KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

BUNTIS PO AKO NAY

October 27, 2008


Ang pagiging handa sa pagbubuntis ay malaking tulong sa nanay upang maging malusog ang kaniyang anak.

Sa panahon ngayon, maraming mga kabataang babae ang nagbubuntis sa kabila ng kanilang murang edad.

Sa paglobo ng populasyon nating mga Pinoy, ilang bahagdan/porsyento nito ay dulot ng maagang pagbubuntis.

ang kampanya ng simbahang Katoliko at ng ating gobyerno ay naglulunsad sa hindi malinaw na solusyon, tuwirang

nagkakaroon ng pagsalungat sa nais na mangyari tungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Naging bukas ang aking diwa sa usaping ito dahil sa isang dalagitang kapitbahay na nabuntis,kumbaga may

isang pruweba na pwedeng maging basehan at hindi haka haka lamang ang aking akda.Hinahangaan ko siya

sa kanyang katapangan na haharapin anuman ang idudulot ng kaniyang pagbubuntis sa kabila ng walang maayos

na pagpaplano.

Hindi kaila sa ating lahat na napakalaki ng epekto ng ating pamilya sa usaping ito. Ang ating mga magulang na

umaasa at nangangarap ng magandang bukas ay higit ang sakit na nararamdaman kung sa isang iglap ay mawawala

ang pangarap na iyon.Maiintindihan ba natin ang ating mga magulang kung sakaling itakwil nila tayo?

Nagtanong tanong ako upang maunawaan ko ng higit ang dahilan ng mga kabataang babae kung bakit sila ay maagang naging ina. Hindi ko isanama ang mga batang napagsamantalahan, hindi nila ito ginusto, ngunit hinahangaan ko ang kanilang katatagan kung bubuhayin nila ang bata, magiging sandata nila ito upang ipagpatuloy ang laban.Ano ano nga ba ang mga salik na nagbubunsod sa maagang pagbubuntis?

 

 

 

Di nga ba’t napakagandang handog mula sa Diyos ang isang anghel? Maibabalik mo ang papuri kung lalaki siyang isang mabuting tao. Ang larawan ay si Chase, ang aking inaanak kay Maribubot. 

 

  • Pamilya- ang pagkakatuto ng bata ay sa pamilya nagmumula. Kung mismo sa pamilya ay magulo at walang direksyong sinusunod,sobrang higpit o luwag sa pamamalakad, hindi pagbibigay ng karapatan sa anak na mailabas ang kaniyang saloobin. Kawalan ng suporta, oras at higit sa lahat ng pagmamahal ay inaasahang magdudulot sa anak ng pagrerebelde.
  • Kahirapan- sa isip ng bata, mas magiging maayos ang kaniyang buhay kung mag-aasawa na siya. Nang sa gayon ay matakasan niya ang kaniyang tanikalang hindi niya ginusto..
  • Kapaligiran- sa panahon ngayon mulat na mulat ang ating mundo sa kaalamang sekswal, nandiyan ang epekto dulot ng telebisyon, pelikula,babasahin at maging ang internet.Masarap ang idinudulot ng mga malalaswa di ba? Pipilitin nitong buhayin ang ating dugo, hindi na tayo mapipigilan,makamtan lang ang dulot na ligaya, lalo na kung sa pagpapaligaya ay kasama natin ang ating mapupusok na barkada. Hapon na ng malamang, nagdadalantao na pala.Biglang bumagsak ang malamig na yelo,ngunit tutunawin ito ng ating pangamba.
  • Pagbabago ng panahon-  bakit nga ba natin laging nililitanya na iba noon kesa sa ngayon.Pansinin sa murang edad,kaya ng ipaliwanag ng paslit kung ano ang ibig sabihin ng sex. Iba na ang pananaw nating mga Pinoy.Ang babaeng mahinhin at pino ang kilos ay napaghuhuli.Dumating ba ang puntong pinagtatawanan ka dahil birhen ka pa?
  • Global Warming- dahil sa pabago bagong klima kaya? May nag-aaral kaya tungkol dito? Malay natin,kaya tayo nagiging mapusok dahil sinasabayan lamang natin ang klima, mainit at malamig, malamig at mainit.
 

