BABALA: Ang espasyong ito sa internet ay akin. Pinagyayaman,hinahabihan ng mga mensaheng siyang laman ng aking
kayumangging puso,isip at pananaw.Walang sinuman ang pwedeng umangkin ng aking akda.Tataas ang iyong kilay,iinit ang puno ng tenga o magbibitiw ka ng masamang salita laban sa akin. Ayos lang, hindi ko naman alam, magsusulat ako dahil itong site na ito ay akin pero hindi kita pinagbabawalang magbasa, ito ang aking layunin-magbahagi at hindi ang maging makasarili.Kung ipagpapatuloy mo ang iyong pagbabasa, ito ang aking sabi. Malakas ang loob kong angkinin ang site ngunit hindi ko ito pag-aari, ito ay pag-aari ng may pusong dot.ph.
Likas sa tao ang umangkin, kakambal nito o kasingkahulugan nito ang pag-aari.Mainit na usapin ngayon ang Ancestral Domain o Namanang Pag-aari ng mga kapatid nating Muslim. May mga nagbubuwis ng buhay para lamang makamtan ang kanilang adhikain, karamihan sa kanila ay isa na lamang alaala, hilom na ang pilat pero sariwa pa rin ang sugat.May
mas nakalulumbay pa ba kung malaman mong ang ang mga batang musmos na pinipilit humabi ng pangarap ay biktima
ng nakakapagod na alitan.Nauunawaan ba ng kanilang murang isip ang nangyayari sa kanilang kapaligiran o isa lamang paghahanda upang maipagpatuloy ang laban.Ito ba ang kanilang layunin o destinasyon? Malalim na ang ugat ng hidwaang gobyerno at mga kapatid nating Muslim.Masahol pa sa musmos ang lawak ng aking kaalaman sa alitang ito,nakamulatan ko na dahil aking naririnig ngunit wala naman akong naiambag upang kahit papaano ay makatulong ako na maayos ang alitan, ikaw meron ka bang naibahagi?
Magkaganun pa man, nais kong iparating ang aking pananaw o iyo ring pananaw sa pamamagitan ng akdang ito.
Sino nga ba ang nagmamay-ari ng lupa, yaong may titulo,yaong naunang tumira at gumawa ng paraang mapagyaman ito? Ang lupa ay lupa na bago natin ito matapakan, walang agham na nakaimbento nito, ibig sabihin wala tayong karapatang ariin ito ngunit pwedeng angkinin. Sa pag-angkin, lahat ng nilalang pinapayagan subalit yaong may malawak na kaalaman ang kadalasang bida.Ang ating mithiin ay makasarili, ito ang ugat ng hidwaang mahirap lunasan.
Maraming nagnanais ng kapayapaan, mas masarap mabuhay sa idolohiyang ito ngunit ang buhay ay sadyang masalimuot. Tayong mga tao ay may karapatang mabuhay at responsibilidad natin ang ating kapwa.Sa iyong paglalakbay,dadalhin mo ang iyong gawa at ito ang magiging sukatan ng iyong pagkatao at kasaysayan sa lupa na
hindi mo ari ngunit hiram lamang.
The earth is a communal property…..Not a single soul should possess nor seize it, not until the dawn of exploration …….While it is known that it is human nature to acquire incessantly this does not justify the obsession of some men to own the world…….
Posted by Paquita at October 25, 2008, 5:41 pmKulisap…sa aking pagkakaupo sa tronong inangkin…
Tigib ng pasakit ang kinahinatnan….
Yaman ng mundo ay aking nakamtan…
Anupat nalimutan ang tamang daan….
Salome aking irog, nailigaw ka man
Daan ay muling balikan, alaala ng nakaraan
muling matatagpuan kung puso ang siang ilalaan
sa paghahanap ng tunay na kaligayahan.
Huwag mong hayaang talunin ka ng baluktot na katuwiran
Pagkat ang buhay ay malalim ang kahulugan ‘di lamang
pag-angkin ang dapat kalugdan.
O! Kulisap ang iyong kayamana’y ang pananalitang ubod
ng tamis….Bagama’t nalalapit na ang dapit-hapon ng aking buhay….Aking iwawagayway ang pananabik sa aking pagtugaygay sa daang anong tinik…… Sakbibi ng lungkot aking lilimutin..kung aking matatanaw ang liwanag mong handog..
Dapit hapon mo’y naghihintay na nga ba?
Anong gawa ang kailangan pang ihulma?
Upang sa gayo’y paglalakbay ay payapa
Darating sa destinasyong ubod ng pagsasaya
woops, pati po si Salome? May account din po siya rito?
Naku, medyo nagkukulang ang aking talasalitaan. Kailangan kong magtampisaw, ngunit dapat nga yata’y magpakalunod, muli sa panitikang malalalim ang pananalita. Salamat sa inyong mga akda.
Malaking tulong - dahil wala naman kaming library sa bahay.
Lumaki ako sa katimugang tagalog Prinsesa Dalisay kaya ang aking pangrehiyong wika ay tagalog ganun na rin ang kay Paquita.
Posted by kayumanggingdamdamin at May 29, 2009, 6:21 pmMagkaiba man ang libro at gawang batayan ukol sa paniniwala, hindi natin maikakailang tayong lahat ay TAO ayon sa paglalarawan.
Taong may PUSO, taong nag-iisip, kayang kumalinga at umunawa anuman ang nakagisnang paniniwala.
Eid’l Ftr, isang pagbati mula sa J.Kulisap.
Tayo nga ay magkakapatid
Posted by kayumanggingdamdamin at September 21, 2009, 4:12 pm
Idalangin natin sa Maykapal na mapagyaman pa nating higit ang lupang ating hiram. Diligin sana natin ito ng pawis ng dedikasyon huwag ang dugo ng galit na pumapatay sa pangarap ng mundo. Magka-isa tayong mga Pilipino
Mensahe ni Kulisap
Posted by kayumanggingdamdamin at October 25, 2008, 5:40 pm