Ang Pilipinas ay isang isla ng mga isla na may maliliit na isla. Sa islang ito, maraming magagandang tanawin ang talaga namang magpapamangha sa nakakakita lalo na sa mga matang naghahanap ng kakaiba sa karaniwan.
Sabi nga, hwag tayong maging dayuhan sa sarili nating bayan. Galugarin natin ang Pilipinas bago ang ibang bansa. Bagama’t Pilipino pa rin ang mga makikita natin pero iba pa rin sa nakasanayan na ang ating mararanasan sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
Noong nakaraang linggo narating ko ang bayan ng mga malalambing nating kababayan ang Iloilo.Hiligaynon ang kanilang pangunahing wika, medyo nahirapan ako sa pakikipagtalastasan pero naramdaman ko naman ang kanilang mainit na pagtanggap. Ang siyudad ng Iloilo ay walang pinagkaiba sa Maynila, mga abalang manggagawa, sasakyang walang oras na bumabiyahe at mga kabikabilang lokasyon ng pasyalan.Makikita dito ang mga sinaunang simbahan, museo at mga unibersidad, malawak na taniman ng palay at mga iba pang produktong agrikultural na mayron din naman sa ibang lugar ng ating bansa pero sabi ko nga iba pa rin ito sa bagong paningin.
Ito ang paliparang pandaigdig ng Iloilo.
Ito naman ang matatanaw mula sa himpapawid, malawak na taniman ng iba’t ibang uri ng halamang ikinabubuhay nating mga Pinoy.Napagkagandang pagmasdan hindi ba?
Masarap din ang kanilang Piaya, ang aking almusal sa otel, ang mainit na sabaw ng batchoy Deco’s. Salamat sa aking nagsilbing interpreter na si Mr. Chad.
Nakatakim ka na ba ng mangga? Oo? Eh ang sadyain ang tanyag na mangga ng Guimaras? Pinakamatamis daw na mangga sa buong mundo. Sa totoo lang, lahat ng manggang hinog sa Pilipinas ay matamis pero ng matikman ko ang mangga ng Guimaras, ako na mismo ang magsasabi, iba ito sa pangkaraniwang manggang ating nabibili sa palengke. Parang gulaman sa lambot, iba ang tamis ng natural na asukal nito.
Ang Guimaras ay maliit na isla na natataniman ng iba’t ibang punongkahoy na nagbibigay lilim sa mga kapwa punong namumunga katulad ng mangga.
Ang malinaw na tubig-dagat sa Alibuhod, at ang masarap na lamang dagat. Talaga namang nakapawi ito ng pagod sa aming paggalugad sa isla ng Guimaras
Ito ang ulang ng Guimaras. P800.00 to 2,500.00 ang halaga nito sa merkado.
Ito naman ang tanawin sa baybayin ng dagat sa Alibuhod.
Ikaw naman ang magkwento tungkol sa iyong napasyalan na at nais pang puntahan.
Napakabata mo pa, marami ka pang oras.
Mas masarap magkwento kung mismong nasilayan o napuntahan mo ang isang lugar.
Oo, tama ka, nalibang nga ako at natuwa sa Kanlurang Bisayas.
Posted by kayumanggingdamdamin at July 4, 2009, 6:20 pmmas nami gid ang Iloilo eh kay pagmaghigugma,naku!champion,pati pangalan mo malimtan mo. gid. I miss my native town,Longlive Iloilo.Buti nama’t napadpad ang kulisap sa lugar ni maya.Sana nandodoon sya para marami ka pang matikman.
Posted by Ilonggo sa Kanunay at July 4, 2009, 10:59 pmnakapunta na ako sa sagada at sa anawangin. gusto ko pumunta ng vigan, ng bohol, sa mga isla sa magkabilang dulo ng Pilipinas.
pangarap ko ang sisirin ang dagat, ang akyatin ang bundok, ang makilala ang iba’t ibang tribo sa Pilipinas.
nais ko pang makilala ang aking tahanan!
Posted by Ax at July 5, 2009, 1:34 amPareho tayo ng gusto Ax,nais kong damhin ang dampi ng hangin sa Batanes habang nasa tuktok ng bundok, ang kweba sa Palawan, ang mga hindi pa nasasaling na karagatan ng Romblon, ang mga sinaunang bahay ng Ilocos.
Tikman ang iba’t ibang putahe ng Pilipinas na talaga namang napakayaman sa kultura at tradisyon.
Posted by kayumanggingdamdamin at July 5, 2009, 4:38 pmIlonggo sa Kanunay,
Dili me makasulod imo lengwahe, gamay lang pagkakaintindi ko pero ramdam ko ang pagyakap sa akin ng iyong Bayan.
Kung bibigyan pa ako ng pagkakataon, babalikan ko siya.Sana meron pa.
Salamat sa pagdapong muli kaibigan
Posted by kayumanggingdamdamin at July 5, 2009, 4:41 pmang mahal ng ulang nayun. nkakatakot pa itsura,hehe
Posted by hari ng sablay at July 5, 2009, 8:37 pmMapalad ka at narating mo ang isa sa mga magandang pulo sa ating bayan. Pangarap ko ring makapaglakad sa pinung buhangin sa babay-dagat nito at maligo sa malinaw na tubig-dagat.
Marahil ay nalinis na ang mga nalabing langis mula sa lumubog na sasakyang-dagat.
Posted by Ka Andoy at July 5, 2009, 9:39 pm@hari ng Sablay,
Oo, mahal pala talaga ang ulang.
Iba iba din pala ang barayti ng mga ulang. Ang sabi daang taon na daw na pa iktad iktad sa dagat ang ulang na yon kaya medyo may kamahalan na.
Ka Andoy,
Ayon sa aking nasaksihan, marahil nakabawi na ang Guimaras sa tumapong langis sa kanilang karagatan.
Tayo na at ating pagyamanin ang ating kalikasan.
Posted by Paquita at July 6, 2009, 1:03 pmPaquita,
Oo, pagyamanin at pangalagaan pa natin ang ating kalikasan.
Napakagandang pagmasdan ang mga likas na yamang bigay ng ating Diyos.
darating ang araw ay makakarating din ako diyan.
Posted by plaridel at July 12, 2009, 8:46 amAt sana marating ko din ang iyong narating na lugar Plaridel, lalo na ang Europa
Posted by kayumanggingdamdamin at July 13, 2009, 7:23 am
Sa mapa ko lang nakikilala ang mga lalawigan ng aking bayan…
Hay… nakalulungkot… Sinasabi kong mahal ko ang aking banwa, ngunit sa totoo lang, dayuhan ako rito, hindi ko ito gaanong kilala…
Maganda, maganda ang ating bansa… Ngunit sayang na sayang, di ko man lang masilayan ang dilag nito… Wala kasing pera… Huhu.
Anywayz. Wow, mukhang nag-enjoy talaga kayo sa inyong pagparoon sa Kanlurang Bisayas!
Posted by xdalisayx at July 4, 2009, 6:05 pm