Ang pagbubuntis ay isang paraan upang ganap mong maunawaan ang kahulugan ng babae sa lipunan. Kung ikaw ay isa sa kabataang babae, gamitin mo ang iyong utak upang higit na maunawaan ang iyong sarili. Bilang ama at ina

tayo lamang ang susi para sa ikabubuti ng ating mga anak.

 

Posted by kayumanggingdamdamin at 8:32 am | permalink

Previous Comments

According to a recent study about global warming and its impact on humanity….It is being pointed out that the issue on global warming is rather an emotional issue and not scientific….If this is the findings, impulsiveness and carelessness among the youth can be attributed to that result….They might be contemplating of a dreadfully menacing future and thus, limiting them of a very bright future…

Posted by Paquita at October 27, 2008, 12:44 pm

Merong mga nagbubuntis na kabataang hindi nila ginusto, sila ay biktima ng karahasan at makasariling layunin ng laman.
Global Warming isyu, akalain mo nga naman pwede pang maging paktor yon sa maagang pagdadalantao ng mga kabataang babae.

Posted by kayumanggingdamdamin at October 28, 2008, 12:51 pm

Kung hindi na natin mapipigilan ang mga silakbo at tawag ng laman ng ating mga anak. Papaano tayo makakatulong sa kanila? Sa anong paraan natin sila kayang suportahan?

Posted by kayumanggingdamdamin at October 30, 2008, 12:45 pm

ahm..ndi maganda ang maagang pagbu2tis ng mga batang ba2e dhl nwa2la ang respe2 xau ng mga tao at bumaba2 ang tingin nla xau..kaya sna ang ibng kbataan wag 2mulad xa ibng maagang ngbu2tis…

Posted by angelica glean at November 14, 2008, 4:31 pm

Mahalaga ang respeto ng kapwa, dahil dito nadadagdan ang ating kumpiyansa sa sarili. Sa ibang bansa bukas sa usaping sekswal ang mga magulang at kanilang anak, ngunit ang “konserbatibong” bansa na katulad ng Pilipinas ay bata pa sa larangang ito, malayo pa ang ating lalakbayin.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 16, 2008, 4:33 pm

Pra Sakin Ang pagiging isang Ina ay pinghahandaan… dahil ito hindi birong desisyon ng isang babae…. Kung kaya dapat nting tignan ang mga posibleng epekto nito sa lahat ng bagay n pwedeng mangyari..

Posted by Felix at December 19, 2008, 11:59 am

dear ate charo,
ako po si annie marquez, 12 years old gusto ko po sanang humingi ng advice kung papaano mapipigilan ang aking pagkahilig sa makamunduhang bagay, kahit na gustong gusto ko.
inaasahan ko ang inyong sagot,,.

lubos na gumagalang,
ANNIE MARQUEZ

Posted by annie at January 7, 2009, 10:02 am

Mahal kong Annie,
Kamusta ka?
Hindi na nakapagtataka ang iyong isinangguni, maagang namulat ang iyong kamalayan tungkol sa usaping sekswal, pakikipagrelasyon at pakikihalubilo sa mga tao, ito ay normal na estado na pinagdadaanan ng isang kabataang tulad mo.
Ang pakikipagtalik o pagpapaligaya sa sarili ay isang responsibilidad at ating pananagutan bilang tao. Mas mainam kung mangyayari ito kung tayo ay nasa wastong gulang na at may kakayanang maging responsableng tao.
Subukan mong makipalahok sa isports,sa mga gawaing panlipunan na mahahasa ang iyong kakayanan bilang isang kabataang babae.
Naniniwala akong naka ukit ang disiplina at moral sa iyong pagkatao.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 8, 2009, 6:11 pm

Try to spend some time w/ your family. This will help divert your attention towards some impt matters. Family
bonding will remind you the importance of life and education above all else.

Posted by Paquita at January 8, 2009, 6:20 pm

pra s akin ang maagang pagbubuntis ay isang bgay n dpat iwasan dhil hindi mdali ang pagbubuntis lalo pa at hindi pa alam ng isang teenager ang mga reponsibilidad ng pagkakaroon isang pamilya….mag-isip muna bgo gumwa ng desisyong pagsisihan s bandang huli.

Posted by Marielle T. Corpuz at January 17, 2009, 9:33 am

Para sa mga Kabataan,
Pakiusap, tayo ay dumadaan sa krisis ng pananalapi,sana hwag muna nating isipin ang maagang pag-aasawa. Mas masarap na ma-enjoy mo muna ang pagiging single. Pinapangako ko na totoo yan.

Posted by KULISAP at February 5, 2009, 12:35 pm

MAGANDANG ARAW PO!

magtatanong lang po kami ng mga kabarkada ko kung anu po ang reaksyon nyo sa maagang pagaasawa ng mga kabataan… gimagawa po kc kmi ng research paper… anu-ano din po ba ang mga dahilan at epekto nito sa kanilang sarili, pamilya at sa bansa sa kabuuan…

salamat po…hihintayin po namin ngayon ang sagot nyo…

Posted by bagsakan 3.0 at March 6, 2009, 2:45 pm

Ang aking mga sagot ay:
Bilang nakatatanda at magulang, ang unang reaksyon ay kalungkutan, galit at takot.
May kaniya kaniyang dahilan, gaya ng aking artikulo, ang mga ilan don ay halimbawa ng mga dahilan ng maagang pag-aasawa.
Ang hindi kahandaan sa ganitong responsibilidad ay nagdudulot ng malaking problema maaaring maging pabaya silang magulang, walang magandang kinabukasan para sa mga anak at sa pamilya nila mismo.
Sa ating bansa, mas dadami ang populasyon dahil kapag mas bata ang mga magulang, mayron silang malusog na punla.
Bilang kabataan marami pa tayong gustong gawin sa buhay, maraming plano, kapag nagkaroon tayo ng asawa at anak, mahahati ang plano na yon at maaring hindi na matupad. Papayagan mo ba?

Posted by KULISAP at March 6, 2009, 6:23 pm

KARAMIHAN SA MGA NAG BUBUNTIS AY WALANG AMA AT LUMALAKI ANG BATA NA WALANG KINIKILALA NA AMA

Posted by RACHELL M.Basanez at March 10, 2009, 3:40 pm

hindi kaya sa sobrang open natin sa pagunawa sa mga kabataang nagbubuntis ng maaga eh nagkaka lakas loob na sila to try premarital sex.. anyway if and when they got pregnant e eventually tatanggapin din nman cla ng lipunan. may mga kabataan na sa kabutihan palad ay nagkakaroon ng direksyon ang buhay pero mas nkakarami p din ang lalong napapasama, depende na din cguro sa mga taong nkapaligid sa kanila. kung sa mga anak ko mangyari yan, di ko sila paghihintuin sa pag aaral, khit masakit bilang ina nila susuportahan ko nlang para pa din sa kinabukasan nila.

Posted by nieves at March 10, 2009, 5:56 pm

para sa akin di ko man napag handaan ang pagiging ina ko…sinikap kong gawin ang pagiging responsabling ina….at tangi ko lang nagawa di man sa sarili kundi sa mga kaibigan,katrabaho..kakilala ay ang mag bigay ng payo kung gaano kahirap maging biglaang ina…ang kailangan lang ng isang tao panindigan nya kung ano man ang naging resulta ng nagawa nya…kahit nadapa ka sa malalim na putikan andyan ang mga taong nagmamahal sayo para tulungan kang umahon para maituloy mo ang iyong magandang bukas na nakaligtaan dahil sa kapusukan…

Posted by lazel prades at March 11, 2009, 4:59 pm

To:Lazel

Ako ay pinahanga mo sa iyong katatagan. Nawa’y ipagpatuloy mo ang pagiging mabuting Ina sa iyong anak. Lagi mong isaisip na ang isang pagkatao ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi kung paano mo pinalaki ang iyong anak.

Posted by Salome at March 12, 2009, 1:08 pm

dear ate charo,
gusto ko po sanang humiling na kung pwede sana ay ulitin ang pagpapalabas ang istorya tungkol sa buhay ni vice ganda kasi po hindi ko po napanood.

nagmamahal,
geboy

Posted by genive at March 17, 2009, 8:42 pm

Kamusta Genive,
Hindi ako si Ate Charo (nakangiti), ako ay si Kulisap, maari kang tumawag sa Abs Cbn Hotline sa numerong 6324152272.

Sumasaiyo,
Kulisap

Posted by Kulisap at March 18, 2009, 12:33 pm

Hmmm… Marami po akong kilalang ganyan. Mga dating kaklase, kapitbahay, mga kamag-anak, anak ni Aling/Mang ganito, ganyan. Madalas na paksa ng mga tsismisan sa amin. Mga maagang nagdadalang-tao.

Napakababata pa nila. Mayroon pa nga akong narinig na 14 o 15 anyos lang ay nanganak na. Tsk, tsk, ang bata… Ano na ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Ang mga kaedad ko rito sa amin ay unti-unti nang nagkakabuntisan…

Hindi naman masama o mababa ang tingin ko sa mga kabataang maagang nagtatalik. Natatangay lang talaga sila ng kanilang mga damdamin. At, kulang sila sa gabay, edukasyon, o pinagkakaabalahan sa buhay kung kaya’t kung anu-ano ang nagagawa nila…

Sa mga magulang naman, oo’t masakit kapag nagkagayon ang kanilang mga anak. Pero sana, huwag nilang pabayaan ang mga ito. Sapagkat sa oras na iyon ay lalo silang kailangan ng kanilang mga anak. Tunay na nahahabag ako sa mga anak na itinatakwil at pinalalayas ng kanilang mga magulang, dahil sa kanilang nagawa na dulot ng mga salik na inyong nabanggit. Maganda po ang mga nailahad ninyong eksplanasyon sa maagang pagkakasubo ng mga kabataan sa seks. May katwiran silang lahat! :)

Posted by xdalisayx at May 22, 2009, 11:42 pm

At ang aking prinsesa ay nagbabalik sa mundo ng mga gagamba. Marahil tapos na ang iyong mga proyekto sa paaralan.

Bilang pagpupugay sa kabataang Pinoy, inaalam ko rin ang kanilang kalagayan lalo na at mga babae ang nasasangkot.

Posted by kayumanggingdamdamin at May 23, 2009, 2:35 pm

Being a mother is a wonderful gift from GOD.Having a beautiful angel in our lives is a precious stone that no one can take away from us.

Posted by glenz at September 8, 2009, 3:55 pm

Salamat sa pagdalaw Glenz. Napakaganda marahil ng iyong anghel.

Alagaan mo siya at palakihing napakagandang halimbawa ng isang maringal na Pilipina.

Posted by kayumanggingdamdamin at September 8, 2009, 5:41 pm

hay ang hirap ng pinag dadaan ko dahil ako ay isang buntis.hindi ko alam kung paano ko sisimulan o pag amin sa aking ,magulang na ako ay isang ganap na buntis.pero hindi ko to.tinatanggi dahil kaya ko namn palakihin ang aking anak.

Posted by cess at October 26, 2009, 8:07 pm

Magandang umaga Cess, yayakapin na lamang kita..hayaan mong sa espiritu ko’y maramdaman mong may kakampi ka kahit hindi tayo personal na magkakilala.

Nakakatakot sa una o minsa’y nakakahiya dahil ang pakiramdam natin ay nabigo natin ang mga pangarap ng ating mga magulang o kapamilya o mga taong inaasahan tayong tayo ay pwedeng maipagmalaki.

Kalimutan mo muna ang iyong sarili, ang pagtuunan mo ng pansin ay ang isang anghel na umaasa sayo ng lakas.

Bigyan mo siya ng pagkakataong masilayan ang kaniyang mundo, at gabayan mo siya ng iyong pagmamahal at pagkalinga.

Humanap ka ng tamang tyempo. Ihanda mo sila paunti-unti, dahil mas mainam ng nagsabi ka kaysa sa hindi.

