KAYUMANGGING DAMDAMIN

Pinoy, masarap, mahapdi, mababaw at malalim ang buhay.
Nakikibaka o umaani ka man ng tagumpay, ikaw ay Pilipino, may kayumangging damdamin.
Sa aking sulatin, lipi mo'y sinasalamin.-J.kULiSaP-

LIGAW PINOY

October 22, 2008

Ano ba ang iyong diskarte para masungkit ang matamis na OO ng iyong nililiyag? Bahay at lupa, kotse, alahas, bakasyon grande kahit saang lupalop ng mundo? Lahat ay iyong gagawin para lamang makuha ang iyong ninanais.Sukdulang ialay mo ang iyong kalulwa sa paniningalang pugad. Bulag nga ba ang pag-ibig, kung gayon bulag din nga ba ang tibok ng iyong puso? Sino ba ang matalino kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan? Lahat tayo pinalalasap ng maligalig ngunit kainamang pagpitik ng puso dahil sa tinatawag nilang pagsinta. Paano nga ba dumiskarte ang isang Pinoy?

            Mas trip ng babae ang sinusuyo, mas gusto nila yong pinupuri,sinasamba, pauulanan ng walang kamatayang maganda at sexy siya, kahit sa totoo lang amoy lupa na siya, in short isa siyang tikbalang. Kahit ano pa ang ating sabihin, sila ay babae na dapat lang nililigawan. Sino ba namang lalake ang ibig ay siya ang hahandugan ng bulaklak at tsokolate? Kung meron man sila ay iyong kapwa lalake din ang gustong makayakap sa dilim.

            Klasik na ang pagbibigay ng tsokolate at bulaklak. Kahit gaano kamahal o kabantot pa ng bulaklak kung ito naman ay nanggaling sa kaniyang manliligaw, ilalagay niya ito sa plorera para tumagal ang pagkasariwa, inaamoy- amoy habang nakapikit ang mata. Ang tsokolate naman ay ibibigay kunwari kay bunso at inay kasi ayaw masira ang pigyur na 24-34-no more. Kung ang manliligaw ay araw araw magbibigay ng tsokolate at bulaklak, malaking pamumuhunan na yan. Idagdag pa ang pagyayayang kumain sa labas at manood ng sine, maglibot sa mall at bilhin ang magustuhan, dyahe naman kung si binibini ang gagastos. Meron namang kelots na plastic, kahit buong barangay na ang kasama pero isa lang ang nililigawan, sige lang, napapangiting aso si kelots, sila yong may tendency na maghigante sa katagalan ng kanilang relasyon, tiyak singilang malaki yon, humanda ka binibini.

            Pogi points sa lalake kapag, inalalayan mo sa pag-akyat at pagbaba sa sasakyan, ihaharang ang sarili kapag tumatawid sa tawiran, yong tipong hindi dapat mahagingan ng hangin ang katawan ni binibini, ipagbubukas ng pinto,ipag-uusod ng upuan, dadalhin ang pink shoulder bag kahit bukol sa masel si binata, ang baduy, tila yata isang prinsesa ang pakiramdam ni binibini pag ganun. Naisip ko lang may kapansanan ba ang mga babae o sadya lamang plastik ang mga lalake?

            Napakaromantiko naman ng mga lalakeng naiguguhit ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng tula, awit o bersa, kornik ang dating nito pero ubod kilig naman ang hatid sa binibini, iipunin niya tiyak lahat ng alaala ng kakiligan, nandiyan ‘yong itago ang ginamit ng panyo,ginamit na condom, isang katerbang sulat na iisa lamang naman ang laman “ I love you” ako mahal mo din ba? “. Masarap balik balikan ang alaala ng lumipas, nagkukulay rosas ang pisngi, tumatawa ang mata, at nagiging sariwa ang natitigang na lupa sa mga babaeng napaglilipasan na ng panahon.

            Naubos mo din ba ang bulaklak ng Santan dahil lamang sa “ He loves me, he loves me not”? Uulit ulitin hanggat hindi nakukuha ang “ He loves me”, sabay talon at hiyaw ng YES. Ang mga rosas na inipit sa pagitan ng pahina ng libro,ginagawang unan bago matulog at sasambitin ang pangalan ng sinisinta. Ang pagsusulat sa Slum book, sasagot ka dito ng sino, kailan, ano ang first….lahat may first, kadalasang sagot ay SECRET. Ito ang diskarte ng Pinay tsiks, para hindi masyadong halata na trip niya ang boylet dadaanin na lang niya sa pagpapasulat sa Slum book. Sino ba namang hindi iikot ang tumbong kapag nakikita mo ang kunyaring galit na galit ka at isinusumpa mo kuno pero ang totoo “ the more you hate the more you love”  ang drama ng hitad. Hwag ka maingay, hanggang ngayon nakatago pa rin ang slum book ko, inaanay na pero masarap pa ring balikan.

            Kung nauso pa ang harana sa panahon mo, hindi nga ba at ang ganda ganda mo prinsesa ng Kumintang? Habang ikaw ay nakahiga sa katre, inaabangan mo na ang tunog ng kuwerdas ng gitara, dahan dahan kang babangon at sisilip sa siwang ng bintana upang masilayan mo ang iyong iniirog, hipid na hipid ang buhok na may pomada at babanat ng walang kamatayang liriko “ Dungawin mo hirang…ang nanambitan”, sisindihan ang tiringke, may ligayang hatid ang ilaw sa lampara, animoy nagbibigay ng pag-asa na masusungkit na ang matagal ng inaaba. Ilang binata ba ang nabuhusan ng ihi mula sa orinola ni lola Inta, hinabol ng taga ni Mang Kulas, nakaapak ng ebs at kinagat ni Bantay. Sa araw naman ay magsisibak ka ng kahoy, mag iigib ng tubig, lilinisan ang ekta-ektaryang lupain, kainamang hirap para lamang sa dalawang letra at marahang tango..OO

            Sa panahon ngayon ibang klase na ang diskarteng Pinoy, kadalasa’y babae na ang lumiligaw, minsan tinutukan pa ng balisong para lang masungkit ang OO. Hindi kaya karma ito sa mga ninuno natin na masyadong inalipin si Lolo.

 

            Paghihirapan mo ang isang kapirasong laman na iisa ang hiwa, laman na pinagsisimulan ng kasaysayan mo at kasaysayan ko. Ligaw Pinoy ka ba?

  

Posted by kayumanggingdamdamin at 6:08 pm | permalink

Previous Comments

ang galing nmn nakarelate nmn ako dun…lalo na ung part na slumbook, meron pako nun hanggang ngaun nakatagu pa din….Hndi na din uso ang mga ganyang ligwan ngaun…sa text plang ngkakaron na ang iba ng relasyon kahit hndi pa ngkikita at pag ngkita nman sila chukchakan nmn agd ang drama ng dalwang un…grabe na ang panahon ngaun sa susunod kayang henerasyon anong klaseng ligaw na ang mangyayari….????yan ang ating abangan….

Posted by Ligaya ang itawag mo sakin at October 23, 2008, 3:46 pm

Sa paglipas ng panahon baon ko ay alaala ng pagsintang
tunay…

Bagama’t kumupas na ang mga larawan….

Hindi napaparam ang luwalhating yaong sinta’y naigawad….

Posted by Paquita at October 23, 2008, 4:41 pm

Hindi nga ba at natitighaw ang pagsiphayo kapag ang init ng yakap ng iyong irog ay dumadampi sa iyong kalulwa.
Tanging puso lamang ang makapagsasabing,minsan sa buhay nati’y naglunoy tayo sa mamahikang pag-ibig.

