Humahangos na sumugod si Prinsipe Ax, kalagitnaan ng gabi, kinalampag niya ang pintuan ng palasyo. May isinisigaw ito, nabagansya daw si Prinsipe Jason, nasibat diumano nito ang isa sa kalaban ng kanilang palasyo. Namutla si Prinsesa Dalisay, tila tunog ng kampana ang kabog ng kaniyang dibdib, napabalikwas ito habang mabilis na nakawala sa pagkakayakap ni Prinsipe Stain, umaalingasaw ang hininga, tiyak na nakipag-ulayaw na naman ito sa alak. Ginising niya ito pero tulog-mantikang naghihilik na may kasama pang halak.Sumugod siya papunta sa pintuan ng palasyo, hinarangan naman siya ni Kondesa Sopya, nanlilisik ang mga matang binalaan siyang bawal lumabas, siya daw ang tagapagbantay ng palasyo, iniamba nito ang tungkod, anumang oras ay pwede siyang paluin ng tungkod na may patalim sa dulo. Nakita niya ang kadenang nakapulupot sa bakal na pinto, imposibleng madamayan niya ang kaniyang anak, hihintayin na lamang niya ang umaga.
Dalidali siyang bumalik sa loob, nadatnan niyang may pinagkakaguluhan ang mga tao, nanlalaki ang mga mutaing mata, may humihiyaw na tila nagsasabong, may isang babaeng impit ang hiyaw dahil sa sakit, si Prinsesa Aninipot. Sumigaw si Mariang Basa, ipinaalam sa lahat ng mga nakahimlay na katawan, lalabas na daw sa mundo ang tagapagligtas,unti-unti ng sumisilay ang ulo ng tagapagligtas mula sa kweba ng prinsesa.
Palayain ang mga sawi, ang mga api, ang mga pasakit sa lipunan, magsitayo ang lahat at magdiwang, darating na ang tagapagligtas, ito ang mga namutawi kay Mariang Basa.
“ Tumigil ka Mariang Basa, nagpapaalipin ka sa iyong pagnanasang nakawin ang aming kamalayan, ibigay mo sa akin ang langit, hagurin mo ako ng iyong pag-ibig, ialay mo ang buwan sa iyong mahal na hari “ sambit ng isang lalaking hambog at tuso.
Kumibot ang labi ni Mariang Basa at nagwikang “ Tumingin ka sa unahan, titigan mo siya, sila, haplusin mo ang kanilang katawan, ihagod mo sa iyong katawan, huhupa ang init na dumadaloy sa iyo lalaking matakaw sa laman, at ano, ako ay iyong iiwanang luhaan”, umiyak at tumawa si Mariang Basa, niyakap naman siya ng kaniyang inang si Prinsesa Flora, pinilit isaksak ang karayom, humupa ang sumisilakbong damdamin ni Mariang Basa, luhaang lumungayngay sa kandungan ni Prinsesa Flora ang kaniyang kawawang anak. Taimtim na umusal ng panalangin, palayain, palayain, nagtungo siya sa pintuan ng palasyo ngunit umaapoy ang nanlilisik na mata ni Kondesa Sopya, isinawsaw na lamang niya ang kaniyang kamay sa tubig mula sa kabibe at inihaplos sa kaniyang anak na nakatitig sa kawalan.
Inilibot ni Prinsesa Dalisay ang kaniyang paningin, huwag siyang dayain, bakit siya ay nasa palasyo ngunit wala siyang maramdamang kaginhawahan, maliban na lamang kapag may dumadating na pagkain mula sa labas at mga kagamitang pinaglumaan na ng iba. Tiyak niyang, mayron na namang mga nakabihis ang magtatala ng kanilang datos at kukuha ng kanilang larawan. Isinisisi niya kay Prinsipe Stain ang mga kaganapan sa kanilang buhay, kung hindi sana ito nagumon sa ipinagbabawal na gamot, alak at sugal, hindi siya makukulong sa palasyo ng kadiliman, maliwanag naman pero parang walang silbi ang malamlam na tanglaw. Ano ang mali? Nasaan ang tama? Kailan darating ang tagapagligtas Pining Gersia? Mapait siyang napahalakhak. Ang karumaldumal at inosenteng si Pining ay nagpapapak ng Milo.
Kumalembang ang kampana, hudyat nang pagsisimula ng bagong kaalaman at umaga. Pumasok ang isang lalakeng nakadamit ng mahaba at kulay puti. Lahat ay napalingon sa kaniyang pinanggalingan, walang nagsasalita, tumungo ang lahat pagkatapos ng isang iglap na paglingon, balik sa reyalidad. Pumunta ito sa unahan at yumukod, iginala ni Padre Fiel ang kaniyang paningin, naagaw ang kaniyang pansin sa gumagalaw na tela, may nagmumulto, anang isip niya…lumapit siya upang aninagin ang kaganapan. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan, may dalawang nilalang ang gumagawa ng inaasahang tagapagligtas. Malalim siyang nag-isip at bumulong sa hangin.