Posted by kayumanggingdamdamin at October 27, 2009, 8:05 am

bilang isang kabataan… upang magkaroon tau ng isang maganda at maayos na kinabukasan… isa lang ang sikreto jan.. LOOK UNTO JESUS.. naccguro kong kung mamahalin mo ang LORD magka2roon ng direksyon ang buhay mo…
JOHN 8:12 ‘’Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan. ‘’

Posted by jhanina at November 12, 2009, 7:20 pm

Jhanina,

Salamat sayo, magandang balita na mayrong isang ikaw na tumatahak ng kaliwanagan, napakapalad ng iyong ina, ng iyong mga magulang.

Isang salita mo pa, para sa mga kapwa kabataan mo.

Mabuhay ka at salamat sa pagbabahagi mo ng oras dito sa aking bahay kubo.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 13, 2009, 7:40 am

Salamat sa PANGINOON dahil niloob NYANG makita ko ang site na ito…

Natu2wa po ako dahil e2 po yung topic na pinili ng teacher ko para po sa term paper na ga2win ko…

sa mga kapwa ko kabataan… habang maaga.. habang may panahon pa… isuko na natin ang ating buhay sa ating PANGINOONG DIYOS… Nais NYA na magkaroon tayo ng magandang kinabukasan… ng maayos na pamumuhay… na kapag nakamit na natin ang rurok ng tagumpay… sa KANYA natin ito iaalay at SYA ang una nating pasasalamatan…

anuman yung mga problema, hirap, sakit at mga pangya2ring mahirap tanggapin at di mo maunawaan bakit nangya2ri… wag kang mawawala ng pag-asa… dahil nangako SYANG ‘’DI NYA TAYO IIWAN NI PABA2YAAN MAN.-HEBREO 13:5′’… wag nating ta2kpan ng isa pang pagka2mali ang nauna nating pagka2mali dahil kailanman hidi ito naging solusyon sa ating mga problema.. ang PANGINOON lamang ang maka2pawi ng hirap at sakit, lungkot at pighati na dinaranas mo ngayon kung ha2yaan mong SYA ang kumilos sa buhay mo…

GOD BLESS YOU MORE!!!..

Posted by jhanina at November 16, 2009, 8:36 pm

Maraming maraming salamat Jhanina.

May mga kabataang mapapadpad dito sa aking mundo, sa mga salita mo ay alam kong may mga tao kang mahihipo, may mga taong uunawa sa iyong salita.

Mahalaga ang tiwala at paniniwala. Ito ang nagpapatibay sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga tao lalo na sa mga kabataang naliligaw ng landas.

Posted by kayumanggingdamdamin at November 17, 2009, 12:56 pm

AMEN po…=)

Posted by jhanina at November 18, 2009, 7:48 pm

sang-ayon ako,hanga din ako sa mga babaeng maaga nabuntis at nakayanan nilang panindigan at ipaglaban ang karapatan niya at ng anak. hindi biro yung panghuhusga ng ibang tao na kanilang matatanggap ha, lalo na nung mga hindi nakakaunawa.

dumarami na nga ang bilang ng mga teenage pregnancy, at tingin ko ito ang isa sa dahilan - “Dumating ba ang puntong pinagtatawanan ka dahil birhen ka pa?”..

sa mga nainterbyiu at nakausap ko, naging konklusyon ko na ang maagang pagdadalang tao ay isang “blessing in disguise” ng karamihan dahil ang pagkakataong iyon ang nagpabago sa kanila at nagtama pa ng direksiyon ng kanilang buhay.
:)

Posted by modernonglapis at December 4, 2009, 9:34 pm

pahabol - ang kyuut nung bata! akin na lang.hehe:D

Posted by modernonglapis at December 4, 2009, 9:37 pm

Maganda ang nangyari, nagdala ng positibong pananaw Mopis.

Lakas ng loob at tapang na harapin ang mga pagsubok, yan ang dapat kailangan ng mga kabataang babae para mapaglabanan ang mga kakaharaping suliranin na kaakibat ng kanilang sitwasyon.

Si Ethan Chase, naku hindi ipamimigay ng inang si Maribubot. Anghel niya yan.

Posted by kayumanggingdamdamin at December 5, 2009, 11:47 am

Pano nga ba magagamit ang utak kung tinutulak na yan palayo ng L? Haha. Mahirap talaga lalo na pag teenager.

Posted by Vajarl at February 4, 2010, 12:25 pm

Ang mga tinedyer kasi, mapusok talaga.

Mas gusto nilang makipagbonding sa mga kabarkada kaysa sa kanilang pamilya.

Palagay ko, dapat magtulungan ang mga nakatatanda at anak.

Huwag masyadong mahigpit, huwag rin namang sobrang maluwag.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 4, 2010, 12:59 pm

….,,,alam ko mahirap ang pinagdaanan ng mga maagang nabuntis??????? peo di niyo ba naisip na hindi kayo ganyan katatag kung hindi dumating sa buahy niyo yan!!!! marahil hindi kayo naging handa pero yan ang tumulong sa inyo para maging matatag kayo

Posted by hija at February 19, 2010, 1:49 pm

Pinapanigan kita hija sa katatagan ng isang batang babae (tinedyer) na kinaya niya ang hamong iyon sa yugto ng kaniyang buhay.

Pero aminin mo ma't sa hindi, hindi ba at may pagsisi din, kadalasan kapag nahimasmasan na at iniwan ng nakabuntis?

Huwag tayong mahiyang makipagkaibigan sa ating mga magulang o sa mga tagapagbantay natin.

Madalas na takot at pagrerebelde ang pinanlalaban natin sa kanila pero hindi maganda ang ibinubunga nito.

Salamat sa iyong komento.

Posted by kayumanggingdamdamin at February 20, 2010, 1:02 pm

tama ka jkulisap, noong panahon na ako ang dumaan sa ganyang sitwasyon, magulang at mga kapatid ko din ang umalalay sa akin…

at tama din na ang ganyang pagsubok ani ng asawa ko ang naging daan para magkaroon daw ng matuwid na daan ang kanyang buhay.

Posted by nieves at March 8, 2010, 10:49 am

may mga kabataan talaga na mas inuuna pa nila ang kanilang mga sariling kaligayahan kaya minsan di nila alam na sa ginagawa nila eh malaki na pala ang magiging epekto nun sa life nila… napaka dali lang naman para sa kanilang gawin yun… pero pag andyan na.. kaya na ba?????? dun palang nila naiisip yung epekto ng pagka buntis.. uhmft!!!! we have a choice naman eeh… nasa atin un f lyk natin db??? mas inuuna pa kasi nila ang puso kesa sa utak pero.. mas utak naman ang nag didikta sa puso db????

Posted by nhyl at June 3, 2010, 8:43 pm

sa akin po sa kabila ng dinaranas ko ngaun bilang isang maagang ina at nagstop ng pag-aaral ay d pa rin aq sumusuko na mangarap, gumagawa aq ng paraan upang makatapos muli ng pagaaral. kahit na ang mga tao sa paligid ko ay grabe kung humusga nilalakasan ko na lang ang loob q kasi alam kong may dahilan ang PANGINOON kung kaya’t ako ay maagang nabuntis, syempre masakit din sa amin n young moms ang sitwasyong i2 kasi may kaakibat na responsabilidad yung hamon n i2 kasabay n2 angg daming sacrifices na gagawin para sa mga anak nmin, 2lad ko mula hanggang gabi ang dami ko ginagawa, maglalab, luto, alaga ng baby, lahat, pero nagpapsalamat aq sa DIYOS na d p rin nya kmi pinapabayaan, ginagampanan ko talaga ang trabaho ko bilang isang ina sa anak ko kahit dumadating sa puntong nahihirapan n ako at walang handang makinig sa kin, gayunpaman natutuwa aq sapagkat kahit magisa lang aq at wala ang mga magulang ko sa tabi ko ay nagagawa ko nman ng tama ang mga bagay bagay, ang payo ko sa mga young moms n tulad ko, wag kayong tumigil na mangarap, dahil hindi hadlang ang maagang pag-aasawa o pagkakaroon ng anak sa pag-abot ng gusto nting marating. lakas ng loob at pananalig ang kailangan ntin kahit n mahirap tau o ano pa man walang mahirap o mayaman sa mata ng PANGINOON lagi nting tandaan yan,basta tau magsumikap ay pagpapalain nya tau at d pababayaan, para sa mga taong humusga nman sakin..balang araw maipapakita ko sa iinyo n hindi i2 hadlang upang makatapos aq, ngaun d p ko makapagaral ulit pero konti nlng makakamit ko na ang pangarap kong makatapos. nasasaktan aq dahil sobrang kahihiyan inabot ko pero kinakapalan ko nlng mukha ko dahil dun aq humuhugot ng lakas para humarap sa lahat. salamat po

Posted by kristina at June 29, 2010, 11:20 pm

Kristina, tama ang iyong ginawa.
Lilipas din ang panghahamak sa iyo ang mahalaga bumabangon ka para sa sarili mo at sa iyong anak.

Mabuhay ka. Magtapos ka ng pag-aaral ha?

Posted by J. Kulisap at July 12, 2010, 10:22 am

ang gnda ng blog na ‘to pti un mga koments c: nkka inspire un mga ibng teen moms . ü sbrang nkka relate aco s mga gantong topics ngaun , lalu na at preggy aco . mhrap man pero nlalakasan co pdn ang loob co :) kkayanin co ‘to dhl nannwla aco na wlang bnigay na pg subok ang Diyos kng hnd ntn ito kaya :)

Posted by larksssss at October 5, 2010, 10:03 pm

Magandang paksa, kulisap.

Maraming nabubuntis na kabataan dahil hindi masyadong natutugunan ang mas malalim pang kaalaman tungkol sa usaping seksuwal. Kahit ngayon, isa pa ring iniiwasang bagay sa Pilipinas itong bagay na ito, pero kung tatanggapin sana ng mga tao na pinakanormal lang itong bagay at kailangan maging “matured” tungkol sa bagay na ito…at siyempre kaalaman sa tamang paggamit ng kontrasepsiyon, matutugunan nang malaki itong problemang ito..

Posted by Shai at October 15, 2010, 5:50 pm

Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

Kata Mutiara:

http://bestxbox360console.org/
http://applemacbookpromd313ll.org
http://alienwarem14x.org
http://angrybirdscollection.org
http://modscloth.info
http://memphiscaraudio.info
http://clarksshoesstore.info
http://cheapprinterstore.info
http://bakersshoesstore.info
http://babystrollersonline.info
http://acerstoreonline.info
http://aldoshoes.asustf201.org
http://springshoes.asustf201.org
http://cheaptiresonline.asustf201.org
http://tiresonlineshop.asustf201.org
http://samsungrefrigerator.asustf201.org
http://kenmorerefrigerator.asustf201.org
http://cheapbunkbeds.asustf201.org
http://cheapairsoftguns.asustf201.org
http://cheapbridesmaiddresses.asustf201.org
http://loweskitchencabinets.asustf201.org
http://loweshoursofoperation.asustf201.org
http://appliancepaint.asustf201.org
http://toyfoxterrier.asustf201.org
http://batteryjumpstarter.asustf201.org
http://pampersbabydry.asustf201.org/
http://kitchenaid.asustf201.org
http://kitchennightmares.asustf201.org
http://kitchencurtains.asustf201.org
http://moenkitchenfaucets.asustf201.org
http://outdoorkitchens.asustf201.org
http://ikeakitchencabinets.asustf201.org
http://brahminhandbags.asustf201.org
http://jessicasimpsonhandbagssale.asustf201.org
http://nicoleleehandbags.asustf201.org
http://tignanellohandbags.asustf201.org
http://michehandbags.asustf201.org
http://mcmhandbags.asustf201.org
http://furlahandbags.asustf201.org
http://tanohandbags.asustf201.org
http://keystoneautomotiveparts.asustf201.org
http://moogautomotiveparts.asustf201.org
http://headlightcleaner.asustf201.org
http://automotiveelectricalconnectors.asustf201.org
http://automotiveupholstery.asustf201.org
http://automotivemanufacturers.asustf201.org
http://toyangrybirds.asustf201.org
http://lannybarbie.asustf201.org
http://barbiecummings.asustf201.org
http://barbieelectronic.asustf201.org
http://spongebobsquarepantsonline.asustf201.org
http://hasbrotoyshop.asustf201.org
http://cribtent.asustf201.org
http://canvastents.asustf201.org
http://growtents.asustf201.org
http://backpackingtents.asustf201.org
http://walltents.asustf201.org
http://tentheater.asustf201.org

