KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

UMAMIN KA

August 12, 2009



Mga tambay lang kami sawa sa babae
May mga babaeng manloloko
Pineperahan lang kami
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin
Masarap magmahal ang bakla
Ohh kay sarap… damhin

 

Liriko mula sa awiting “ Nagmahal Ako ng Bakla”



 

Bakla, bading, bayot, binabae, agi, ateng, hoy tita, syoki, baklush, becky, mga pangngalang tuwirang iniuugnay sa lalakeng may pusong babae at kilos na inihahambing sa babae. Sa madaling salita, pinagsanib na babae at lalake sa iisang katawan.

 

Sino nga ba ang bakla? Ikaw bakla ka ba? Paano mo iniisahan ang isang bakla? Ano ang alam mo sa pagiging bakla? Biktima ka ba ng bakla? Nagmahal ka na rin ba ng bakla? Ano ang pakiramdam ng isang lalake na iniibig o nagugustuhan din ng kapwa niya lalake? Salot nga ba sa lipunan ang mga bakla? Hindi nga ba sila tatanggapin sa langit?

 

Pari: “Ang mga bakla ay walang lugar sa langit.”

Mga Bakla: “Ayos lang Father, doon na lang kami sa rainbow, magslide- slide”  Yon naman pala eh.

 

Nagsisilbing taga-aliw kapag ikaw ay nababagot o nalulumbay. Kung makapagpatawa, tila nayayanig ang mundo, nakakalimutan ang reyalidad. Mapipikon ka sa kanilang kaprangkahan, iibigan mo ang kanilang pagiging totoo.Ngunit inalam mo ba kung nalulungkot din sila?

 

 Habang lulan ako ng bus papuntang trabaho, pumailanlang ang awiting nakapagpasilay ng aking ngiti. Ito nga ang awiting “ Nagmahal ako ng Bakla” na inawit at nilapatan ng titik ng bandang Dagtang Lason. Ang awiting ito ay isang mukha ng kasalukyang kalagayan ng mga bakla sa ating lipunan. Kung ikaw ay biktima ng bakla, masusuklam ka, magagalit ka sa mundo o kalabisang patayin mo ang bawat bayot na makikita mo, pero kung ikaw ay naambunan ng pagmamahal o pagkalinga ng isang becky, aba ibang usapan na yan, napakagwapo mo siguro, para ka ng tumama sa loterya. Marahil maihahambing mo ang iyong sarili kay Achilles.

 

Nang tanungin ko ang kaibigang Syoki kung ano ang kaibahan nila sa mga babae. Ito ang kaniyang sagot, “ Magsingsarap pero hindi magsingmahal, may libre ka pang buto ng bayabas at malunggay”. Tawa na naman.

 

Ayon sa isang kaibigan, sa museo na lamang daw matatagpuan ang mga tunay na lalake. May mga ginawang serbey at pananaliksik dito sa Pilipinas na sa bawat pamilyang Pilipino ay may isang kabute este baklang myembro, totoo man o hindi, malamang may kakilala kang baklush.Ayon din sa pag-aaral, may estado sa buhay ng lalake at babae na naguguluhan siya sa kaniyang pagkatao, dito umuusbong ang pagkalito, hanggang sa mauwi sa tinatawag nilang identity crisis hanggang sa rumarampa ka na sa barangay gay pageant. Ummm..alam na ni Alexander na siya ay si Alexa. Apir.

 

Paboritong paksa sa Indie-film ang mga bakla. Mapanghamon ang karakter kapag gagampanan ng isang lalake ang pagiging bakla. Tinutuligsa ito minsan kung kaya’t bihirang sinehan lamang ang nagpapalabas ng mga ganitong pelikula. May diskriminasyon pa rin, kunsabagay kung wala kang interes sa kwento, hindi ka mag-aaksaya ng oras, maliban na lamang kung ikaw ay nasa larangan ng sining at pag-aaral tungkol sa kasarian buhay at kalagayang pantao at lipunan, makulay ang ipinakikitang imahe ng mga ganitong kwento, hango sa tunay na pangyayari, kasiyahan o kabiguan man ang tema.

