KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

ANO ANG PAMAGAT?

September 15, 2009

J.Kulisap: Bakit ka umiiyak?

 

Pepe: Pagod na pagod na po akong akyatin at babain ang pitong bundok para pumasok sa eskwela, ayaw ko na rin pong tumawid sa rumaragasang ilog kapag tag-ulan. Nakikita nyo po itong paa ko, gusto po nitong magkaroon ng sapin, ‘yong tsinelas po, para kahit malayo, baka makapagtiis pa ako.

 

J.Kulisap: Tsinelas lang pala, huwag ka ng umiyak darating si Mayor, pa-interview ka ulit, pipiktyuran ka, baka bigyan ka ng Havaianas. Alam mo ba ‘yong Havainas?

 

Pepe: Pagkain po ba iyon? Ayaw ko na pong kumain ng kamoteng-kahoy, namatay na po ang kapatid ko dahil sa kamoteng kahoy.

 

J.Kulisap: Anak ng putakte…tigilan mo na ‘yan, naiiyak na ako. Babalikan kita, mag-iipon ako para sa tsinelas mo, kahit Spartan lang ha? Ipapapatag ko naman ang bundok, hindi pwede, environmentalist ako. Malalaki at matayog ba ang puno ‘don, pera yon, sabihin natin kay Mayor.

 

Lipad lipad J.Kulisap

 

J.Kulisap: Bakit ka umiiyak?

 

Prince Axe Lio Hornet: Naiinis ako kay Daddy. I hate him talaga.

 

J.Kulisap: Bakit nga ikaw umiiyak poging bata?

 

Prince Axe Lio Hornet: Ibang color at brand ng car yong binili nya for me. Ayaw ko ‘non. Ayaw ko ng mabuhay…Nakakapikon.

 

J.Kulisap: O, saan ka pupunta? Sandali hintayin mo ako.

 

Prince Axe Lio Hornet: Itatapon ko na itong car, ayaw ko talaga ng color.

 

J.Kulisap: Saan mo itatapon? Hintayin mo ako. Dahan dahan lang, baka masira.

Posted by kayumanggingdamdamin at 6:01 pm | permalink

Previous Comments

meron at wala….yan ang pamagat

Posted by bluguy at September 15, 2009, 6:53 pm

haha. i hate you.

er, para sa title.

Si Mahirap at Si Mayaman.

Posted by Palakol at September 15, 2009, 8:01 pm

ayhechu too, g. kulisap! haha!

teka lang…hindi na kami mayaman ginoong kulisap. at wala na rin kaming car. haha!

dati pa yun, nung di pa ko kabilang sa mga pamilyang basag.

kaya marapat sigurong ibilang ako sa mga pepe ng lipunan. ang kaibhan nga lang eh hindi ako nagpapasindak sa mga shit na ibinibigay sakin ng kapalaran bagkus ay ginagawa ko pa nga itong hamon para muling marating ang karangyaang una ko nang natamasa noon.

sa ganang akin, eto ang pamagat: ang paghahabol ni pilosopong tasyo sa kulisap gamit ang palakol

huling tanong: papanong naging pilosopong tasyo ako sa’yo, ginoong kulisap? :p

Posted by lio loco at September 15, 2009, 8:50 pm

the more you have, the more you want…ikaw na ang magtagalog nyan.

my wife and i had this conversation yesterday. about how we want better things for our children. but at the same time, we wish they knew how it was like to be poor. we try our best to educate our kids about appreciation of what we have. but do they really know how it’s like if they don’t experience it?
haaaaay…..sorry. gusto mo tagalugin ko?

Posted by Mr. Nonsense at September 16, 2009, 7:55 am

MamangAsul,

Pwede, meron ang mga tao na wala naman ang iba.

Maiksi lamang ang kaniyang pahayag.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 16, 2009, 8:49 am

Kinamumuhian mo ako Palakol? Salamat.

Walang basagan ng trip, wala akong maisip na conyotic y sosyaling pangalan.

Si Mahirap at si Mayaman, pwedeng pamagat.