Rangkaian Bunga:

Florist diMedan !…Thank

Sepeda Motor Injeksi Irit Harga Terbaik Cuma Honda:

http://www.bawelohbawel.com/sepeda-motor-injeksi-irit-harga-terbaik-cuma-honda/

cam kapi:

cam kapi

medyum:

medyum

web tasarım:

web tasarım

bisnis online 2012:

Nice web..
http://seo4kontes.wordpress.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://bloggerseo.blog.com/bisnis-online-2012/
http://hanakres.pressku.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://4terindexdoogle.blogdetik.com/bisnis-online-2012
http://membuat1.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html
http://4tipsseo.wordpress.com/2012/01/25/bisnis-online-2012
http://bisnisemas.blog.com/bisnis-online-2012/
http://investasiku.pressku.com/bisnis-online-2012/
http://caraberbisnis.blogdetik.com/bisnis-online-2012/
http://investasi4syariah.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html

rental mobil murah jakarta:

rental mobil murah jakarta
http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

Info bisnis:

Great web, visit my blog:
http://bisnishana.com/usaha-bisnis-yang-menguntungkan http://bisnishana.com/program-investasi http://bisnishana.com/usaha-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/bisnis-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/jasa-adsense http://bisnishana.com/afiliasi http://bisnishana.com/bisnis-online-2012 http://bisnishana.com/peluang-usaha-baru http://bisnishana.com/jendela-usaha http://bisnishana.com/wira-usaha

badut:

blogwalking here…
please visit my site too. thanks

http://www.mitrabaitullah.com/
http://www.kopiluwakbandung.com/
http://www.jeparacrafters.com/
http://citraindah.biz/
http://sinergibisnis.com/
http://www.souvenirku182.blogspot.com/
http://www.kostumbadut.info/
http://www.cantikherbal.com/
http://tki-mandiri.com/
http://www.om-onny.net/
http://www.sinergibisnis.info/
http://www.om-onny.com/
http://hotnews.om-onny.com
http://allabout.om-onny.com
http://jasaseomurah.om-onny.com
http://pasangiklanbaris.om-onny.com
http://tokobunga.om-onny.com
http://kanvaslukis.om-onny.com
http://www.buzzwalker.com/
http://www.rotankita.com/
http://keishaflorist.com/
http://sinergibisnis.com/2011/09/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.net/2011/09/jasa-seo-murah.html
http://onny.i.ph/blogs/onny/2011/09/17/jasa-seo-murah/
http://onny2001.multiply.com/journal/item/1/Jasa_SEO_Murah
http://om-onny.tumblr.com/
http://onny.pbworks.com/w/page/44842364/FrontPage
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html
http://pasangiklanbaris.om-onny.com/2011/08/jasa-seo-murah_17.html
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-menghilangkan-stress-di-pagi-hari.html
http://hotnews.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://allabout.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://tokobunga.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://kanvaslukis.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://archuntagsmg.academia.edu/onnysupriyono
http://ki-dukun.blogspot.com/2011/07/jasa-seo-murah.html
http://jagoiklanbaris.om-onny.com/
http://jasaiklanbaris.om-onny.com/
http://juaraiklanbaris.om-onny.com/
http://jawaiklanbaris.om-onny.com/
http://blog.ub.ac.id/tephoz/2012/01/12/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.com/2011/07/jasa-optimasi-seo-murah-hanya-100-ribu.html
http://www.buzzwalker.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html

download murottal:

ok

hadits shahih:

nice blog

yuke:

nice blog!

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia
http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/puisi-ibu/
http://wemelt.com/harga-hp-blackberry/
http://wemelt.com/mivo-tv-online/
http://wemelt.com/kata-mutiara-cinta/
http://mutiara-bijak.blogspot.com/2012/01/kata-kata-mutiara-cinta.html
http://wemelt.com/tag/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/category/seo-contest/
http://wemelt.com/

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/

Rumah Dijual:

Rumah Dijual

Jual Beli Mobil Bekas:

Jual Beli Mobil Bekas

Grosir Baju Murah:

Grosir Baju Murah

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines