Akala ko malabo lamang ang aking mga mata pero bulag pala talaga ako, dati malinaw na malinaw ito, tila inaabot ng aking paningin ang hangganan ng langit, ang kailaliman ng dagat at kasukalan ng gubat, malayo ang nais marating ng aking paningin. Naghahanap ng hindi pa nakikita, malayang malaya akong naglalakbay sa aking paraiso.Sapagkat ako ay malayang kulisap.
Pagkatapos kong masaksihan sa telebisyon at mga lathalain ang pagpanaw ng dating Pangulong Corazon Aquino, para bang ako’y muling ibinalik sa aking kabataan, doon ko lamang siya nakilalang muli, kung saan isa na siyang kasaysayan. Sa dingding ng aming silid-aralan ay nakapaskil ang kaniyang larawan, sa ibaba ay nakalimbag ang kaniyang pangalan at titulo, hanggang doon lamang ang aking nalalaman.Bago ko gawin ang artikulong ito ay binasa ko pa sa Wikipedia ang talambuhay at mga ambag sa Pilipinas nina Gng. Corazon C. Aquino at G. Ferdinand E. Marcos, mga pinuno ng bansang nagmarka na sa kasaysayan at isipan ng bawat Pilipino. Hindi ko na iisa-isahin pa ang kanilang mga ambag, naging mabuti o masama man ang dulot nito sa pangkalahatan. Pagkatapos kong basahin, doon ko lamang sila nakilala at inunawa.
Sariwa pa ang sugat na naghihilom lamang kapag pantay na ang kanilang mga paa, sila ang mga taong biktama ng Batas Militar, may sugat na’y nakuha pang budburan ng asin ang nag-aantak na langib sa kanilang pagkatao, naging mapang-abuso at gahaman sa kapangyarihan ang mga nagpapatupad ng batas.Sinubok ng kapangyarihan ang kanilang pagkatao. Tunay ngang nagdudulot ng pagkabulag at pagkabingi ang kapangyarihan, ang tama ay mali at ang mali ay tama . Kung saan man sila dinala ng kanilang pangsariling hangarin, hindi ko na kaya pang saliksikin ngunit may ilan pang tubo na nababanaag magpasahanggang ngayon, lamang ay iba na ng kasuotan at gayak.
Pinaiiral sa bansang Pilipinas ang demokrasya. Para sa hindi ito alam, ito ay ang kapangyarihan ng tao o mamamayang makilahok sa pagpapatakbo ng pamahalaan anumang antas o uri ng pamumuhay, may kalayaan din ang mga taong gawin ang nais basta’t hindi nilalabag ang batas .Ito nga’t tuluyan ng nahimlay ang Aleng nakilala lamang natin sa simbolo niyang kulay dilaw, ang babaeng namuno sa pagbabalik ng demokrasiya sa ating bansang Pilipinas. Ngayon ko lamang siya napahalagahan… ah! siya pala si Cory.
Kung:
Nanatili ang Batas Militar, paano tayo magpapahayag ng saloobin na makisisiguro tayong ligtas ang ating katawang lupa. Magkagayon ma’y mayron pa ring magsusulat na dugo ang tinta ng kanilang pluma. Wala kang pwedeng gawin kundi tumungo at yakapin ang bulok na bangkay ng lipunan. Pwede ka ring mamundok at akyatin ang puno at kalabanin ang mga ligaw at mababangis na hayop, ngunit para sa aki’y mas maigi nang lapain ako ng mabangis na hayop kaysa sa paslangin ako ng kapuwa ko tao.
Nasa ating mga kamay ang demokrasyang ipinaglaban ng mga taong gustong maibalik ang kalayaan, gaano man ito katingkad, pumupusyaw din ito dahil gumagala pa rin ang mga makasariling layunin. Kapangyarihan laban sa kapangyarihan hindi ng isang nasyon kungdi ng iilang tao lamang. Batas militar man o demokratikong pamamaraan, walang bisa kung mas matimbang ang madilim na kapangyarihan.
Sapagkat kapag ang damdaming aba’y kinalinga, ramdam ang demokrasya.
paalam cory mamimiss kita
Posted by livingstain at August 7, 2009, 3:02 pmSi Corazon ay simpleng maybahay na naging pangulo ng bansang Pilipinas- ibinalik ang demokrasya sa bansa.
Maituturing na pinakamaimpluwensyang babae sa kasaysayan ng mundo.
Posted by kayumanggingdamdamin at August 7, 2009, 6:05 pmPara sa babaeng nakadamit ng dilaw, binigyan niya rin ng kulay ang ating kalayaan.
Nakakaantig ang kanyang SONA noong taong 1991. Nabasa mo na ba?
At ang Wikipedia, naaalala ko ang pagiging aktibo ko sa ensayklopedyang iyan.
Posted by Ax at August 7, 2009, 7:19 pmHindi ko pa nababasa ang kaniyang SONA, tiyak na babasahin ko iyan pero may mga ilang sulatin akong binalikan sa www.time.com, nang hiranging Woman of the Year ng Time Magazine ang pumanaw na pangulo.
Parang dumalo ako sa klase ng Araling Panlipunan ng magbasa ako sa Wikipedia
Posted by kayumanggingdamdamin at August 9, 2009, 9:28 amHindi pa ako tao noong panahon ng Martial Law at noong maluklok ang unang babaeng presidente ng ating bansa.
Hindi ganoon kalalim ang aking kaisipan at damdamin hinggil sa mga pangyayari noon…
Gayunman, sa mga dokumentaryo, sa mga larawan, sa mga kwento ng mga prop, sa inyong entri… Salamat, salamat po, Pang. Cory, sa inyong pamanang demokrasya.
Tayo - tayong mga naiwan niya - huwag nating dungisan at sayangin, bagkus ay pakaingatan at pakaalagaan ang dakila niyang pamanang ito.
Posted by xdalisayx at August 11, 2009, 7:42 pmAlingawngaw na lamang ng kapangyarihang pilit pa ring iniluluklok ang aking naabutan ng mga panahong ito.
Bagama’t kwento at kasaysayan na, ramdam pa rin ang iniwang bakas sa ating mga Pilipino.
Mas lumala, may humupa at mayrong umantak.
Posted by kayumanggingdamdamin at August 12, 2009, 8:30 amthank you president cory salama
Posted by joshua at August 12, 2009, 4:28 pmJoshua,
Umaani talaga ng pasasalamat kapag ang tao ay gumawa ng mabuti.
Salamat sa pagdaan
Posted by kayumanggingdamdamin at August 13, 2009, 8:21 amkaibigan Unyo, kmsta. longtime!.. si LP to, sa penster. mabuti @nakita kita mula kay kaibigang NightCrawler.
ngayon, mababasa ko na muli ang mga kakaiba mong obra.. sanay, madalaw mo rin ako.
Posted by thelonelyplanet at October 17, 2009, 5:33 pmLP, kamusta pare.
Salamat sa iyong pagdalaw.
Salamat sa pagbabasa ng aking obra-maestra.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 19, 2009, 12:27 pm
Ang sabi nila, mas malaki ang hamon sa taong nasa kapangyarihan kaysa sa taong masalapi. Sapagkat dito nasusubok ang katatagan ng prinsipyo at tunay na saloobin o pagmamalasakit sa kapwa. Dito unang sinubok ang dalawang pangulong humulma sa ating kasaysayan. Dito sila nagkaiba. At dito rin nagsimulang mahati ang bayan.
Posted by Paquita at August 7, 2009, 1:09 pm