Higit pa sa Influenza A (H1N1) virus ang pagkalat ng sex videos na kinasasangkutan ng pinakagwapong tsinoy na si Dr. Hayden Kho. Isipin mo nga kaibigan kung itong si Dr. Hayden Kho ay isang ordinaryong mamamayang Pilipino, pagtutuunan ba siya ng pansin ng mga kataastaasang pinuno ng bansa at ng masa?
Si Dr. Hayden Kho na nasasangkot sa sex video scandals sa mga babae partikular na sa myembro ng showbiz industry
Si Kho ay sumisimbolo sa pagiging Adonis, pangarap ng maraming babae maging ang mga homosekswal, pati nga ang aking katrabahong si Mang Yer na may pamilya at mga anak ay nagbirong, handa siyang makipagtalik kay Kho- dahil aniya napakagwapo at magaling sa kama ang doktor.
Walang panalo sa sinuong nilang problema, ang ilang oras na ligaya ay katumbas ng habambuhay na impyerno, hanggang sa kamatayan ay hahabulin sila ng multong sila mismo ang gumawa.
Hindi masama ang magmahal at mag-alay ng sarili para sa taong ating iniibig. Ang pakikipagtalik ay isang gawain upang higit na maipadama natin na tayo ay iisa subalit kung ang mga pribadong sandali sa ating buhay ay kailangan pang irekord bilang libangan o koleksiyon— hindi pa lubos na katanggap tanggap sa Pilipinong kaisipan iyan lalo na at ipagkakalat pa ito, maraming murang isipan ang tiyak na maaapektuhan. Katunayan sa paligid namin, ang mga kabataan ay abalang nag-uumpukan upang panoorin ang eskandal ni Kho.
Sa kaniyang pisikal na kaanyuan, ito ba ay grasya o disgrasya?
Ano’t anupaman, laging ibinabalik at tinitingnan ang usaping pamilya sa bawat problemang kinasasangkutan ng ating lipunan. Masakit ito sa mga magulang na nagpakahirap upang mapalaki ang kanilang mga anak na may moral at dignidad.
Ngunit pakaisipin, kapag tayo ay nagkaroon na ng sariling pag-iisip, nagmula man tayo sa matino o wasak na pamilya, tayo pa rin ang may kapangyarihang magdesisyon kung ano ang ating nais sa buhay.
Isabatas ang nararapat kaugnay nang kasong ito. Turuan ng leksiyon ang salarin. Maibangon mang muli ang kanilang buhay, hindi na matatanggal ang mantsang sila mismo ang lumikha, tayo ay tao lamang…marupok at mahina ngunit may kakayahang mag-isip at maging responsableng indibidwal.
Sikat na naman ang Pilipinas, ‘yon nga lang sa pagiging masamang imahe ng ating bansa. Bawat Pinoy ay representante ng Pilipinas, at kung humusga ang ibang lahi, hindi lamang sa isa o ilang tao kundi tayong mga Pilipino. Nasasaktan ka ba?
Nung napanood ko iyong pagdinig sa Senado, aba, at kay gandang lalaki pala nitong si Dr. Hayden. At, ang talino pa, magaling magsalita, mahusay sumagot. Kaya naman, ang dami niyang babae. Pero, tsk tsk, sayang na sayang. Ang magagandang tao talaga, o - nakow, hindi mapigil-pigilan ang sarili.
Hinggil naman sa batas, asus, ngayon lang umaksyon ang magagaling nating mambubutas, este, mambabatas pala. Matagal na dapat iyang anti-porn bills ek-ek na iyan, sikat lang kasi ang mga taong involved ngayon, sumikat ang isyu, kaya ngayon lang sila kumikilos.
Posted by xdalisayx at June 2, 2009, 1:56 pmMahilig kasi tayong mga tao na tumingin sa pisikal na anyo, kapag ayos ang tindig, porma at hilatsa ng mukha–yon ang deskripsyon natin sa magandang nilalang.
Kapag maitim o madilim ang kulay ng balat, pandak, sarat ang ilong- mababang uri siya ng tao.
Posted by kayumanggingdamdamin at June 3, 2009, 12:29 pmTama kayo. Panlabas na anyo kasi ang unang nakikita. Biyaya ng Diyos ang magandang hitsura. Mapalad ka kung maganda ang disenyo Niya sa iyo, kung maganda ang mga naipasang genes sa iyo ng iyong magulang. Pero, mas kapuri-puri pa rin talaga iyong ‘kalooban’ ang maganda. Si Dr. Hayden na lang, magandang lalaki nga, matalino pa, pero kung anu-anong kalokohan, kaimoralan naman ang pinaggagagawa. Balewala ang panlabas na anyo - sapagkat maglalaho, lilipas at lilipas din iyan sa pagdaan ng panahon. Pero, ang busilak na kalooban, hindi.
Posted by xdalisayx at June 3, 2009, 3:37 pmSasang-ayunan mo ba ako kung sa paghahanap ng makakasama o makakasalamuha natin ibabandera natin na ” Hoy parekoy, maganda ang aking kalooban, ako na lang ang iyong pagtuunan ng pansin”, kahit na may deperensiya ang pisikal na kaanyuan..Pwede ba yon?
Posted by kayumanggingdamdamin at June 4, 2009, 12:45 pmIto nga po ang hirap, e, ang mga ‘hindi kagandahan’ ay hindi natin pinapansin, pinipintasan natin, iniiwasan, ating inaapi. Mapanghusga ang mga mata ng tao. Ito ay realidad ng buhay. Masaklap pero madali tayong mahusgahan sa kung ano ang nakikita sa labas.
Oo, masakit talaga pag may diperensya ka sa pisikal na kaanyuan. Samantalang ang ibang tao, kay gaganda, ang kinis ng balat, ang tikas ng tindig, kaakit-akit ang hubog ng katawan. Pero, alam naman natin na ang kagandahang panlabas na iyan ay lilipas.
Mas gusto ko pa rin ang taong mabuti ang ugali kahit na nga ba hindi siya kagandahan/kagwapuhan, kaysa taong maganda nga ang hitsura pero asal-hayop naman (naku, ‘asal-hayop’ talaga). Sasaktan lang ang damdamin mo ng taong ganyan. Alalahanin nyo na lang ang kanta ni Andrew E., humanap ka ng panget. May katwiran siya, hehe.
Hindi kailangang ibandera ang busilak na kalooban. Makikita ito sa kilos at gawa.
There is a margin, let go after a landscape has a heart, insisted the Chinese side is sincere.
Posted by coach stores at December 20, 2010, 9:57 amThis story is very useful. Really I like it. Thanks for sharing with us.*
Posted by Air Jordans at December 26, 2010, 9:30 am
This is not only a legal issue but a social concern as well. The strength of our character is measured by our judgment in this case. The problem not only lies in the absence of law that deals w/ this kind of scandal but a challenge in our values. In a society where morality and values are of little concern, it is our responsibility to strengthen it and live by it. We owe it to our children and to ourselves.
Posted by Paquita at June 1, 2009, 2:52 pm