Ito ang wika ni Padre Fiel:
“ Magsitayo tayong lahat, humayo kayo at magpakarami. Alalahanin natin si Hesus, ay nagmamahal, at ang ating tagapaligtas”
Lumabas ang mga taong tila bingi sa sinasabi ni Padre Fiel, nag-uunahang magpatala ng kanilang datos at magpakuha ng larawan.
May sumigaw, dumating daw si Don Anastasio, ang tunay na tagapagligtas. Isinahod ni Kondesa Sopya ang kanang kamay habang hinuhulugan ng tingga ng mga taong nais na makita si Don Anastasio, ang tagapagligtas. Marapat lamang na maghulog sila ng tingga o papel dahil hindi papayag si Kondesa Sopya na wala siyang hanapbuhay.
teka! aw, mamaya ko pa ito mababasa!
Posted by Palakol at October 22, 2009, 10:32 amayun nabasa ko na ang galing ng pagkakahabi!!
inaabangan ko yung fighting scene ko!!! ahahah
sibatan pala to!!!!
Posted by jason at October 22, 2009, 10:42 amPagkilala sa mga taong nakapaligid sa aking bahay-kubo.
Bibigyan ko ng umaatikabong halik ang makapagpapaliwanag ng pinakamaganda sa nais iparating ni J.Kulisap sa salaysay na ito.
Hwag na lang uy….eh pano kung ang halik ko ang magliligtas sa buhay mo.
Sige na..may nais iparating si J. Kulisap
Posted by kayumanggingdamdamin at October 22, 2009, 12:09 pmAng pagbabago ay magsisimula sa mga taong maninindigan sa darating na plebesito. Marami ang nagpapanggap na tagapagligatas sa lugmok nating kalagayan subalit sino ang makakapagsabing ito na nga ang magiting na tagapagligtas ng bayan. Sa darating na plebesito ating bigyan ng bagong kahulugan ang ibig sabihin ng kagitingan at pagmamahal sa bayan. Sama-sama nating baguhin ang ating kinabukasan tungo sa mas maunlad at matatag na lipunan.
Posted by Paquita at October 22, 2009, 12:40 pmhaays! hirap naman…pwedeng Scientific name nalang ang ipamemorize mo sakin…hehehe.
o cge, susubukan ko.
ang isang kwento ay aakalaing isa lang ang bida ngunit sa totoo pala pwedeng ang bawat isa ay maging bida…. iyon ay kong paano natin titingnan at sukatin ang kanyang pagkatao.
Buhay-buhay na kaylanman mahirap bigyang buhay..gets nyo ba? haha
mahirap ang magpakalunod sa isang sitwasyon na minsa’y di ka maiiahon sapagka’t lahat din kayo ay lunod sa ganoong sitwasyon.
whew! pwede na ba iyon?
pwedeng mag request? pagkain na lang ang premyo…….hahaha
Nabasa ko na ng buo.. Pero wala akong singkong duling na ideya.
Posted by Palakol at October 22, 2009, 5:29 pmaba, at kasama pala ako sa kwento!
hahahaha. kailan ba ang karugtong nito?
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at October 22, 2009, 6:57 pmasteeg! hindi ko alam pero parang tumatak sakin ung parteng unti-unting sumisilay ang ulo ng tagapagligtas mula sa kweba ng prinsesa.
okei…mainit lang siguro katawan ko. huhlolz!
papano namang naging tagapagligtas si don anastacio eh nagmistula na nga siyang siraulo’t pilosopo?
Posted by lio loco at October 23, 2009, 12:21 ameh nasan ba ang hari at pinababayaan nyang maghariharian ang kondesang ito? nasa st. luke ba at na-open heart surgery?
Posted by plaridel at October 23, 2009, 5:35 amKasama ka sa karakter Aninipot, ipinakikila ko po mga kaibigan ang aking bunso si Prinsesa Aninipot.
Kaway Aninipot.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:07 pmAkso, ano ang pinagkakaabalahan mo o lumilipad na naman sa ibang demensyon ang iyong balintataw?. Aw.aw.
Nasa palasyo ka ni Abrera?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:08 pmOo Prinsipe Dk, sibatan ‘yan, ikaw na bahalang magdugtong ng iyong pakikipagdigma.
May nais arukin si J.Kulisap.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:10 pmPaquita,
Ang layo ng itinakbo mo, ayaw kong magkomento, kapag nalaman mo pagtatawanan mo lamang ako.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:11 pmMay mga puntos naman ang sinabi mo Aninipot.
