, babalik. hanggang dumating ang kolehiyo at napagdesisyunan niyang manatili sa pilipinas. nag-rebelde ako. sabi ko sa kanya, “eh mas mabuti pa nung wala ka eh. lahat nagagawa ko. mamatay ka na lang!”

napakasakit. napakabigat sa isang ina. ayokong umiyak pero patuloy ang luha.

ninais niyang muling umalis. pinigilan ko. ako ang umalis. sa pag-layo ko. naunawaan ko ng lubos ang paghihirap ng aking ina. maraming sakripisyo, hirap, gabing malungkot, mga luha na wala ng mapaglagyan. hindi ko na kaya pero para kay inay kakayanin ko.

hanggang dito na lang muna. salamat muli Kulisap.

Posted by taga-bundok at November 20, 2009, 5:58 pm

Sshhhhh…tama na, halika na..pasyal na tayo..tumayo ka na diyan.

Payakap na lang TB.

Naiintindihan ko. Darating ang araw para sayo. Alam kong naglalakad ka patungo sa kapayapaan at kaligyahan. May oras din ‘yan.

Mabalitaan ko man o hindi..masayang masaya ako para sayo. Hindi lang si Inay kungdi ang sarili mong tagumpay.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 21, 2009, 11:32 am

akoy nalilito, pakiramdam ko nabalik ako sa nakaraan, bakit yata puro mga makata itong napagpapapasok kong blog?
hala sige ipagpatuloy nyo, kayo ang pumalit sa posisyon ni balagtas.

Posted by lee at November 21, 2009, 10:51 pm

Lee.

Ikaw nakakaintinti takalok? Ikaw ba ay Pilipino? hahaha.

Nais kitang ibalik sa nakaraan ng iyong buhay dahil doon umiikot ang aking mundo- kung saan payak pa ang buhay nating mga Pilipino.

Kamusta sa Tsina?

Para sayo din pala itong aking artikulo.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 23, 2009, 12:39 pm

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

kathlyn:

huh iam not cool i am going to tell the truth you are really not prett your ugly

kathleen:

hhahah tnx i don’t think you rcool not really nosebleed huh??

kathlyn:

who the girl named kathleen she is pretty nice huh ahhahaahhah your cute me iam only cool hahahahha

kathlyn:

that my siste ryear ,year of the tiger nice huh??>>>

kathlyn:

i am a filipino i am just from america argentin a add me on facebook hahahahhakathlynkikumoreto23@yahoo.com

kathleen:

^_^ :) ) :) :0)

kathleen:

paki visit tohttp://tl.answers.com/Q/Kwento_ni_amomongo_at_ni_iput_ipot_na_pabula_ng_visaya ohhh ganda :)

kathleen:

mga kablog kablog hhahah chatting meganon hahahahahh hi kua g. kulisap aq si paroparo /butterfly hehehe nice dito visit lng me ulit here ehhh….

kathleen:

hahahaahhahahahaahahamarami bago ngayon ahhh nice tung world natin lahat nuh???!!!:))

kathleen:

grabe lupet :) ang lupet galing nyo proud ngek…….:)) joke….

kathleen:

anong kaguluhan hgehehehehhehehhehe lupet na ha heheheheheheh nice na rin to

Batang Andeng de Ibarra:

kumusta po…baguhan lamang po ako dito…pwede po bang pakilibot mo po ako dito sa mundo po ninyong mahiwaga? SALAMAT PO!!! <3

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

lem:

…ngayon lang ulit ako napadpad sa mundo mo matapos ang mahaba-habang panahon…

panandalian akong nakatakas sa komplikado kong mundo habang nandito ako sa iyong mundo…

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines