“Kapag napawi na ang uhaw, sisigla kang muli. Umasa ka”
Pakiwari ko’y malapit ng maluoy ang bubot na bunga ng aking pag-asa.
Sinikap ko ring maghanap ngunit tila yata ako ay imbisibol sa mga mata
ng mapanuring Adan, maganda naman ako, may naipon ng pera, nakaseguridad na ang buhay,may bahay at lupa na, hindi ba nila nakikita ang limandaang pisong nakadikit sa aking noo?
Nagsumikap ako para magkaron ng magandang kinabukasan, mabait ang Diyos
tinupad nya ang mga hiling ko.
Ayos na sana ang lahat ngunit sa kaibuturan ng aking puso, may nawawalang sangkap
sa buhay ko, kung pwede ko nga lang ibalik ang kahapon, hindi sana ako malulumbay
ng ganito, ang mga kasing edad ko may mga pamilya na.
‘Nga pala ako si Espina, lampas na sa kalendaryo ang edad ilang taon na lang golden girl na ako, panganay sa sampung magkakapatid, dahil ang pamilyang pinagmulan ko ay dukha, nagsumikap ako para mabigyan ng maalwang pamumuhay ang aking pamilya.
Tatanggapin ko na sana ang alok na kasal ni Adan ngunit ‘di ko kayang iwan ang aking mga kapatid na umaasa pa sa akin, nalibang ako sa pag-aalaga ng aking mga pamangkin, hinamon din ako ng aking sariling kakayan sa trabaho kung kaya’t nakalimutan kong asikasuhin ang pansarili kong pangangailangan.
Gusto ko rin namang lumigaya, gusto ko rin namang matikman ang pagmamahal ni Adan. Ayaw ko ng maging tampulan ng tukso ng mga matatanda at mga katrabaho.
Subukan ko kayang pumunta sa gaybar, marahil ‘di mangingimi ang mga callboy na mag-alok ng aliw, desperada na ba ako? Baka pag-isipan ako ng masama ng mga nakakakilala sa akin. Minsan nga gusto ko ng isandal sa pader ang traysikel drayber, naramdaman ko ang kaniyang malagkit na pagnanasa at ang bumubukol niyang harap pero mas lumalagablab ang aking nararamdaman, kaya kong bilhin ang isang gabi niyang pamamasada pero babaeng Pilipina ako, nakakahiya ang ganung kapusukan, lulunok na lang ako, magpapantasya na lang hanggat kaya ko. Tiyak magagalit si ama ko.Anong petsa na?
Kung magiging makasarili ako, mas masarap mag-isa lalo na sa panahon ngayon, hawak
ko ang aking oras, walang asawang pwedeng manakit at walang anak na aasa pero iba na ngayon ang gusto ko, gusto kong magkaroon ng sariling akin.
Minsan naiisip ko tuloy ‘yong iba pinagbabawalang mag-asawa dahil ‘di pa nila kaya pero ako..ewan madamot na ang panahon.
Adan hanguin mo ako sa aking pagkapanglaw. Nauuhaw ako.
Mga kaibigan, payuhan natin si Espina ng kaniyang dapat gawin.
aling espina, tama po si aling paquita.. lawakan nyo po ang inyong network at wag mahiyang makipagsosyalisasyon sa mga kaibigan ng kaibigan. mag-isip ng mga activities na makakapagpalawak ng network.
sa totoo lang eh problema din namin yan ng aking mga kaibigan. noong aming kabataan hindi kami magkandaugaga sa dami ng mga kabaro ni adan na talaga namang pumipila sa amin.
ngayon — BOKYA.
hay.
Posted by AC at April 7, 2009, 4:00 pmgawin mo kung ano ang sa tingin mo ang mag papaligaya sa’yo, sa panahon ngayon walang nararating ang mga kimi..maraming lumilipas sa mga di kayang sumugal.
Posted by nieves at April 7, 2009, 7:21 pmAling Espina, ang masasabi ko sa iyo ay gumawa ka ng iyong pagpili ayon sa malalim na batayan. Huwag kang padadala sa bugso ng damdamin. Ito ay hawig ng kidlat na dagli-ang dumarating at gayun din ang pagyaon.
Posted by Ka Andoy at April 7, 2009, 9:23 pmSang-ayon ako sa mga komento nila.
Oo. Malungkot talaga ang mag-isa. Lalo pa’t nakikita mo ang ibang tao na kay saya, ang sweet-sweet sa isa’t isa, may kahati sila sa hapis at ligaya, hirap at ginhawa. Habang ikaw, walang kasama.
Kung may nakatakdang Adan para sa iyo, darating at darating iyon. Hintay ka lang. Huwag magpatukso, huwag magbalak at gumawa ng kung anu-anong saglit lamang ang ligayang ipararanas sa iyo. Mas maganda pa rin ang seryoso at pangmatagalang pakikipagrelasyon.
Kung di man siya dumating, oh, well, siguro ganoon talaga. May mga tao talagang itinadhanang mag-isa. Masakit, ngunit kailangang tanggapin. Ibaling mo na lang ang panahon at atensyon sa pamilya, kaibigan, kapwa, at sa Diyos.
Posted by xdalisayx at May 24, 2009, 5:22 pmmakakahanap ka din ng totoong tao.trust me.lolz
Posted by deyo at May 26, 2009, 2:00 pmtext me at this number 09066457904, i am carlos, type ko matured na girls.
Posted by carlos at March 7, 2010, 10:32 amNagustuhan ko ang topic na to. I’m turning 32, matuturing na din na matandang dalaga. Sobrang daming beses ko nang nasaktan sa kakasugal ko, pero I guess umabot na rin ako sa limitasyon. Hanggang dito na lang. Tinatanggap ko na na siguro nga, isa ako sa mga itinakdang mag isa. Feeling ko nga minsan isinumpa ako. Dahil sa lahat ng taong dumaan sa buhay ko, parang hindi ko naramdaman na isa man sa kanila minahal ako ng totoo. Ewan ko nga ba. Mabait naman ako, masayahin, really fun to be with and broadminded at hindi biased. Pero ewan, siguro minsan totoo ang kapalaran. Na minsan din, kahit anong gawin mo, hindi mo na ito mabago pa.
Totoo, walang gustong tumanda mag isa. Pero alangan namang ipagsiksikan mo ang sarili mo sa malupit na mundo. Alangang pilitin mong kunin ang hindi para sa yo. At alangang maghintay ka sa hindi na darating pa. Na share ko lang….
Posted by Solitaire Gurl at April 15, 2010, 10:49 am
Aling Espina, iyong alam mong mali noon siya palang tama ngayon. Si Adan ay darating sa tamang panahon. Habang naghihintay sa kanyang pagdating, buhayin mo ang iyong nightlife. Dumalo sa walang katapusang reunion ultimo Preschool reunion huwag palagpasin. Hindi magtatagal ay sasariwa din ang dahong naluoy ng panahon sa kanyang pagdating.
Posted by Paquita at April 7, 2009, 12:54 pm