DAHIL MALAYA KA
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!
Liriko ni Jose Corazon de Jesus
sa himig ni Constancio de Guzman
Sila ang ating mga ninuno. Pangarap din kaya nila ang humulagpos sa pananakop?
Malaya ka na nga bansang Pilipinas, sa kamay ng mga mapang-aping dayuhan. Ito ang ating mithiin bilang mamamayan ng Pilipinas. Sa dugong bumulwak sa ugat ng mga kayumangging bayani, nagkaroon tayo ng bansang maaaring angkinin at ipagmalaki. Higit pa diyan naging malaya tayo bilang tao o lipi. Dahil Malaya ka na;
Ito ang watawat ng Pilipinas,sinasagisag nito ang kalayaan. Igalang at mahalin ang ating watawat.
Malaya ka ng maging malaya sa paraang nais mong maging malaya.
naniniwala ako na ang hunyo dose o ang araw ng kalayaan ay hindi lang pagdiriwang para sa ating bansa. sa akin lang naman, nais ko rin ipagdiwang ang araw ng aking kalayaan. sa simpleng bagay. sa malayang pag-iisip. sa malayang gawin ang nais ko ng hindi ako pinipigilan ng aking ama, ng aking ina, ng lipunan. malayang umibig na hindi pinipigilan ng sarili kong puso, ng sarili kong kamalayan.
at sa bawat pagpatak ng araw na pinangalanang hunyo 12, ipagdiwang natin ang kasarinlan.
magandang artic!
Posted by Ax at June 14, 2009, 9:30 pmmalaya nga tayong sinasabi pero patuloy namang pinagsasamantalahan ng kasulukuyang nakaupo sa malakanyang at ng kanyang mga alipores. balak pa nilang baguhin ang saligang batas para maging malaya ang mga dayuhan na bilhin ang ating mga lupain. hay, buhay!
Posted by plaridel at June 15, 2009, 5:11 amPlaridel,
Yon na nga ang nakadurugo ng ating Pusong Pinoy plaridel, sila na inuluklok natin sa kapangyarihan ang nagpapahirap sa atin.
Ang nakakalungkot pa sila ay mga taong mataas ang pinag-aralan.
AX,
Magandang gawain at kaisipan yan. Dapat maging huwaran ka ng mga kapwa natin upang makaahon tayo sa pagkakakulong ng ating sarili, sa mga sinisiil na damdamin ay nag-uugat ang mga pagtataksil, pag-iimbot at pagkamuhi.
Kung tayo ay malaya, malilipad natin ang mga hangganan at kalawakan ng masaya at payapa.
Habang nakalugmok ang milyon-milyong Pilipino sa kahirapan ay hindi tayo lubos na malaya. Ang kalayaan ay nakapaloob sa ideya ng pagkakaroon ng hustisya at pagkakapantay-pantay sa karapatan ng bawat Pilipino
Posted by Salome at June 15, 2009, 2:52 pmgusto ko ang iyong isinulat.. “Kung tayo ay malaya, malilipad natin ang mga hangganan at kalawakan ng masaya at payapa.”
nawa’y ang bawat isa ay magkaroon ng pakpak na magsisimbulo ng kalayaan. at lahat tayo ay makalipad ng walang pabigat sa ating puso at damdamin.
Posted by Ax at June 16, 2009, 4:46 pmKaakibat ng pagiging malaya ang mas malaking responsibilidad. Kagaya ng pagbabalanse sa tama at mali. Ang pagtupad sa ating tungkulin bilang isang responsableng mamamayan. Samakatwid ang pagiging malaya sa mas malaking kahulugan nito ay nangangailangan ng malaking sakripisyo at pakikipaglaban.
Posted by Salome at June 17, 2009, 6:02 pmSana lang, ang ating mga kapwa Pilipino ay marunong makiramdam. Sana lang manaig ang pagiging makabayan natin para maitaguyod natin ang tinatawag na kalayaan.
Ito marahil ang pinaka-abusadong salita na ginagawa natin. kalayaan
Para kay AX ulit, may mga ibong buwitre kasing nag-aabang lamang ng pagsalakay sa nabubulok na nilang kalahi, sa halip na ilibing ay kakainin pa nila ito para sila ay maging malakas at umaasa sa paghihirap na nararanasan ng mga “bulok” na ibong iyon.
Posted by kayumanggingdamdamin at June 18, 2009, 7:01 pmhappy dad’s day to your dad, or if you are one, to you also!
Posted by Ax at June 20, 2009, 9:57 pmI agree with Salome. Absolute freedom cannot be achieved due to our limited physical/mental ability. This is the reason why laws are created to protect the humanity
from its own weaknesses and to preserve harmony.
Palab, ikaw ay muling nabuhay at pinalaya ang mga salitang bihirang itipa mula sa iyong kaisipan.
Salamat.
Posted by kayumanggingdamdamin at June 23, 2009, 5:51 pmSalamat sa iyong pagbati kaibigang Kulisap. Ako’y nangungulila sa iyong paglipad. Aking dinadalangin na ito’y bahagi lamang ng iyong paghahakot ng karanasan upang makita ang mundo sa ibang perspektibo. Sa iyong paglalayag baon mo ang pag-asang muling bubuhay sa tigang na lupa.
Posted by Palab at June 24, 2009, 5:37 pmTama Aling Palab, aking narating ang isang lokasyong nasa aking mga panaginip lamang ngunit sa hindi inaasahang paghaharap ay heto nga at ako ay makikipamuhay pansamantala dito sa Kanlurang Bisayas.
Nanabik akong pag-uusapan natin ang aking mga bagong karanasan. Sa aking pagbabalik
Posted by kayumanggingdamdamin at June 24, 2009, 6:46 pmalam nakadalaw na ako dito noon pa.
parang sa wikipedia na link yata?
Posted by Ax at June 25, 2009, 5:45 pmHindi ko alam kung nalink ako sa WIKIPEDIA.
Naku salamat sa panahong inuukol mo dito sa aking libangan.
Sadyang natututo ako sa iyong mga artikulo, sariling opinyon man o reaksiyon mula sa karanasan.
Mabuhay ka AX
Posted by kayumanggingdamdamin at June 30, 2009, 4:47 pmsalamat sa pag daan sa ebahay ko…
salamat sa post mo na nagpapakilala ng tunay na ugali ng makabayang Pilipino…
mabuhay ka!
Posted by livingstain at June 30, 2009, 5:20 pmSalamat sa iyong pagbabalik kaibigang Kulisap at iyong natagpuan ang daan pabalik sa ating bayan. Kuwento mo’y hitik ng magagandng karanasan at lumbay sa mga kaibigang naging bahagi sa maigsi mong pagbisita.
Posted by Palab at July 2, 2009, 12:51 pmIt takes some time to cultivate some friendship.
Posted by coach factory outlet at December 10, 2010, 10:26 am
Tama, ‘malaya’ na tayo!
Posted by xdalisayx at June 13, 2009, 9:54 pm