Mas malaki ang porsyento ng mga mamamayang Pilipino ang nabibilang sa mahihirap at maliit na porsyento lamang ang mayrong pagkayaman.

Pwede ba akong J. Kulisap Zobel de Araneta Pacquiao?

Posted by kayumanggingdamdamin at September 16, 2009, 8:52 am

Isa ka pa Pilosopo Tasyo, nangbabasag ka ng trip.

Maganda ang iyong pangarap, upang muling marating ang karangyaang natamasa mo noon. Paalala lamang, huwag sanang maging bato ang iyong leeg kapag nandon ka na.

Ang haba ng pamagat: Ang paghahabol ni Pilosopo Tasyo sa Kulisap gamit ang palakol.

May pakpak ako pero baka gamitan ako ni Palakol ng kanyang mala-physics na kapangyarihan o bugahan ako ng mga shit ni Pilosopo….habulan na.

Bakit Pilosopo Tasyo?

Sa Pilosopo may mga letrang pwedeng makuha at ito ang mabubuo. LIO

Alam mo ang kwento ni Pilosopo Tasyo sa buhay ni Pepe. Tama?

Posted by kayumanggingdamdamin at September 16, 2009, 8:58 am

Walang kapaguran ang tao sa pagpapalago ng kaniyang sarili GK.

Hangga’t kaya niya, sige lamang, hangga’t hindi puno, pupunuin.

Hangga’t hindi pagod, gagamitin ang katawan.

Hangga’t hindi masaya, kailangang hanapin ang sagot sa kalungkutan.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 16, 2009, 9:00 am

PEDIRUD ang pamagat n’yan Kulisap. Binabaybay ni Pepe ang daan patungo sa eskwelahan araw-araw. Upang mapadali ang kanyang paglalakbay sa Pedirud siya dumadaan. Dati naman siyang mayroong tsinelas subalit nabutas na ito sa parteng hinlalaki niya kaya napilitan siyang itapon ito.
Masukal at madawag sa Liwayway, bihira ang dumadaang sasakyan dito. Kungdi mga taong pasaka para manukyad o kaya naman ay mga bakasyunistang bayukit. Ito lamang ang nagiging libangan ni Pepe habang binabaybay ang Pedirud patungong eskwelahan.

Posted by Paquita at September 16, 2009, 3:54 pm

Paquita,

Ayos lamang na nabitas na ang tsinelas ni Pepe, basta ba namimelkater ang kuko, walang problema.

Sige, pag-iisipan ko kung PEDIRUD nga.

Manukyad, bayukit- ano ang mga ibig sabihin nito?

Pupunta ako sa sanggunian.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 16, 2009, 4:00 pm

*Bayukit- babaeng ang akala ay maganda sa kabila ng kanyang kapintasan

*Nanunukyad- lukad o pagkokopra- isang paraan kung saan ang laman ng niyog ay itatapa o bahagyang lulutuin sa pamamagitan ng usok. Ngunit ang nukyad o lukad ay ang pagtatanggal ng itinapang laman ng niyog mula sa bao nito.

Posted by Paquita at September 16, 2009, 4:05 pm

Sandali lamang Paquita, si Pepe ay nagmula pa sa bundok ng Makulapnit, dadaanan niya ang Tumagabok, tatawirin niya ang isla ng Alitap, doon nagtuturo si Gng. Corazon, ang butihing guro ni Pepe.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 16, 2009, 4:24 pm

Susubukan kong alalahanin ang matapat na kaklase ni Pepe sa Alitap. Ang madalas kumupkop sa kanya tuwing malakas ang unos at hindi makatawid ang bangka sa kabilang isla. Naaalala ko pa tiringki lamang ang kanilang ilawan habang ang tuko ay namimerwisyo sa ilalim ng kawayang sahig. Sanhi ng pagkapuyat ni Pepe.

Posted by Paquita at September 16, 2009, 4:39 pm

At totoo si Pepe sa kwento ko? Isa siyang karakter sa aking imahinasyon ngunit para kay Paquita siya ay talagang nabuhay at nakipagsapalaran sa mundong ito.