 

Ilan sa mga kilalang lalake ay napapabalitang homosekswal o bakla. May kakilala ka? Itsismis mo naman sa akin. Sa kasaysayan ng mundo, naitala ang pangalang Alexander the Great, ang matapang na hari, mananakop at mandirigma ng Macedon, lalakeng totoo, matapang, matipuno at pinaninindigan ang pagiging pinuno, pero binigyan ng kulay ang malalim nilang pagkakaibigan ng kaniyang heneral na si Hephaistion, ayon sa mga sulatin, nagluksa ang hari ng anim na buwan, nawala sa sarili at tumangis ng ilang araw sa harap ng bangkay ng pinakamamahal niyang kaibigan. Sa bibliya sa Lumang tipan, ang kwento ng pagkakaibigang Jonathan at David ay naihahalintulad din sa lalim ng pagkakaibigan ni Alexander at Hephaestion. Ganun din ang kwentong naisulat sa  Metolohiyang Griyego tungkol kina Achilles at Patroclus, malalim o may sekswal mang ugnayan, hanggang ngayon ito ay kwento at interpretasyon, pero hindi na natin kailangang lumayo, aminin man o hindi, nangyayari ang relasyong lalake sa lalake sa ngayon, kung ang hanap ng mga lalakeng ito ay sekswal o pagmamahal, wala tayo sa posisyon para humusga.

 

Sa relihiyong Islam, binabato ang nahuling homosekswal o bakla, hanggang siya ay mamatay. Sa Pilipinas, ginugulpi at kinakawawa. Bakit makitid ang ating pag-iisip? Dahil ba tayo ay nahihiya sa ating sarili, natatakot, o ayaw madungisan ang pangalan?

 

Sino nga ba ang mga tunay na lalake? Ingat ka baka ikaw ay matanso. Isa ‘yang babala. Baka masabihan kang, kapwa ko mahal ko.

 

Basagulero, sira-ulo, adik, tambay, magnanakaw,inutil, batugan,babaero, lasenggero,sanggano, manyakis, malibog, iresponsable, laki sa layaw. Ikaw ba ito pare?

 

Masinop, masipag, mapagmahal, maaruga, maalalahanin, matulungin, masikap, masayahin. Bakla ba ito pare?

  

Paano ba nakakatulong ang mga bakla sa ngayon. Ito lamang ang masasabi ko, mabisang paraan ng pagkontrol sa paglobo ng populasyon ang mga BAYOT.

  

Kung titingnan natin ang kahinaan ng tinatawag nating bakla, hindi kaya BAKLA rin tayo? Umamin ka.

   

Posted by kayumanggingdamdamin at 6:13 pm | permalink

Previous Comments

Sa madaling pagsusuri at inabot kong kaisipan at damdamin mula titik hanggang salita ng iyong paglalarawan kung ano, sino, bakit may bakla,at kailangan ba sila sa mundo, ay ang mga sumusunod :

Una, inalam mo sa pagbungad na talata kung ano ang bakla.

Pangalawa at sa huling paglalahad : Binigyan mo ng papuri hangang hustisya ang buhay bakla at ang “kahinaan” di saklaw ng pagkalalake na maituturing nating kabaklaang gawi na di kaayaayang isipin.

Panalangin ng bayan sa tema ng sinulat na ito : Nawa’y ang mga tao sa mundong ito ay mabuksan ang puso”t damdamin na kung sila ay nagising sa mundo at nakitaaan ng kakaibang galaw na malamya at inihahambing ang pisikal na kaaunyahan sa isang babae ay HINDI kahinaan ng loob na harapin at mapaghusgang lipunan bagkos ipakita ang KAPAKINABANGAN ng pagiging tao lalake man o bakla.