Pagkain..o sige..dinner date sa buwan sa taong 2012. Hehehe
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:13 pmPadre Felmar, naibigan mo ba?
Karugtong? ‘Di ko pa alam. Depende
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:14 pmMahilig sa kweba, pati ang ang abang si Prinsesa Aninipot na nagluluwal ng inaasahang tagapagligtas ay hindi nakalagpas sa mabangis na Don..hehehe.
Don Anastacio? Hindi ko rin alam Lio Loco, sabi nga ni Paquita, nasa mambabasa wala sa nagsusulat.
May puntos
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:16 pmHehehe Plaridel parekoy, hindi pa tayo aahon sa kumunoy, mas lalalim pa ito kapag maraming tao ang susubukang lumusong kahit na mapanganib.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 12:18 pmMarami ang nagnanais na taga pagligtas kuno. pero di natin alam kung sino ba sa mga ito ang may tunay at malinis na hangarin! Nasa kamay natin ang simula kung sino ang tunay na tagapagligtas na ating iluluklok sa palasyo mu j kulisap. Haaayyy….sana ay natuto na tau sa mga nkaraang kasaysayan.
Binabati kita! Maganda ang artikulong ito at isa sa mga nagiliwan ko.
Posted by koror at October 23, 2009, 2:12 pmwow! ang bait ng kuya ko..at tlagang pinakilala pa ako..
sandali, so si don anastacio pala ay anak ni prinsesa aninipot? hehe, ngayon ko lang naintindihan.
pano kasi nag paka J.R.R. Tolkien ka sa dami ng karakter.
o sya kuya, maghanda kana, meron kapang tatlong taon para sa dinner date natin sa buwan..haha
Ako ay naliyo sa pag-aapuhap sa maaari kong maging tugon dito sa iyong malalim na kwento Kulisap. Kaipala’y singlalim ito ng naging epekto sa mga taong dumanas ng matinding kahirapan hatid ng nagdaang mga bagyo. Hanggang sa sandaling ito ay lumalaban sila sa buhay. Saang lupalop na nga ba sila ng mundo maaaring manahan. Kailan nga ba sila makakapag-umpisa ng bagong buhay?
Posted by Salome at October 23, 2009, 4:27 pmmasyado akong naguluhan sa iyong kwento… pero wari ay pinapakita mo rito ang nararanasan ng isang kompanya… itama mo kung mali ang aking pagkakaintindi…
Posted by maribubot at October 23, 2009, 4:36 pmdahil sa mayroong tatlong sumalakay sa likuran ni Prinsipe Jason, siya ay nagpanic at dali-daliang sinibat ang bawat isa. sa kasamaang palad ay isa sa mga nasibat ay hindi kaaway. nalaman na lang nya ito ng may isang tinig na nagsabing..
“bakit, bakit pati ako…..”
Posted by jason at October 23, 2009, 4:46 pmnatawa ako sa mga character na involve sa kwento mo..pwede..pwede ka nga isalang sa mga talentadong pinoy.. malikot din ang pag-iisip mo kulisap.. he he he
Posted by Alkapon at October 23, 2009, 4:47 pmAsan! Jason! asan ang mga kaaway. Dali magkubli tayo. Dalhin mo ang sibat. Huwag kang tumakbo ng yaka baka ka mabubog.
Posted by Salome at October 23, 2009, 4:52 pmKoror, dapat Survivor ka talaga, hindi pwede ang alyansa kung hahaluan din lamang ng mga kababuyan kapag halalan na.
Hindi dapat isinisi lamang sa mga pulitiko ang pagbagsak ng isang bansa, maraming salik ‘yan pero napakahalaga ng kontribusyon ng mga lider sa isang grupo o bansa man.
Koror, survivor ako….hehehe
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 5:27 pmAninipot, wala akong nakikitang mali sa pagkakaunawa ninyo sa aking artikulo, mas naramdaman ko ang kababawan sa aking isinulat ng magpahayag kayo ng iba’t ibang kuro-kuro.
Si J.R.R. Tolkien, huwag naman, patay na yon ako ay buhay pa, sige na nga…kungsabagay may J din si Kulisap..ambot day.
Mas obra ko ang aking kapaligirang puno ng tunay na daloy ng pangyayari.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 5:29 pmSalome, ako ay nanabik sa iyong pagbabalik.
Marami pa rin ang mga nasa evacuation centers sa ngayon, iba’t ibang pamilya, iba’t ibang kwento, kanya kanyang gaud.
Makulay di ba? Pero mas mapahahalagahan mo ang iyong buhay kapag nayakap mo silang minsan at salaminin kung sino ka at nasaan ka na sa panahong nagdadalamhati ang iba.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 5:32 pmMagulo talaga si J.Kulisap Maribubot, sabi ko nga walang mali sa pagkakaunawa dahil ang mali ay ‘yong nagsulat.
Maaring may puntos ang nasabi mo, dahil ikinulong mo ang iyong interpretasyon base sa iyong karanasan, hindi ka lumundag sa ibang parte ng iyong kapaligiran.
May tanong lamang ako..bakit mo nasabing ” nararanasan ng isang kumpanya?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 5:34 pmJ.Kulisap: Prinsipe Jason..bakit….bakit ako???
Tulungan mo akong ilagay sa timba ang bituka ko Prinsipe Jason, ang mata ko ibalik mo…ang puso ko..prinsipe…pakipulot…aghhh..arggh…im ded.
AlKapon, ang batang taga Malabon
Buhay ay umiikot sa apat na sulok ng kahon.
Talentadong noyPi…naka naman, mas tarantado ako kesa sa talentado..pinapainom lang ako ng ina ko ng sagmaw kaya medyo nagkakalaman ang utak ko.
Salamaskie Alkapon
Posted by kayumanggingdamdamin at October 23, 2009, 5:37 pmJ.Kulisap:
Aha, salome, huwag mong isama ang Prinsipe, tulungan mo ang kulisap, nawasak ang kaniyang pakpak.
Pakipulot ang puso ni Kulisap na nagdadalamhati dulot ng punyal na nakatarak sa kanyang dibdib. Muling ibalik ang pag-ibig ng hindi magdulot ng pighati. O pag-ibig nasan ka na!
Posted by Salome at October 23, 2009, 5:41 pmKulisap o Kulisap
Wasak na pakpak ay may lunas
Tanggapin lamang handog niyang lingap.
Muling ibalik ang pag-ibig!
Ito ang aking sigaw
Ito ang aking palahaw.
Ito pala si kulisap ay talentadong Pinoy
Dahil ipinaglihi ng Ina sa balut at Penoy
dangan nga lamang na ang kili-kili nya ay may amoy,
ngunit ganun pa man, marami siyang tsiks na nadedenggoy.
Pakipulot ang puso ni kulisap ang sabi ni salome,
sapagkat ibinalibag mula sahig at tumalbog sa kisame
Tinarakan ng punyal ng isang prinsepe
binudburan ng asin at ibinabad sa kape.
O kulisap, kay likot na iyong isip
utak mo’y may bulate, na tila may anghit
uten mo nama’y sobrang kay liit
mas malaki pa nga ang ibong pipit.
Salome, ang diwata ng kadiliman
Ikaw ay nagbalik dito sa kapatagan
Huwag kunin yaring pusong tigang
Tulungan mong iahon at huwag paratangan
Iba na naman ang iyong iniindakan
Hayaan mong puso ko ay iwanan
Kaya pa naman nitong aking isipan.
P.S.
Salome, huwag nyo akong pagtulungan ni Paquita, ano ba't pilit ninyong isinisiksik na ako ay matutong umibig gayong alam ko naman ang salitang ito, alam ko naman kung paano ko aatakehin ang mga ibinubulong ng hangin. Tugodong
Posted by kayumanggingdamdamin at October 24, 2009, 7:15 amMay malibog na naliligaw sa bahay kubo
J.Kulisap ay tila nais nang magtago
Bawiin ang sandata at itarak sa puso
Ni AlKapong, laki sa siyudad at tuso
Mga tagabasa, walang mali sa aming usapan
Ito ay dulot lamang ng malikot na isipan
Sapagkat si AlKapon ay hatid ay kalinawan
Ng mga salitang dapat na pinagtutuunan
Kubli lamang ito sa mga malilibog na usapan
Basahing maigi at hanapin ang kasagutan
Sa kaniyang akda, ito naman ay katotohanan
Di pwedeng itanggi, dapat na pakinabangan.
Mahusay AlKapon, kumain ka rin ba ng sagmaw?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 24, 2009, 7:24 amhabang may panahon pa, hala at
lagyan ng sapal ang butas na idinulot ng Sibat
oh medics, oh nurses nasan na kayo
may isang casualty dito
hala magmadali, sapagkat ang
dugo ay dumadaloy palabas
mula sa naihamak na tagas
haha…patimpangalan ko eh tagalog ang spelling…teka—”ispeling” pala.
eto paborito kong line:
“titigan mo siya, sila, haplusin mo ang kanilang katawan, ihagod mo sa iyong katawan, huhupa ang init na dumadaloy sa iyo lalaking matakaw sa laman,..”
haha, nakakaingganyo talaga. kaya nga ang sabi ko eh sige, magparami kayo…at ako ay manonood lang dito. kung kelangan ng coaching eh kindatan lang ako…
Posted by Mr. Nonsense at October 24, 2009, 12:30 pmPrinsipe Jason, tawagin ang aking Aaamaaaa at Inaaaaa…Amaaaaaaaaa at Inaaaahhhh.
Agh…bumangon…agh..hwag a-kong babangon…agh..masakit..malupit..
Amaaaaaaaa, inaaaa.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 24, 2009, 5:34 pmGK,
Balikan mo ulit ang sinasabi mong paboritong linya sa aking akda. Nais kong buksan ang pinto ng palasyo, at libutin mo kung saan nangyari o saan ang tagpo ng kwentong ito.
Alam ko namang magaling kang coach.
Pinapatawa mo ako.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 24, 2009, 5:36 pmnasan ako? haha.. bakit wala ako jan sa dulaang bloggers? hehehe..
Posted by walongbote at October 25, 2009, 9:21 ammakakasabay din ako sa panulat mo ginoong kayumanggi… masyado kasing mabulaklak, aaminin ko hindi ko nakuha ang marami pero ang mahalaga matututo akong kilalanin ang mga ganitong akda… pasensya ka na baguhan pa lang kasi ako sa ganitong mundo… sana magkagustuhan tayo ng mga sulatin….
salamat… romeo…
Posted by roomboy1987 at October 25, 2009, 10:58 amwala akong masabi.may sasabihin sana ako,mga kaibigan ,itanong niyo nalang kay Bb.Pening Gersia.Masaya na naman ang bahay kubo natin marami ng makatang nailigaw ng kanilang mga daliring walang patid sa kapipindot ng kani-kanilang mga kumpyuter.
Posted by Nonoy G. at October 25, 2009, 11:08 pmDumarami ang tagasubaybay.. Ngunit wala pa rin akong ideya..
Posted by Palakol at October 26, 2009, 8:15 amWalongbote,
Kaulayaw mo lagi ang bote ng Gin..sa susunod, isasama ka na.
Salamat sa ‘yong kumareng WalongBote..hikhik
Posted by kayumanggingdamdamin at October 26, 2009, 12:07 pmOh Romeo, o ang aking si Romeo..nasaan si Juliet? Bakit iniwan mo sa sulok? Hindi kayo nagmamahalan ni Juliet gayong alam ng lahat na itinatago ninyo ito?
Mabulaklak kapag aking iniibig ang humabi
Tagtuyot kapag ang aking kaisipan ay pumapait.
Sige,pupuntahan ko ang iyong Roomboy1987
Posted by kayumanggingdamdamin at October 26, 2009, 12:10 pmPssst..psst Nonoy G, huwag kang maingay, baka magising si Pining…hindi pa siya handang magbigay ng serbisyo.
Ikaw talaga, huwag ngayon lalaking mahilig…sa pagbabasa..bwahahhaa
Posted by kayumanggingdamdamin at October 26, 2009, 12:12 pmWala ka pa ring ideya Palakol? Ibulong mo na lamang sa hangin, siguraduhing kay J.Kulisap makakarating.
Tingnan mo ang matang bulag, dinggin mo ang tengang bingi, hubaran mo ang dati ng hubad..may maisasagot ka na..ibulong mo na lamang
Posted by kayumanggingdamdamin at October 26, 2009, 12:14 pmPalakol sabayan mo na lamang ang agos, masayang maglakbay kasama ang iyong mga kaibigan.
Posted by Salome at October 26, 2009, 12:15 pmmukhang marami na ang sumasabay sa tugtog na ginawa mo kuya kulisap….
marami na ang iyong napahinto at napaisip…
hariwa’y dulot nito’y bagong ilaw sa iyong bahay na unti-unting pinanday.
Posted by aninipot at October 26, 2009, 1:10 pmwalang nagawa ang duguang kulisap kundi sumigaw at tawagin ang kanyang magulang.
sa isang iglap dumating ang grupo ng medics. Binubuo sila ng 10 myembro. Agad syang isinakay sa strecher.
Biglang lumiwanag si Prinsipe Jason, Ipinatong ang kamay sa kanang bahagi ng dibdib ni Kulisap kung saan nandun ang sugat na natamo sa sibat.
Bumulong ng mga salita sa hangin si Prinsipe Jason at unti-unting nagliwanag ang kamay at dali-daliang sumara ang butas at tuluyang pumikit ang sugat…
Ayan na sila!! Paparating pa ang isang batalyon ng mga kaaway. Humanda ka na Kulisap!
Meron sa likod mo! Tabi!
Hayaa!
Tsug!
tsug!
sibat dito, sibat doon.
sabay buga ng Apoy mula sa kanan, Aba isang dragon ang sumasalakay kay Kulisap!
Posted by jason at October 26, 2009, 4:11 pmhaha! para yatang nagtransform sa pagiging santino si prinsipe jason..hahaha.
at biglang dumating ang mga centaur para kalabanin ang dragon..ngunit di pala nila kaya kaya tinawag nila si aslan sa kaharian ng narnia…
ngunit di sila pinakinggan kaya ceasefire muna..pahinga..
reset ang labanan.. bukas na lang.
hehehe
Posted by aninipot at October 26, 2009, 4:29 pmTama ka Salome, akayin mo siyang makisabay na lamang sa pag-indayog. Iba kasi ang mundo ng Palakol.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 27, 2009, 8:10 amOo nga kapatid kong Aninipot.
Ito ay ilaw na sa aking bahay kubo..magsisilbing tanglaw kapag may nagtatao po.. Ayo…Ayo.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 27, 2009, 8:11 amHahaha, nagtransform ang Prinsipe o sinapian ng dwende, engkanto, balang o daga?
Hindi maipalawanag ni J.Kulisap ang nangyari ng hipuin nito ang kaniyang dibdib, akala niya ay hihimasin lamang ng Prinsipe ang pakpak ng kulisap, kaipala'y papagalingin nito ang sugat.
Sumigaw ang mga nakasaksi..
Pagalingin mo kami Prinsipe..kaano ano mo si Valentina at Medussa?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 27, 2009, 8:13 amHahaha, Aninipot malayo na ang inilipad ng iyong kaisipan, lumayo na tayo sa totoong drama, pakikipagsapalaran na ito ng Prinsipe Jason na kung tutuusin ay extra lamang sa kwento, siya pa ngayon ang BIDA.
Ayos, gusto ko yan…malikot ang pag-iisip.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 27, 2009, 8:17 amhaha. nakakatawa. este nakakatuwa ang kwento. pamilyar sakin ang ilang karakter.
Haha. Natuwa naman ako rito. Ako’y naisama sa inyong kuwento. Naipromote niyo pa ang aking blog. Hehe. Salamat po.
Ngunit, Kuya Kulisap, paumanhin. Di ko na kayang ipagpatuloy pa ang blogging. Lubhang abala ako sa pag-aaral, marubdob kong pangarap at ng aking mga magulang ang makapagmartsa ako sa darating na Abril. Bukod pa rito, sadyang maraming gumugulo sa aking isipan tungkol sa patutunguhan ng aking buhay… At saka, dumagdag pa sa mga ito ang pamomroblema ko sa aming pc - ang daming virus! Di ko na mamentena ang blog ko dahil sa nalimitahan ang aking paggamit sa aming kompyuter, dala nga ng mga pesteng virus, worm na yan…
Unti-unti, namumuo sa aking kalooban ang pangangailangang lumabas ako sa ‘palasyo’… Ayaw ko man, sapagkat mahirap, magulo, masalimuot, ngunit sadyang kailangan. Kailangang mamulat, makialam, makilahok, makiisa sa mga kaganapan sa labas… Wika nga, mas mainam ang bahay-kubo na ang nakatira ay tao, kaysa palasyo ngunit ang nakatira naman ay gago, este, kwago pala…
Hehe. Hayaan niyo, dadalaw-dalaw pa rin ako sa inyong sayt.
Bipolarsisa, kamusta ka na?
Natawa at natuwa. Humalakhak ako.
Salamat sa muling pagdaan.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 28, 2009, 4:58 pmPrinsesa Dalisay,
Aking nauunawaan, pero pinakikiusap ko sayong huwag mong buburahin ang iyong nasimulan na, hayaan mo lang itong silipin ng mga taong gustong sulyapan ang iyong kaisipan.
Dadalawin ko pa rin ‘yon, nalulungkot nga lamang ako at tayong dalawa lang sa na taga i.ph ang nagpapalitan ng ideya pero ngayon mag-isa na lamang ako, mas marami pang taga wordpress ang nandito sa lungga ko.
Makakapagtapos ka. Kaya mo yan.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 28, 2009, 5:01 pmWow! Cool story! Sana ako rin masama na sa next story!
Paglitaw ng dragon at sa pagbuga nito ng apoy, daliang sumigaw ang kanyang Summoner at nagsabing:
“Subugin lahat ng mga nilalang na may pakpak!!”
at una ngang namataan ng dragon si kulisap. Si kulisap ay nakaiwas dahil sanay na syang maglaro sa apoy.
Habang nagpapagaling ng mga sugatang kawal si prinsipe jason, agad na sumaklolo ang mga dagang kosta mula sa danuhan, nag volt-in sila at naging giant Hamster.
Humanda ka na dragon!!!
Posted by jason at October 28, 2009, 10:58 pmAnong gusto mong kwento Rocky?
Salamat sa pagsilip sa bahay-kubo.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 29, 2009, 12:21 pmAng dragon ay lubhang makapangyarihan, naging kalaban na rin nito si Ogre Tutuli, masyadong mainit ang naibugang apoy ng baklang dragon, mabuti na lang at agad nakapasok sa bunganga ni Prinsipe Jason si J.Kulisap, nakaiwas siya sa posibleng pagkasunog. Biglang may lumingkis sa paa ni J.Kulisap, ‘yon pala ang mga ahas sa tiyan ng Prinsipe..naging sawa, dalidali siyang lumabas ulit sa bunganga at dumapo sa ulo ng dragon…
May ibinulong ito sa dragon….
Biglang nahimatay ang dragon.
hehe… curious ako kung ano ang binulong mo sa dragon?
pwede ko bang hulaan?
nalaman ng dragon na crush sya ni prinsepe jason….hahahaha
Posted by aninipot at October 29, 2009, 1:30 pmTama ba prinsipe ang ibinulong ni J.Kulisap sa dragon?
Tama ba?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 29, 2009, 4:56 pmYung kagaya neto. Yung may fighting scene.
kumusta kulisap, napadaan lang ako para tumingin ng bago… maraming salamat sa pagsuporta sa blog ko…
Posted by romeo at October 29, 2009, 10:20 pmRocky Garcia,
Pak…pak..tsug..argh..ungh..ungh..
Sugatan ang J.Kulisap, napunit ang pakpak…
Tinahi ni Rocky Garcia ang pakpak ni J.Kulisap ngunit pati galugod nito ay napasama sa pagtahi..Aw…araykup..
hehehe. Sa susunod na pakikipaglaban..hiyaah..yahh..tigidig tigidig…tigidig..pimples.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 30, 2009, 12:02 pmWalang anuman po G. Romeo, nagbabasa ako ng mga sinusulat ng isang blogger, kahit hindi iutos.
Hindi ako madalas gumawa ng artikulo, pwede kang maghalungkat sa mga nakalipas ko ng mga akda.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 30, 2009, 12:04 pmoo tama. ibinulong ni kulisap na may gusto si Prinsipe Jason sa dragon. ngunit ito ay isang paen lamang. nang himatayin ang dragon, kaagad na hiniwa ni Prinsipe jason ang dibdib nito at kinuha ang gintong puso. Agad itong binitbit ni kulisap at inihagis sa ere. Sabay hagis ng sibat sa puso.
Ang puso ay nagpirapiraso sa maliliit na butil ng ginto at kumalat sa hangin. Ang mga kalabang nakalanghap nito ay nagkaroon ng “change of heart” at sumanib sa batalyon nila Kulisap.
Pero ano iyon!! May tatlong higanteng Tutubing paparating. Huhugutin na ni Prinsipe Jason ang sibat mula sa puno kung saan ito tumusok.
Nang biglang may mahabang dila ng higanteng bayawak ang pumulupot sa sibat, pagkatapos ay isa pang dila na pumulupot sa paa ni Prinsipe Jason.
Posted by jason at October 30, 2009, 2:13 pmLol! Galing! Nice story kayumanggi.
Kaytagal kong inantay ang istoryang ginawa mo. Kawawang J. kulisap pati galugod ay nadamay.
Can’t wait for the next scene.
Posted by Rocky Garcia at October 30, 2009, 4:38 pmRocky ano yong Lol? Ulol?
Ayos pala itong tagabasa eh, mababaw ang pangangailangan sa may akda. Makakasundo.
Pagkatapos sibatin ni J.Kulisap ang inihagis na gintong puso ng dragon, lungayngay itong bumagsak sa poste ng ilaw.
Nagpupumiglas si Prinsipe Jason mula sa kanyang kalabang bayawak at mga higanteng tutubi. Ramdam ang paghihirap at tila pagsuko ng batang prinsipe, taimtim siyang nanalangin at tumingala sa itaas.
May isinubo…isang neptalina…at sumigaw…
Prinsipe Hamster, tagapangtanggol…nag-evolve ulit siya at naging Giant Hamster.
Samantalang, si J.Kulisap ay sinakmal ng isang asong ulol.
Tinangay na parang tuta…sino ang asong ulol?
Isa rin ba siya sa Prinsipe..
Abangan.
P.S.
Para sa pakikipaglaban ng Prinsipe Hamster.
Kayumanggi laughing-out-loud ibig sabihin nun. Hindi Ulol. Ang galing nitong post mo para nang comics, nakakaaliw. Keep up the good work!
…at ako ay binalinguyngoy sa sobrang galing hehehe…kudos!
Posted by Jag at October 30, 2009, 9:59 pmJag, uy….napasyal ka..kamusta ang mga Hapon?
Salamat dong. Sinubukan kong puntahan yong sayt mo..dinugo din ako kailangan ko ng pangtapal.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 2, 2009, 12:58 pmYin,
Ikalawang yugto, ang tanong binasa mo ba hijo?
Salamat sa pagdaan.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 2, 2009, 1:02 pmAh..LOL..isa pala akong ulol..hehehe. Salamat hijo at ipinaalam mo sa iyong lolo ang ibig sabihin non.
Komiks ba? Hindi ko man sinadya pero mas naging buhay ang talakayan namin ni Jason, mas nanabik daw siya sa fighting scene nya.
Marahil isang tahimik na dalanging labanan ang anumang nagpapagupo sa isang tao, kaya mas gusto ng tao ang makipagdigma.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 2, 2009, 2:43 pmginoo, padaan, sa aking buong akala ikaw ay mayroong bagong wento hehehe. akin kitang idadagdag sa mga kawing ko ginoo. salamat sa pagdaan sa aba kong crib!
Posted by yiN at November 2, 2009, 3:49 pmYin kapag ang tao nagtatanong kung may bago,parang gusto kong itanong, nabasa mo na bang lahat ang mga lumang nakasulat?
Wala namang expiration ang mga akda ng bawat isa,pwedeng pwedeng basahin anumang oras maliban na lamang na kapag binasa ang isang lumang akda ay ikamamatay ito nong nagbabasa, hindi ko na irerekomenda.
Bihirang magproseso ang limang gramo kong utak Yin, at depende sa aking kayumangging damdamin.
Sige, salamat at ikinawing mo ako.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 2, 2009, 4:43 pmnakakabitin! aheheheh next chapter na@ daliiii ahehehehe. nakakaaliw ang mga karakter! ahahahah
Tol salamat sa pagdaan sa bahay ko, nga pla, ayaw mo man o gusto added ka na sa blog roll ko! aheheh
happy blogging
Kamusta si Bayaning Tupe?
Kilala mo din ang mga karakter? Salamat kung ganun.
Sige lang,idagdag mo ako sa iyong kuta. Walang anuman.
‘Tol salamat din.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 3, 2009, 12:14 pmDahil sa naging higanteng hamster ang prinsipe jason. isa-isa nyang hinawi ang mga bayawak at mga tutubi. Sa isang iglap, naglaho ang mga halimaw na ito. Wala silang binatbat sa Higanteng Hamster.
Teka, si Kulisap. Tinangay ng asong ulol, kagat-kagat ito sa may bahaging pakpak. Dinala nya ito sa kanyang lungga, isang malawak na kweba na may malalagkit na laway sa mga stalagmites/stalactites.
Sinuong ni Prinsipe Hamster (bumalik na normal na katauhan) ang loob ng kweba. Hinabol nya ang aso.
Sa Dulo nito, nag transform ang aso. Tulad ng pagmemetamorphosis ng uod patungong paru-paro, ang aso ay naging si Prinsipe… Teka unti-unting nanlalabo ang paningin ni Prinsipe Jason. Napapatakan pala sya ng mga laway sa kisame ng kweba.
Biglang may rumaragasang malaki at mahabang dila patungo sa kanya.
Anak ng!!! Hindi pala ito isang kweba!!! Isa itong Malaki at mapanganib na Halimaw!!!
Saklo…. saklolo…
Posted by jason at November 3, 2009, 1:34 pmwahahaha. aylabet!
at ang kulit ng kwento ni jason!
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at November 3, 2009, 4:04 pmpuro typo nga father!
Posted by jason at November 3, 2009, 4:13 pmPrinsipe, nabago ko na ang mga letra, naghalohalo.
Labet mo Padre?
Kapag sinipag ako, sana makagawa ako ng epilogo ng kwentong ito.
Sana lang
Posted by kayumanggingdamdamin at November 3, 2009, 5:49 pmaha..ang ganda ng kwento. kathang isip lang ito alam ko pero maganda. galing mo.
next time po, pa-extra naman si busyok sa kwento.hehe
Posted by eli at November 6, 2009, 10:21 amHaloha Eli?
Sino si Busyok ikaw din?
Kathang isip dahil isip ko ang gumana pero katulad ng pagguhit mo, ito ay nanggaling sa tunay na pangyayari sa ating lipunan.
Walang problema,pag nakahanap ako ng magandang tema, sige isasama ko si Busyok.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 6, 2009, 12:15 pm
ayos! kasama pala ako sa character…haha, nalito nga lang ako kaya kelangan ko pang basahin ulit para masundan ko ang kwento ng bawat isa…
Posted by aninipot at October 22, 2009, 10:12 am