Patalastas:
Panawagan sa lahat ng mga bayani, maaari po lamang magpatala ngayon upang mabigyan ng pabuya. Isang balot na Marie (biskwit) at pisong palamig, may kasamang lumang damit, may nakabalot na isang latang sardinas, Ligo ang brand at dalawang dried fish, in tagalog dilis pare.
Maglalakas loob ka bang magpatala? Bakit masasabi mong ikaw ay maituturing na bayani?
Ang bayani ay iginagalang, sinusundan ang yapak, isinasapuso ang kanilang mga nagawa, subalit hindi mo na kayang pantayan ang kanilang naiwang bakas.
Si Mang Jose at Mang Andres ay mga Pilipinong bantog na bayani ng ating lahi. Sila ang namuno sa pakikipaglaban sa mananakop na Espanyol sa pamamagitan ng magkaibang paraan. Hanggang ngayo’y pinagtatalunan ‘yan ng mga nagpapakadalubhasa, sino ba dapat sa kanila ang da bes? Parang si ate Guy at ate Vi baga, palagay ko ang dalawang mamang iyon ngayon ay magkaakbay na naglalakad sa paraiso, pinagtatawanan ang mga nagtatalo. Bakit kailangan pang magtalo, para saan? Mababago ba ang kasaysayan ng Pilipinas? Liliit ba ang mga naghihikahos na Pilipino? Mas marami bang magiging tapat na pinuno? Kung oo ang sagot, ngayon pa lamang magdesisyon na kayo, tama na ang satsatan.Sino sa dalawa ang pagagawan ng mas mataas at malaking rebulto, ‘yong tipong masasakop ang buong Kamaynilaan, para kapag nakita ng bawat Pilipino ang rebultong iyon ay maipagmamalaki niyang siya ay Pilipino o maaalala niyang “ Ay Noypi pala ako.”
Kung ikaw ay bayani sa pamilya mo, ipinagkakapuri ka ng iyong mga kamag-anak, kung nagsumbong ka na may umiihi sa pader ng bahay pamahalaan, sasaluduhan ka ng pulis-barangay, kung iginagalang mo ang iyong kapuwa, makakamtan mo din ang respetong iyong ninanais. Ngunit sapat na ba itong iyong nagawa upang maituring kang bayani?
Ako ay ang taong humahanga sa hindi ko kayang gawin, hindi ko kayang makipagtagaan o magpabaril para mamatay sa aking bayan. Ayaw kong maging bayani dahil maagang kinukuha ni Lord. Hindi ko kayang maging ama at hindi ko rin kayang maging isang ina, hinahangad kong maging isang mabuting mamamayan ng Pilipinas. Tutulungan mo ba ako sa aking hangarin?
Gaano man kaliit o kalaki, payak o abot hanggang Mount Everest ang tayog ng iyong nagawang kadakilaan, kung sa iyong paghuhusga ay kabayanihan na ito, mabuhay ka Pinoy. Sana dumami ka pa.
J.Kulisap: “Mang Jose, Mang Andres…nagtatalo pa rin sila oh.”
Mang Jose: ” ‘Yaan mo sila epal na kulisap, trabaho nila yan, nagtatalo rin naman kami nitong si pareng Andres.”
J.Kulisap: “ Ano pong pinagtatalunan nyo mga idol?”
Mang Andres: “ Pinagtatalunan namin kung tatanggapin ng mga peeps na magsuntukan at magsabunutan na lang ‘yong mga kandidato sa ating bansa. Ang matalo….. Tumingin kay Mang Jose at umapir.
Mang Andres at Mang Jose: Lossserrrrrrrrr.
J. Kulisap: “ Salamat pala sa inyo dahil double pay na naman ang sahod ko. Sana dumami pa ang bayani para lumaki pa ang aking sahod.
Mang Jose: “Sa susunod ikaw naman ang gamu-gamong mapapaso, promise, pasaway ka rin eh.”
J.Kulisap: “Nakuppp, hwag naman poh, zecond chance poh idol, plz. Txt txt na lang poh tayoh”
Mang Andres: ” Hikain ba lahat ng tao diyan sa Pilipinas, bakit ganyan kayong magsalita?”
J.Kulisap: “ Dahil po sa global warming, totoo po bang ang utot ang pinakamalaking contributor kaya malala na ang global warming Mang Jose?”
Mang Jose: “ Go away, fly away bago ko pa tahiin ang anus mo para ‘di ka na makautot.”
Mang Andres: “Tumbong pare, tumbong.”
Mang Jose: “ Ganun veh? Soriness namen bff “
Yong magpapalista, sumulat sa aking sulatroniko kung gustong i-claim ang pabuya.
Pssst, seryosohan, kapag si Bayani ba hindi Bayani, sino siya?
Isa kang mabuting tao G.WalangKwenta, nagtataka lamang ako kung bakit ito ang alyas na iyong ginamit sa mundong ito.
Lalakeng malambot ang pagkatao. Positibong pang-uri ‘yan.
Bulol na bulol, ok lang ‘yan basta pag dadalaw ka sa mundo ko maging Pilipino ka sa salita. Pinag-uutos ko..
Aba, aba hwag ka ng magreklamo.
Posted by kayumanggingdamdamin at August 31, 2009, 9:03 amkung ang huling pangungusap sa sanaysay na ito eh tumutukoy sa nilalang na may ambisyong magpakapangulo dahil lamang sa mga kulay rosas na isinaboy niya sa kalakhang maynila, mapangahas kong sinasabing hindi siya bayani.
sa lipunang madalas sumusuka ang gutom na sikmura, mahirap mabigyang-saysay ang mitong salitang “bayani.”
nakahanap na naman ng matinong blog. galing sa sanga-sangang realmo ni akso.
Posted by lio loco at August 31, 2009, 9:26 amLio Loco, mapangahas nga ang iyong binitawang salita. Maghunos-dili ka kaibigan maraming mga tinik ang mga rosas na isinaboy sa kalakhang Maynila pero bakit nga ba kailangan nating ikubli ang mga nag-aalab na damdamin. Makapangyarihan ang salita, kaya nitong gawing ginto ang lupa.
Sa museo na rin lamang ba matatagpuan ang Bayani?
Salamat sa pagdalaw, hayaan mo’t papasyalan din kita.
Posted by kayumanggingdamdamin at August 31, 2009, 10:20 amAlam mo, ako dapat ang una dito! Yay. Nagpunta ako dito. Nakabukas lang ang kuta mo sa aking brawser kagabi sa pagitan ng alas diyes ng gabi at ala una ng madaling araw.
May problema lang akong kinakaharap kahapon.
Saan ako magkokomento kung dalawa ang artikulo? Yay.
Ngayon, hindi na ako malilito. Dito na talaga ako mag-iiwan ng bakas!
Posted by Palakol at August 31, 2009, 10:50 amSandali lang. Nabasa ko ang kasagutan mo kay Lio Loco.
Ito lang ang masasabi ko. Matagal kong sinundan si Lio Loco. Palipat lipat ng kuta. i.ph. wordpress. blogspot. Dumating ang isang araw na napirmi siya sa pagiging datkomista. Ngunit lumipas ang panahon at nagpaalam ulit siya.
Nagsimula ulit ang hanapan. At nakita ko ulit siya kagabi lamang.
Ow, hindi nag-iiwan ng ebidensya si Lio Loco kung nasaang parte siya ng buladaspir.
Posted by Palakol at August 31, 2009, 11:32 amSagot sa unang pangyayari, kahapon ang mundo ko ay nagigimbal pa rin, ang sabi nila YouNiverse, hindi ko naman matikman ang kanilang inihahain, mabagal pa sa pagong, mas malakas pa ang sayad sa akin ng aking Broadband. Mundo nga ba sila, kaya hayun para makisiguro ako na maipasok ko ang aking artikulo, ilang beses akong nagpipindot. Hindi ko maabot ang mundo nila.
Pag-usapan natin si Lio Loco
Ang salitang Lio ay Liyo na ang ibig sabihin sa amin ay nahihilo at Loco na pwedeng iugnay sa salitang luko-luko.
Marahil siya ay naliligaw na kalulwa o gustong libutin ang mundong iba-iba ang inihahain.
ang Lio (Lee-yow kung isa kang pasosyal na coño; o maaari ring Lee-yo kung isa kang uring manggagawang walang kalandian sa katawan) eh hango sa dinaglat na unang tatlong titik ng aking mahaba-habang pangalan sa teleserye ng totoong buhay.
umiikot ako sa buladasphere hindi para umani ng papuri o makimiron sa kung anong meron o bumuo ng ulol na kulto kundi para makatagpo ng mga nilalang na tulad, kundi man malapit na hawig, ng aking gawi’t idyosingkrasiya (”idiosncrasy”).
un lang. hehe. ikinalulugod kong makilala ka g. kulisap!
Posted by lio loco at August 31, 2009, 2:16 pmidiosyncrasy.
paumanhin. typo. lasheng e. huhlolz!
Posted by lio loco at August 31, 2009, 2:18 pmBasang basa mo ang pinagbiyak kong katauhan.
Sa araw ay isang manggawang kakayod para makahigop ng mainit na sabaw, kakalabit ng ‘konti para mahasa ang patalim ng patalim na huwisyo, pupurol ulit, hahasaing muli ng katulad ni Lio Loco.
Sapagkat kapag umiisip ako ng normal, hindi baga at payak, parang iniwan sa sulok hanggang sa mabulok.
Sana makatagpo ka na ng tamang tahanan dito sa buladasphere, pinaghahanap ka ni Palakol at handang itaya ang kaniyang buhay para sayo.
Kinalulugod din kitang makilala bagong kaibigan.
Pag lumakad kang muli, tingin ka lang sa paligid may kulisap, pwede mong kausapin, pwede mong tirisin
Posted by kayumanggingdamdamin at August 31, 2009, 2:28 pmhello Kulisap.
siguro para sa akin
akoy isa ng bayani
dahil sinimulan ko sa sarili ang pagbabgo.
ayun. sa sarili aksi mag uugat lahat yan
kung lahat ay magsisikap para magbago,
malaki maitutulong nito sa buong bayan.
teka anong pagbabago?
MARAMI!
Posted by jason at August 31, 2009, 9:21 pmPagbabago mula sa sarili
Mula sa nakasanayan hanggang sa bagong idinudulog ng pamayanan.
Paano ba ako magbabago Hamster?
Posted by kayumanggingdamdamin at September 1, 2009, 8:30 amwow.. napapanahon sa pagdiriwang ng araw ng mga bayani
Hindi naman nating kailangang malagay sa pera ang ulo na’tin, hindi rin natin kailangang magawan ng rebulto para masabi na’ting naging bayani tayo.
pero sadyang namamatay muna ang tao bago masabi nating naging bayani ito.
madali lang naman maging bayani, sapat ng maiwagayway mo ang bandera ng pilipinas saan ka man magpunta at masabi mong pilipino ka.
ang pagpapakabayani ay nakaugat lagi sa kung anong naiambag mo sa bayan mo.
pero para sa’kin sapat ng sumunod ka sa simpleng batas trapiko sa ganoon masabi mong minahamal mo ang bansa mo.
Ang bayani naging bayani dahil sa pagmamahal sa bansa, kaya kung ikaw ay gagawa ng mabuti para sa bansa, bayani mo na ring maituturing ang sarili mo.
oh yeah \m/
Posted by otep at September 1, 2009, 1:20 pmMay punto si Otep, simpleng paggawa ng mabuti para sa mas nakakararami at hindi para sa pangsarili lamang.
Otep, damihan mo lahi mo.
Salamat, pangako dadalaw ako sa lungga mo.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 1, 2009, 1:55 pmammm j kulisap
pengeng marie!!!
HEHEHEHH
kelangang amgtulungan tayong lahat para maging bayani tayo hahaha
tama naman diba
Posted by jasonhamster at September 1, 2009, 11:40 pmOo ba.
Saan ko ipapadala?
Dapat magtulungan.
Tamang tama po Dagang Kosta Jason
Posted by kayumanggingdamdamin at September 2, 2009, 8:13 amThere is a hero in all of us. All we need is a chance to be in the right place at the right time.
Posted by Salome at September 2, 2009, 12:24 pmSalome LaongLaan.
Kilala na kita, isa ka sa aking bayani.
Matanda ka na’y nakikita ko sa iyong kapayakan ang isang imahe ng babaeng Pilipina.
Ipagpasalamat mo yan dahil kinikilala kita. Isa ka sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 2, 2009, 12:57 pmNaku, nahuli ako rito, a….
Nakakatuwa ang usapan ninyo nina Mang Jose at Mang Andres. Aba’t napakalaking karangalan iyon! Biruin mo, nakausap niyo silang dalawa! Haha.
Ang bayani ay isang masalimuot na terminong hindi dapat basta-basta inaangkin o ibinibigay sa kung sino. Well, ito ay sa usapin ng “pambansang bayani.” As in, “Bayani” with the capital “B.”
Proyekto ko ito sa PI 100. Ang aming pinal na papel ay tungkol sa kung sino ang aming “Bayani.” Bawat isa sa klase, kelangang manaliksik tungkol sa isang “Bayani” ng ating bayan. Napakahirap. Napakahirap na proyekto. Tunay na namomroblema ako…
Bukod kay Rizal, na siyang bayaning tampok sa PI 100, sino pa kaya ang “bayani,” as in “Bayani?” Hindi yung idol lang, charismatic na tao, icon, martir - kundi “Bayani…” Hay…
Posted by xdalisayx at September 2, 2009, 5:07 pmGusto kong imungkahi ang kabayanihan ng isang babae kung mayroon man, limiing mong maigi dalisay, kung nakapagpasa ka na naman, marahil ito ang taong naging bayani para sa iyo.
Ang bayani para sa akin ay ang taong kakalimutan muna ang kaniyang sarili para sa kapakanan ng mas nakararami.
Pero may dalawang taong kahit hindi kami dinala sa rurok ng tagumpay ay maituturing kong bayani. Ang mga taong nagpunla sa J. Kulisap.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 2, 2009, 5:18 pmhindi ko lubos na maunawaan kung ano ba ang ibig sabihin nang bayani. maliban sa nagbuwis sila ng buhay para sa kasarinlan ng inang bayan… ang bayani, dakila, martir, mapagmahal sa bayan… ngunit kung may iba pang basehan… hindi ba’t sila sila rin lang ang nag-traydor sa isa’t isa.
ang katotohanan marahil marami ang bayani sa kanya-kanyang aspeto at pananaw.
Posted by taga-bundok at October 28, 2009, 12:04 amTagaBundok,
Sa panahon ngayon, bihira na ang mag-aalay ng sarili para sa iba, marunong na tayong mag-isip o sukdulang isipin muna ang sarili.
Ang kabayanihan ay nagsisimula sa sarili, makikita ng iba, gagayahin ng iba..hanggang sa parang maging isang bayrus, kakalat ang mahahaplos ng kung ano ang mukhang nais mong maging larawan ng kabayanihan.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 28, 2009, 5:11 pmThere is a margin, let go after a landscape has a heart, insisted the Chinese side is sincere.
Posted by coach stores at December 20, 2010, 9:54 amLearning is the eye of the mind.
Posted by Cheap Juicy Bags at December 21, 2010, 11:55 am*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.
Posted by Replica Christian Louboutin Heels at December 25, 2010, 9:24 amThis story is very useful. Really I like it. Thanks for sharing with us.*
Posted by Air Jordans at December 26, 2010, 9:30 amHouses, lots of other good - let others see you, know that you exist and know that your ability to
Posted by replica louis vuitton at December 27, 2010, 3:36 pmMore praise others - do not spend money, but also make you happy, why not?
Posted by supra shoes at December 29, 2010, 9:36 amBawat isa sa klase, kelangang manaliksik tungkol sa isang “Bayani” ng ating bayan.
Posted by ClubPenguinCheats at June 13, 2011, 3:35 pm
anyone who stands up for the greater good of humanity, either by force or by example, is a hero. i, on the other hand, have always followd those who bring the changes by peaceful means.
Posted by Mr. Nonsense at August 31, 2009, 8:58 am…ay sus! sorry. tagalog pala dapat.
…rizal-personal preperens ko yung stayl nya at sya ang nagsimula ng rebulasyon. (putsya! bagsak na naman ako sa Pilipino)