Huli kaw! Ano ang unang pumasok sa isip mo? Ano ang gagawin mo kung ang iyong boss ay nahuli kang nag-iinternet?
Mahigpit na ipinagbabawal sa trabaho ang paggamit ng internet lalo na kung ang hinahanap sa google o mga search engines ay personal o walang kinalaman sa trabaho.
Isa bang uri ito ng pandaraya o pagnanakaw? Bukas- palad ang impormasyong masasagap sa kompyuter, nandiyan ang mga games, pagdadownload ng mga usong kanta,update ng friendster,myspace,hotornot,manood ng sari saring palabas sa you tube, umaatikabong pakikipagchat at super duper marami pang iba. Lahat ng iyan panakaw na ginagawa. Ang mga sumusunod ay mga palatandaang ginagawa mo rin ang mga ginagawa ng mga Kulisap na tulad ko. Kung hindi mo mapigilan ang nangangati mong kamay, sundin ang ilang payo ni Kulisap.
Bawal ang hindi masaya sa Fish Philosophy. O, ayan…natawa ka rin ba?
Wala kang username and password sa internet? Alamin ang sa boss…sigurado meron..unlimited pa access mo
Posted by kayumanggingdamdamin at October 28, 2008, 12:43 pmdapat marami kang galamay para makakuha ng access sa internet. paganahin ang charm
Posted by maribubot at October 28, 2008, 6:02 pmMag-duty ng weekend ng wla sagabal. Maging attentive lang sa multo.
Posted by Salome at October 30, 2008, 12:20 pmManalangin na hindi pumasok ang boss upang mairaos ang pagsu surf sa net.
Posted by Lelang at October 30, 2008, 12:22 pmMagpa-assign sa area na ang katabi’y dingding upang matanaw ang paparating na boss.
Posted by Salome at October 30, 2008, 12:26 pmKung maaari’y maglagay ng alarm sa di kalayuan sa pwesto ng boss upang makapaghanda sa kanyang paglapit.
Posted by Salome at October 30, 2008, 12:27 pmMaglagay ng bakod sa palibot ng cubicle upang di gaanong matanaw ng boss ang ginagawang pagsu-surf.
Posted by Salome at October 30, 2008, 12:29 pmLagyan ng harang ang inyong pwesto, maaaring maglagay ng hubad na linya ng kuryente, ikabit lamang ang sign: HWAG LUMAPIT, KUNG AYAW MONG MATUSTA.
Tuloy ang ligaya
Lagyan ng unan kung maaari’y dalawang magkapatong ang upuan ng sa ganon ay abot tanaw ang paparating na boss.
Posted by Salome at October 30, 2008, 12:30 pmMag-aral ng yoga upang gumaan ang katawan ng sa ganoon ay madaling abutin ang cpu upang mag log out.
Posted by Salome at October 30, 2008, 12:32 pmMagtalaga ng isang officemate upang magbigay ng senyas sa iyo habang papalapit ang boss na walang awa sa nagi-internet na empleyado.
Posted by Salome at October 30, 2008, 12:35 pmNapansinko lamang Salome na tila yata marami kang nalalaman na mga teknik. Salamat sa iyong pagbabahagi.
Malaking tulong ito para sa ikauunlad ng ating buhay.
Asahan mong gagawin ko itong gabay sa pagtatanim ko ng halaman.
Siguraduhing nasa miting ang boss bago mag log in sa net. Makipagsabwatan sa Sekretarya upang malaman kung anong oras matatapos ang miting.
Posted by Salome at October 30, 2008, 3:54 pmWalang anuman kayumanggi, ako’y naniniwala na kasabay sa ating pag-unlad ang pagkakaroon ng mahusay na teknik sa pag-i-internet.
Posted by Salome at November 3, 2008, 12:29 pmO, tips pa lamang siguradong ganadong ganado na ang paglilibang, walang masama sa paglilinang ng kaalaman, lumugar lamang, upang di ka mapahamak.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 16, 2008, 5:06 pmMagtanim ng barb wire sa palibot ng cubicle upang walang makalapit na mang-iistorbo sa pagsu surf.
Posted by Salome at March 12, 2009, 5:54 pmMag-request ng laptop sa boss upang madala kahit saan. Masarp mag-internet sa banyo.
Posted by Salome at March 12, 2009, 5:56 pmO anonng saya ng pag-i-internet sa opisina, hindi ko ito ipagpapalit sa kahit na anong hobby.
Posted by Salome at March 12, 2009, 6:00 pmO kaya maghire ng mga bandido na haharang at mangangalaga at magtitingin ng paparating na boss.
Posted by KULISAP at March 12, 2009, 6:06 pmmaglagay ng patibong sa paligid ng workstation para walang makapipigil sa pagbabasa ng site na ito.
Posted by nieves at March 12, 2009, 6:26 pmMagtayo ng sariling kumpanya at bumili ng maraming pc.
Posted by Salome at March 13, 2009, 12:41 pmAhahaha. Natatawa talaga ako dito. Naalala ko nung hayskul, sa computer class ko. May pagka-vocational ang high school ko noon. Computer ang elective ko. Ganyang-ganyan din ang karanasan ko.
Ilang beses akong nahuli ng titser. Huli ka! Lagot… Ehehehe.
Posted by xdalisayx at July 31, 2009, 7:41 pm
Neck rotation ala Linda Blair sa pelikulang Exorcist o kaya
Posted by Salome at October 28, 2008, 12:38 pmmagkunyaring nag-hang ang tinatrabahong report sa excel kaya sabay log off.