Ang pagwawagi ni Barack Obama bilang pinuno ng Estados Unidos ay bumuwag sa kasaysayan ng usaping pamahalaan sa nasabing bansa.Buong mundo ay naging saksi sa pangyayaring ito. Ang katunggaling si McCain na naglatag din ng magandang panukala para sa higit na ikabubuti ng bansa ay tinanggap ng maluwalhati ang kaniyang pagkatalo.
Wala pang 24 oras, nalaman na kung sino ang nagwagi, mabilis at naniniwala akong malinis ang mga pangyayari..walang bahid ng pandaraya, hindi yata uso yon don, dito lang sa Pinas talamak yan.
Isa lamang pagpapatunay na ang utak ay walang pinipiling kulay, kasarian, lahi at paniniwala, tanging matalinong pagpapasiya, tiyak na makukuha ang naisin.Hindi ang panlabas na kaanyuan ang magsisilbing sandata ni Obama upang harapin niya ang mga naghihintay na proyekto at programa sa White House. Ano man ang kahihinatnan ng pamumuno ni Obama, ito ay kaniyang tadhana na dapat harapin at panindigan. Ipinakita din sa halalang ito ang “ego” ng mga puti, inaasahang mas maraming kakampi kay McCain dahil ito ang lahi niya, samantalang si Obama ay hindi puro, may lahing itim at puti, kapag pinaghalo kayumanggi, hindi kaya isang Pinoy si Obama, patawa lang..huwag seryosohin.
Sana lang ang proyekto ng ating pamahalaang Pilipinas ukol sa pagpapabilis ng halalan sa 2010 ay maitulad na sa Estados Unidos, nakakapagod na ang bilangang inaabot ng halos isang taon, ang talong kandidato hindi matanggap ang kaniyang kinasadlakan, ipapabilang ang mga balotang itinago,papabotohin ang mga patay, gagapangin si Kapitan para magpamudmod ng pera isang araw bago magbotohan, papatayin ang ilaw sa kwarto ni Inang guro sa oras ng bilangan, ang tinta na nagsisilbing marka na animo’y kulangot sa hintuturo, ang manila paper na may guhit bakod-bakod, tally nga ba si Congressman, landslide ba si Gob.
Naiintindihan ko naman ang sentimyento ng mga kandidato, kapag hindi sila nanalo, aba katakot takot na pagbabayad yan, mamumuhunan ka muna bago ka maging pinuno ng pamahalaang Pilipinas, itataya mo ang iyong dignidad, isasanla mo ang iyong kalulwa, makuha lamang ang pinakamasarap na pwesto, ang maging buwaya.
Artista ka ba, pwede kang maging pinuno, basurero ka, pwede ka ring maging pinuno, walang pumipigil, kung makapal apog mo, pwede ka ng maglingkod sa Pilipinas. Pwede ka ng uminom ng mineral water at kumain ng tsokalate habang may session sa kongreso o sa senado…ayos na ayos, gagastos ka lang ng buwis ng mga kulisap…walang pumipigil, nakalulunod ang ligayang hatid ng may kapangyarihan, mapapasayaw ka..tintitiyak ko ‘yan.Upang bumangong higit ang iyong ngalan, ipagiba ulit ang kalye, sementuhan ulit, lagyan ng pangalan..ayos..may proyekto na si Mayor.
Huwag ka ng malungkot, naiintindihan kita, mataas lang talaga ang dunong nila kaysa sa mga kulisap na tulad natin.
PATALASTAS:
Registration Verification
Precinct Finder:
http://www.comelec.gov.ph/findprecinct_/findprecinct.aspx
sa mga HINDI pa rehistrado at dapat nang magpa-rehistro, narito ang registration schedule:
http://www.comelec.gov.ph/contreg_/2010_elections/schedule.html
sa left side bar matatagpuan ang menu para sa iba pang impormasyong inyong kakailanganin.
Salamat.
Masasabi nating tagumpay ang isang pamumuno kung bawat pamilya ay may pagkain sa mesa, nabibigyan ng edukasyon ang bawat bata at may trabaho ang bawat ama ng tahanan. Kinakailangang maging matibay ang pundasyon ng pamilya upang magkaroon ng isang matatag na lipunan, sapagkat dito nagmumula ang mga lider ng ating bansa
Posted by Paquita at December 9, 2008, 12:39 pmKung naniniwala ka pang may boses pa ang mamamayan, gagawin mo ang nararapat. Piliin ang karapatdapat na ihalal.
Maging mapanuri
Makakaahon ang isang bansa hindi dahil sa namumuno kundi sa pwersang manggagaling sa mamamayan nito.
Posted by kayumanggingdamdamin at February 27, 2009, 12:26 pmAquino- Galman, kahapon napalaya na ang sampung sangkot sa pagpatay kay dating Senador Benigno Aquino. Nagdulot ito ng iba’t ibang reaksiyon, kasiyahan, kalungkutan, pagkabigo at bagong pag-asa. Kasaysayan na ito sa Pilipinas, anumang kahinatnan- ang ugat nito ay ang pagiging Pinoy..marupok, malakas..makapangyarihan at TAO lamang
Posted by kayumanggingdamdamin at March 5, 2009, 12:41 pmang mainam lang ngayon ay ang tuwirang pkikialam ng mga kabataan sa pulitika. nag iisip muna bago bumoto, nag aaklas kung kailangan, at hindi magpapagamit sa mga trapo.
Posted by nieves at March 12, 2009, 2:57 pmNagsusumigasig na naman ang ating mga pinuno. Pakiwari ko’y mabangong mabango ang kapaligiran, pero ‘di maitatago ang alingasaw na kabulokan ng ilan, ang bantot pa rin.
Posted by kayumanggingdamdamin at March 23, 2009, 4:22 pmKakaparehistro ko lang po sa comelec nitong nakaraang linggo. Mga 60% raw po ata ng kabuuang bilang ng mga botante sa halalan sa susunod na taon ang kabataan. Malaking bahagdan. Mabigat ang papel na aming gagampanan. Hmmm.
Posted by xdalisayx at June 1, 2009, 10:50 pmMabigat na tungkulin nga yan, mabuti na lamang at ang mga impormasyong kailangan ninyong malaman tungkol sa isang botante at sa batas kaugnay na botohan ay madali nang matutukyan dito sa malawak na mundo ng web.
Kahit mga matatanda naman ay nahihirapan pero dahil ang mga pilipino ay emosyonal mas nangingibabaw ang puso pagdating sa halalan.
Posted by kayumanggingdamdamin at June 2, 2009, 12:29 pmDapat wala naman talaga akong pakialam sa sistema ng ating gobyerno pero hindi pwede. Pilipino ako, at kung sa aking mga salita ay may magbabasa at gagamitin itong armas, sige lang po.
Mga Pinuno, kailan ka ba magiging Pinuno?
Posted by kayumanggingdamdamin at June 30, 2009, 5:26 pm
Asahan mo kayumangging kulisap, ngayon pa lang 2009 mag-iikot muli ang mga pinuno natin, aalingasaw ang bango ng pangalan nila, marami na namang pipila sa libreng lugaw sa kanto. NFA RICE na nilaggyan ng sisiw..sarap.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 5, 2008, 3:58 pm