Krimen, kapangyarihan sa pulitika,kahirapan,sakuna, kasakiman at pagbagsak ng ekonomiya; ilan lamang sa mga tonetoneladang problema ang nararanasan natin ngayon. Ang pagtatapos ng kasaysayan ng mundo ay tila
yata nalalapit na. Ikaw ba ay natatakot, natutuwa o bulag sa mga nangyayari?
Ang layunin ng akdang ito ay maimulat ang gising mong diwa at kaisipan,upang makapagbigay ng kaalamang maaaring nagdudulot din sayo na magtanong,magsaliksik o mamangha.
Naisip mo bang ang dahilan ng lahat ng problemang ito ay tayo ding mga tao? Tayo ang gumawa at tayo din ang biktima. Hindi ba dapat sisihin ang taas ng karunungang naabot
natin? Walang masama sa pagpapayabong ng antas ng karunungan, isa itong prebilihiyong hindi dapat ipinagkakait subalit kung ito ay ginagamit upang makapanira ay isang malaking kahangalan. Pansinin ang pagkakaiba ng isang mangmang at edukado.
Ang mangmang sa karunungan ay walang ibang nais kundi malamnan ang kaniyang kumakalam na sikmura ngunit ang edukado ay gumagawa ng pagkaing makakasira sa kalusugan, ito ay upang kumita pa siya ng mas malaking pera at madagdagan ang kumukalam niyang pag-iisip.Sa dami ng mga relihiyon/sekta o kulto sa mundo, aling samahan ba ang magdadala sayo sa tinatawag nilang langit? Hindi ba ang langit ay nasa puso? Sa labis na karunungan ikaw ay natatakot, pansinin ang mga nababasa,naririnig at napapanood na balita, ngunit ang mga taong nasa liblib; ang pangamba ay ang pagsalakay ng mabangis na hayop, alin ngayon ang mas nakapagdudulot ng takot?
Ikaw na may dunong ay nag-iimpok ng labis labis na pera para sa kinabukasan ng iyong lipi, wala pang naitala na nadala nila ang kanilang yaman sa kanilang kamatayan. Lahat
ay pantay pantay, walang hininga at kinakain ng uod.Marahil sa kamatayan nagkakaroon ng silbi ang salitang “patas”, walang mayaman, walang mahirap.
Ikaw na busog sa karunungan ay hindi pumapayag na tapakan, magkagayon man, gagawa ka ng paraan para maibalik ang nadungisan mong pangalan.
Kung ang mga ninuno ay hindi nagpayabong ng kanilang isip, ano na kaya ang kasalukuyang kalagayan ng ating mundo? May kulisap kayang nagsusulat nito?
Ngunit sadya yatang nakakatawa ang mga nangyayari sa ating mundo, naturingan tayong may dunong ngunit hindi ito nagagamit ng tama bagkus
nagdudulot ito ng walang kasingsakit na katotohanan, lahat tayo ay biktima. Ikaw, bilang tao ang layunin mo ay mabuhay ng matiwasay, hindi naaapi,masaya,puno ng pagmamahal at may takot sa Diyos subalit ano ang iyong naiambag sa kasaysayan ng mundo upang masagip ito sa pagkalunod. Habang lumalao’y naghahabol ka ng oras para makuha mo ang iyong nais, hinay hinay lang, iisa ang destinasyon ng mga may buhay.
Minsan kapag nag-iisa ka magbalik tanaw, simulan mo noong wala ka pang saplot at naghihintay ka lang sa patak ng gatas ng iyong ina. Saan ka na dinala ng iyong dunong?
Masasabi mo bang maunlad ka kung nakalimutan mo ang iyong pinagmulan? Paano papanatilihin ang kaugaliang Pinoy kung ayaw hamunin ang sarili? Gaano ba kamulat ang Pinoy sa mga hamong ito?
Isa ka bang makabayan Paquita?
-Kulisap-
Posted by kayumanggingdamdamin at October 14, 2008, 12:46 pmSalamat kaibigang kulisap sa iyong pagbanggit sa tunay kong pangalan bilang Paquita Makabayan……..isang napakalaking hamon ang iyong tinuran…….ito’y aking pagsisikapang panatilihin at payabungin sa abot ng aking makakaya…
Posted by Paquita at October 14, 2008, 1:03 pmSalamat nang
walang hanga
gracias se den sempiternas,
sa nagpasilang ng tala
al que hizo salir la estrella:
macapagpanao nang dilim
que destierre las tinieblas
sa lahat na bayan natin
de toda esta nuestra tierra.
siyay ipaparis ko sa isang banyagang dakila
pagkat sya ay nasa isang bansa na puno
ng luha
ang aking salita mula sa isang banyaga
na nagpapatunay sa kanyang ginagawa
puspus na trabaho ang inuusisa
upang pagdating ng araw
pangarap nya ay makuha
kahit na malayo pa
sa kanyang ama’t ina
lahat ay titiisin para lang kumita
dito rin nya naranasan
at ang hirap ay naramdaman
kung kaya’t lumapit siya
sa panginoong na ating minamahal
para ang bigat ng problema nya
ay kanyang magabayan
nandyan naman mga kaibigan
nagpapalakas ng kalooban
upang ang nakalipas
tuluyan niyang malimutan
hanggang dito na lamang
ang aking nalalaman
sa pagkat siya’y
di kilalang lubusan
sandali lang kaibigan
akoy may nalimutan
na sa inyoy sabihin
ang kanyang pangalan
AMBIN kong kilalanin
na may magandang kalooban
at magaling na pakikisama
sa mga kaibigan na katulad niya
Ambin ang iyong ngalan, puso koy labis ang kagalakan
Pusong mong nangungusap,dapat lang na hangaan
Pilipino ang iyong Puso,diwa koy biglang naparam
May pag-asa pa bayan nating hirang, mangarap ka at tayo’y magtulungan. Salamat Kaibigan
“ang payapang pampang ay para lamang sa mga pangahas na sasalungat sa mga alimpuyo ng alon sa panahon ng unos”
Posted by Paquita at October 22, 2008, 12:28 pmPara kay Paquita-
Mas maigi pang maglunoy ka sa lagaslasan kesa sa malalim na parte ng ilog- hindi mo alam kung anong panganib ang naghihintay sa tahimik na ilog.
-Kulisap-
Posted by kayumanggingdamdamin at October 22, 2008, 12:38 pmdunong kong pinaglinang ng panahon sa loob ng silid aralan di pala magagamit sa tunay na laban sa buhay. kaysarap sariwain ng aking kabataan kung saan ang buhay ay isang laro lamang
Posted by inangbayan at November 19, 2008, 9:38 pmIsang pagkataong pinanday ng mga gabi. Karunungang inani siyang gabay sa paglaki. Kabataang likas ay ligaya ang hatid. Habang-buhay sasariwain ang luwalhating ipababatid…
Posted by Paquita at November 20, 2008, 12:45 pmIliliko kang pilit ng katuwirang makulit, ngunit dunong mong bitbit, mas makapangyarihan kaysa sa pusong
nagpipilit.Aling daan ngayon ang nais matahak ng isip
mong may katuwiran?
Kung minsan kaakibat ng pag unlad ang pagkalimot sa pinagmulan…….Ang pananatili ng nakagisnang kaugalian ay isang hamon sa makabagong panahon….Ang paniniwalang pulitikal, relihiyon at pagyakap sa mga bagong teknolohiya ay isa lamang sa pagpapatunay na mulat na tayo sa inihahain ng modernong panahon……Sa kabila ng lahat pagsikapan nating panatilihin at pagyamanin ang kaugalian at mga paniniwalang ipinamana ng lahing ating pinagmulan……Ito ang ating babaunin sa ating paglalakbay ….
Posted by Paquita at October 14, 2008, 12:37 pm