Kuchi, kuchi, sige na tikman mo ‘to
Ayaw ko, masama…masama. No, Nooo!..Noooo!?!
Bakit naman? Ang sarap kaya, nguya, nguya, yumyum
TL na me. Sigurado ka, ‘di tayo mapapahamak?
Lalala, lalala, nguya, nguya, lalala. Ang pintog, ang pula pula, ang sarap, ang linamnam.
Oo na, kakainin na, tukso ka talaga Eba, at gan-un, ba’t yang sarap nari?
- Adan- (dayalogong pang J.Kulisap)

Pinadalhan kita ng mensaheng maaari sanang magsagip sayo sa kapahamakan, subalit pinagwalangbahala mo ito. Marunong akong makinig, marunong ding makaintindi, mas marunong akong tumugon sa pakiusap.
Pagkatapos kong isumite ang aking sanaysay na nilakipan ng aking lagda, pinagtitibay nito na may nagawa kang hindi dapat. Patawarin mo ako dahil ako ang naging dahilan ng paglisan mo sa ating kumpanya, dalangin ko na lamang na makatagpo ka nawa ng bagong mapagkakakitaan. Kung bubulungan ng anghel ang mga tagapamagitan sa iyong apela, sana’y matuto ka sa leksyon ng pangyayaring ito.
Para sa mga kaibigan,
Tayo ay sakop ng mga alituntunin at batas na mayroon ang ating pinaglilingkurang kumpanya. Unawain ang inyong Company Code of Behavior, makipag-ugnayan sa HROD, sa unyon o kung hindi naman ay sa DOLE. May karapatan tayo bilang manggagawa ngunit may kapangyarihan sila bilang may-ari.
Nais natin ang makabuluhan at may saysay na kapaligiran habang kumakayod tayo ng panawid-gutom, subalit ang lumabag sa kautusan ay may naghihintay na kaparusahan.
ammm aratilis ata yan..
pero nakakatakot tikman. parang kulay lason.
tukso ba talaga ang dahilan ng pagkain
o talagang gutom lang talaga..
anong motibo ba ang talagang
nakasaad sa mga oras na iyon.
nagugulumihanan ako..
nakakalungkot nga yong sa mismong araw ng gantimpala, parang mga asong nakanganga lang ang mga kababayan na nag iintay sa wala.
di makatarungan.
Posted by jason at September 3, 2009, 10:15 amhinuha ko'y isa kang nilalang na nakaupo sa isang makabagong silyang umiikot para tumanggap ng aplikante't maging tampulan ng mga tanong pang-manggagawang idinudulog ng mga taong kumakayod para matakpan ang butas ng pagkagutom.
Posted by lio loco at September 3, 2009, 10:17 amPalakol,
Isa sa sumpa ng gawain ay ang magbantay, para sa nakararaming buhay.
JasonDaga,
Mabuti ka pa, natakot kumain dahil inisip mong baka lason–matalinong bata, hindi nagpadala sa tukso. Sana ganito tayong lahat pero ang karupukan talaga namang nang-uupak na lamang, walang pinipiling oras, walang sinasanto
Posted by kayumanggingdamdamin at September 3, 2009, 12:31 pmMali ang iyong hinuha kaibigang Lio Loco, ako ay isang hamak na manggagawa lamang, alipin sa gigilid o aliping namamahay.
Subalit kung hindi ko gagawin ang aking trabaho malamang ako naman ang isasakdal.
Mas matinding dagok kapag nagkataon.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 3, 2009, 12:33 pmGrabe, nalulula ako sa tagalog ng mga tao. Simula sa main article at sa mga preceding comments. haha. Ang dami ko pang dapat malaman. ahaha.
Basta ang alam ko lang, paborito ko din ang bignay na sa aming lugar ay tinatawag na bUgnay.
haha. Gandang araw.
Posted by Allen at September 3, 2009, 7:23 pmAko rin. Nalulula sa tagalog dine. Ngunit di na lang nalulula, talagang duguan na ako. Duguan ang ilong. Duguan ang utak sa pag-arok ng malalim na wika rito…
Hinggil naman sa entri…
Awts. Ang saklap naman ng nangyari sa inyong kasamahan. Dilemma iyang inyong pinagdaanan. Pagkakaibigan/samahan/awa sa tao vs. katarungan. Napakahirap talaga niyan. Pero kelangang manaig ang katarungan. Kung may nagawang pagkakamali, lagi at lagi natin itong pagbabayaran. Ating pananagutan ang bawat nating aksyon, may kaukulang parusa ang anumang kasalanan — di lang batas ito ng tao, batas din ng Diyos.
Posted by xdalisayx at September 3, 2009, 9:53 pmHallo Allen,
Salamat sa pagdalaw sa aking paraiso.
Amanos hijo, nagdurugo din ang aking taynga at ilong sa mga wikang Ingles na ginagamit ninyo.
Bignay-bugnay- magkalapit ang dalawang salita
Posted by kayumanggingdamdamin at September 4, 2009, 8:32 amPanapanahon ika nga Dalisay.
Sa mundo ko pwedeng ako naman ang magiging biktima kung magiging inutil ako sa patakaran.
Ito ay payong kaibigan
Pangalagaan ang integridad at katapatan.
ay wander wat dat phrut is?
ay had similer philings abawt da workpleys yunyon hir hu ar mowsli konsis oph leysi insabordineyts. mows ar not hapi wid mi kos ay “work biyond may dyab diskripsyon end phrindli to maneydsment.” kahiya naman yung union namin talaga….kahiya rin yung tagalog ko:(
Si Jason ay isang daga.
Takot ka sa daga.
Takot ka kay Jason.
G.WalangKwenta,
Napakalakas ng halakhak ko, nagdurugo ang ilong ko habang binabasa mo.
Papadalhan kita ng mga librong Pilipino ha?
Posted by kayumanggingdamdamin at September 4, 2009, 12:06 pmAx,
Kulay rosas ba ang kulay ng balat niya, malamang..takot ako sa kaniya.
Basta nangingilabot ako pag bebe na daga na.
Panakot sa akin yan ng mga pamangkin ko. Makakakapatay ako, pangako.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 4, 2009, 12:08 pmhaha.. yan ba talaga ang kinain ni adan? hehehe… mukang masarap ah.. mukang alateres.. pero hinde..
Posted by walongbote at September 4, 2009, 2:17 pmWalongboteng Ano?
Ako sampung bote ng Gin ang nagpabago sa akin, sumuka ba naman ako ng kulay berde at nagmamakaawang itayo ako…hehehe.
Mabalik sa usapan
Oo tama, iyan nga ang kinain ni Adan, nasa Pilipinas ang harding Eden kung kaya’t hindi mansanas ang prutas na nabanggit kungdi BIGNAY.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 4, 2009, 3:30 pmHaha. BiGNay eh n0h. anyway, walongbote is the pseudoname na gngamit qo na 7yrs in blogging.. and I THink. Di bAgay ang sampungbote na c0dEname. Lol.. At nga pala c mr.N0nsense ang kinakausap mO sa blog ko at hindi aq. Haha. Di nya naman un blog, kaya di nya rin maBaBasa. DEpendE kung bBLik xa sa blog qo para bsahn ang mga c0mMENTs.Haha.
Posted by Walongbote at September 4, 2009, 6:15 pmAng tagal mo na palang blogger, lasing na lasing ka na marahil dito sa mundong ito.
Dadalaw na muli si Mr. Nonsense sa iyong kuta. Natutuwa lamang ako sa kaniya dahil nagpipilit magtagalog ay marunong naman pala talaga. Nilalaro lamang ni Mr. Nonsense ang aking kaisipan.
Ikinalulugod ko po ang inyong pagdalaw Senora
Posted by kayumanggingdamdamin at September 6, 2009, 11:39 am*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by Replica Christian Louboutin shoes at December 27, 2010, 8:51 amIt’s been a while since I last did any walking/eating tour around the city because I’ve been very occupied with sport activities. However, since I’m forced to take a break from training due to my ankle injury, I have a whole day of gorgeous weather and free time to spend.
Posted by Discount Vibram Five Fingers at June 18, 2011, 11:27 am
Nangyari na ito.
Maraming Witness Protection Program na ang iyong kinasadlakan. Maraming testamento na ang iyong isinulat. Maraming blankong papel na ang iyong pinirmahan.
Dahil kailangan mong protektahan ang nakararami sa halaga ng buhay ng isang tao.
(Awts, hindi ko pala nai-submit ang komento ko kagabi. Marahil sa sobrang pagkawili sa pakikinig ng musika na galing pa sa Madilim na Panahon ng Kanlurang Europa.)
Posted by Palakol at September 3, 2009, 10:08 am