Dahil diyan, dudugtungan ko ang talambuhay ni Pepe sa mga susunod kong artikulo.

Hwag mong sabihing ang kanilang higaan ay ang banig gawa sa buli?

Posted by kayumanggingdamdamin at September 16, 2009, 4:55 pm

Ang mabangong banig na gawa sa buli na nakalatag sa sahig ang nagsilbing pahingahan ng magkaibigan. Madalas napupuyat sa hikbi ng mga tuko at ingay ng mga kuliglig.

Posted by Paquita at September 16, 2009, 5:41 pm

Pwede ba akong J. Kulisap Zobel de Araneta Pacquiao?

Hindi pa. Kulang ka pa ng ilang sentimo.

Kinamumuhian ba kita? Gustuhin ko man, parang hindi ko naman magawang kamuhian ang isa kong ‘Kuya.’

Paktay kay Pilosopo Tasyo kapag ginamitan niya ng Palakol ang isang Kulisap.

Posted by Ax at September 16, 2009, 7:26 pm

Para sa akin “yapak” ang tamang pamagat ng nasulat mo kulisap. yapak na kahit paano mo man bigkasin ay naglalarawan ng tunay na pakikipagsapalaran ng isang pepe.
y’apak meaning barefoot o kawalan ng sapin sa paa. Na isang paglalarawan sa kahirapan.
o yapak or tread…paglakad sa pagbabago, paglakad sa landas kung saan maari mong baguhin ang iyong kapalaran.

Posted by nieves at September 16, 2009, 7:53 pm

Kapag nahasang muli ang utak ni J.Kulisap, dudugtungan ko ang kwento ni Pepe.

Naaliw ako sa ating palitan ng kuro-kuro Paquita.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 17, 2009, 8:16 am

Ilang sentimo pa ang kulang Utoy Ax?

Dapat pigilan mo ang pagkamuhi mo Utoy, baka matunaw ang J.Kulisap bago pa man dumating ang takdang araw ng pagdaop ng buwan at araw.

Paktay talaga ang Kulisap sa palakol na gagamitin ni Pilosopo Tasyo.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 17, 2009, 8:18 am

Nieves hija, ang aking tahimik na tagabasa, kritiko.

Ang pinakamahigpit kong kritiko, bale baga’y hindi mo alam kung nagustuhan niya ang aking artikulo o hindi, bihirang magkomento. Hindi siya katulad ni Paquita na aking itinalagang editor- lahat halos pasado ang aking gawa, ‘yon nga ba ang totoo o tinatamad na siyang linisin ang aking mga pagkakamali at pagkukulang sa aking mga sulatin.

YAPAK

Maganda ang naisip mong pamagat Nieves- paglalarawan ng pakikipagsapalaran ng isang Pepe sa malupit at mapanghamong buhay ng isang maralita, dukha at pinagkaitan ng tadhana.

Sinasalamin nito ang mga mariringal na taong dumanas na paghihirap ngunit nagtamasa naman ng ginhawa pagkatapos ng unos.

Ilang mga prominenteng Pilipino ang may kwentong katulad nito.

Salamat sa iyong naibahagi.

Ako ba ay YAPAK?

Abangan mo, baka magandang ideya ito sa susunod kong pagtipa dito sa aking mundo.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 17, 2009, 8:23 am

5 Sentimo ng katapangan na makipagkita sa isang taong may koneksyon sa kanya balang araw.

Yawts.

Natutuwa ako habang kinamumuhian ang isang J. Kulisap.

Isa pang duwag, Palakol

Posted by Ax at September 17, 2009, 9:24 am

Kung ikinatutuwa mo Utoy, sige mamuhi ka.

Kaya mo yan, hwag mong palagpasin ang pagkakataon kapag pumayag ang isang taong makipagkita rin lalo na at may ugnayan ka sa kaniya.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 17, 2009, 12:13 pm

Sa tingin mo ang tunay na mahirap ay kawalan ng kakayahan na matanggap ang mga simpleng bagay tulad ng buwan, ng hangin, ng lamig ng panahon?

Maraming kulisap ngayon sa ilaw ng poste.

Posted by Palakol at September 17, 2009, 7:53 pm

baket si mayor ang hihintayin? matagal pa ang eleksyon. baka mapanis sa kahihintay ng tsinelas yung bata.

itong si prince axe naman, basta basta na lang magtatapon ng kotse. hindi ba nya alam na environmental hazard yan?

Posted by plaridel at September 18, 2009, 5:19 am

Para sa akin hindi hadlang ang katayuan niya sa buhay kong mga simpleng bagay lamang naman ang pag-uusapan, dito pa nga kami nakakalamang.
Ayon sa pag-aaral at aking pag-aanalisa, mas madali kaming bumangon sa pagkakalugmok.

Ang iba naman ay nagiging alipin ng liwanag na nagmumula sa ilaw ng poste. Kung matatandaan mo Akso, may isang Pilipinang Cinderella na naging bantog sa pagkamit niya ng kaniyang pangarap.

Hindi naging madali sa kaniya ang katanyagang kaniyang tinamasa- pinaghirapan, naghirap bago pa siya malunod sa kapangyarihan. Kung sana napanatili niya ang kaniyang kapayakan habang nasa trono at palasyo, tiyak ipagsisigawan ito nating mga Pinoy- isa siyang babaeng Pilipina, sa puso, kilos at isip.

Ang ilaw ay mapanghalina sa mga kulisap, subalit ito rin ang pwedeng pumatay sa kaniya kapag inabot ng kamalasan.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 18, 2009, 8:13 am

Hahaha Plaridel, tiyak na panis na nga ang bata sa kakahintay- sana nagpalutang na lamang siya ng bangkang papel papunta sa Palasyo- matupad kaya ang kaniyang hiling?

Hoy Axe, lagot ka, nagtapon ka ng kotse- masama daw sa kalikasan. Huwag mo ng uulitin yon ha?

Posted by kayumanggingdamdamin at September 18, 2009, 8:16 am

Ako’y namimighati sa pagkalimot sa pangalan ng batang kaibigan ni Pepe. Ang kanyang pagkalunod sa laot sanhi ng isang daluyong ay dala ng ngitngit ng kalikasan. Sa lugar na kanyang kinasadlakan ngayon nawa’y hindi na ito kumikilala ng kahirapan at kamangmangan.

Posted by Paquita at September 18, 2009, 3:37 pm

Sana nga Paquita.

Kung saan man ‘yan, ihatid sana siya ng musika ng iyong bulong at panalangin.

Asan na nga ba si Pepe, ano na ang kalagayan niya sa buhay ngayon?

Posted by kayumanggingdamdamin at September 18, 2009, 3:41 pm

Patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay ang batang si Pepe. Patuloy na umaasa na ang kaginhawahan ay makakamtan sa pagsisikap at pagtitiwala sa sarili.

Posted by Paquita at September 18, 2009, 3:54 pm

kulisap na super hero????? pwedi, siguro nung bata ka pangarap mong maging taga pag ligtas ng mundo nohhhh…

hhmmmm hindi pa naman huli ang lahat…

Posted by livingstain at September 18, 2009, 4:42 pm

Ayos yon Super J.Kulisap (nag-evolve).

Pangarap ng mundong iligtas si J.Kulisap.

Pangarap ng mundong maligtas siya mula sa kulisap.

Lagi namang sinasabi yan, kapag hindi nagawa.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 18, 2009, 4:49 pm

Ang matataas na uri, yung burges — ang pinoproblema nila ay ang kulay ng kanilang damit, ang pagkastraight ng kanilang hair, ang kanilang pimple, nasira ang aircon, ayaw nila ng color or style ng kung anong bagay na binili sa kanila ng kanilang mom/dad, nawala ang internet connection, at kung anu-ano pang kababawan.

