GURO
Kahapon, napatingala ako sa kalangitan,parang may
nagsasabing pansinin ko ang mga billboards sa EDSA.
Sa layo ng lokasyon ng aking trabaho,libangan ko nang
tingnan ang mga naglalakihang billboards. Wala na akong
pakialam kung gaano kamahal ang bayad sa paglalagay ng
billboards,basta alam ko mahal yon.
Bago kung saan pa mapunta ang aking kwento,may nakatawag
ng pansin sa akin,naglumikot na naman ang aking isip.
Mahirap kayang mag-isip ng ilalagay sa blog kung ang utak ko
ay limang gramo lamang, nagiging negative zero pa kapag
hapon na.
Ganito yon.Basahin mong maige.Makakarelate ka dito.Noong
Oktubre 10 ay ipinagdiriwang ang araw ng mga guro.Alam ng
lahat na bawat tao ay dumaan sa mga kamay ng mga guro.Hindi
nga ba at ito ang propesyong higit na kapakipakinabang.Ang
sama at buti ng isang nilalang ay natutunan niya sa kaniyang
guro.Guro- tagapagturo ng hindi pa nalalaman at
tagapaglinang ng kaalaman.Kaya naman bibigyan ko sila ng
espasyo dito sa aking site. Para sa mga sumusunod:
A: Guro sa eskwela- salamat kay mam/sir sa pag-aasikaso ng
mga kaklase kong tumae at umihi sa room. Ikaw kaya ang
malagay sa kanilang sitwasyon, 50-60 o higit pang mga
makukulit na estudyante ang pinagtatyagaan ng mga guro
ngayon lalo na sa ating pampublikong paaralan.Maibigay na
sana ang mga benipisyo nila upang makahubog pa ng mas
maraming makukulit na kulisap na tulad ko.
B:Gurong Ama at Ina- aba naman, bago pa tayo pumasok sa
eskwela, si nanay at tatay ang ating mga unang guro.Ikaw
bilang tao ngayon ay resulta ng mga kaalamang nakuha mo sa
iyong mga magulang. Sila ang guro na kailangan may mas
malawak na kaalaman dahil dito nakasalalay ang pagkatao
natin.Kung edukasyong pang lebel, wala ang aking mga
magulang, pero ang mabuhay kaming sampu, ay isa ng dakilang
pagturo ng pagpapahalaga sa anak.Ipinagkakapuri ko sila.
C: Gurong Kaibigan- sino ang walang kaibigan? Mag-isip ka
na.Kaibigang masama o mabuti, hindi dapat mawala ito
sayo.SAlamat sa kanila dahil nalaman nating hindi tayo
nag-iisa, may napagsasabihan ng baho at malupit na super
secret.
D: Gurong kaaway- siya ang magtuturo sa atin kung pano
maging bad, he he he..pag-iisipan mo siya ng walang
kapantay,subalit kung walang kaaway hindi tayo matuto kung
paano makipagbati at mabuhay muli.
E: Gurong asawa/partner sa buhay- saan ka matututo ng unang
halik at yakap? Wala namang eskwelahan para sa mga ganyan,
unless nagpupunta ka sa mga madidilim na lugar,hwag don..bad yan.Sila ang nagtuturo sa atin ng walang hanggang pasensya at pagmamahal na walang kapalit.Asus, madrama.
F:Gurong Diyos- hindi ko siya hinuli dahil wala sia sa lIst of priority ko.Marami mang nangyayari sa ating mundo ngayon, naniniwala akong sa haba ng paglalakbay tayong lahat ay muling magkikita kasama siya. Kaya ikaw na isang kulisap na katulad ko ay hwag bibitiw dahil sa munti o laking kaligayahan o lungkot na nakukuha mo, sia ang nagbibigay non.
Ikaw may guro ka bang hindi ko naisama dito?
Bigla naman akong naumid sa sinabi mo Paquita. Marahil may mga guro kang nakilala na ganun ang mga katangian, sadya ngang nakakatulala ang mga gurong mala Adonis ang katawan at matang agila. Kwatro o Kwarto? Ito ang kanilang linya.
Posted by Kulisap at October 13, 2008, 12:48 pmHave you met a teacher w/ a very big heart?
Posted by Paquita at October 15, 2008, 5:31 pmMarami ang uri ng mga gurong nakilala ko. Sino at ano man sila, sila ang naglilok sa limang gramo kong utak.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 25, 2008, 4:46 pmPayak man sa kaalaman ngunit mayaman sa kaibigan….
Posted by Salome at October 25, 2008, 6:52 pmMapalad ang mga taong pinapahalagahan ang kaibahan ng bawat nilalang. Ito ang asal na tinuturo ng puso at hindi inuutos ng kapwa tao.
Posted by kayumanggingdamdamin at October 26, 2008, 6:16 pmHaha. Natuwa ako sa komento ni Paquita at ni Kulisap. Oo nga naman, hindi ninyo nabanggit iyon. Gustung-gusto ko pa namang pumasok at ganadong-ganado akong mag-aral sa mga gurong ganoon. Naku po! Kalokohan ko… Ehehehe…
Isa po akong nagbabalak na maging guro. Nawa’y maging isang mabuti, huwaran, at mahusay na titser ako…
Posted by xdalisayx at May 22, 2009, 11:54 pmMataas ang pagtingin ko sa nagpapakadalubhasa para lamang makapaglinang ng kaisipan ng iba.
Ipagpatuloy mo yan XdalisayX. Hwag mong patayin ng hanging maitim ang ilaw na nagsisilbing gabay mo sa pagtahak ng iyong pangarap.
Posted by kayumanggingdamdamin at May 23, 2009, 2:38 pmhay namiss ko ang pagtuturo
Posted by Teacher M at August 10, 2009, 1:29 amPwede naman po kayong magturo ulit Mam.
Mataas talaga ang pagtingin ko sa mga guro.
Posted by kayumanggingdamdamin at August 10, 2009, 12:22 pmI think that to receive the loans from creditors you must present a good reason. However, once I’ve got a commercial loan, just because I was willing to buy a building.
Posted by EleanorSEXTON22 at April 29, 2010, 6:50 pmkaya nga napakahalaga ng luha sa isang guro. luha sapagkat kinakailangan niyang iwan ang kanyang anak para sa anak ng iba. luha dulot ng hindi niya pagkakaabot sa ibang mga mag-aaral at para sa mga hinanakit ng mgaito. luha sa tagumpay at pagkabigo, pansarili man o ng kanyang mga estudyante. luha dahil kailngan niyang magpaalam sa klaseng nakasma niya ng buong taon at yakapin ang mga panibagong mukha.
bakit guro?
ayokong maging abogado dahil ang abogado ay nabubuhay sa kasinungalingan ng tao.
ayokong maging doktor dahil ang doktor ay nabubuhay sa sakit ng tao.
ayokong maging pari dahil ang pari ay nabubuhay sa kasalanan ng tao.
gusto kong maging guro.
dahila ang guro ay nabubuhay sa mga pangarap ng tao.
Hindi ako magtuturo upang mabuhay.
Mabubuhay ako upang magturo.
Carlo Fernando V.Padin
Posted by Carlo Fernando V. Padin at June 21, 2010, 7:50 pmSir Carlo, napakaganda po ng inyong iniwang mga salita.
Mabubuhay ka upang magturo hindi upang gawing hanapbuhay ang pagtuturo.
Kayo ang yaman na dapat iniingatan.
Mabuhay po at ikinararangal ko po kayo
Posted by J. Kulisap at June 26, 2010, 6:07 pm
Hindi mo nabanggit ang matipuno o simpatikong guro……Yaong may malalagkit na tingin at d mawaring karisma na animo’y may batubalani…..
Posted by Paquita at October 13, 2008, 12:44 pm