Pasulyap, nakita ko, nakakatuwa, nakakatawa. Humalakhak ako, nanundo pa ako ng isa pa, hindi siya natawa, pero natuwa siya. Ginaya ko ang kanilang galaw, naghakot ako ng mga lumang nalalaman, hindi pala, pinalitan ko. Ipinakita ko sa kaniya, bigla siyang umiling, ano kaya ang nais nito?. Sinubukan kong sabayan ang kaniyang himig, ang kaniyang indak at galaw, mayrong napasulyap, mayrong umasim ang hilatsa ng mukha. Nagustuhan mo ba? Ano ba ang iyong nais?
Naisip ko kailangan kong maglakbay, may pakpak ako, kaya kong lumipad pero hindi ako marunong kumampay, may nakikita akong liwanag pero tila nasilaw ako. Napasulyap ako, marami silang pinagkakaguluhan, iisa ang musika, ang indayog ng kanilang utak. Napapagagad ako pero sadyang hindi pantay ang aking mga pakpak, kailangan kong bumalanse.
Bawat daanan ko’y iniiwanan ko ng bakas, bakit ayaw nila akong sundan, nais kong ipakita kung nasaan ang aking tahanan. May sarili akong ritmo, may mapait, may mabaho, may mahapdi, may pang kiliti, iyon ang sabi niya. Tinatanong kita, sagutin mo ako, huwag kang manahimik, bakit ayaw mo, ako ba ang umiiling?.
Bumalik ako, daladala ulit ang inaalok na mga sari-sari, ano at saan ba nagmula ang iyong bitbit, hindi namin ‘yan gusto, maghanap ka ng makakaibig sa iyong handog.
Oo nga naman, bakit pinipilit ko ang aking sariling makibagay gayong nalimot na ako ng panahon, kupas ang pag-asa ko, lunod ang kinabukasan ko. Pero talagang para akong naglilihi, gusto kong kainin ang kinakain nila, pag-aaralan ko ang kanilang galaw, ang kanilang indak..pasulyap ngang muli. Kaya ko naman. Ganito ba?
Naliligaw ka rin, nakita mo rin akong pasulyap sulyap? Halika samahan mo akong manilip, tingnan mo, bilis. Nasa gubat ka, nandyan din ang bahay ko, bahay-kubo. Ako nga pala si J. Kulisap, may kayumangging damdamin, dama mo ba?
Sinilip kong muli, parang wala namang pinagbago, pero may mangilan ngilang kagamitan na, hindi pa tapos ang bahay na ito.
Isang taon na pala ang bahay ko sa kagubatan, salamat sa iyong tipid na ngiti,bahagyang pagtango, mas salamat sa pagka-umay mo, maraming maraming salamat sa sulyap mo. Hala sige, manilip, sumulyap…ahhh..busog ang aking utak.
GK, kamkorder. bidyo kamera. bidyokam.
Posted by Palakol at October 10, 2009, 2:25 amhappy anniversary to your blog. sorry, i know.. you’ll kill me.
magandang kaarawan sa iyong bahay kubo.
aw, assuming na naman ba ako? kung ako ang kausap mo sa post na’to.. nagustuhan ko ang bawat pintig ng letra dito sa iyong bahay. nag-iiwan ka ng bakas pero hayaan mo sila kung ayaw ka nilang sundan. komento lang yan. hindi naman talaga mahalaga ang isandaang komento sa isang artikulo. ang mahalaga, may iilang nilalang na binabasa ang sinusulat mo.
kahit magpaquiz ka tungkol sa blog mo, hindi ako babagsak.
aw. (sana nga huwag akong bumagsak.)
Posted by Palakol at October 10, 2009, 2:35 amteka, pagnagpa-quiz ka, i hate you.
mr. nonsense, eto ka na nga at sumisilip sa bahay kubo eh!
Posted by Palakol at October 10, 2009, 2:42 amhmm, pano kung sabihin kong gusto kitang sundan kuya kulisap…
basta ba literal na kagubatan yan kaya kitang sundan…pwede pang guide, hehehe… kaso pati ako nagsisimula pa lang bumalanse sa mundong ito… hindi ko rin kayang ipahiram ang aking munting ilaw dahil kulang din ito para gabayan ako.
maligayang bati, j.kulisap. buti at di nasilip ni ondoy ang bahay mo. may kapilyuhan siya. marami siyang sinira. simple at magarbo, di niya pinatawad.
Posted by plaridel at October 11, 2009, 7:32 amKamusta GK, sige manilip tayo. Nabubusog ang kalulwa mo sa paninilip ng iba di ba? Pinatatayo nito ang iyong kamalayan hanggang sa bumulwak ng tuluyan ang mga laksa laksang ideya.
Tama si Akso, bidyokam, kamkorder..pwede na yang gamitin sa makabagong anyo ng talasalitaang Pilipino.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 12, 2009, 12:08 pmAkso, alam na…ayos na ‘yon.
Alam kong nagbabasa ka at baka nga makakuha ka ng pinakamataas na marka kapag nagbigay ako ng pagsusulit. Iyan ang isang bagay na hinahangaan ko sayo, may panahon kang magbigay ng atensiyon sa mga maliliit na detalye, pangyayari o tao man- hinahanapan mo ng oras.
Salamat sa pagbibigay kulay sa tahanan ko Akso. Taos sa pakpak ng J.Kulisap.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 12, 2009, 12:11 pmOo ba, Aninipot pwedeng pwede tayong maglimayon sa pusod ng kagubatan, nais kong marinig ang ingay ng mga hayop, ang kaluskos ng mga hindi nakikita, ang malamig na daloy ng sapa, ng pako, baging, at mga matatayog na puno. Sana nga minsan ay magtagpo tayo.
Tutulungan ka ng mga kaibigan sa wordpress, hinahangaan ko sila dahil bawat isa sa kanila ay nagtutulungan….mas marami pa nga akong kakilala ng taga wordpress kaysa sa taga i.ph. Hindi nila ako sinusundan o baka ako rin mas nakita ko ang mga kalaro sa wordpress at blogspot pero malaki pa rin ang tinatanaw kong responsibilidad sa i.ph.
Salamat Aninipot
Posted by kayumanggingdamdamin at October 12, 2009, 12:15 pmPlaridel pare, salamat.
Sabi ko nga pantay ang pagtingin ni Ondoy at Pepeng, hinuha ko dapat ang ating mga pulitiko ay gawing idolo si Pepeng at Ondoy….walang kinikilingan..serbisyong totoo lamang.
Salamat na muli sa pagbati.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 12, 2009, 12:17 pmaba! gusto mo tlagang magkaron ng adventure sa kagubatan?..haha, kaya mo ba tlaga kuya..Eh! ako nga pag nakakita ng ahas, nakakasigaw parin..hehe
pero sa totoo lng mganda tlagang magliwaliw sa kagubatan.. at mangolekta ng mga bulaklak..
una kala ko mga kulisap na umaaligid sa lampara ni jose rizal.
hmmm
ang nakikita ko sa bahay kubo mo ay
meron itong magarang veranda,
jalousy ang bintana,
malinis na batalan,
sagana sa paminggalan,
at isang silid na puno ng mga aklat.
yun ang nasisilip ko.
Posted by jasonhamster at October 13, 2009, 5:20 pmPrinsesa Aninipot.
Basta ba itatago mo sa gubat ang mga bebeng daga.
Ahas, huwag lang bebeng ahas.
Takot ang kulisap, mas malaki kaya sila kesa sa akin.
Mas panatag ako sa gubat kesa sa gubat Maynila. Kayang kaya, anak maralita po ako.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 13, 2009, 5:41 pmJason, ang aking si Jason..ilang taon ka na nga apo ko?
Noble lie ba yang mga nakikita mo sa kagubatan ko ha apo ko?
Salamat, hindi tumaas ang alta-presyon ko sa mga sinabi mo Jason hijo.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 13, 2009, 5:48 pmIsang taon na pala. Isang taon ng paglikha, paglipad at pagtuklas sa bagong pag-ibig.
Posted by Paquita at October 13, 2009, 5:50 pmHalahak at bungisngis ang idinulot ng iyong pagbati Paquita. Ikaw na naging instrumento ko para makabuo ng aking bagong pag-ibig, ng aking inspirasyon sa paglalayag, ikaw na taga kumpuni ko sa aking nakaraan at taga pukaw sa aking kinabukasan..dahil diyan, ipinagkakaloob ko sayo ang isang haligi ng aking tahanan dito sa aking kagubatan.
Kapag ikaw ay nagpaalam, tiyak na guguho ang bahaging iyong iiwan.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 13, 2009, 5:53 pmKaibigang Kulisap, ako’y kasama mo maging sa pagbagtas mo sa kagubatang masukal. Maging sa pagpintig ng iyong puso na sa pakiwari ko’y nakatutulig. Hayaan mong ating pagtibayin ang haliging iyan sa pamamagitan ng pagtanggap mo sa mga bagong kaibigang lalong magpapaigting at magpapatibay ng iyong tahanan. At sa paglipas ng mga araw hangad ko ang iyong kaligayahan na iyong iaalay sa piling ng iyong minamahal.
Posted by Paquita at October 13, 2009, 6:04 pmhuli man daw at magaling (ahem!), huli pa rin. hahaha!
maligayang isang taong pagtitipa sa buladasphere, ginoong kulisap!
natutuwa ako’t natisod ako sa blog na ‘to nang di sinasadya. nawa’y patuloy ang pagsasatitik ng mga salitang nakakalunod ngunit hitik sa tagong paliwanag at pagkakakilanlan.
tulad ng sabi ko, nagbablog ako hindi para humakot ng mga mambabasa kundi para makatagpo ng mga kawavelength na katulad mo.
kaya wala akong pakialam kung mangilan-ngilan lang ang nadadapa sa datkom ko. dahil unang una, un naman talaga ang intensyon ko.
kaya nga lagi akong hindi nag-iiwan ng bakas sa tuwing nag-kokoment ako sa mga blog na pinupuntahan ko. gusto kong yaong mga taong nakakaintindi lang ang makaalam ng kutang pinagtataguan ko.
apir!
Posted by lio loco at October 13, 2009, 7:06 pmIpagpatuloy mo ang sinimulang ito. At magsilbi kang inspirasyon sa lahat ng tao. Hanga ako sa iyong pananalita. Damang dama ko ang laman ng bawat inilalathala mo at maging mga tugon mo sa iba.
Mabuhay ka Kabayaan.
Maligayang kaarawan sa iyo.
Posted by boypulubi at October 13, 2009, 8:04 pmkuya kulisap dapat ang pamagat nito “pasulyap sulyap ka kunwari, patingin tingin sa akin” yan ganyang kahaba dapat… hahahaha
Posted by ;ivingstain at October 13, 2009, 10:28 pmwow! kuya kulisap, ikinagiliw kong maging iyong munting prinsesa…hayaan mo, pwede mo akong isama sa kagubatang tinatahak mo..
Posted by aninipot at October 14, 2009, 8:18 amPaquita,
Alam kong natutulig ka na sa paulitulit na tagpong lagi kong binabalikan sa aking nakalipas, bale baga’y nais nitong manariwa at buhayin ang natulog ng dugo, subalit lalong namumuo ito sa kalamigan ng panahon.
Oo, sinisimulan ko na silang tanggapin, bukas na nga ang pinto, wala ng tarangkahan.
Ang akin namang pag-ibig ay nandito lamang, handang ialay sa karapatdapat na nilalang.
Pero sa piling ko’y hindi naman kaginhawahan lang, nandyan na ang panghahawakan niyang siya ay normal at ako ay hindi- maunawaan niya kaya ako?
Teka, anibersaryo ng aking bagong pag-ibig ito.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 14, 2009, 12:13 pmLio Loco,
Ako may napadpad sa kuta mo, hinatid ng hangin, binulong ng palakol.
Nagbebenta ako ng aking paninda pero ang uso ngayon dvd ang akin plakang pang radyo-pono pa.
Bihira nga naman ang bibili, tama ka- may ilang taong magiging tagasubaybay at tagasunod.
Yong may kapareho ng alon, ng lagaslas, ng daloy.
Apir tayo. Ingat ka lagi Lio
Posted by kayumanggingdamdamin at October 14, 2009, 12:17 pmSalamat BP, ayaw kitang tawagin sa pangalan mo, masyado kang nagpapakababa gayong ang tingin ko sayo ay isang matatas at mataas na mamayang Pilipino ng Pilipinas. Saludo po ang J.Kulisap.
Itong aking bahay-kubo ay sadya kong ginawa upang gamutin ang sugat sa aking pagkatao, nais kong ibahagi ang sakit na dulot ng lipunang ating ginagalawan sa pamamagitan ng ating sariling wika, na ayon sa aking paniniwala ay mas maiintindihan ng mga taong hindi ganun kataas ang lebel na pang-unawa sa wikang banyaga lalo na ang Ingles.
Hindi ko rin mawari kong ang bahay-kubong ito ay nagsisilbing kublihan ng pagkabigo o paghalakhak kapag ang may-ari ay nakararanas ng emosyon. May mga taong magagawi at handang magtabas ng madawag na sukalan upang masilip kung ano ang nasa loob ng bahay na ito.
Ang pagtugon sa artikulo ng iba ay isang responsibilidad, kung kayat dapat lamang na sumagot sa paraang naayon sa isinulat ng manunulat. Kung may konting pagkontra, ito ay dapat na ituring na hamon sa kakayahang kayang abutin ng kaniyang pag-aanalisa.
Salamat na muli BP.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 14, 2009, 12:24 pmSi Alvin, ang batang napakalakas ng pakiramdam. Kapangyarihan mo ba ‘yon.
Huwag kang maninibugho Alvin pero ang pitak na inilaan ng J.Kulisap sayo ay kasing dalisay ng iyong pakiramdam na talaga namang hinahangaan ng iyong abang lingkod.
Tama ka naman na pasulyap-sulyap at patingin tingin ang dapat pamagat nito.
Ito ay isang paglalarawan sa taong nagbuo ng bahay kubo sa gubat. Sa totoong rolyo ng buhay, tipid ang mga salitang makukuha mo sa akin, lalo na at wala kang direktang kaugnayang personal o negosyo man.
Titingnan lamang kita pero pinag-aaralan ko na ang iyong kilos at saka kita aatakehin.
Gusto ko ang kapangyarihan mong malakas makiramdam at walang patumpik-tumpik.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 14, 2009, 12:29 pmSige sama ka na, ikaw ay magsisilbing alitaptap sa aking bahay-kubo, kapag napansin mong madilim inaasahan kong gagamitin mo ang iyong ilaw sa pwet para magliwanag at hindi mapanglaw si Don Anastacio, Palakol, Dagang Kosta, Prinsesa Dalisay at ang kanilang mga kapitbahay. May Mantsa ang kurtina, pero huwag mong lilinisin, mahalaga ‘yan.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 14, 2009, 12:34 pmKarapat-dapat lamang ang hinihintay kaibigan ko. Sa palagay ko’y sapat na ang maraming taon na iyong ginugol upang matagpuan ang iyong tunay na tahanan. Isang tahanang may matatag na pundasyon kasama ang isang pamilyang pupuno ng halakhak at dadamay sa oras ng pagdadalamhati.
Hindi na kailangan pang maghintay muli baka tadhana’y makialam at bagong pag-ibig ay mawaksi.
Posted by Paquita at October 14, 2009, 5:38 pmPinipilit namang pandayin ng iyong abang lingkod ang aking tahanan subalit animo’y bulak sa lambot itong aking puso, punumpuno ng emosyon, sarisaring emosyong nagtatalo kung ano at alin lamang dapat ang ilagay, natatabunan nito ang aking pag-iisip.
Lalabanan ko ang tadhana kapag ako ay kanyang sasakupin sa aking mga desisyon kahit na alam kung ako’y kaya niyang supilin. Hahagkan ko ang bagong pag-ibig kung magagapi niya ang matagal na nanahang nakaraan sa kaibuturan ng aking kalulwa.
Paquita, ito ay aking anibersaryo, ipinapaunawa ko lamang, tila yata nakalimutan mong lumaklak ng Adyo at Oregano, nganga at bunga.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 14, 2009, 5:49 pmPaalpasin mo na Kulisap ang alimpuyo ng iyong damdamin. Ang nilalagnat mong pag-ibig ay bigyan ng hustisya. Syoktong lamang ang nilagok ko, hindi ko alam na nakakapagdulot pala ito ng diliryo.
Posted by Paquita at October 14, 2009, 6:03 pmsipag magsulat ah. hehe
pwede magrequest? next time “SILIP” naman, haha..joke lang..
salamat sa kwento.
Posted by eli at October 15, 2009, 10:01 amTipanin mo ang pag-ibig na umusbong sa lupang tigang. Tipanin mooooo!!!! Tipanin moooo!
Posted by Paquita at October 16, 2009, 12:58 pmhappy anniversary sa iyong bahay bahay jk…
bilang gift ko sa u, nilagay kita sa links ko…
Posted by Fr. Felmar Castrodes at October 16, 2009, 2:34 pmKamusta Eli?
Sana nasa mabuti kang kalagayan at walang karamdaman, parang liham lamang..hehehe.
Masipag, nagsipag ako ng maraming naninilip sa blog ko, dati si Prinsesa Dalisay, Paquita at Nieves lamang ang aking parokyano, pero ng magawi kayo dito at hinahanapan ako ng ibang blogger ng aking artikulo, labag man sa kapiraso kong utak, nagsusulat pa rin ako..hehehe.
SILIP sa butas na masikip ba ang gusto mo?
Bulaga.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 16, 2009, 4:27 pmPaquita, nasaan ba ang lupang tigang, hindi ba at nadilig na ni Ondoy at Pepeng, nasaang kaharian ka ba at iba ang tinatakbo ng iyong mga pahiwatig?
Ikaw ba ay nasa kagubatan ko o nasa palasyo ng nakaraan?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 16, 2009, 4:32 pmFather, mano po 6 o 7..hahaha. salamat po sa pagbati,pakibasbasan na rin po…kakapalan ko na ang aking pakpak.
Marami pong salamat sa inyong pagkandili.
Kamusta po ang Mindanao?
Sana matagpuan na natin ang tunay na pagkakapatiran- ibang relihiyon man, paniniwala at katauhan. Tayo ay iisa ang wangis- may puso, may katawan magkaiba man ang kaisipan.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 16, 2009, 4:35 pmHindi kayang diligin ni Ondoy o Pepeng man ang pusong dumanas ng matinding pagkauhaw. Tanging isang nilalang lamang na may baong tunay na pagsinta at wagas na pag-ibig.
Posted by Paquita at October 16, 2009, 4:58 pmUhaw, uhaw- lumagok hanggang sa ang panunuyo ng lalamunan ay matighaw- guminhawa.
Wagas na pag-ibig at pagsinta
Tila mailap, ayaw sumulyap
Tahimik umibig, ayaw ng palasak
Ito ba ang sadyang hanap
o Iba ang tunay na lilingap?
Anibersaryo ko ito Paquita, huwag mo akong iligaw.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 16, 2009, 5:11 pmMailap kung sadyang hindi ka susulyap
Katahimikan ang hatid kung ayaw ipabatid
Hindi matatagpuan kung hindi hahanapin
Nawa’y Bigyang pansin ang pusong nais lumingap.
Maligayang isang taon Kulisap!
Posted by Paquita at October 16, 2009, 5:55 pmIbubuhos ang laksang pakiramdam
Dito sa natagpuang kagubatan
Pag-ibig na hangad walang hanggan
Dahil bukas ito, kanino pa man
Sa wakas, binati mo rin ako sa aking anibersaryo
Posted by kayumanggingdamdamin at October 16, 2009, 6:04 pmO buwan liwanag mo’y isabog
Upang ang magsing-irog ay gabayan sa pagtahak sa bagong landasin
Pag-aalinlangan sa puso’y iwaksi
Sa iyong kagubatan pag-ibig ay saksi.
sa ngayon ok naman ako dito sa isla na aking ginagalawan. mababait naman ang tao at may mangilan-ngilang kaibigang mga muslim na nagtitip saan ang mga danger zones ng isla…kaya todo ingat pa rin.
Posted by Fr. Felmar Castrodes at October 16, 2009, 6:34 pmAko’y nagagalak sa pagkakataong iyong inilaan sa hapong ito
Gumayak ng maaga patungo sa kagubatang may pangakong dala
Pagtatagpong dapat sana ay pagka-pananghalian pa
Ano ba’t umaga pa yaring SPAN ay nakapinid na.
Labis akong nananabik
Puso’y nagbubunyi
Pag-ibig na hanap sa kalawakan ng gubat
Nawa’y matagpuan na.
ahhh kagubatabang masukal,mahirap tahakin.Maingay ang mga kuliglig,nakakabingi ang katahimikan.Ngunit kung nais makasilong sa bahay kubo mo…..pilit kung hanapin sa mapang naiguhit pa sa dahon.Maligayang bati sa iyong anibersaryo.Sana’y pagpalain ka pa lalo.
Posted by Maya at October 19, 2009, 9:51 amPadre Fiel,
Mag-iingat ka palagi, gagabayan ka Niya sa iyong misyon.
Salamat na muli.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 19, 2009, 12:21 pmPaquita,
Mi amore Paquita hija.
Como estad?
Buenas Diaz
Posted by kayumanggingdamdamin at October 19, 2009, 12:22 pmMaya,
Sumisiyap ang huni ng maya, tila napakalayo ng siyap, ngunit dinig na dinig naman.
Salamat sa iyong pagbati.
Mabuhay ka, at alam kong inaani mo lamang ang mga bagay na pinaghirapan mo. Alam ko ring maligaya ka at hangad ko iyon para sa isang kaibigan.
Sumilong ka, kumatok ka lamang at magpakilala.
Magbubukas ang dating pahina, saang aklat?
Ano nga ba ang istorya.
Salamat ‘Noy
Posted by kayumanggingdamdamin at October 19, 2009, 12:25 pmnapakasarap balikan ang Laguna,sana madalaw natin ito sa susunod na taon kapagnakuha ko na ang litihimong paninirahan dito.Uuwi ako at sariwain natin ang mga dagas na dahon.Pangako yan.
Posted by Maya at October 19, 2009, 1:44 pmok naman ako kulisap, eto masaya kahit masakit na ang likod… kakakain lang ng coke… aaawww…
ikaw kumusta ka… ayun ako oh sa chat box mo….
Posted by livingsatain at October 19, 2009, 3:56 pmSana padalhan mo ako ng Coke, sa aking anibersaryo, makain nga din..nakakabilaok ba yan?
Ayos naman ako, napakulit mo pero tawang tawa ako sayo, kala mo lang.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 19, 2009, 5:40 pmOo, masarap talagang bumalik sa nakaraan kaibigang Maya.
Masaya ako sa nangyayari sa buhay mo.
Kaibigan, o kaibigan, ibigay ang kahilingan.
Tadah, yawts..awww…akso pagamit ng mga salita mo.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 19, 2009, 5:44 pmmarami na akong pinamugarang bahay…pero kakaiba ang mga pananaw sa bahay mo ginoong kulisap…malalim halos hirap na masungkad…
kailangan pa yata ang balarilang hubad upang ang diwang nakatago ay maisawalat…..
Mamang Asul,
Gaya ng pagtatangka kung magtanong kung bakit kulay asul ang napili mong kulay?
Dahil ito ba ay nagpapahiwatig na sa alapaap ay may kalangitan? At kapag nakatungo ka ay makikita mo ang mga tao, ang kanilang galaw- ang kanilang gawi?
Ganun ba? Ang bahay ko ay niyari sa panahong wala pang nananakop pero muling nabuhay sa panahon kung kailan malapit ng malimot.
Magandang umaga po Bluguy.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 20, 2009, 7:10 amp.s. ganda ng mga boracay shots mo!
Posted by Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD at October 20, 2009, 2:48 pmTalaga Padre Fiel? Nahalina talaga ako don.
Gusto ko ngang iuwi sa aking bahay kubo ang Boracay kaya lamang…kulang kwarta ko.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 20, 2009, 5:17 pmj. kulisap..damang dama ko ang damdamin mo..hehe
sumulyap lang ako sa kwento mo
sa akig paglilibot sa buong pilipinas, narealize ko na sadya ngang world class ang boracay. ngunit sa kabila nito marami pang mga beaches sa ating kaupuluan na mas maganda pa sa boracay. yun nga lang di pa sila nadidiscover o kaya ay nabibigyan ng international exposure…
Posted by Felmar at October 21, 2009, 1:48 pmDamang dama ba? Kung ang damdamin ko ay kayang ipinta ng iyang mga kamay, ano ito?
Salamat, sulyap lang talaga..hehehe
Posted by kayumanggingdamdamin at October 21, 2009, 5:26 pmTama ka don Padre Fiel.
Mas mainam na hindi na madiskubre para maprotektahan pa ang ating kalikasan, para mapanatili ang hubad at inosento nitong ganda.
Kapag dinayo ng komersyalismo ang isang lugar, nagiging komplikado itong parang tao Padre.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 21, 2009, 5:29 pmNakikisulyap. At oo, damang-dama ko ang iyong kAyumangging damdamin. Patambay! Hakhak!
Posted by batopik at December 1, 2009, 3:48 pmBato bato pik..bato bato pik..ay taya.
Batopik, nadalaw ka sa kubo ko. Sige akyat ka. Dahan dahan..naglilinis ako, baka madulas ka. May kaning lamig diyan. Magsandok ka na lang. Anong ulam? Alamang na may konting karne.
Salamat..ay taya si batopik
Posted by kayumanggingdamdamin at December 2, 2009, 8:18 am
“Halika samahan mo akong manilip…”
Posted by Mr. Nonsense at October 9, 2009, 3:24 pmo sige. dalin ko video camera ko
sino ba sisilipan natin?
——
ano bang tagalaog ng video camera?