Kababawan! Kababawan, ikumpara mo sa problema ng:

Taong grasa, ng batang nagpupunas ng paa sa jip, ng pamilyang nasa kariton, ng magulang na walang trabaho, walang maipakain sa pamilya, ng iskwater na walang matirhan, ng bulag na namamalimos at kumakanta ng “Sa mata makikita ang aking damdamin…”, ng taong may kanser, ng taong nangangatulong o nagpuputa o nagnanakaw para lamang may makain etc., etc. Tumingin lamang tayo sa paligid, lumabas sa silong ng ating bahay — makikita natin, mapagtatanto natin, ang kababawan nating mga burges…

Posted by xdalisayx at September 19, 2009, 1:45 am

Aray ko Dalisay!

May mga gawain tayong minsan pakiramdam natin katapusan na ng lahat. Ang totoo pala, tayo ay mababaw at walang pakiramdam sa nararamdaman ng iba, sa madaling salita- napakamakasarili natin.

Ang maiksing dayalogo o skrip ay isinulat ko para mabasa at magsilbing pampukaw sa mga natutulog at nagmamantika nating kaisipan.

Kung ang salitang yan ay magsisilbing mainit na tubig para matunaw ang mantika, salamat po sa lahat ng natunawan.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 19, 2009, 9:06 am

wow. galing naman ng pagkakahabi ng mga salita. sa buong blog na to. apir! nakakabighani.
heheh.
perstym here.
at natuwa ako malalim.
hehehe
palagi kang nababnggit sa akin ni pareng ax at pareng jason. may kung bumabalot dawa sau. kaya ito
pinuntahn kita para bisitahin. heheh.

machongbutiki nga pla
mb for short,
mula sa kabilang bakod ng iyong mga pahina. apir!

Posted by machongbutiki at September 21, 2009, 7:03 pm

MB, ikinalulugod kong makilala ang kapuwa ko hayop. J.Kulisap po Machong Butiki.

Pagkakahabi, mahusay na salita.

Si Utoy Ax at Kaibigang Kosta? Bakit kaya nila ako pinag-uusapan? Ano kaya yong bumabalot na hiwaga?

Ax at Jason ano ang inyong pinag-uusapan tungkol sa akin?

Posted by kayumanggingdamdamin at September 22, 2009, 8:21 am

hehehe.
uu.
pero mdami pa akong nabasang mga salita sa iyong blog na mas higit pa sa salitang pagkakahabi hehehe.
aun, kinekwento nila ang iyong blog na napakgling daw at puno ng pagkamalikhain aun…
hehehe. saka ang nababalot mong kaanyuan. hehehe.

Posted by machongbutiki at September 22, 2009, 10:26 pm

Nahihiwagaan sila sa’yo J. Kulisap.

Pero sabi ko, hanggang hiwaga ka lamang dahil malabo na ikaw ay magpakita.

Posted by Palakol at September 23, 2009, 12:18 am

MB,

Ang pagsusulat ay parang pagpipinta din.

Nagkakaroon ng kulay o buhay ang mga salita kung ang mga nakapaloob doon ay hango sa tunay na pangyayari o posible at imposibleng maganap sa buhay o sa kapaligiran man. Itong aking kuta ay nagsilbing luklukan ng mga salitang umaapaw sa aking sentido.

Subalit ako ay tagahanga ninyo, mga kabataang pumapanday ng sariling pangarap, may direksyon at talaga namang iba sa karaniwang kabataang Pinoy. Ibinabalik ko ang mga papuring iyan.

'Nga pala, kayo ang dahilan kung bakit ganito ang estilo ng aking pagsusulat.

Kaanyuan, wala naman akong balot.

Isa akong anak ng maralita, may kayumangging kaligatan ang kulay ng balat, sarat ang ilong, itim ang buhok, nakakalakad ng tuwid, isang J.Kulisap. Pilipino po ako.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 23, 2009, 8:31 am

Utoy Akso,

Nakapagpalabas ako ng ganun imahinasyon? Kahiwagaan?

Ipagpalagay ng itong kuta ko ay aking pinuprotektahan.

Darating ang panahong sisilay din ang buwan at magagapi niya ang araw.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 23, 2009, 8:33 am

ang hirap atang mag komento dito..tila mga sukat at dapat tugma ata ang bawat salita dito, pero bilang tao na laging uhaw ang utak nakikiraan po ako para po makatanaw ng ilang bagay na mas makakapagpalawig pa ng kamalayan ko sa pag ba-blog…bago lang po ako at nakikiramdam pa lang po sa kilos at kislot ng mga demonyong nagnanais makalaya sa utak ko…bagamat sa ngyon hahayaan ko muna silang magsikyo at pong taguan sa diwa ko para pakawalan sa panahong handa na ako…. maligayang buhay po. :)

Posted by LONELY CLOWN at September 23, 2009, 12:06 pm

para sa pamagat….

“sino si hornet?”

yan ang magandang pamagat… ako kilala ko.

Posted by livingstain at September 23, 2009, 12:20 pm

Bakit mahirap Payasong Malungkot?

Pangalan pa lang may dalawang katauhan na.

Inuman tayo, uhaw na uhaw din ang aking utak.

Magandang aralin ang Demonyong nagnanais makalaya, may apoy, sungay at bangis.

Aabangan ko ang panahong handa ng humampas ang buntot mo sa blogosperyo.

Payasong malungkot na may buntot.

Salamat po sa pagdaan

Posted by kayumanggingdamdamin at September 23, 2009, 12:37 pm

Mantsa,

Sino si Hornet?

Ipakilala mo nga sa akin, hindi yon kilala ni J.Kulisap pero may palagay akong ambisyoso yon at palalo.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 23, 2009, 12:38 pm

wla akong planong mag komento…pero iwan ko, di ko mapigilang tumipa…
mas mabuting hayaan na lng na wlng pamagat ang iyong maliit na anekdota…
mas nakakapukaw un ng pag-iisip…
sana may panahon akong makibahagi sa inyong talakayan…sana pag may pagkakataon.

Posted by aninipot at September 23, 2009, 2:14 pm

Tumipa ka dahil kumati ang iyong daliri.

Napukaw ka Aninipot.

WALANG PAMAGAT ang titulo.

Walang pamagat ang nakakapukaw ng pag-iisip, may lohika naman, malalim pa nga.

Oo naman, kung sino ka man Aninipot, kung may panahon ka, sumali ka.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 23, 2009, 5:13 pm

pari ba si hornet? o isang antropologo?

magsabi ka ng totoo…

Posted by livingstain at September 23, 2009, 6:02 pm

wow. hehehe. nakakatuwa. nabasa ko ang komento sa itaas. at sobrang namangha ako, ramdam ko ang saliw ng mga salita, hehehe
kumukurot sa puso. hehhee. nakakatats. apir! ingat ka po palge.

Posted by machongbutiki at September 23, 2009, 8:42 pm

Stain, hindi pari si Hornet lalo na si J.Kulisap

Kung ang gawain ng isang antropologo ay pag-aralan ang mga tao at kaniyang gawi, kilos at pananalita, kultura, tradisyon at paniniwala, maari ng tawagin si J.Kulisap na mag-aaral tungkol sa antropolohiya.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 24, 2009, 8:03 am

Kumislot ba ang iyong puso ng makurot MB?

Ingat ka din at hinahangaan kita sa matibay mong paniniwala kay Bro.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 24, 2009, 8:04 am

dios mi! hanggang ngayon ba naman eh naghahanap pa rin ng pamagat? how about “tale of two cities” :P

Posted by GQ(gentleman quality) at September 24, 2009, 1:36 pm

ang tagal ko nang nagpapabalik-balik sa kutang ‘to, wala pa rin palang bagong akda ang ginoong kulisap. hehe!

muka ngang ako si pilosopong tasyo. walang tiyak na direksyon, pinagkakamalang siraulo ngunit may angking katalinuhang nagtatago sa abang kalagayan. marapat ko rin bang sabihing dati siyang kilala sa taguring “don anastacio”?

Posted by lio loco at September 24, 2009, 3:01 pm

GK, patuloy na naghahanap ng pamagat ang J.Kulisap, ako ay nangangambang baka hindi matapos ang kaniyang paghahanap.

Pwede din ” Tale of Two Cities”

Sibat laban sa baril

Posted by kayumanggingdamdamin at September 24, 2009, 5:07 pm

Lio,

Paumanhin, nais ko ng isiksik sa maliit na butas itong aking ulo, baka sakaling gumana pero bigo pa rin, susulpot ang mga ideya kung kailan ako ay may ibang pinagkakaabalahan.

Mismo Don Anastacio.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 24, 2009, 5:09 pm

nakakatuwa naman…saan ba talaga itatapon yong car?aabangan ko rin

Posted by eli at September 25, 2009, 10:36 am

G. Eli,

Hati tayo kapag nakita natin ang car ni Prince Axe Lio H.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 25, 2009, 12:02 pm

Hello, I’m searching google and found your blog nice post. Mabuhay Sikat ang Pinoy!

Posted by Sikat ang Pinoy Talambuhay at December 9, 2009, 11:19 am

Add a comment








Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

kathlyn:

huh iam not cool i am going to tell the truth you are really not prett your ugly

kathleen:

hhahah tnx i don’t think you rcool not really nosebleed huh??

kathlyn:

who the girl named kathleen she is pretty nice huh ahhahaahhah your cute me iam only cool hahahahha

kathlyn:

that my siste ryear ,year of the tiger nice huh??>>>

kathlyn:

i am a filipino i am just from america argentin a add me on facebook hahahahhakathlynkikumoreto23@yahoo.com

kathleen:

^_^ :) ) :) :0)

kathleen:

paki visit tohttp://tl.answers.com/Q/Kwento_ni_amomongo_at_ni_iput_ipot_na_pabula_ng_visaya ohhh ganda :)

kathleen:

mga kablog kablog hhahah chatting meganon hahahahahh hi kua g. kulisap aq si paroparo /butterfly hehehe nice dito visit lng me ulit here ehhh….

kathleen:

hahahaahhahahahaahahamarami bago ngayon ahhh nice tung world natin lahat nuh???!!!:))

kathleen:

grabe lupet :) ang lupet galing nyo proud ngek…….:)) joke….

kathleen:

anong kaguluhan hgehehehehhehehhehe lupet na ha heheheheheheh nice na rin to

Batang Andeng de Ibarra:

kumusta po…baguhan lamang po ako dito…pwede po bang pakilibot mo po ako dito sa mundo po ninyong mahiwaga? SALAMAT PO!!! <3

wanted textmate:

nice blog. exchange link po tau. www.textmate.tk

lem:

…ngayon lang ulit ako napadpad sa mundo mo matapos ang mahaba-habang panahon…

panandalian akong nakatakas sa komplikado kong mundo habang nandito ako sa iyong mundo…

rocco:

dumalaw po

rocco:

dumalaw po ako

myCover:

ako po ay baguhang blogger…nagustuhan ko po ang mga akda mo…kaibigan po ako n orville barba…nais ko po sanang mapabilang sa inyong kadena…naisama ko n po itong site s aking links…hinihiling ko pong makakita ng mga komento ninyo s aking mga akda…maraming maraming salamat po!

xdalisayx:

kuya j. kul, ano po ang ibig sabihin ng mga salitang ito: nananagano, tikis, nalikmo, nasulo? pakimesej na lang po sa sayt ko. ty! nosebleed na nosebleed na ako…

kayumanggingdamdamin:

Para sa mga ipinoposte itong aking bahay-kubo, ipaalam nyo baka nagtatampo na kayo di ko pa alam.

Salamat

salbehe:

This is an automatically generated Delivery Status Notification. Delivery to the following recipients failed. (Email: kulizzap at yahoo dot com dot ph) Noong isang araw pa yan ganyan. Ikaw na lang kaya mag-email? salbehe at hotmail dot com

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines