Bawat kilos mo ngayon pwede nang mapanood online, wala ka ng pwedeng itago pa.
Kamakailan napabalita ang isang fashion designer na bumibili sa Duty Free at nakunan ng camera ang pagwawala nito, ganun din ang nangyari sa isang komedyanteng artista sa parking lot ng The Fort na nagbibitaw ng maaanghang na salita.
Tao lang tayo may damdaming nasasaktan, nagagalit at padalus dalos, ang kamalasan pa;ang mga taong ito ay kilala sa mundo ng sining, may trabahong maapektuhan dahil mababawasan ang mga tagasunod nila at tagatangkilik.
Ang aking punto sa usaping pakikipagkapuwa tao ay ang mga sumusunod:
a) Kung napipikon ka na, huminga ng malalim at pumikit, mag-isip ng magandang bagay na nangyari sayo, isiping matatapos din ‘yon.
b) “Madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao”, ikaw ay may sariling pagkakakilanlan at ganun din ang iba, matutong rumespeto at igalang ang pagkakaiba ng bawat nilalang.
c) Kung may naranasan akong pagkakamali o pagmamataas mula sa aking kapuwa, hindi ko ito sinasabayan, pagbibigyan ko ngunit kapag siya ay umabuso na, may karapatan din akong ipagtanggol ang aking sarili.
d) Matutong makinig at sumunod sa alituntunin, alalahanin ang GMRC, sayang ang itinuro ni nanay at tatay pati na rin ni Mam at Sir.
e) Kung alam mong maganda ka na at sa tingin mo ay ikaw ay Panginoon, hindi mo na kailangang ipamukha yan sa mga nakakakita. Kadalasan ang mga taong ganito, ang kanilang kinakawawa ay ‘yong mas mahina kaysa sa kanila. Sino ba namang Panginoon ang magpapatalo din sa Panginoon?
f) Kung gusto mong makuha ang paggalang at respeto, matuto ka rin nito.
Pakatandaan mas tumitimo sa isip ang isang pagkakamali kaysa sa kagandahang ginawa mo. Mahirap nang linisin ang nadumihan na, maaring kumintab ulit ngunit nag-iwan na ng marka at dungis. Hindi tayo anghel at walang nag-uutos sa ating maging anghel, lumugar sa tamang oras, sitwasyon at pagkakataon.
May kasabihan na kapag daw ang tubig ay tahimik, ito (ilog) ay malalim.
Posted by ka andoy at April 1, 2009, 10:06 pmAng tahimik na daloy ng tubig ay mapanganib, maaaring may mga patibong sa ilalim hindi katulad ng lagaslas na maingay na maaring magpahiwatig ng babala
Posted by kayumanggingdamdamin at April 21, 2009, 4:55 pmbtaw…hahaha
Posted by raulin falcone at September 9, 2009, 4:09 pmRaulin,
Natutuwa ka ba?
Ano ang iyong kasalukuyang nararamdaman habang binabasa mo.
Napraning ako sa komento mo.
Posted by kayumanggingdamdamin at September 9, 2009, 5:34 pm
Hindi nasusukat ang pagkatao sa panlabas na kaanyuan o sa kayamanang natamo. Bagkus ito ay napapahalagahan sa dami ng kaibigan at taong natulungan.
Posted by Paquita at March 25, 2009, 12:48 pm