KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

PAGLALAYAG

June 4, 2009



Ayaw mo ng bumalik sa paaralan? Tinatamad ka o trip mo lang na hindi na muna mag-aral o ayaw mo na talaga?

 

Kung anuman ang iyong dahilan, igagalang ko ang iyong kapasyahan ngunit hayaan mo akong mangusap ng ilang mga salitang baka makapagpalinaw sa iyong kaisipan.

 

Alam mo bang nakatapos ako ng pag-aaral na hinog sa pilit? Una hindi ko kagustuhan ang kurso kong kinuha, bumagsak ako sa iksolarsyip na inihahain ng mga unibersidad katulad ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito na lang sana ang inaasahan ko upang kahit papaano hindi ako magiging pabigat sa aking pamilya na isang kahig isang tuka lamang ang pamumuhay, pero hindi pala ako matalinong bata gaya ng inaasahan ng mga taong nakakakilala sa akin. Merong mga unibersidad na hindi ko alam kung ano ang pamantayan sa pagpili ng mga mag-aaral, pakiwari ko madali lamang ang mga pagsusulit subalit bigo akong tumitingin sa listahan ng mga  nakapasa. Ah, alam ko na ang sagot, hindi pala ako malakas sa pamunuan o sadyang mapurol lamang talaga ang utak ko  na nagkukunyaring may laman.

 

Gustong gusto kong pumasok pero ang pinakamalaking problema ay wala kaming salapi na maipantutustos, ang aking mga kapatid ay may sarili na ring pamilya, nagpunta ako sa Maynila na walang nangangakong tutulungan ako sa aking pag-aaral sa kolehiyo.Alam ko naman na gusto rin nilang makatapos ako kahit hindi tahasang pinaparamdam. Salamat sa bahaging iyon, tahimik na pagsang-ayon ngunit naramdaman ng nangangarap kong ambisyon.

 

Nagpasa ako ng bio-data sa pagawaan ng mga sari saring produktong pangkalakal at pagkain ngunit nanlulumo akong umuwi dahil bigo ako, sumasagot naman ako sa mga tanong pero menor de edad daw ako. Hindi pala ganun kadaling makipagsapalaran sa Maynila.

 

Hindi naging madali sa akin ang pagtalab ng lala ng malaking bubuyog, nakaranas ako ng pang-aalipusta hindi man tahasan ngunit naramdaman ko na rin. Sa lalake ang kailangan daw ay 5’ 5”, may kaaya-ayang pagmumukha, don pa lang bagsak na  ako, marahil totoo nga dahil halos lahat ng kasabayan ko kutis Maynila, puntong Maynila, may porma at tindig na pang Maynila, bagong salta po ako mula sa kabundukan at isla, katunayan hindi ko nga alam kung ano ang lasa ng kanilang pagkain basta ang alam ko gusto kong magtrabaho don. Hindi naman kasalanan ng guwardiya na mapaalis ako sa linya kasi kitang kita nga naman na hindi ako matangkad, hindi ako guwapo, naglalakas lakasan lang ng loob ang meron ako. Siguro naawa ang guwardiya ng makita niya akong nakayakap sa poste, tinawag ulit ako at kinuha ang aking bio-data pero sa pahapyaw na pag-aaral sa akin ay bumagsak pa rin ang aking kinauwian. Akala siguro ng bubuyog na yan titigilan ko na siya, makaraan ang isang linggo ika- dalawa pa lang ng umaga, nakapila na ako para mag-aplay ulit pero sa ibang sangay, mabuti na lamang at may pagsusulit, nakapasa ako at natanggap din sa wakas, naiihi o natatae ang pakiramdam ko ‘non. Ako si Kulisap panglabing anim sa labing pitong natanggap.

Natatapos ang kontrata tuwing ikalimang buwan, magbabakasakaling muli sa ibang sangay na meron si Bubuyog, tapat na serbisyo at kahusayan sa paggawa ang aking puhunan. Salamat kay Ginoong Ramil na nanghikayat pa sa akin na mag-aral ako, lingid sa kaniya iyon talaga ang aking mithiin ang pumasok sa paaralan.