Congrats at mabuhay ang mga bakla sa huling paghuhukom !

Posted by Bulalakaw at August 13, 2009, 12:24 pm

Ang kasarian ay hindi dapat maging batayan ng ating pagkatao. Kung hindi ang kakahayan nating maging isang marangal at mabuting mamamayan. Ang sukatan ng pagiging tunay na lalaki ay wala sa kanyang matipunong katawan o magandang bihis kung hindi sa responsibilidad na kanyang tinutupad sa pamilya at lipunan at sa prinsipyong kanyang pinaniniwalaan.

Posted by Paquita at August 13, 2009, 12:40 pm

Bulalakaw, katulad ng sagitsit ang kintab mong taglay, namangha at nabusog ang aking mata at kaisipan sa iyong ibinigay na puna.

Salamat nga pala kay Paquita, Danni K at Nieves at kay pareng Rommel sa kanilang mga ibinahaging kaalaman tungkol sa artikulong ito.

At sa lahat ng mga kabaklaan sa aking buhay, mga pare, lalo ko kayong minamahal.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 13, 2009, 12:42 pm

Paquita,

Ang sukatan ng pagiging tunay na lalaki ay wala sa kanyang matipunong katawan o magandang bihis kung hindi sa responsibilidad na kanyang tinutupad sa pamilya at lipunan at sa prinsipyong kanyang pinaniniwalaan.

Saludo ako sa iyong pagtingin. Malawak ang iyong mundo, mas malawak pa sa alapaap, mas malalim pa sa dagat, sapagkat kaya kang ilipad ng iyong mundo kahit saan man.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 13, 2009, 12:47 pm

Binabati kita Bulalalakaw sa pagsapi mo sa ating kilusan.

Posted by Paquita at August 13, 2009, 12:49 pm

napakinggan ko na ang awiting ito sa maraming pagkakataon. napanood ko na rin ang mga gumawa ng bidyo gamit ang musika ng kantang iyan.

tanging ang batas lang naman ng mga tao/society ang nagsasabi na mali maging isang bakla.

saang aspeto naman na maging kasalanan ang maging isang ganito o ganoon.

teka, nagugutom yata ako. kain muna.

Posted by Palakol at August 13, 2009, 7:43 pm

Nagiging mali kung ang ideyolohiyang pinaniniwalaan ng bakla kung siya ay umaabuso, lumalampas sa tamang pagsukat at paninimbang bilang isang taong nilalang na kawangis din naman ng karamihan.

Pero kung pakalilimiin ang pagkakahawig ng isang tunay na lalake sa bakla, wala rin namang pinagkaiba, kayang maging masama ng bakla katulad ng isang tunay na lalake at kaya din nitong maging mabuti gaya ng isang tunay na lalake.

Kung minsan ang timbangan ng batas ay hindi pumapalo.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 14, 2009, 8:47 am

Una kong narinig ang kantang iyan mula sa aking kapitbahay na bakla. Ang baklang yon! Ang lakas-lakas magpatugtog ng kanyang radyo. At, paborito niya iyang awit na iyan! Siyempre, para sa tulad niyang bakla kasi, e.

Ang baklang ‘yon talaga. Marami siyang mga kaibigang lalakeng laging dumadalaw sa kanyang bahay. Hmmm… Daig pa ako. Kunsabagay, mas girl naman siya sa akin. Naisip ko - dapat palit kami ng kasarian, e.

Di ako tutol o laban sa tinatawag na ‘third sex.’ Kanya-kanyang trip lang yan sa buhay. Ang mahalaga, magpakatotoo ka sa iyong sarili. Huwag patali at paalipin sa mahigpit at makitid na heterosexist, heteronormative na lipunan.

Posted by xdalisayx at August 14, 2009, 6:45 pm

Trip trip lang ba Dalisay? Kunsabagay, kung hindi naman tayo maligaya sa nais idikta ng nakararami, bakit nga naman natin sila pakikinggan?

Magkakaroon lang ng pagsuway, ng poot at ng pagkitil sa sariling kaligayahan.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 15, 2009, 11:50 am

Napapansin ko kasi, parang nauuso ngayon ang mga bakla, tibo, at bi, at kung anu-ano pang kasarian. Yung iba, parang di naman totoo - trip trip lang. Uso kasi.

Tapos, nariyan ang paglalabasan ng mga artista, kanta o pelikula tungkol sa pagbilang sa “third sex(es)”.

Ewan. Siguro kasi, ngayon lang nagiging ‘bukas’ ang mga tao, kahit paano, hinggil sa ibang mga kasarian liban sa pagkababae at pagkalalake (kumpara noon). Kaya, hayan, naglalantad na ang mga tao, di na sila takot na ilabas kung sino talaga sila. Sawa na sila sa norms, sa mga requirements, sa mga idinidikta ng lipunan na kapag babae ka, dapat ganito, ganyan. Pag lalake ka, bawal yan, bawal yon.

Hay. Basta, magpakatotoo na lang tayo sa ating mga sarili, at igalang na lang natin ang isa’t isa.

Posted by xdalisayx at August 15, 2009, 2:43 pm

Hahaha, nakikiuso parang bagong damit.

Dati kasi pinarurusahan at kinikitil ang buhay ng mga nahuhuling homosekswal.

Ngayon pinagkakakitaan na ng karamihan.

Pangwaglit sa masalimuot na buhay ng lipunan.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 15, 2009, 5:39 pm

Malayo pa ang tatahakin tungkol sa usapin ng kabaklaan. Subalit ako ay nagagalak sapagkat unti-unti na silang nagkakaroon ng boses at lugar sa mundong ito.

Posted by Paquita at August 18, 2009, 12:44 pm

Bawat tao naman ay may karapatan.

Hwag mag-aalala ang tropang BAKLA, naghihintay lang ang bahaghari..isang paraiso para sa mga espesyal na tao.

Subalit, ang kantang Nagmahal ng Becky…ay kinukondena ng CBCP..bakit kaya?

Posted by kayumanggingdamdamin at August 18, 2009, 6:03 pm

aba parang may pinagtatangol si Mr kulisap, well walang bakla sa mundo, mga bonggang bongga lang talaga yung iba… hahaha
basta natatawa ko sa kanta na yun…

Posted by livingstain at August 20, 2009, 4:14 pm

Natawa naman ako don.

Binigyan ko lamang ng puwang ang mga taong napakaligayang tingnan pero sa kaibuturan ay may kalungkutan din, may kakulangang sa atin lang din naman pwedeng matagpuan.

Pwede akong Bakla, pwede rin akong lalake o babae, dahil ako ay tutugon sa pangangailangang pwedeng kung maibigay..walang kasarian ang pagiging tao.

Nagtatanggol ba ulit…hahaha

Posted by kayumanggingdamdamin at August 20, 2009, 5:27 pm

Mantsa o Livingstain, ako man ay kakampihan si Kulisap! Yay.

Ang ipagtanggol ang isang tao ay hindi nangangailangan na maging kauri siya nito.

Kaya, Mantsa, ibigay mo na sa akin ang pasalubong ko! Hehe.

Posted by Ax at August 20, 2009, 9:13 pm

kaya kasi nagkakaroon ng sterotyping o sa ibang paraan ay discriminating kasi tayo din mismo ang nagbibigay ng klasifikasyon sa isang bagay. totoo na iwas sa pagdami ng populasyon ang mga kabilang sa 3rd sex, totoong totoo yan, isang pulidong dahilan na may balance nature ang biosphere.

Posted by taympers at August 21, 2009, 2:51 pm

Salamat Palakol.

Nasa panig ako ng tama, kung mali, minsan kalaban.Pwede pero depende..hehehe.

Oo nga, ipamigay na ang pasalubong Mantsa. Nag Bora ka pala

Posted by kayumanggingdamdamin at August 21, 2009, 5:13 pm

ang pagiging bakla ay di naman kahihiyan basta nasa tamang lugar at pagdadala.kadalasan kasi, ang imahing ipinapakita ng mga bakla ay di maganda ngunit meron din namang maganda.bakit di nalang natin tingin ang birghter side nito?besides, masarap at kung minsan higit pa sa tunay na bababe ang pagmamahal na naibibigay ng isang bakla.Inaamin ko,mas masarap pa magmahal ang isang bakla.

Posted by Ibong maya at August 23, 2009, 6:32 am

Tama si Taympers at Maya, kaya naihahanay sa iba ang mga bakla dahil kapansin pansin sila sa karaniwang lalake.

Magkaganun man kaya nga sila bakla eh.

Habang tumatagal, ang kaisipang ibinibigay sa mga taong ito ay magagamit ng tama, kung nais niyang umani ng paggalang at respeto.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 23, 2009, 5:15 pm

Ang babae ay ginawa para sa lalake at ang lalake ay para sa babae,

Ngunit ang Bading ay ginawang regalo para sa Magulang at Pamilya…

may ibat ibang klaseng binabae/bakla may mga baklang kanto, baklang atiatihan at meron din mga baklang maituturing na disente at may marangal na hanapbuhay / pangarap na gustong abutin… ibat ibang uri ng pamumuhay ngunit iisang damdamin…

Sa mga bading na piniling maging regalo sa kanilang Magulang saludo ako sainyo… ngunit kailangan din nio bigyan ng halaga at kasiyahan ang inyong sarili…

Posted by BadongTagalog at August 23, 2009, 5:45 pm

pare pareho ang hilig ng mga bakla pero magkakaiba ang istilo ng piniling pamumuhay.
ang mga lalaki AY PARANG MGA DALIRI ng kamay,hindi man pareho ang haba,kapal,lambot,tigas,kulay at laki ng hugis ng daliri subalit iisa lamang ang dugo na dumadaloy sa lahat ng daliri… at ang msaasbi ko sa mga lalaki …..mayayabang at ipokrito
mangarap at mag ambisyon ka bakla upang taas noo mong haharapin ang mga mapanghusga,mapanglait at mapang aping mga lalaki.
saludo ako sa mga baklang umaani ng tagumpay at doon naman sa mga baklang nasa isang sulok… hindi pa huli ang lahat.

Posted by mukhang pera at August 23, 2009, 8:34 pm

Regalo, ito na ang pinakamagandang pang-uri na matatanggap ng isang bakla, Badong Tagalog.

Tama nga naman dahil maraming bakla ang nagsumikap, nagsusumikap para sa ikauunlad ng kanilang pamilya.

Mabuhay ka Badong Tagalog.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 24, 2009, 12:21 pm

Mapanghamon ang binitawang salita ni Mukhang Pera.

Mga pre, mayayabang at ipokrito. Oo may mga ganung lalake “daw” pero parang bakla
may mayabang at ipokrita din, dahil sila ay parehong tao, sumasabay sa hinihingi ng panahon at pagkakataon.

Magsumikap, tama yan kaibigan.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 24, 2009, 12:25 pm

padaan lang po, kala ko kasi may new post na…

Day II na sa Boracay adventure ko, halika pasyal na ulit tayo…

Posted by livingstain at August 25, 2009, 7:04 pm

Wala pang bago Mantsa, ito kasing utak ko bihira lang mag-isip. ‘yaan mo, pag nakondisyon ulit, titipa akong muli.

Bibisitahin ko yan.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 26, 2009, 8:17 am

yung mismong paglabel palang kasi natin, naglilead na sya sa discrimination. hindi lang sa isyu ng pagiging bakla o tomboy. sa mga babae at lalake palang. sinasabi ng lipunan na meron ng pagkakapantay-pantay, pero wala naman talaga. dahil hindi posible yun. sa teorya siguro, posible, pero sa oportunidad na natatanggap nila, wala. mas nagiging kumplikado pa nang naging marami ang ‘klasipikasyon’ ng kasarian. lumalim ang ’stereotyping’ at napaigting ang ‘prejudice.’ mahirap kasi ikontrol ang isip ng tao. kahit sabihin nating tinuturing natin ang kapwa nating kapantay natin, kung deep inside naman, hindi, wala rin. lalabas at lalabas yun.

anyway, haha (dami sinabi ;) ), lahat naman, may kakayahang makatulong sa lipunan, kung gugustuhin lang. respeto lang siguro ang sagot. ;)

Posted by bipolarsisa at August 29, 2009, 4:51 pm

Dati ang basa ko sa iyong ngalan ay BIPOLARSIA, lensyak na mata yan.

Balik tayo sa ating pinag-uusapan.

Sapagkat talagang sadyang magkaiba ang babae at lalake, sa anyo, pag-iisip at gawa.

Kukunin ko na lang ang huling salita mo.

RESPETO ang sagot. Napakainam niyan.

Hindi yan makukuha sa lahat ng tao pero kapag dumami mababalanse na siguro.

Posted by kayumanggingdamdamin at August 29, 2009, 5:29 pm

Minsan, maisip ko masyadong masakit sa tenga yung bakla, tomboy, bading, silahis, acheng. Siguro SGL na lang dapat — Same-Gender Lover

Posted by Den Relojo at September 21, 2009, 1:33 am

Kamusta Den?

SGL, bagong katawagan, nagbabagong bihis.

Ayos yan, sabi nga ng isang kaibigan- wala daw kasarian ang pag-ibig, tanging mata lamang ng tao ang sumusukat sa kaniyang nakikita.

Salamat sa pagdaan

Posted by kayumanggingdamdamin at September 21, 2009, 8:02 am

my gudniz my mga ganon pala sa historya… hindi ko yata nabasa yon, at natutuwa akong dito nalaman ang ilang kaalamang ikinubli sa akin ng kasaysayan… sobra naman ung kay alexander, hindi kasi natural ang pagluluksa ng maraming buwan lalo na sa isang kapwa lalake… malinaw yun…..

Posted by stain at October 19, 2009, 6:24 pm

Huli ka Stain, ibig sabihin hindi ka nagbabasa ng mga sinusulat ng mga ka-blogger mo, mapapahamak ka niyan.

May mga itinatagong salita o ayaw lang basahin.
Pag nangingimon, walang pupuntahan kungdi kapaitan ng buhay.

Posted by kayumanggingdamdamin at October 20, 2009, 7:03 am

Napakahusay ng artikulong ito.Ang masasabi ko lang po ay tayong mga nilalang ay walang karapatang humusga at manghusga ng kapuwa.Lalake ka man o babae pare-pareho lang tayo at iisa ang pinanggalingan.
Kung lalawakan lang natin ang ating mga pang-unawa ang bakla ay may puso’t damdamin din;hangga’t wala silang sinasagasaan dapat maging masaya tayo sa kanila dahil sila ang mga taong nagpapasaya sa atin kung tayo’y nalulumbay…aminin may mga kaibigan din kayong bakla.Ako madami at palagi akong masaya kapag kasama ko sila.

Posted by maldita at January 21, 2010, 2:46 pm

Karagdagan nga pala sa ating kaalaman…si Napoleon Bonaparte ay isa din daw Becky! Isa din siyang conqueror nung unang panahon.:-)

Posted by maldita at January 21, 2010, 2:49 pm

Oha, may trivia pa si Malditz.

Mahusay mong naipahayag ang iyong nasasaloob.

Paggalang at respeto lamang ang sagot diyan kaibigan.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 22, 2010, 7:56 am

“Pari: “Ang mga bakla ay walang lugar sa langit.”
Mga Bakla: “Ayos lang Father, doon na lang kami sa rainbow, magslide- slide” Yon naman pala eh.” -Jkul, -UMAMIN KA posted last August 12, 2009

Hahah! PaNaLo Toh!. Haha! But I tama nga: say parallel ang : pagiging “basagulero, sira-ulo, adik, at tambay” sa pagiging lalaki. at ang ” masinop, masipag, mapagmahal, at maaruga at maalalahanin” sa pagiging bakla.

Meron din namang basagulero, siraulo adik at tambay na bakla…

at meron ding mapagmahal maaruga at maalalahanin na lalaki.. kaya hindi nga dapat ipag tapat.. Bagkos tignan sila kung anung klaseng pagkatao ang meron sila, pero si Karing, bad n bakla yun! Mang agaw ba ng asawa ng may asawa?. Ampotah!

Posted by Esmina at February 3, 2010, 2:43 pm

Siguro nga.

Bago ka magtapon ng putik sa iyong kapwa, kainin mo muna ang putik na nakabalot sayo.

Maanghang. Mas maanghang. Pinakamaanghang.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 3, 2010, 5:45 pm

Success breeds success. (People who are successful find it easy to repeat their success)

Posted by Vibram at June 18, 2011, 11:26 am

Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

Kata Mutiara:

http://bestxbox360console.org/
http://applemacbookpromd313ll.org
http://alienwarem14x.org
http://angrybirdscollection.org
http://modscloth.info
http://memphiscaraudio.info
http://clarksshoesstore.info
http://cheapprinterstore.info
http://bakersshoesstore.info
http://babystrollersonline.info
http://acerstoreonline.info
http://aldoshoes.asustf201.org
http://springshoes.asustf201.org
http://cheaptiresonline.asustf201.org
http://tiresonlineshop.asustf201.org
http://samsungrefrigerator.asustf201.org
http://kenmorerefrigerator.asustf201.org
http://cheapbunkbeds.asustf201.org
http://cheapairsoftguns.asustf201.org
http://cheapbridesmaiddresses.asustf201.org
http://loweskitchencabinets.asustf201.org
http://loweshoursofoperation.asustf201.org
http://appliancepaint.asustf201.org
http://toyfoxterrier.asustf201.org
http://batteryjumpstarter.asustf201.org
http://pampersbabydry.asustf201.org/
http://kitchenaid.asustf201.org
http://kitchennightmares.asustf201.org
http://kitchencurtains.asustf201.org
http://moenkitchenfaucets.asustf201.org
http://outdoorkitchens.asustf201.org
http://ikeakitchencabinets.asustf201.org
http://brahminhandbags.asustf201.org
http://jessicasimpsonhandbagssale.asustf201.org
http://nicoleleehandbags.asustf201.org
http://tignanellohandbags.asustf201.org
http://michehandbags.asustf201.org
http://mcmhandbags.asustf201.org
http://furlahandbags.asustf201.org
http://tanohandbags.asustf201.org
http://keystoneautomotiveparts.asustf201.org
http://moogautomotiveparts.asustf201.org
http://headlightcleaner.asustf201.org
http://automotiveelectricalconnectors.asustf201.org
http://automotiveupholstery.asustf201.org
http://automotivemanufacturers.asustf201.org
http://toyangrybirds.asustf201.org
http://lannybarbie.asustf201.org
http://barbiecummings.asustf201.org
http://barbieelectronic.asustf201.org
http://spongebobsquarepantsonline.asustf201.org
http://hasbrotoyshop.asustf201.org
http://cribtent.asustf201.org
http://canvastents.asustf201.org
http://growtents.asustf201.org
http://backpackingtents.asustf201.org
http://walltents.asustf201.org
http://tentheater.asustf201.org

Rangkaian Bunga:

Florist diMedan !…Thank

Sepeda Motor Injeksi Irit Harga Terbaik Cuma Honda:

http://www.bawelohbawel.com/sepeda-motor-injeksi-irit-harga-terbaik-cuma-honda/

cam kapi:

cam kapi

medyum:

medyum

web tasarım:

web tasarım

bisnis online 2012:

Nice web..
http://seo4kontes.wordpress.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://bloggerseo.blog.com/bisnis-online-2012/
http://hanakres.pressku.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://4terindexdoogle.blogdetik.com/bisnis-online-2012
http://membuat1.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html
http://4tipsseo.wordpress.com/2012/01/25/bisnis-online-2012
http://bisnisemas.blog.com/bisnis-online-2012/
http://investasiku.pressku.com/bisnis-online-2012/
http://caraberbisnis.blogdetik.com/bisnis-online-2012/
http://investasi4syariah.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html

rental mobil murah jakarta:

rental mobil murah jakarta
http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

Info bisnis:

Great web, visit my blog:
http://bisnishana.com/usaha-bisnis-yang-menguntungkan http://bisnishana.com/program-investasi http://bisnishana.com/usaha-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/bisnis-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/jasa-adsense http://bisnishana.com/afiliasi http://bisnishana.com/bisnis-online-2012 http://bisnishana.com/peluang-usaha-baru http://bisnishana.com/jendela-usaha http://bisnishana.com/wira-usaha

badut:

blogwalking here…
please visit my site too. thanks

http://www.mitrabaitullah.com/
http://www.kopiluwakbandung.com/
http://www.jeparacrafters.com/
http://citraindah.biz/
http://sinergibisnis.com/
http://www.souvenirku182.blogspot.com/
http://www.kostumbadut.info/
http://www.cantikherbal.com/
http://tki-mandiri.com/
http://www.om-onny.net/
http://www.sinergibisnis.info/
http://www.om-onny.com/
http://hotnews.om-onny.com
http://allabout.om-onny.com
http://jasaseomurah.om-onny.com
http://pasangiklanbaris.om-onny.com
http://tokobunga.om-onny.com
http://kanvaslukis.om-onny.com
http://www.buzzwalker.com/
http://www.rotankita.com/
http://keishaflorist.com/
http://sinergibisnis.com/2011/09/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.net/2011/09/jasa-seo-murah.html
http://onny.i.ph/blogs/onny/2011/09/17/jasa-seo-murah/
http://onny2001.multiply.com/journal/item/1/Jasa_SEO_Murah
http://om-onny.tumblr.com/
http://onny.pbworks.com/w/page/44842364/FrontPage
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html
http://pasangiklanbaris.om-onny.com/2011/08/jasa-seo-murah_17.html
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-menghilangkan-stress-di-pagi-hari.html
http://hotnews.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://allabout.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://tokobunga.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://kanvaslukis.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://archuntagsmg.academia.edu/onnysupriyono
http://ki-dukun.blogspot.com/2011/07/jasa-seo-murah.html
http://jagoiklanbaris.om-onny.com/
http://jasaiklanbaris.om-onny.com/
http://juaraiklanbaris.om-onny.com/
http://jawaiklanbaris.om-onny.com/
http://blog.ub.ac.id/tephoz/2012/01/12/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.com/2011/07/jasa-optimasi-seo-murah-hanya-100-ribu.html
http://www.buzzwalker.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html

download murottal:

ok

hadits shahih:

nice blog

yuke:

nice blog!

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia
http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/puisi-ibu/
http://wemelt.com/harga-hp-blackberry/
http://wemelt.com/mivo-tv-online/
http://wemelt.com/kata-mutiara-cinta/
http://mutiara-bijak.blogspot.com/2012/01/kata-kata-mutiara-cinta.html
http://wemelt.com/tag/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/category/seo-contest/
http://wemelt.com/

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/

Rumah Dijual:

Rumah Dijual

Jual Beli Mobil Bekas:

Jual Beli Mobil Bekas

Grosir Baju Murah:

Grosir Baju Murah

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines