Pasing: Ayaw ko na Tonyo, lumayo ka sa akin. Sawang sawa na ako, pagod na ako, gusto kong magpahinga, alam mo namang limang pamilya ang pinaglalabadahan ko. Kwarenta na ako Tonyo, pang-trese na itong nasa sinapupunan ko, malakas ang kapit, ayaw matanggal, uminom na nga ako ng makabuhay, kortal, pinatapakan at pinalamas ko na ito kay Piti at Pitang, ayaw pa ring matanggal, hinayupak ka, napakalakas ng semilya mo Tonyo. Ayaw mo namang gumamit ng kondom, ayaw ko din ng pils, nagkakaan-an at kung anu-anong sakit sa balat ang lumalabas sa akin, kung gusto mong magparaos, itong kilikili ko may buhok at mainit-init din, pagtyagaan mo na,hwag mo na akong kakalabitin, parang awa mo na, tingnan mo itong suso ko, tuyot na, utong na lamang, ginaganahan ka pa rin dito, napakamanyakis mo talaga.. Tigilan mo na rin ang kakasabong, kulang na lang si Tagpi ang ipulok mo sa sabungan, ibenta mo na kay Anghit yong mga bote ng alak diyan, puro kayo kalat dito sa bahay, basurahan ba ito?. Enteng, tawagin mo nga si Boyet, magdamag na yon sa pagkakara krus, bangag na naman sa marijuana ‘yon mamaya, masasaktan ka na naman sa kaniya, kung katol at tsinelas na sira na lamang ang tinitira ‘non, mga wala kayong silbi, mga inutil. Hindi ko na lang sana kayo ipinanganak. ‘Yang si Sonia, nakita ko kanina, nilalamas lamas ni Benjie Dunyor, nagpuputa na ba ang anak natin Tonyo? Hoy Erom, samahan mo si Baybol sa simbahan mamaya, papilahin mo, may libreng lugaw daw galing kay konsehal Tolits, ang hinayupak na ‘yon, napagkayaman, lima ang tsiks dito sa looban, kursunada pa nga itong si Bea, hoy Bea kung, magpuputa ka rin naman kay Konsehal Tolits na, gamitin mo yang utak mo, huwag ka ng gumaya sa akin, nahumaling ako dito sa batugang ama mo, ayaw ko na, gusto niya pa, kamusta naman, anak ng pekpek naman kayo o, peksyet talagang buhay ito oo. Hoy, Flor, gumising ka na diyan, tingnan mo kila kumareng Pining, baka nagsusugal na sila, tong-it kamo kami, sisipain kita…bilisan mo, tambay kayo ng tambay sa gabi, kung maaga kayong nagsisitulog, magkakamuta pa kayo. Sino bang pinaglalamayan nyo diyan sa tindahan ni Bing, siguro may tindang marijuana si Bing. Hoy Kaykay,pang-ilang anak nga kita? Si Pikok, baka masagasaan na naman, samahan mo kasing mamalimos, nakahanda na ‘yong kostyum nya, sabi ko naman sa inyo, umiyak-iyak pa kayo. Rus-Ann, basa ka ng basa ng pakitbuk, kung libro sa iskul ang pinagbabasa mo mas huhusay ka, turuan mo akong magbasa ng abakada Rus-Ann, ikaw na lang ang pag-asa ko, pitong taong gulang ka pa lang pero marunong ka ng magbasa, itong tatay mo, singkwenta na, inaakay ko pang pumirma kapag botohan, napakabopols, paano pa naging tao itong lensyak na ito. Alam lang dyumigdyig….pweh..Hoy Onyok, Manny, may piyesta sa Kupang, mangainan na lamang kayo don, kulang na itong panghapunan natin mamaya. Ang aga-aga, pinagsesermun nyo na naman ako, hindi naman ako pari, anak naman talaga kayo ng tatay niyong kalbo o. Ano pa, ahhhhh…kwan..ano….ay lintek…nakalimutan ko na….ano…..ahhhhhh……kwan…magpu..magpu….ah…..
Cuttttttttttttttttt…….Mahal ano ba naman, gasgas na ang ngalangala ko sa kakasigaw, nakaka take 25 na tayo, i-memorize mo naman ang linya mo, para yan lang.
Mahal: Sowee…direk…last na po talaga. Kasi-kasi…ehhhh..painom ng tubig.
Direk: J. Kulisap, halika ditoooooooooo, ang bagal moooooooo.!?!
J.Kulisap: Bakit po Direk?
Direk: Tawagan mo nga si Aling Dionisia, baka kaya niya itong i-deliver.
J.Kulisap: Eh, direk….nasa States po, umaattend ng Oscar Awards. Nominee po siya.
Direk: Umalis ka dito, wala kang silbi. Layassssssssss.
J.Kulisap: Kaya mo Direk, subukan nyo po, idirek mo sarili mo. Janitor lamang ako dito eh.
There’s this question that is bugging me right now.
Please say ‘no.’
Posted by Ax at September 25, 2009, 10:12 amPingarap mo nga bang maging artista Akso?
Kaya mo ‘yan.
24, nasan kaya yong isang karakter at sino kaya siya?
Asignatura mo pa ring sagutin yong mga tanong mo.
NO, kung iyan ang gusto mong sagot.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 25, 2009, 12:05 pmhi..tnks po sa laging pagdaan sa blog ko. add kita sa links ko po ha. salamatz
Posted by eli at September 25, 2009, 12:40 pmHoy Aling Pasing! nakalimutan mo ang Syoktong. Hindi sana naging isang presinto ang inyong pamilya. Kung ano ang tugon ni J Kulisap? Isang lumalagablab na hindi!!!!!
Posted by Paquita at September 25, 2009, 12:58 pmG.Eli,
Oo naman pag may panahon at libreng oras, padapo dapo ako.
Ikakadena na rin kita.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 25, 2009, 4:31 pmSyoktong Paquita, natawa naman ako don. Oo nga, ikaw naman Aling Pasing, pwede palang gamitin ang syoktong.
Tunggaan na, nakakalasing yan Paquita, gusto mo laklakin natin?
Posted by kayumanggingdamdamin at September 25, 2009, 4:34 pmwaahahah. teyk 25.
nakakaadik nmn un.
heheh kala ko totoo na. hehee.
MB,
Naadik ka ba? Mas naadik ako sa mga karakter na gumagalaw dito.
Totoo ‘yan.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 28, 2009, 7:57 amTeka, joke lang. Ayoko kaya mag-artista. Hehe. Yawts. Si Lio, parang gusto niya! Haha. Lagot ako kay Lio.
Posted by Ax at September 28, 2009, 10:41 amAyaw mo, laki ng pera don kaya lang uukilkilin kahit alipunga mo, si Lio, malamang kontrabida ang gustong role niyan. Hehehe
Posted by kayumanggingdamdamin at September 28, 2009, 12:07 pmsapul! hehehe!
Posted by plaridel at September 29, 2009, 8:02 amSapul na sapul Plaridel.
Kitang kita mo ang reyalidad.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 29, 2009, 8:14 amalam mo kahit tawang tawa na ako, sa pagbabasa ko sa aking isip, sumisigaw pa din ako… ano ba yan, nagpapaabort…
ayoko na ngang mag hartista, ang hahaba ng linya…
hi Kuli, binaha ka ba?
Posted by livingstain at September 29, 2009, 1:14 pmKamusta Mantsa, nahugasan ba ikaw ni Ondoy?
Oo, binaha pero mas nalumbay ako sa lugar ng Marikina, Pasig at Cainta.
Natatawa ka? Ganyan naman tayong mga Pinoy, mahilig tumawa sa sandamakmak ng problema.
Kahit ako, ayaw mag-artista, mainit ang mga ilaw, nakakapaso.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 29, 2009, 1:47 pmkaduling ang script….
…kaya pala si pacquaio eh duling na rin.
so saan ang picture mo? nang makita natin kung saan ka pwedeng role.
Posted by Mr. Nonsense at September 30, 2009, 11:57 amHindi ba sa suntok naduling si Pacman GK?
Naku wala po akong mga larawan, pwede po bang iguhit mo na lang sa iyong balintataw?
Pilipino po, kayumangging kaligatan,sarat ang ilong, itim ang kulay ng buhok, katamtamang taas, may tuwid na buhok pero parang kawad ‘yong sa akin, bilugan ang hugis ng mata.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 30, 2009, 12:07 pmCut! Hehe.. May balak ka bang maging direktor? Haha..
Posted by Walongbote at September 30, 2009, 11:08 pmHindi pwedeng i-cut ang daloy ng totoong drama, ito ay patuloy na umiinog, ang direktor, artista, bida man o kontrabida ay pwedeng iisang tao lamang.
Mas higit pa sa sining ang nais iparating ni Pasing.
Si Pasing na mukha ng mga babaeng ina, maybahay, babae at Pilipina
Posted by kayumanggingdamdamin at October 1, 2009, 7:17 amhehe..ibang level na talaga si aling dionisia. di na ma-ritz. hehe
Posted by eli at October 1, 2009, 12:33 pmSi Aling Dionisia, ang aking paboritong artista.
Kaon na ‘ta.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 1, 2009, 12:52 pmheheheheeh sobra naman take 25..
teka hingang malalim muna ko
Posted by jason at October 1, 2009, 8:51 pmSobra talaga Jason.
Sige hinga ka muna. Lahat ng mga kabloggers, mag-ingat po tayo kay Pepeng.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 2, 2009, 7:41 am@ax: tae. si sarah geronimo, gusto ko. pero ayokong mag-artista. haha!
ang galing namang magsulat ng iskrip ni g. kulisap. pwede nang makipag-kumpetensiya kay ricky lee. hehe!
kuhang kuha ang iba’t ibang nagnananang sakit ng lipunan. kelan kaya malalapatan ng lunas?
Posted by lio loco at October 2, 2009, 5:26 pmDon Anastacio, partner mo si Sarah G dito kung gagawing pelikula ito, payag ka na?
Mas mahusay ang kapaligiran, mas masining ang aking medyum sapagkat ito’y nakaukit sa aking pagkatao, ang mga karakter na ito ay buhay at gumagalaw.
May alam ka bang lunas sa nagnanaknak na sugat ng ating lipunan Lio?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 3, 2009, 7:45 amlanghiya kang batugan ka…ehe…napagaya tuloy ako…nakakadala naman ang script ni direk..
palakpakan sa yo kaibigan…at least nakapahinga naman ako sa tensyon ng bagyo at bahang inabot ng inang bayan natin….
saklap…pero nakatawa na ako ngayon…….hahahahahahhaa
Mamang Asul, ‘yon nga ba ang dahilan, pagkabatugan? Nadala ka ba sa talsik ng laway ni Pasing at ang mga karakter na gumagalaw dito?
Salamat naman at napatawa kita.
Kaya nating bumangon, kaya nating matuto.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 5, 2009, 12:12 pmano bang ingles ng bayanihan?
Posted by Mr. Nonsense at October 5, 2009, 2:21 pmGK.
Ginamit ko ang Google para magsaliksik.
Ngunit walang kaugma o eksaktong kahulugan ang Bayanihan? Mayron pero pinakamalapit na salita sa Ingles.
Bakit kaya?
Dahil ang Bayanihan ay sibol sa bansa natin at hindi sa bansa nila, nagsimula sa pagbubuhat ng bahay na tulong tulong hanggang sa lumawak ang nagiging kahulugang reyalidad nito sa ating buhay,ganun din ang paglabo ng kahulugan nito sa ilang pagkakataon.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 5, 2009, 5:35 pmpers taym ko dito kaya pa-base ako.
BASE!
haha. natawa naman ako dun. akala ko kung ano, yun pala scripted. hehe. demanding naman masyado si direk. kung siya na lang kaya palinisin mo tapos ikaw ang mag-direk. weh!
— aba! aba! umaariba si aling dionisia. oscar nominee pa siya. hala ka diyan. anong movie? hehe
btw, daan ka sa blog ko.
Posted by .poOt! at October 7, 2009, 10:44 amUsong uso sa mga kaberks ang salitang BASE.
Sino ba ang utak sa pagkalat niyan?
Skrip ito ng totoong buhay .poot!.
Kapag binasang maigi, malalaman ang totong nais iparating kaysa sa ipalabas ito sa pinilakang tabing.
Dadalaw ako sa tarangkahan mo, hwag ka lang mapu.poot!
Salamat
Posted by kayumanggingdamdamin at October 7, 2009, 12:03 pmgaling mo namang magsulat ng kwento..at pinoy na pinoy. isa ka ngang kayumangging damdamin. hehe
Posted by eli at October 7, 2009, 12:59 pmnabitin ako dun kala ko tuloy-tuloy ang drama…
pero nakakatakot ang sitwasyon ni aling pasing..
kung totoo cgoro ai aling pasing, ni sa panaginip di nya inisip na ganun ang mangyayari sa buhay nya… haay! buhay nga naman
pa tambay lng ginoong kulisap.
Ka Eli, salamat sa papuri.
Talagang Pilipino po tayo.
Isa akong damdamin mo, niya, tayo, nila.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 7, 2009, 5:04 pmAninipot, totoo ‘yan.
Sabi nila kayamanan daw ang mga anak, marahil totoo naman, masipag tayong mga Pilipino sa pagpaparami ng lahi, hindi na kailangan ng kung ano pang makapagpapataas ng kahiligan sa gawaing pagniniig.
Ang aking skrip ay larawan ng ating kasalukuyang lipunan ngayon.
Sige tambay ka lamang. May kape diyan, gusto mo magkape? Biskwit..utang ka muna kay Aleng Baby.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 7, 2009, 5:07 pmkung maaari lang bang ganyan sa tunay na buhay…sigaw ka lang ng CUT!! kapag ayaw mo na ituloy ang di magandang nangyayari sa buhay.
minsan tuloy maiisip mo totoo pa ba ang "gulong ng palad" sa mga katulad ni aling pasing, may pagkakataon pa ba silang pumaibabaw kung ang mga sunod na henerasyon nila ay mulat na din sa ganyang sitwasyon.
Posted by nieves at October 7, 2009, 5:37 pmSana nga ganun kadali ang drama ng buhay, parang pelikula lamang Nieves, sa huling tagpo ay masaya ang bida, may ngiti.
Gulong ng palad, tao naman ang nagpapagulong sa kaniyang kapalaran pero may balakid na minsan ay mahirap masumpungan lalo na kung paghihikahos at kasalatan ang ating natatagpuan sa paglalakbay.
Mauulit ang imahe ni Pasing sa kaniyang anak na si Bea o kay Rus Ann man kung hindi siya makakaahon.
Tuloy ang pag-ikot ng kwento, ng reyalidad, nag pag-ahon at muling pagkalunod.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 7, 2009, 5:55 pmartista? nangarap din ba ako noon nyan?
ah, siguro noong sikat pa si aiza at si atong redillas at si rr hererra…lol.
Posted by Felmar at October 16, 2009, 4:08 pmHahaha.
Peborit mo din si Aiza, Atong at RR Father?
Si Aiza na napakagwapo na ngayon, si Atong at RR..hindi ko na sila nakikita sa kuwadradong kahon.
Sila ba ay kasing-edad mo?
Posted by kayumanggingdamdamin at October 16, 2009, 4:40 pmhahahaha, di mo pala kilala si atong at rr?
kung ano sina tolits at ung sidekick ni darna ngayon, yan sina atong at rr noon…
Posted by Fr. Felmar Castrodes at October 16, 2009, 6:43 pmsorry na at ngayon ko lang ito nabasa, pero tawang tawa naman daw ako…pero sa likod ng mga halakhak sa aking isipan, alam kong nangyayari ito sa totoong buhay.. at sa totoong buhay, di lang pagsaulo ng linya ang nangyayari dahil wala nang mga linyang dapat sauluhin…yun na kasi ang totoong pangyayari sa buhay…
Posted by kaye at November 11, 2009, 5:36 pmNaku ang Reyna Kaye nanghihingi ng pasensya. Bakit hindi mo ba pinapansin yong aking bahay kubo dati?
Nanay ka na nga, alam mo na totoo ang mga pinagsasasabi ni Pasing, ito ay totoo at nais kong iparatin na ang pagkakaroon ng anak ay masaya subalit dapat responsableng magulang tayo.
Dahil sa huli kapag naging matagumpay ang magulang sa pagpapalaki ng anak ay panalo na ang lahat.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 12, 2009, 8:18 amNyahahaha…depende siguro sa role kung mag-aartista ako.Uuuuuummmm…commercial model talaga ang gusto ko…ang mag endorse ng mga kilalang products at makita ko ang sarili ko sa malalaking billboard sa Edsa! Pasado po ba ako doon!?! Nyahahaha.c”,)
Posted by maldita at January 20, 2010, 2:55 pmMaldita, may nais palutangin ang artikulong ito.
Mas higit pa sa pinilakang tabing ang nais ni J.Kulisap na maisatinig ang mensaheng ng sulating ito.
Sa ganda ng iyong mukha at katawan, masasabi kong pwede, idagdag pa ang talento mo sa pagkanta. Wow Filipina.
Posted by kayumanggingdamdamin at January 20, 2010, 6:00 pmBwahahaha…malapit ko na rin karirin ang pag awit…kasing husay ko si Celine Dion (sa aking panaginip lamang).
Pero seriously nangyayari sa tunay na buhay ang artikulo na ito;may nakikita nga ako na sa kariton lamang nakatira pero ang mga suplings ay pang blockbuster!!!
Salamat sa’yo J.Kulisap sa pag bisita sa mga past articles mo.
There is a margin, let go after a landscape has a heart, insisted the Chinese side is sincere.
Posted by coach stores at December 20, 2010, 9:43 am*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by Replica Christian Louboutin Heels at December 25, 2010, 9:01 amThis story is very useful. Really I like it. Thanks for sharing with us.*
Posted by Air Jordans at December 26, 2010, 9:22 amHouses, lots of other good - let others see you, know that you exist and know that your ability to
Posted by replica louis vuitton at December 27, 2010, 3:22 pmI like this post. They are very worth to read. I am happy i read it.
Posted by UGG Boots Sale UK at July 29, 2011, 4:30 pm
Pinangarap ko bang maging artista?
Hindi ko kayang magsaulo ng ganyang kahabang linya.
Awts. Binilang ko lahat ng karakter. 24 lang ang bilang ko. Hindi ko sigurado. Hindi ko alam kung labis o kulang.
Kung sakto sa bente kuwatro..
Ako ba ang pang dalawamput limang karakter dito? para saan pa at Teyk 25?
Posted by Palakol at September 25, 2009, 10:09 am