 

Trabaho sa umaga, aral sa gabi- hindi ito madaling gawain, nagmistula akong may etika (TB), kahol ng kahol sa trabaho at sa paaralan, pumapasok na malamala pa ang damit, dahil hindi agad natuyo, walang relos kung kayat nakakatulog ako sa pintuan ng Bubuyog,hindi ko alam kung anong oras na. Nanghihiram o nanghihingi ng pamasahe sa mga katrabaho at kaklase, hiram kung naibabalik ko, hingi kung di ko na naibalik, sana makita ko pa yong mga taong iyon para naman mapasalamatan ko sila. Naranasan ko ding mapalabas sa silid-aralan dahil hindi ako nakabayad ng matrikula, matulog sa sasakyan at muntik ng masapak dahil natuluan ko yata ng laway si Lolo sungit na nakikipagtextmate yata yon. Ang matulog sa silid aralan habang nagkaklase at maipahiya ng guro.

At higit sa lahat ang halos lumuhod na ako sa bisor na tanggapin ako dahil kung hindi titigil ako sa pag-aaral, nabigo ako pero hindi pwedeng hindi matupad ang aking pangarap. Mapangarapin ako.

 

Unting unting nalagas ang mga kaklase ko, ang iba ay sumuko, wala pa sa sangkapat ang natira at umakyat sa enteblado, kasama ako don. Hindi ko man napagtuunan ng masusi ang aking pag-aaral, ito ngayon ang bumubuhay sa akin.

 

May mga tao rin namang nagtatagumpay kahit na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sipag, tiyaga at determinasyon ang kanilang puhunan pero iba pa rin ang nakapag-aral, maraming benipisyo, tanging ikaw sa sarili mo mismo ang makapagsasabi na totoo nga dahil mararansan mo ito.

 

Pang Maalaala Mo Kaya na itong aking artikulo o pang Magpakailanman. Ibinabahagi ko lamang ang aking karanasan mga giliw na mambabasa, kwento mo rin ito, kwento ng mga tao sa paligid mo. Kung ikaw ay binibigyan ng pagkakataon para makamit ang edukasyon, pahalagahan mo sana ang bawat sandali nito.

 

Kung ikaw ay nangangarap, huwag mong pigilan. Ikaw ang magtatamasa niyan.

     

Posted by kayumanggingdamdamin at 6:08 pm | permalink

Previous Comments

Salamat po sa kwento ninyo. Nakakapukaw. Talagang naantig ako. Mahihirap ang inyong pinagdaanan. Natutuwa ako, sige, ilabas niyo lang ang inyong mga karanasan, ang inyong mga sulatin.

Ipadala nyo na kay Ate Charo o kay Mel Tiangco. Aabangan ko, aking panonoorin. Hehe. :)

Posted by xdalisayx at June 5, 2009, 4:51 pm

Akala ko mahirap na ‘yong pinagdaanan ko pero may mga taong hindi manlang nabiyayaan ng edukasyon.

Kalbaryo yon di ba?

Posted by kayumanggingdamdamin at June 5, 2009, 5:02 pm

Kung ano ka man ngayon ito ay utang mo sa iyong karanasan.
Ito ang nagpalalim ng iyong pagkatao.
Bagamat hindi mo narating ang rurok ng iyong katalinuhan ay nakamit mo naman ang
pinaka importanteng aral sa buhay.
Iyon ay ang pagtayo mo sa sariling mga paa habang patuloy na hinaharap ang hamon ng buhay na may yabang at pagmamalaki.

Posted by Paquita at June 5, 2009, 6:03 pm

Tama. Kalbaryo nga ‘yan. Naalala ko tuloy ang mga kwento ng aking Lola, siya kasi’y mababa ang naabot sa pag-aaral. Mahirap, mahirap daw talaga kapag walang pinag-aralan. Minamata ka dahil sa ika’y mangmang, walang alam na gawin, wala kang mukhang maiharap sa mga tao. Nililinlang ka, dinadaya ng marurunong. Subalit sa kanyang diskarte at likas na dunong at sa kanyang mga karanasan, naging matibay naman siya. At nagampanan naman niya ang kanyang tungkulin sa kanyang mga anak, isa na rito ang aking ina. Ang nanay ko at ang mga tiya - nakatuntong lahat sa kolehiyo. Akalain mo, wala siyang pinag-aralan, mahirap lang, pati Lolo ko, di rin mataas ang edukasyon - pero naigapang ang apat na anak.

Ehehe. Asus, kinuwento pa ang kasaysayan ng pamilya ko. Basta’t ang punto ko lang, tunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtatamo ng edukasyon, ng tagumpay.

Posted by xdalisayx at June 5, 2009, 6:14 pm

Hmmm. May nire-raise din pala kayo ritong isyu - tungkol sa Manila imperialism. Ang mga taga-Maynila talaga, sentro lang ay akala mo na kung sino. Totoo iyan, masaklap na katotohanan sa ating bayan. Kung makapangmata ng tinatawag na ‘promdi’ ay ganun-ganun na lang. Akala mo kung sinong nakatataas na tao.

Nakita ko lang sa internet (http://www.symbianize.com/showthread.php?t=33788):

This was forwarded by Ilonggo friends.
Let me share with you this message
from Senator Aquilino Pimentel, Jr:
(edited from mobile telephone text
language):

“Sakal, Sakali, Saklolo film should
rectify anti Visayan message. Lola to
yaya: ‘Bakit pinapalaki ninyong Bisaya
ang apo ko?’ Mom to yaya: Speak to kid
in Tagalog ‘para Pinoy’. Visayans are
not Filipinos?”

“Yes, in this movie the character of
Juday says that it is necessary to
speak Tagalog and not Bisaya “para
maging Pinoy”. This is racist and
discriminatory. Not fair to non-native
speakers of Tagalog. The movie implies
that the Bisaya are not Filipinos and
Binisaya is not a language spoken by
Filipinos.

“The scrptwriter, director, producer
and Juday should be disabused of their
anti-Bisaya sentiments. The Bisaya -
Cebuanos, Waray, Ilonggos, constitute a
very large segment of the Filipino
population and cannot be dismissed as
not Pinoy from decentralized Imperial
Manila.”

At saka, yung isyu sa isang aktres kamakailan tungkol sa Igorot… Ay naku talaga, tsk tsk.

Posted by xdalisayx at June 6, 2009, 4:17 pm

Natutunan ko ngayon na ang pisikal na kaanyuan kung hindi man katanggap tanggap sa iba ay dapat maging katanggap tanggap sa ating sarili mismo, kung papanatilihin nating mababa ang ating pagtingin sa ating sarili- mananatili tayong nakayuko at hindi marunong makiharap sa iba.

Ang mga taong hinaharap ang mga negatibong atribyut sa kaniyang sarili ay matapang at gumaganda sa paningin ng nakararami.

Ano ba dapat ang ikakahiya natin..gayong kapag tayo ay umuutot..parepareho lamang naman ng amoy

Posted by kayumanggingdamdamin at June 6, 2009, 5:50 pm

Salamat sa iyo Paquita,habang ako ay naglalayag, sinasamahan mo ako. Dati rati ay iilang kulay lamang ang nakikilala ng aking isipan subalit nadaragdagan ito habang nagpapalitan tayo ng mga karanasan.

Sa paglitaw mo sa aking buhay ay lalong nagiging malalim ang aking pagkatao.

Posted by kayumanggingdamdamin at June 6, 2009, 5:53 pm

Magandang araw kulisap.

Naalala mo pa ba ako?

Napakaganda ng kuwento mo at masarap mapakinggan na nakapagtapos ka ng pagaaral sa kabila ng napakaraming hirap na dinanas mo.

Nakalulungkot mang sabihin pero ako ay isang Under Graduate sa PUP.

Ewan ko at bgla n akong tinamad sa pag-aaral magmula ng magsitapos ang mga kaklase ko.

Sinubukan kong magaral uli pero sobrang kalungkutan lang ang aking nararamdaman sa tuwing nadaraanan ko ang mga lugar kung saan ko nakakasama ang mga dati kong kamagaral.

Napakababaw diba?

Pero mataas ang pagpapahalaga ko sa kaibigan.

Sa ngayon sa kabila ng pagiging di tapos ng pag-aaral ay nagkaroon naman ako ng isang mataas na posisyon sa kunpanyang aking pinapasukan.

Pero sa kabila nito. Ramdam ko sa araw araw na may kulang sa akin. At iyon ay ang pangarap kong makatapos ng pagaaral.

Plano kong sa susunod na taon ay makapagpatuloy ako at sana handa na ang aking puso sa kung anumang kalungkutang aking mararamdan uli pagyapak ng paa ko doon.

Sana maging matapang na ako. At sana bago pa man maging huli ang lahat, makatapos ako ng pagaaral.

Posted by Simpleng Pananaw at July 14, 2009, 10:55 pm

May mga pagkakataong kahit anong gawin natin ay nagiging hinog sa pilit- at kapag ganito mapakla ang lasa.

Hindi naman sinusukat sa edad ang pagpasok sa paaralan, kung ayaw mo ng ganitong kalakaran dahil ikaw ay nalulungkot lamang kapag binabalikan mo ang mga alaala kasama ang iyong kamag-aral, pwede kang mag-aral sa tinatawag na distance learning, may mga paaralang naghahandog niyan, baka sa PUP nga mayroon.

Mapalad ka dahil may mataas kang posisyon sa iyong kumpanya, dito kasi sa atin malaking isyu ang diploma pero talo iyan ng mga taong masigasig at matiisin.

Hindi kita nakakalimutan, SIMPLENG PANANAW

Posted by kayumanggingdamdamin at July 15, 2009, 7:39 am

na-inspire po ako sa iyong kwento..
sa mga taong me pagkakataon sa pag-aaral
pahalagahan nyo iyon,,
DAHIL nasa huli ang pagsisisi …hehehe
tama diba????..

Posted by raulin falcone,. hilongos,leyte at September 9, 2009, 4:41 pm

Hikayatin mo ang mga kapuwa kabataan mo Raulin.

Tama, nasa huli ang pagsisisi, habang nag-aaral, nag-iipon din naman ng kaibigan at karanasan.

Doon nagsisimula ang pagkakatuto.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 9, 2009, 5:38 pm

nabasa ko na to, pero magcocoment ako ngayon.
napakaswerte ko pala, oo nga wala akong bayad sa matrikula pro keylanman di ko naransan ang hirap na dinanas mo…naguilty tuloy akosa pinanggagawa ko, kulang pa pala ang medalyang binigay ko sa mga magulang ko para suklian ang pagsisikap nilang di kami mahirapan, ni minsan di ko naranasang magutomat makulangan ng pera.

hanga ako sayo kuya kulisap…. isa kang buhay na halimbawa na hadlang ang kahirapan sa tagumpay… and im glad nakilala kita.

Posted by aninipot at January 15, 2010, 2:51 pm

i mean,hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay…..hehe, typo na naman

Posted by aninipot at January 15, 2010, 2:53 pm

Wow, ang talino naman pala ni Aninipot. May medalya.

Karapatan ng bawat magulang na bigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak.

Hindi maiiwasan ang pagbubulakbol sa klase pero dapat suklian ng anak ang mga paghihirap at sakripisyong inilalaan ng mga magulang.

Magiging magulang din sila pagdating ng araw.

Oo, hadlang ang kahirapan para makamit ang tagumpay kung titigil ng mangarap ang mga mahihirap na katulad ko.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 16, 2010, 9:36 am

hindi matalino si aninipot…tsamba lang…hahaha

Posted by aninipot at January 18, 2010, 3:14 pm

It takes some time to cultivate some friendship.

Posted by coach factory outlet at December 10, 2010, 10:31 am

Learning is the eye of the mind.

Posted by Cheap Juicy Bags at December 21, 2010, 12:28 pm

Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

Kata Mutiara:

http://bestxbox360console.org/
http://applemacbookpromd313ll.org
http://alienwarem14x.org
http://angrybirdscollection.org
http://modscloth.info
http://memphiscaraudio.info
http://clarksshoesstore.info
http://cheapprinterstore.info
http://bakersshoesstore.info
http://babystrollersonline.info
http://acerstoreonline.info
http://aldoshoes.asustf201.org
http://springshoes.asustf201.org
http://cheaptiresonline.asustf201.org
http://tiresonlineshop.asustf201.org
http://samsungrefrigerator.asustf201.org
http://kenmorerefrigerator.asustf201.org
http://cheapbunkbeds.asustf201.org
http://cheapairsoftguns.asustf201.org
http://cheapbridesmaiddresses.asustf201.org
http://loweskitchencabinets.asustf201.org
http://loweshoursofoperation.asustf201.org
http://appliancepaint.asustf201.org
http://toyfoxterrier.asustf201.org
http://batteryjumpstarter.asustf201.org
http://pampersbabydry.asustf201.org/
http://kitchenaid.asustf201.org
http://kitchennightmares.asustf201.org
http://kitchencurtains.asustf201.org
http://moenkitchenfaucets.asustf201.org
http://outdoorkitchens.asustf201.org
http://ikeakitchencabinets.asustf201.org
http://brahminhandbags.asustf201.org
http://jessicasimpsonhandbagssale.asustf201.org
http://nicoleleehandbags.asustf201.org
http://tignanellohandbags.asustf201.org
http://michehandbags.asustf201.org
http://mcmhandbags.asustf201.org
http://furlahandbags.asustf201.org
http://tanohandbags.asustf201.org
http://keystoneautomotiveparts.asustf201.org
http://moogautomotiveparts.asustf201.org
http://headlightcleaner.asustf201.org
http://automotiveelectricalconnectors.asustf201.org
http://automotiveupholstery.asustf201.org
http://automotivemanufacturers.asustf201.org
http://toyangrybirds.asustf201.org
http://lannybarbie.asustf201.org
http://barbiecummings.asustf201.org
http://barbieelectronic.asustf201.org
http://spongebobsquarepantsonline.asustf201.org
http://hasbrotoyshop.asustf201.org
http://cribtent.asustf201.org
http://canvastents.asustf201.org
http://growtents.asustf201.org
http://backpackingtents.asustf201.org
http://walltents.asustf201.org
http://tentheater.asustf201.org

Rangkaian Bunga:

Florist diMedan !…Thank

Sepeda Motor Injeksi Irit Harga Terbaik Cuma Honda:

http://www.bawelohbawel.com/sepeda-motor-injeksi-irit-harga-terbaik-cuma-honda/

cam kapi:

cam kapi

medyum:

medyum

web tasarım:

web tasarım

bisnis online 2012:

Nice web..
http://seo4kontes.wordpress.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://bloggerseo.blog.com/bisnis-online-2012/
http://hanakres.pressku.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://4terindexdoogle.blogdetik.com/bisnis-online-2012
http://membuat1.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html
http://4tipsseo.wordpress.com/2012/01/25/bisnis-online-2012
http://bisnisemas.blog.com/bisnis-online-2012/
http://investasiku.pressku.com/bisnis-online-2012/
http://caraberbisnis.blogdetik.com/bisnis-online-2012/
http://investasi4syariah.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html

rental mobil murah jakarta:

rental mobil murah jakarta
http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

Info bisnis:

Great web, visit my blog:
http://bisnishana.com/usaha-bisnis-yang-menguntungkan http://bisnishana.com/program-investasi http://bisnishana.com/usaha-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/bisnis-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/jasa-adsense http://bisnishana.com/afiliasi http://bisnishana.com/bisnis-online-2012 http://bisnishana.com/peluang-usaha-baru http://bisnishana.com/jendela-usaha http://bisnishana.com/wira-usaha

badut:

blogwalking here…
please visit my site too. thanks

http://www.mitrabaitullah.com/
http://www.kopiluwakbandung.com/
http://www.jeparacrafters.com/
http://citraindah.biz/
http://sinergibisnis.com/
http://www.souvenirku182.blogspot.com/
http://www.kostumbadut.info/
http://www.cantikherbal.com/
http://tki-mandiri.com/
http://www.om-onny.net/
http://www.sinergibisnis.info/
http://www.om-onny.com/
http://hotnews.om-onny.com
http://allabout.om-onny.com
http://jasaseomurah.om-onny.com
http://pasangiklanbaris.om-onny.com
http://tokobunga.om-onny.com
http://kanvaslukis.om-onny.com
http://www.buzzwalker.com/
http://www.rotankita.com/
http://keishaflorist.com/
http://sinergibisnis.com/2011/09/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.net/2011/09/jasa-seo-murah.html
http://onny.i.ph/blogs/onny/2011/09/17/jasa-seo-murah/
http://onny2001.multiply.com/journal/item/1/Jasa_SEO_Murah
http://om-onny.tumblr.com/
http://onny.pbworks.com/w/page/44842364/FrontPage
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html
http://pasangiklanbaris.om-onny.com/2011/08/jasa-seo-murah_17.html
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-menghilangkan-stress-di-pagi-hari.html
http://hotnews.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://allabout.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://tokobunga.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://kanvaslukis.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://archuntagsmg.academia.edu/onnysupriyono
http://ki-dukun.blogspot.com/2011/07/jasa-seo-murah.html
http://jagoiklanbaris.om-onny.com/
http://jasaiklanbaris.om-onny.com/
http://juaraiklanbaris.om-onny.com/
http://jawaiklanbaris.om-onny.com/
http://blog.ub.ac.id/tephoz/2012/01/12/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.com/2011/07/jasa-optimasi-seo-murah-hanya-100-ribu.html
http://www.buzzwalker.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html

download murottal:

ok

hadits shahih:

nice blog

yuke:

nice blog!

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia
http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/puisi-ibu/
http://wemelt.com/harga-hp-blackberry/
http://wemelt.com/mivo-tv-online/
http://wemelt.com/kata-mutiara-cinta/
http://mutiara-bijak.blogspot.com/2012/01/kata-kata-mutiara-cinta.html
http://wemelt.com/tag/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/category/seo-contest/
http://wemelt.com/

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/

Rumah Dijual:

Rumah Dijual

Jual Beli Mobil Bekas:

Jual Beli Mobil Bekas

Grosir Baju Murah:

Grosir Baju Murah

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines