Sa pandaigdigang krisis sa pananalapi na nararanasan natin ngayon, paano pa tayo magtitipid
kung wala ng matitipid? May isang artikulo akong nabasa na ang Pilipinas daw ay nanatiling kalmado
sa kabila ng nangyayari sa bansang Amerika kung saan ay biglang nagbago ang maayos na daloy
ng kanilang pananalapi.Kalmado o sanay na sa krisis? Ilang dekada na rin naman na gutom na gutom na ang Pilipinas.
Huwag mawalan ng pag-asa, habang humihinga ka, pwede pa tayong gumawa ng paraan. Ang mga sumusunod ay mga minumungakahi ni Kulisap. Tawagin natin itong Kulisap Tips
Hanggang sa muli. Sana makatulong sa inyo mga giliw na mambabasa.
May tama ka dian Pakita Makabayan. Disiplina sa sarili ang pairalin. Pwede tayong magsaya ng hindi gagastos ng malaki.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 25, 2008, 5:46 pmNawa’y hindi sumambulat ang isang ideya………Na ang pagtupad sa pangako ay isang pananagutang hindi maaaring taligdan…..Yaman ng tao ay sa pamilya nagmumula….at hindi sa materyal na bagay na masidhing kalungkutan lamang ang syang hatid….
Posted by Paquita at October 25, 2008, 6:06 pmMasarap din naman ang idinudulot ng materyal na bagay.
Ang “labis” ang nagpapasama sa tao.
Malapit na ang kapaskuhan, mag-isip isip muna bago mamili ng mga pang regalo sa ating mga inaanak. Siguraduhing makatutulong ito sa higit na pagpapaunlad ng kanilang kakayahan. Hindi kailangan ng sobrang mahal na regalo basta nanggaling sa puso, ayos na ayos na yon.
Posted by kayumanggingdamdamin at November 16, 2008, 4:38 pmHwag na masyadong gumastos para sa mga handa, ang importante may kaunting salu-salo sa hapag kainan ngayong noche buena at media noche. Mas masarap ang kainan kung buo tayong pamilya.
Posted by kayumanggingdamdamin at December 16, 2008, 5:38 pmBago bumili ng mga kagamitan, alamin kung ito ay luho lamang o talagang kailangan.Kaya nating labanan ang krisis
Posted by KULISAP at December 18, 2008, 8:39 amSince buying is oftentimes based on emotion. We should be able to control it and focus on the most important things.
Posted by Paquita at December 18, 2008, 12:59 pmNapansin mo bang malamig, hwag na munang gamiting ang aircon, kung ‘di ka naman madalas pagpawisan, hwag ng maligo, tipid sa tubig, sabon at shampoo, kukonti din ang labahin.
Posted by kayumanggingdamdamin at January 15, 2009, 5:38 pmHuwag dalasan ang pagpapalit ng damit pantulog. Gawing lingguhan ang pagpapalit nito ng sa ganon ay makatipid sa tubig at sabon.
Posted by Paquita at January 16, 2009, 12:11 pmHuwag magbukas ng telebisyon, makinood na lang sa telebisyong ng kapitbahay mo ng sa gayon ay makatipid sa kuryente.
Posted by Paquita at January 16, 2009, 6:09 pmMaraming kumpanya ang nagsasara, itinataon man sa pagkasadsad ng pananalapi sa buong mundo,hwag kang mag-alala Pinoy, dati na tayong sanay sa hirap.
Gawing normal ang pamumuhay
tama ka kulisap, ang pinoy kahit saang singit mo ilagay makakaahon, plibhasa nga mga sanay sa hirap at magaling gumawa ng paraan. ang mainit na kape gagawing sabaw saan ka pa.
masayahin kaya hindi nila masyadong iindahin ang paghihirap. isang labas lang ng bahay may kakwentuhan na mamukatmukat nila gabi na dba nakalipas ang meryenda naka tipid pa sa kuryente.
Para sa sa isang simpleng mamamayan na sumasang-ayon sa iba’t-ibang paraan ng pagtititipid. Nais kong ibahagi ang isang paraan na sa palagay ko’y angkop sa panahong ito. Upang mas maging malapit sa mga kaibigan at kamag-anak ating subukan ang paggamit ng Bayan wireless phone. Ito’y makakatulong sa ating pagtitipid at iwas gastos pagbili ng load maya’t-maya. Bukod sa walang patid na kwentuhan libre ang text kapag parehong BWL ang ginagamit. Para sa karagdagang impormasyon mag log on lamang sa www.bayan.com.ph
Posted by Paquita at March 26, 2009, 12:44 pmEhehehe. Paano nga naman tayo magtitipid kung walang matitipid? Kalmado tayong mga Pinoy sa krisis - kasi sanay na. Natawa ako sa mga banat nyong ito, G.Kulisap. Pati sa inyong mga tips - nakakatuwa, pero totoo ang mga iyan. Katuwa rin ang mga komento. Wais na mga tips!
Posted by xdalisayx at June 3, 2009, 5:09 pmoo nga pero kung mapapansin mo dalisay parang hindi naman nararamdaman ng mga Pinoy ang kahirapan, pansinin mo ang paligid puro mga otel at mga gusaling pamilihan ang itinatayo.
Mayayabang talaga tayong mga Pilipino, yan ang tingin ng mga dayuhan sa atin, naturingang mahirap na bansa pero naglipana ang naglalakihang pasyalan at pamilihan.
Posted by kayumanggingdamdamin at June 4, 2009, 12:43 pmTama, tama kayo, Sir Kulisap! Napakarami at naglalakihan ang mga malls, nakakalula! Panay ang pagpunta sa mga ‘to ng mga tao. Tapos, nauuso yung starbucks. Ang mamahal ng mga tinda rito! E, para lang naman shake o zagu yung tinda. Dinudumog ng tao kahit daan-daan ang halaga, habang yung ibang kapihan, nilalangaw. Ewan, naghihirap daw, tapos ang gaganda ng cell phone! Kahit magtataho, nangongolekta ng basura, tindera, syet, ganda ng yunit ng cp.
Panlima raw ang Pilipinas sa pinakagutom sa mundo. Subalit, tingnan na lang natin, puro pa-’sosyal’, puro porma, puro yabang tayo.
Posted by xdalisayx at June 4, 2009, 2:38 pmSiguro nakaugalian na natin na kapag medyo angat sa iba ang ating nalasahan, naranasan o kung anupaman, pakiramdam natin mas mataas ang ating antas sa lipunan.
Eh kung tutuusin parehong hangin lang naman ang ating nilalanghap.
Napakabaliko na ng ating kaisipan.
Posted by kayumanggingdamdamin at June 5, 2009, 5:55 pmhi, i like this topic..pero ung last tip nio po na sinabi,for me,HINDI TAMA..sa opinyon ko,bakit mo pag aaralin sa private school ung anak mo kung wala ka rin lang maitatabi sa sahod mo.ipasok ang anak dun sa school na kaya mo lang,para hindi magka utang utang..kasi kung lahat ng sahod mo napupunta sa school at food,panu pag emergency e, di walang madudukot?.. KAYABANGAN para sa akin ang parents na ganyan..
Posted by claire at July 31, 2009, 2:07 amBawat magulang ay may kanya-kanyang prioridad. Mayroong nag- i invest sa bahay at lupa. Mayroon namang nagi- invest sa mga materyal na bagay kagaya ng magagarang kotse,kagamitan o trip abroad at marami pang iba. Ang kahulugan ng pagiging magulang ay napapatunayan sa sakripisyong inilalaan ng mga magulang sa kanyang mga supling. Upang sa pagsapit ng dapithapon sa kanyang buhay ay masabi niyang, “What a job well done”!
Posted by Paquita at July 31, 2009, 12:56 pmIba iba ang antas ng pagmamahal at pagpapahalaga sa gantimapalang ipinagkaloob sa mag-asawa..ang kanilang mga anak. Kayamanan ito kapalit man ay sakripisyo o pagtitiis.
Kung kaya’t nakakalungkot isiping may mga anak na nakakalimutan ang kanilang mga magulang, may kasabihan ngang ang anak ay nakakalimot ngunit ang magulang ay hindi.
Posted by kayumanggingdamdamin at July 31, 2009, 1:05 pmPara kay Claire,
Salamat sa pagbibigay mo ng iyong opinyon.
Hindi tama para sa iyo, dahil iyon ang iyong paniniwala, maaari din namang tama para sa iba.
Ang panghuli kong sinabi ay maaring nakapagbigay ng maling interpretasyon pero gusto kong palawigin ang nais kung ipakahulugan sa aking tinurang iyan.
Gusto kong paghambingin ang paggastos sa mga materyal na bagay laban sa paggastos para sa pag-aaral ng mga bata.
Inararo mo ang aking utak doon, oo nga’t kailangan nating mag-ipon at huwag maging magastos kung wala naman pero ibang usapin na ang pagpapanggap na may pera sa wala.
Posted by kayumanggingdamdamin at July 31, 2009, 7:22 pm
Mahalagang pag-isipan ang mga plano, umpisahan sa pinaka-importanteng bagay hanggang sa hindi masyadong mahalaga….Sa ganitong paraan magkakaroon ng direksyon ang pamilya…..Dito nasusubok ang pagkakaisa at pagpapahalaga sa isa’t-isa…
Posted by Paquita at October 23, 2008, 1:03 pm