-Kulisap-

Posted by KULISAP at October 23, 2008, 5:13 pm

Makabago na ang ating panahon ngayon Ligaya. Marami na ang mga paraang nagsusulputan pero sinisiguro ko sa iyo na init lamang ng puson ang kadalasa’y hatid ng panandaliang ligaya.
Marami pa rin ang nangangarap ng pagsasanib ng kalulwa na may kasamang pagsinta.

Init puso o puson?

Posted by kayumanggingdamdamin at October 25, 2008, 5:35 pm

Naranasan mo na bang maglaro ng taguan sa liwanag ng buwan? Magkatalikuran kayo ng iyong sinta ngunit sa iisang kubo nagkukubli?

Posted by Paquita at October 25, 2008, 6:48 pm

Makapangyarihan ang mahika ng liwanag ng buwan, tanging sa kakahuyan lamang makapagkukubli ang mga pusong nagsasambitan ng walang hanggang ligaya…ayos na sana ang lahat nasa rurok na ng pagsinta..subalit ang taya ng tagutaguan ay hadlang sa nakaw na sandali.

Posted by kayumanggingdamdamin at October 26, 2008, 5:11 pm

Sa bawat sandaling siya’y kaulayaw
Ano ba’t ligaya ay hindi maparam
Ako’y nangangarap na hindi umaraw
upang aking sinta ay aking kaulayaw.

Posted by Paquita at October 27, 2008, 1:02 pm

Taglay ay hiwaga at luwalhating tunay
Dala nitong buwan liwanag habang-buhay
Bagama’t umusbong at kapagdaka’y tumamlay
Alaala ng pagsintang minsan ay dumaan.

Posted by Paquita at October 28, 2008, 12:22 pm

Hwag kang mangamba aking Paquita
Susulyap na muli ang buwan ng pagsinta
Hintayin mo lamang ang makisig na binata
Muli kang itatakas upang maidambana
Pag-ibig niyang wagas iyong mapapala

Posted by kayumanggingdamdamin at October 28, 2008, 12:31 pm

Pagbilog ng buwan aking hinihintay
Sidhi ng pag-ibig ay pagsasaluhan
Umaalimpuyong damdamin hindi mapigilan
Anupa’t tilaok ng manok ang sa amin ay bumulong.

Posted by Paquita at October 28, 2008, 12:55 pm

Saksi ang baging at tuyong dahon sa maalab na halik
Huni ng ibon at kuliglig nagsisilbing awit sa umiibig
Kapagdakay napatda, araw ay munti ng sumisilip
Matatapos na nga ba ang luwalhating pag-ibig?

Posted by kayumanggingdamdamin at October 28, 2008, 12:59 pm

Pilit mang itago ang umusbong na araw
Tawag ng Ama ay hindi kayang pagtakpan
Umaasang irog sa nagdaang gabi
Muling magbabalik sa buwang nagkukubli.

Posted by Paquita at October 28, 2008, 5:59 pm

O giliw ating hilinging itigil ang alimpuyo ng hangin
Silakbo ng puso at alab ng mata kay ama’y payapain
Paano idudulog ang pag-ibig na kayang wasakin
Mahihintay ba kita irog ko pagdating ng takip-silim

Posted by kayumanggingdamdamin at October 30, 2008, 12:35 pm

Kahit anong unos hindi kayang sawayin
Pag-ibig na sa puso’y pilit itinanim
Ako’y maghihintay sa pagbilog ng buwan
Upang wagas na pagmamahalan ay maisakatuparan.

Posted by Paquita at October 30, 2008, 12:52 pm

Nakaktuwa naman at at the same time pag inisipsip mu lahat ito ay halos totoo, salamat sa post mo :)

Posted by Unblock Facebook at April 21, 2009, 3:31 pm

Walang anuman Unblock Facebook, sana maligaw ka ulit sa aking pugad. Salamat at ikaw ay nagalak sa aking akda

Posted by kayumanggingdamdamin at April 25, 2009, 2:20 pm

Aba, at talagang nag-tulaan kayo ni Paquita, a. Hehe. Naalaala ko tuloy sina Balagtas at Huseng Batute. Natutuwa ako na may mga tumutula nang ganito sa Internet. Noon kasi, nakakakita ako ng mga katagang ganito doon lamang sa mga librong naninilaw/nangungutim na ang mga dahon, punit-punit na, at minsan ay may ngatngat pa ng daga na galing pa sa mga baul ng Lola ko. Kay gandang balikan ang ganyang panulaan.

Posted by xdalisayx at May 27, 2009, 4:20 pm

Prinsesa si Paquita ay aking editor at kritiko sa aking mga akda. Siya ang unang bumabasa at nagrerepaso ng aking mga sulatin.

Kapares mo may kaniya kaniya tayong gusto. at ang tula ay isang paraan ng pagpapakita ng interes sa isang usapin, ito ay isang uri ng sining sa pakikipagtalastasan.

Posted by J.Kulisap at May 27, 2009, 6:05 pm

Galing nyo ngang tumula. Astig.

Matanong ko lamang. Si Paquita ay may account din po ba rito? Nakakalungkot, siya na nagkokomento at nagmemensahe rito sa inyo na malalim ding managalog gaya ninyo - walang link ang kanyang pangalan.

Grabe, nosebleed talaga ako sa wika ninyong dalawa. Kahit pa nga fil major ako, pero malalim talaga ang tagalog ninyo sa akin. Pag napapasyal nga ako rito sa sayt nyo, kailangan ko pa ng diksyunaryong fil sa aking tabi. Hehe.

Posted by xdalisayx at May 29, 2009, 4:56 pm

Siya ay isang ina at mahilig lamang siyang magkomento sa aking mga sulatin.

Ngunit walang siyang panahon para mamintina ang sayt kung sakali man.

Posted by kayumanggingdamdamin at May 29, 2009, 6:17 pm

Ang tagal na ng article na ito pero gusto ko lang balikan…
Meron din akong slumbook nung nasa H.S.p ako…tapos naalala ko pa pinapa-sagutan ko sa crush ko para makita ko kung sino ang isusulat niya sa who’s your crush na question…kahit alam ko naman na ako ang crush niya…jejeje…kilig moments diba?!

Posted by maldita at January 20, 2010, 2:22 pm

Kamusta Maldita?

Sige maghalungkat ka lamang sa mga nakasalansang artikulo. ‘Yong iba iniipis na pero isa lang ang sinisiguro ko sayo, pwede pang pakinabangan.

Nakakilig at nakakagat labi ang mga karanasan. Sa estado ng pagiging dalagita at binatilyo nagsisimula ang nag-aalimpuyong paghanga.

Posted by kayumanggingdamdamin at January 20, 2010, 2:29 pm

Haha kulisap, may halo yatang galit sa mga kababaihang mapansamantala ng kalalakihan itong akdang ito:D

Para sa akin, babae naman ako, isang malaking turn-off ang sobrang pagigigng maaalalahanin ng lalaki dahil halata naman kung kailan nila sinosobrahan para lang maka-pogi points. Ang pinakamaganda nilang gawin para makabingwit ng mga matitinong babae ay maging sarili lang nila. Kung hindi sila tatanggapin ng babae kahit totoo sila sa sarili…marahil hindi kayo para sa isa’t isa. Wala dapat plastikan:)

Posted by Shai at October 15, 2010, 5:58 pm

Magpaalam

Ang J.Kulisap

"HUWAG  MO NANG SABIHIN, IYO NA LAMANG GAWIN" -J.Kulisap-

--------------------------------------------------

Ako ay isang kyut noong ipinanganak ngunit may trahedyang nangyari, nasubsob ako sa ebs ng kalabaw,mula noon ako ay naging kulisap.

Tao daw ako sabi ni Inay,trabahador sabi ni bos,tagapagmahal sabi ni..hmmm..kapatid sabi ni ate at kuya, kaibigan sabi ni Paquita at ang tropa.Sa buhay natin kanya kanya tayo ng misyon,maswerte ang kulisap na liligaya din kahit sa salita lamang.Minsan ang salita'y nakalulunas ng napaparam na damdamin.Kaya ko kayang gamutin ang iyong karamdaman?

Ngayon ako ay magiging J.Kulisap na maghahatid ng samo't saring saya sa mundo.

Mapag-uusapan ang mga salitang inuulit ulit lamang,may paraan sa mga pagkamangha,ito ay ang magsaliksik,magtanong at magbasa. Ang buhay ng tao ay nakalatag sa mga salita.Pag-usapan natin sa espasyong ito.Pinoy nga ba ikaw Pilipino?

Ipahayag Mo

Kata Mutiara:

http://bestxbox360console.org/
http://applemacbookpromd313ll.org
http://alienwarem14x.org
http://angrybirdscollection.org
http://modscloth.info
http://memphiscaraudio.info
http://clarksshoesstore.info
http://cheapprinterstore.info
http://bakersshoesstore.info
http://babystrollersonline.info
http://acerstoreonline.info
http://aldoshoes.asustf201.org
http://springshoes.asustf201.org
http://cheaptiresonline.asustf201.org
http://tiresonlineshop.asustf201.org
http://samsungrefrigerator.asustf201.org
http://kenmorerefrigerator.asustf201.org
http://cheapbunkbeds.asustf201.org
http://cheapairsoftguns.asustf201.org
http://cheapbridesmaiddresses.asustf201.org
http://loweskitchencabinets.asustf201.org
http://loweshoursofoperation.asustf201.org
http://appliancepaint.asustf201.org
http://toyfoxterrier.asustf201.org
http://batteryjumpstarter.asustf201.org
http://pampersbabydry.asustf201.org/
http://kitchenaid.asustf201.org
http://kitchennightmares.asustf201.org
http://kitchencurtains.asustf201.org
http://moenkitchenfaucets.asustf201.org
http://outdoorkitchens.asustf201.org
http://ikeakitchencabinets.asustf201.org
http://brahminhandbags.asustf201.org
http://jessicasimpsonhandbagssale.asustf201.org
http://nicoleleehandbags.asustf201.org
http://tignanellohandbags.asustf201.org
http://michehandbags.asustf201.org
http://mcmhandbags.asustf201.org
http://furlahandbags.asustf201.org
http://tanohandbags.asustf201.org
http://keystoneautomotiveparts.asustf201.org
http://moogautomotiveparts.asustf201.org
http://headlightcleaner.asustf201.org
http://automotiveelectricalconnectors.asustf201.org
http://automotiveupholstery.asustf201.org
http://automotivemanufacturers.asustf201.org
http://toyangrybirds.asustf201.org
http://lannybarbie.asustf201.org
http://barbiecummings.asustf201.org
http://barbieelectronic.asustf201.org
http://spongebobsquarepantsonline.asustf201.org
http://hasbrotoyshop.asustf201.org
http://cribtent.asustf201.org
http://canvastents.asustf201.org
http://growtents.asustf201.org
http://backpackingtents.asustf201.org
http://walltents.asustf201.org
http://tentheater.asustf201.org

Rangkaian Bunga:

Florist diMedan !…Thank

Sepeda Motor Injeksi Irit Harga Terbaik Cuma Honda:

http://www.bawelohbawel.com/sepeda-motor-injeksi-irit-harga-terbaik-cuma-honda/

cam kapi:

cam kapi

medyum:

medyum

web tasarım:

web tasarım

bisnis online 2012:

Nice web..
http://seo4kontes.wordpress.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://bloggerseo.blog.com/bisnis-online-2012/
http://hanakres.pressku.com/2012/01/10/bisnis-online-2012/
http://4terindexdoogle.blogdetik.com/bisnis-online-2012
http://membuat1.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html
http://4tipsseo.wordpress.com/2012/01/25/bisnis-online-2012
http://bisnisemas.blog.com/bisnis-online-2012/
http://investasiku.pressku.com/bisnis-online-2012/
http://caraberbisnis.blogdetik.com/bisnis-online-2012/
http://investasi4syariah.blogspot.com/2012/01/bisnis-online-2012.html

rental mobil murah jakarta:

rental mobil murah jakarta
http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

sewa mobil murah jakarta:

sewa mobil murah jakarta

http://sewa-rental-mobil.blogspot.com/

Info bisnis:

Great web, visit my blog:
http://bisnishana.com/usaha-bisnis-yang-menguntungkan http://bisnishana.com/program-investasi http://bisnishana.com/usaha-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/bisnis-sampingan-tanpa-modal http://bisnishana.com/jasa-adsense http://bisnishana.com/afiliasi http://bisnishana.com/bisnis-online-2012 http://bisnishana.com/peluang-usaha-baru http://bisnishana.com/jendela-usaha http://bisnishana.com/wira-usaha

badut:

blogwalking here…
please visit my site too. thanks

http://www.mitrabaitullah.com/
http://www.kopiluwakbandung.com/
http://www.jeparacrafters.com/
http://citraindah.biz/
http://sinergibisnis.com/
http://www.souvenirku182.blogspot.com/
http://www.kostumbadut.info/
http://www.cantikherbal.com/
http://tki-mandiri.com/
http://www.om-onny.net/
http://www.sinergibisnis.info/
http://www.om-onny.com/
http://hotnews.om-onny.com
http://allabout.om-onny.com
http://jasaseomurah.om-onny.com
http://pasangiklanbaris.om-onny.com
http://tokobunga.om-onny.com
http://kanvaslukis.om-onny.com
http://www.buzzwalker.com/
http://www.rotankita.com/
http://keishaflorist.com/
http://sinergibisnis.com/2011/09/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.net/2011/09/jasa-seo-murah.html
http://onny.i.ph/blogs/onny/2011/09/17/jasa-seo-murah/
http://onny2001.multiply.com/journal/item/1/Jasa_SEO_Murah
http://om-onny.tumblr.com/
http://onny.pbworks.com/w/page/44842364/FrontPage
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html
http://pasangiklanbaris.om-onny.com/2011/08/jasa-seo-murah_17.html
http://www.om-onny.com/2012/01/tips-menghilangkan-stress-di-pagi-hari.html
http://hotnews.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://allabout.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://tokobunga.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://kanvaslukis.om-onny.com/2012/01/jasa-seo-murah.html
http://archuntagsmg.academia.edu/onnysupriyono
http://ki-dukun.blogspot.com/2011/07/jasa-seo-murah.html
http://jagoiklanbaris.om-onny.com/
http://jasaiklanbaris.om-onny.com/
http://juaraiklanbaris.om-onny.com/
http://jawaiklanbaris.om-onny.com/
http://blog.ub.ac.id/tephoz/2012/01/12/jasa-seo-murah/
http://www.om-onny.com/2011/07/jasa-optimasi-seo-murah-hanya-100-ribu.html
http://www.buzzwalker.com/2012/01/tips-memilih-jasa-seo-murah.html

download murottal:

ok

hadits shahih:

nice blog

yuke:

nice blog!

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia
http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/puisi-ibu/
http://wemelt.com/harga-hp-blackberry/
http://wemelt.com/mivo-tv-online/
http://wemelt.com/kata-mutiara-cinta/
http://mutiara-bijak.blogspot.com/2012/01/kata-kata-mutiara-cinta.html
http://wemelt.com/tag/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/
http://wemelt.com/category/seo-contest/
http://wemelt.com/

Century 21 Broker Properti Jual Beli Sewa Rumah Indonesia:

http://wemelt.com/century-21-broker-properti-jual-beli-sewa-rumah-indonesia/

Rumah Dijual:

Rumah Dijual

Jual Beli Mobil Bekas:

Jual Beli Mobil Bekas

Grosir Baju Murah:

Grosir Baju Murah

Leave a message ▼

    

Larawan

Subscribe

Technorati
Bloglines