PAKITA (Paquita)
Nakalapag na ang tandang at inahing manok ngunit tulog na tulog
pa rin si Paquita,nangingiti pa ang mga labing manipis ngunit may bahid ng
natuyong panis na laway,malalim ang pagkakahimbing, tila yata
nanaginip.
Si Paquita ay ipinanganak sa Bordios pero nanirahan sa Mauban dahil
kinupkop siya ng kanyang mga Lola Tale at Lola Inta.May trahedyang nangyari
sa kaniyang ina kung kayat napilitan siyang tumira sa mga Lola.
Si Lola Tale ay Nanay ng kaniyang nanay at pinsan nito si Lola Inta na
gumagawa ng tablea gamit ang orinola,ito ang sikretong malupit kung bakit
pakyaw ang tinda ni Lola Inta.Siya ay lamog kung tingnan kapag gumagawa ng
tablea, pahid sa salawal at saya,ang kaniyang linas na nanggaling sa buli
ay tila basurang palamuti sa bahay.Wala siyang asawa ngunit may anak sia
sa Ragay,si Benito, na tila yata walang lugar sa mundo ni Paquita.
Si Paquita ay tila anak araw dahil sa kaniyang buhok ngunit sumibol
na napakaganda, kaibigan niya sina Tange o Mimay, isang hira-hira at sulikdat,si Antot
ay hindi mabantot,isa siyang mahinhin at magandang babae,si
Atan na panglalake ang pangalan ngunit babae ay anak ng may ari ng pasitahan ng Komiks at magasin
,mabenta ang Aliwan,Tagalog Komiks,Hiwaga,Funny at iba pa.Tropa niya din si Dyoy,na pilosopo
ang dating dahil nagmamarunong lagi ngunit tinuring niyang matalik na
kaibigan, saling pusa sina Uwan at Millet sa laro nilang bahay bahayan at lutu-lutuan.
Na nauuwi sa sunog sunugan ng bahay dahil nakalimutang patayin ang apoy
sa bahay-bahayan.
Si Paquita ay busog sa alaala ng lumipas,sariwa pa sa balintataw niya
sina Tugina, ang baklang hawig ni Dick Israel,sa madali’t
sabi siya ay manikurista,manggugupit ng bayan,isa siyang aba sa mga kamay
ni Nonong, ang kapatid niyang sanggano. Ang misteryosang si Aling Palab na
nanay ni Millet na labandera ng bayan,silang mag-ina ay di nabibilang sa
Ipinakikilala ko ang mga dalaginding ng Mauban
mataas na uri ng lipunan, animo walang bahay dahil natatabunan ito ng
mayayabong na puno sa may bangbang.Paboritong libangan ni Millet ang nakawin
ang tsinelas na Spartan ni Paquita.
Si Amang Pitong- ang hanap buhay niya ay
magtahi ng sirang payong maghapon,saulado din niya ang mainit init na balita
sa dyaryo,mabuting may bahay niya si Aling Belen at anak anakang si Joseph,dili
yata at tunog Pasko ang pamilya ni amang Pitong.
Amang Milan-isa siang pulis na 3/4 ang hayt,kayumangging kaligatan,makapal ang labi
at kulot ang buhok,sarat ang ilong,buyanyanin pa ang tiyan.Asawa nia si Aling Uno-nagtitinda ng snowball
at pancit lukban.Nga,pala si Amang Milan ay nabuhusan ng ihi mula sa orinola ni Lola Inta.
Sino ba namang makakalimot kay Josie na mahilig sa pogi ngunit walang magkagusto,nanay
nina Tokneneng at Marimel.
Si RickyBabyJun opo di kayo nagkakamali ng binabasa, rickybabyjun -magkakapatid na
kalaro ni Paquita may-ari din ng pasitahan, sailalim ng bahay ay ang nagtitinda ng balot na si Mang Siso
Pinket at Gordon-mga anak ni Amang Hapon pero mula sa Spanish descent,rebolusyon ng lahi ang nangyari kaya ganun.
Teli-isa ring matalik na kaibigan,maisingit lang,hataw sa name.
Itik-kalaro sa jackstone, naglalaro ng jackstone ang Itik?Malaking palaisipan.Di bale na.
Amang Uro-mananahi sa tabi ng bahay na asawa ni Inang Sana.Si Maya na dabyana ay
anak nila. Malaki na pala ang ibong maya ngayon?
Pulo-kaibigan ni Ambi at kalaro ni Paquita
Mang Leyvi at Aling Beyti-mga magulang nina Alice at Aleli,pagsamasamahin ang magkakatunog
Aling Isti-magulang nina Menchi at Soli
Inang-Benered-may ari ng tindahan na binibilhan ni Paquita ng adong at kukuwati
Jaspered-aso ni Con na kumagat sa kanya habang naghaharutan. Past tense ang noun? Jaspered talaga?
Hayy,marami pang kwento tungkol kay Paquita.
Sayang,kailangang tapusin ang pagbabalik tanaw, papasok pa sa trabaho.
Samantala ay nakahanda na ang mainit na tsokolate ni Paquita…sino kaya ang
gamuwa ng tablea?
Isang magandang pagbati kaibigang kulizzap.Ikinagagalak kong mapagawi sa iyong mundo. Ikinasisiya kong nakilala kita. Bagamat nasubsob ka sa ebs ng kalabaw, nabuhay ka parin ng malaya at patuloy paring ninanamnam ang sarap ng buhay . Walang pangambang ibinubuka ang iyong mabining mga pakpak sa paglipad at paglayag upang iyo lamang masilayan ang kagandahan ng kalikasan.
Di ko sukat akalaing may naitatago kang habi habi at maniningngning na kwento sa kailaliman ng yong puso at isipan. Ipagpatuloy mo lamang kaibigang kulizzap ang munti mang usapin at kwenta ( na dinadaluhan ng iyong mga kakaiba at di mawaring karakter)…… ito’y aking dadalhin sa kailaliman ng aking kaisipan at patuloy kong maalala sa mga kamuni muning bagay n akin pang dadaluhan… patuloy mong hikayatin ang mga musmos at walng muwang na pinoy sa iyong paglalakbay……………pagpalain ka kulizzap..Nawa’y di maputol ang iyong pakpak na laging gamit sa paglakbay.,…..hihihihih… mabuhay ka
Para kay Sivalugs
Ikaw ba ay nabuhay noong 13B.C? Maraming salamat,makakaasa ka.Hinihikayat din kitang mag sumite
nang iyong akda kung ito ay iyong iibigin.
-KULISAP-
Posted by kayumanggingdamdamin at October 11, 2008, 5:01 pmAko’y napadaan lamang..Sa aking pagbabalik, biyaya ko sayo ay ang aking akdang walang makakasungkit…
Posted by siValugs at October 11, 2008, 6:17 pmMaraming salamat Kulizzap at pinagyaman mo ang aking kwento. Ang iyong angking talino sa paglalahad ay maituturing na biyaya galing sa langit…..
Posted by Paquita at October 13, 2008, 12:30 pmNakatataba naman ng bagwis ang iyong sinabi Paquita.Dulot ito ng mapaglarong kaisipan. Ito ang bumubusog sa aking diwa, hindi nga ba’t naiduduyan tayo
ng ating pag-iisip?
Sa pag-usad ng panahon lagi kong baon ang kasiyahang idinulot ng aking mga kaibigan at kababata ng panahong nagdaan…..Dito’y aking hinuhugot ang lakas upang maipagpatuloy ang paghabi ng aming mga pangarap…..
Posted by Paquita at October 14, 2008, 12:46 pmberi gyud! galing nman! makabayang makabayan ah…
Posted by jhennyphot at October 15, 2008, 8:54 pmBinabati ko pala sina Amang Tuking at Lelang
Posted by Paquita at October 28, 2008, 6:13 pmAt sa Paquita ay muling nagbalik sa kaniyang mahal na bayan.Abangan ang ikalawang yugto…
Posted by kayumanggingdamdamin at November 7, 2008, 6:15 pmHindi ko na matanaw ang tindahan ni Aling Ono
Ni lakas ng boses ni Amang Pitong ay hindi ko na marinig
Ako’y nabingi sa katahimikang dala ng pangungulila
sa aking mga kababata
Bawat sulyap sa bakanteng lote at bahay na gumiray
ay isang tanawin na nagpapaalala ng lumipas.
Dama ko ang kahungkagan ng iyong kaluluwa, tayo’y parang isang ibon na sa haba ng paglipad, uuwi rin sa dapit hapon, walang kasing lamig kung ang daratnan ay isa ng nakakalbong kagubatan.
Kapain man natin sa puso, ito’y parang isang multo na lamang…
salamat muli akong nangiti. kung maiuuwi ko lamang mga kwento ni paqiuta. at ang mga akda mo kulisap, natitiyak kong di n muli ako malulumbay. ngunit sa aking paguwi babaunin ko ang inspirasyon n muli ko ding balikan ang aking kabataan. natitiyak ko di ako maiinip sa oras n igugugol ko sa paguwi. salamat hanggang sa muli kong paglalakbay sa iyong kayumanggingdamdamin
Posted by nieves at March 7, 2009, 8:04 pmSalamat Nieves at ikaw ay nagpunlak sa aming anyaya
na sulypan ang aming daigdig.
Sana ay magustuhan nio ang kwento ni Paquita,marami
pa akong ipakikilalang mga karakter na tatatak sa inyong puso.He he he.
Abangan si Ka Popoy,Kapitana,Donya Victorina at Oliver Twist..ha ha ha ulit
-KULISAP-
Posted by kayumanggingdamdamin at October 11, 2008, 4:34 pm