Payapa ng nakahimlay ang katawang lupa, sa mga luha ng pagmamahal tiyak na ang pagpasok niya sa pinto ng kalangitan, inaawitan ng mga anghel, sumasayaw sa galak ang mga kerubin. Sa wakas, nakarating ka na sa walang katulad na langit.
Ang kamatayan ba ay katapusan na ng kasaysayan ng tao sa lupa? Sa aking obserbasyon lahat ng nakikita natin sa mundo ay nagkakaroon ng katapusan, napapalitan ng bago, paulit ulit lang, pana-panahon ika nga. Ano pa man, napansin mo bang iisa ang hantungan ng lahat, naglalaho sa mundo.
Ang kamatayan ay maselang usapin sa lahi ng mga Pilipino. Marahil ito ay dulot ng ating nakagawiang kultura, tradisyon, paniniwala at relihiyon. Gaano ka ba katakot sa kamatayan? Naniniwala ka ba na may langit at impyerno? Kung naniniwala ka, paano mo mailalarawan ang langit o ang impyerno?.Biswal nating mailalarawan dahil ito ay ating nakikita sa mga pelikula, telebisyon, babasahin at sa pasalin saling nakagawian.
Ang pagkawala ng minamahal natin sa buhay ay nagdudulot ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pagluluksa. Sa mga taong bukas ang pag-iisip, ang tao ay hindi natatakot sa kamatayan kundi natatakot sa maaring maidulot ng pagkawala. Ang ilan ay hindi bukas ang usaping ito, sino ba ang handa sa kaniyang kamatayan? May tao bang alam niya ang takdang oras ng kaniyang pagkawala? Kung magkagayon, may makasalanan pa kaya sa mundo?
Kapag dumating ang oras na paghuhusga at ikaw ay makasalanan, pwede bang makiusap na bigyan ka pa ng pangalawang pagkakataon upang makasama mo ang karamihan sa paraisong langit?
Kung ako ay makasalanan sa lupa ngunit gusto ko ding maranasan ang langit, mapagbibigyan kaya ang aking hiling?
Mahabang taon na ang nilalakbay ng tao ngunit nanatiling misteryo pa rin ang kamatayan. Iba’t iba ang interpretasyon, may kaniya kaniyang hinuhugot na dahilan.
Dalisay ang puso at kalulwa ng mga taong makikibahagi sa walang kapantay na langit.
Ang kamatayan ay simula ng isang panibagong buhay, may bagong yugto ng paglalakbay.
Huli kaw! Ano ang unang pumasok sa isip mo? Ano ang gagawin mo kung ang iyong boss ay nahuli kang nag-iinternet?
Mahigpit na ipinagbabawal sa trabaho ang paggamit ng internet lalo na kung ang hinahanap sa google o mga search engines ay personal o walang kinalaman sa trabaho.
Isa bang uri ito ng pandaraya o pagnanakaw? Bukas- palad ang impormasyong masasagap sa kompyuter, nandiyan ang mga games, pagdadownload ng mga usong kanta,update ng friendster,myspace,hotornot,manood ng sari saring palabas sa you tube, umaatikabong pakikipagchat at super duper marami pang iba. Lahat ng iyan panakaw na ginagawa. Ang mga sumusunod ay mga palatandaang ginagawa mo rin ang mga ginagawa ng mga Kulisap na tulad ko. Kung hindi mo mapigilan ang nangangati mong kamay, sundin ang ilang payo ni Kulisap.
Bawal ang hindi masaya sa Fish Philosophy. O, ayan…natawa ka rin ba?
Ang pagiging handa sa pagbubuntis ay malaking tulong sa nanay upang maging malusog ang kaniyang anak.
Sa panahon ngayon, maraming mga kabataang babae ang nagbubuntis sa kabila ng kanilang murang edad.
Sa paglobo ng populasyon nating mga Pinoy, ilang bahagdan/porsyento nito ay dulot ng maagang pagbubuntis.
ang kampanya ng simbahang Katoliko at ng ating gobyerno ay naglulunsad sa hindi malinaw na solusyon, tuwirang
nagkakaroon ng pagsalungat sa nais na mangyari tungkol sa pagpaplano ng pamilya. (more…)
BABALA: Ang espasyong ito sa internet ay akin. Pinagyayaman,hinahabihan ng mga mensaheng siyang laman ng aking
kayumangging puso,isip at pananaw.Walang sinuman ang pwedeng umangkin ng aking akda.Tataas ang iyong kilay,iinit ang puno ng tenga o magbibitiw ka ng masamang salita laban sa akin. Ayos lang, hindi ko naman alam, magsusulat ako dahil itong site na ito ay akin pero hindi kita pinagbabawalang magbasa, ito ang aking layunin-magbahagi at hindi ang maging makasarili.Kung ipagpapatuloy mo ang iyong pagbabasa, ito ang aking sabi. Malakas ang loob kong angkinin ang site ngunit hindi ko ito pag-aari, ito ay pag-aari ng may pusong dot.ph.
Likas sa tao ang umangkin, kakambal nito o kasingkahulugan nito ang pag-aari.Mainit na usapin ngayon ang Ancestral Domain o Namanang Pag-aari ng mga kapatid nating Muslim. May mga nagbubuwis ng buhay para lamang makamtan ang kanilang adhikain, karamihan sa kanila ay isa na lamang alaala, hilom na ang pilat pero sariwa pa rin ang sugat.May
mas nakalulumbay pa ba kung malaman mong ang ang mga batang musmos na pinipilit humabi ng pangarap ay biktima
ng nakakapagod na alitan.Nauunawaan ba ng kanilang murang isip ang nangyayari sa kanilang kapaligiran o isa lamang paghahanda upang maipagpatuloy ang laban.Ito ba ang kanilang layunin o destinasyon? Malalim na ang ugat ng hidwaang gobyerno at mga kapatid nating Muslim.Masahol pa sa musmos ang lawak ng aking kaalaman sa alitang ito,nakamulatan ko na dahil aking naririnig ngunit wala naman akong naiambag upang kahit papaano ay makatulong ako na maayos ang alitan, ikaw meron ka bang naibahagi?
Magkaganun pa man, nais kong iparating ang aking pananaw o iyo ring pananaw sa pamamagitan ng akdang ito.
Sino nga ba ang nagmamay-ari ng lupa, yaong may titulo,yaong naunang tumira at gumawa ng paraang mapagyaman ito? Ang lupa ay lupa na bago natin ito matapakan, walang agham na nakaimbento nito, ibig sabihin wala tayong karapatang ariin ito ngunit pwedeng angkinin. Sa pag-angkin, lahat ng nilalang pinapayagan subalit yaong may malawak na kaalaman ang kadalasang bida.Ang ating mithiin ay makasarili, ito ang ugat ng hidwaang mahirap lunasan.
Maraming nagnanais ng kapayapaan, mas masarap mabuhay sa idolohiyang ito ngunit ang buhay ay sadyang masalimuot. Tayong mga tao ay may karapatang mabuhay at responsibilidad natin ang ating kapwa.Sa iyong paglalakbay,dadalhin mo ang iyong gawa at ito ang magiging sukatan ng iyong pagkatao at kasaysayan sa lupa na
hindi mo ari ngunit hiram lamang.
Sa pandaigdigang krisis sa pananalapi na nararanasan natin ngayon, paano pa tayo magtitipid
kung wala ng matitipid? May isang artikulo akong nabasa na ang Pilipinas daw ay nanatiling kalmado
sa kabila ng nangyayari sa bansang Amerika kung saan ay biglang nagbago ang maayos na daloy
ng kanilang pananalapi.Kalmado o sanay na sa krisis? Ilang dekada na rin naman na gutom na gutom na ang Pilipinas.
Huwag mawalan ng pag-asa, habang humihinga ka, pwede pa tayong gumawa ng paraan. Ang mga sumusunod ay mga minumungakahi ni Kulisap. Tawagin natin itong Kulisap Tips
Hanggang sa muli. Sana makatulong sa inyo mga giliw na mambabasa.
Ano ba ang iyong diskarte para masungkit ang matamis na OO ng iyong nililiyag? Bahay at lupa, kotse, alahas, bakasyon grande kahit saang lupalop ng mundo? Lahat ay iyong gagawin para lamang makuha ang iyong ninanais.Sukdulang ialay mo ang iyong kalulwa sa paniningalang pugad. Bulag nga ba ang pag-ibig, kung gayon bulag din nga ba ang tibok ng iyong puso? Sino ba ang matalino kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan? Lahat tayo pinalalasap ng maligalig ngunit kainamang pagpitik ng puso dahil sa tinatawag nilang pagsinta. Paano nga ba dumiskarte ang isang Pinoy?
Mas trip ng babae ang sinusuyo, mas gusto nila yong pinupuri,sinasamba, pauulanan ng walang kamatayang maganda at sexy siya, kahit sa totoo lang amoy lupa na siya, in short isa siyang tikbalang. Kahit ano pa ang ating sabihin, sila ay babae na dapat lang nililigawan. Sino ba namang lalake ang ibig ay siya ang hahandugan ng bulaklak at tsokolate? Kung meron man sila ay iyong kapwa lalake din ang gustong makayakap sa dilim.
Klasik na ang pagbibigay ng tsokolate at bulaklak. Kahit gaano kamahal o kabantot pa ng bulaklak kung ito naman ay nanggaling sa kaniyang manliligaw, ilalagay niya ito sa plorera para tumagal ang pagkasariwa, inaamoy- amoy habang nakapikit ang mata. Ang tsokolate naman ay ibibigay kunwari kay bunso at inay kasi ayaw masira ang pigyur na 24-34-no more. Kung ang manliligaw ay araw araw magbibigay ng tsokolate at bulaklak, malaking pamumuhunan na yan. Idagdag pa ang pagyayayang kumain sa labas at manood ng sine, maglibot sa mall at bilhin ang magustuhan, dyahe naman kung si binibini ang gagastos. Meron namang kelots na plastic, kahit buong barangay na ang kasama pero isa lang ang nililigawan, sige lang, napapangiting aso si kelots, sila yong may tendency na maghigante sa katagalan ng kanilang relasyon, tiyak singilang malaki yon, humanda ka binibini.
Pogi points sa lalake kapag, inalalayan mo sa pag-akyat at pagbaba sa sasakyan, ihaharang ang sarili kapag tumatawid sa tawiran, yong tipong hindi dapat mahagingan ng hangin ang katawan ni binibini, ipagbubukas ng pinto,ipag-uusod ng upuan, dadalhin ang pink shoulder bag kahit bukol sa masel si binata, ang baduy, tila yata isang prinsesa ang pakiramdam ni binibini pag ganun. Naisip ko lang may kapansanan ba ang mga babae o sadya lamang plastik ang mga lalake?
Napakaromantiko naman ng mga lalakeng naiguguhit ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng tula, awit o bersa, kornik ang dating nito pero ubod kilig naman ang hatid sa binibini, iipunin niya tiyak lahat ng alaala ng kakiligan, nandiyan ‘yong itago ang ginamit ng panyo,ginamit na condom, isang katerbang sulat na iisa lamang naman ang laman “ I love you” ako mahal mo din ba? “. Masarap balik balikan ang alaala ng lumipas, nagkukulay rosas ang pisngi, tumatawa ang mata, at nagiging sariwa ang natitigang na lupa sa mga babaeng napaglilipasan na ng panahon.
Naubos mo din ba ang bulaklak ng Santan dahil lamang sa “ He loves me, he loves me not”? Uulit ulitin hanggat hindi nakukuha ang “ He loves me”, sabay talon at hiyaw ng YES. Ang mga rosas na inipit sa pagitan ng pahina ng libro,ginagawang unan bago matulog at sasambitin ang pangalan ng sinisinta. Ang pagsusulat sa Slum book, sasagot ka dito ng sino, kailan, ano ang first….lahat may first, kadalasang sagot ay SECRET. Ito ang diskarte ng Pinay tsiks, para hindi masyadong halata na trip niya ang boylet dadaanin na lang niya sa pagpapasulat sa Slum book. Sino ba namang hindi iikot ang tumbong kapag nakikita mo ang kunyaring galit na galit ka at isinusumpa mo kuno pero ang totoo “ the more you hate the more you love” ang drama ng hitad. Hwag ka maingay, hanggang ngayon nakatago pa rin ang slum book ko, inaanay na pero masarap pa ring balikan.
Kung nauso pa ang harana sa panahon mo, hindi nga ba at ang ganda ganda mo prinsesa ng Kumintang? Habang ikaw ay nakahiga sa katre, inaabangan mo na ang tunog ng kuwerdas ng gitara, dahan dahan kang babangon at sisilip sa siwang ng bintana upang masilayan mo ang iyong iniirog, hipid na hipid ang buhok na may pomada at babanat ng walang kamatayang liriko “ Dungawin mo hirang…ang nanambitan”, sisindihan ang tiringke, may ligayang hatid ang ilaw sa lampara, animoy nagbibigay ng pag-asa na masusungkit na ang matagal ng inaaba. Ilang binata ba ang nabuhusan ng ihi mula sa orinola ni lola Inta, hinabol ng taga ni Mang Kulas, nakaapak ng ebs at kinagat ni Bantay. Sa araw naman ay magsisibak ka ng kahoy, mag iigib ng tubig, lilinisan ang ekta-ektaryang lupain, kainamang hirap para lamang sa dalawang letra at marahang tango..OO
Sa panahon ngayon ibang klase na ang diskarteng Pinoy, kadalasa’y babae na ang lumiligaw, minsan tinutukan pa ng balisong para lang masungkit ang OO. Hindi kaya karma ito sa mga ninuno natin na masyadong inalipin si Lolo.
Paghihirapan mo ang isang kapirasong laman na iisa ang hiwa, laman na pinagsisimulan ng kasaysayan mo at kasaysayan ko. Ligaw Pinoy ka ba?
Krimen, kapangyarihan sa pulitika,kahirapan,sakuna, kasakiman at pagbagsak ng ekonomiya; ilan lamang sa mga tonetoneladang problema ang nararanasan natin ngayon. Ang pagtatapos ng kasaysayan ng mundo ay tila
yata nalalapit na. Ikaw ba ay natatakot, natutuwa o bulag sa mga nangyayari?
Ang layunin ng akdang ito ay maimulat ang gising mong diwa at kaisipan,upang makapagbigay ng kaalamang maaaring nagdudulot din sayo na magtanong,magsaliksik o mamangha.
Naisip mo bang ang dahilan ng lahat ng problemang ito ay tayo ding mga tao? Tayo ang gumawa at tayo din ang biktima. Hindi ba dapat sisihin ang taas ng karunungang naabot
natin? Walang masama sa pagpapayabong ng antas ng karunungan, isa itong prebilihiyong hindi dapat ipinagkakait subalit kung ito ay ginagamit upang makapanira ay isang malaking kahangalan. Pansinin ang pagkakaiba ng isang mangmang at edukado.
Ang mangmang sa karunungan ay walang ibang nais kundi malamnan ang kaniyang kumakalam na sikmura ngunit ang edukado ay gumagawa ng pagkaing makakasira sa kalusugan, ito ay upang kumita pa siya ng mas malaking pera at madagdagan ang kumukalam niyang pag-iisip.Sa dami ng mga relihiyon/sekta o kulto sa mundo, aling samahan ba ang magdadala sayo sa tinatawag nilang langit? Hindi ba ang langit ay nasa puso? Sa labis na karunungan ikaw ay natatakot, pansinin ang mga nababasa,naririnig at napapanood na balita, ngunit ang mga taong nasa liblib; ang pangamba ay ang pagsalakay ng mabangis na hayop, alin ngayon ang mas nakapagdudulot ng takot?
Ikaw na may dunong ay nag-iimpok ng labis labis na pera para sa kinabukasan ng iyong lipi, wala pang naitala na nadala nila ang kanilang yaman sa kanilang kamatayan. Lahat
ay pantay pantay, walang hininga at kinakain ng uod.Marahil sa kamatayan nagkakaroon ng silbi ang salitang “patas”, walang mayaman, walang mahirap.
Ikaw na busog sa karunungan ay hindi pumapayag na tapakan, magkagayon man, gagawa ka ng paraan para maibalik ang nadungisan mong pangalan.
Kung ang mga ninuno ay hindi nagpayabong ng kanilang isip, ano na kaya ang kasalukuyang kalagayan ng ating mundo? May kulisap kayang nagsusulat nito?
Ngunit sadya yatang nakakatawa ang mga nangyayari sa ating mundo, naturingan tayong may dunong ngunit hindi ito nagagamit ng tama bagkus
nagdudulot ito ng walang kasingsakit na katotohanan, lahat tayo ay biktima. Ikaw, bilang tao ang layunin mo ay mabuhay ng matiwasay, hindi naaapi,masaya,puno ng pagmamahal at may takot sa Diyos subalit ano ang iyong naiambag sa kasaysayan ng mundo upang masagip ito sa pagkalunod. Habang lumalao’y naghahabol ka ng oras para makuha mo ang iyong nais, hinay hinay lang, iisa ang destinasyon ng mga may buhay.
Minsan kapag nag-iisa ka magbalik tanaw, simulan mo noong wala ka pang saplot at naghihintay ka lang sa patak ng gatas ng iyong ina. Saan ka na dinala ng iyong dunong?
Paano mo pinasasaya ang iyong sarili? Nagliliwaliw sa ibang bansa o kaya
sa Palawan,Puerto Galera,Batanes,Baguio o Boracay-kung ganito ang ginagawa
mo,malamang sobra sobra ang pera mo o di kaya naman ay maayos mong
napaplano ang pagpunta sa mga nabanggit na lugar.May kwarta pa ring kailangan.
Ang mga sumusunod ay minumungkahi ko lamang, wala akong sinabing gawin ninyo.
Matipid ito,pwede mo itong gawin kahit nasa bahay,paaralan o opisina o kaya
naman ay simpleng pag-upo sa kanto habang ngumunguya ng chicharong baboy.
a: Isipin mong ang ari mo ay nasa noo? Na-iimagine mo ba? Pano na kapag
biglang…ayaw ko ng ituloy..paglaruan mo na lang.
b: Gawing hikaw ang dumptruck,gawing polseras ang gulong. Kaya mo kaya?
c: Kapag nasa sasakyan,punasan ng kulangot ang katabi, pero dapat super secret.
d: Magtipid sa pamasahe,maglakad mula Cubao hanggang Alabang, dumaan sa Skyway.
e: Mag-imagine na nagtatrabaho sa opisina ng walang saplot,lahat kayo ganun.
f: Hwag magbayad ng pamasahe,sabihing nakikisakay ka lamang.Magbabago ang takbo ng buhay mo.
Ilan lamang yan sa mga walang kakwenta kwentang bagay na naglalaro sa isipan
ko,ikaw meron ka din bang naiisip?
Pero aminin mo, naglumikot din ang isip mo. Pagalawin ang pag-iisip baka
kalawangin, matulad ka sa akin.
GURO
Kahapon, napatingala ako sa kalangitan,parang may
nagsasabing pansinin ko ang mga billboards sa EDSA.
Sa layo ng lokasyon ng aking trabaho,libangan ko nang
tingnan ang mga naglalakihang billboards. Wala na akong
pakialam kung gaano kamahal ang bayad sa paglalagay ng
billboards,basta alam ko mahal yon.
Bago kung saan pa mapunta ang aking kwento,may nakatawag
ng pansin sa akin,naglumikot na naman ang aking isip.
Mahirap kayang mag-isip ng ilalagay sa blog kung ang utak ko
ay limang gramo lamang, nagiging negative zero pa kapag
hapon na.
Ganito yon.Basahin mong maige.Makakarelate ka dito.Noong
Oktubre 10 ay ipinagdiriwang ang araw ng mga guro.Alam ng
lahat na bawat tao ay dumaan sa mga kamay ng mga guro.Hindi
nga ba at ito ang propesyong higit na kapakipakinabang.Ang
sama at buti ng isang nilalang ay natutunan niya sa kaniyang
guro.Guro- tagapagturo ng hindi pa nalalaman at
tagapaglinang ng kaalaman.Kaya naman bibigyan ko sila ng
espasyo dito sa aking site. Para sa mga sumusunod:
A: Guro sa eskwela- salamat kay mam/sir sa pag-aasikaso ng
mga kaklase kong tumae at umihi sa room. Ikaw kaya ang
malagay sa kanilang sitwasyon, 50-60 o higit pang mga
makukulit na estudyante ang pinagtatyagaan ng mga guro
ngayon lalo na sa ating pampublikong paaralan.Maibigay na
sana ang mga benipisyo nila upang makahubog pa ng mas
maraming makukulit na kulisap na tulad ko.
B:Gurong Ama at Ina- aba naman, bago pa tayo pumasok sa
eskwela, si nanay at tatay ang ating mga unang guro.Ikaw
bilang tao ngayon ay resulta ng mga kaalamang nakuha mo sa
iyong mga magulang. Sila ang guro na kailangan may mas
malawak na kaalaman dahil dito nakasalalay ang pagkatao
natin.Kung edukasyong pang lebel, wala ang aking mga
magulang, pero ang mabuhay kaming sampu, ay isa ng dakilang
pagturo ng pagpapahalaga sa anak.Ipinagkakapuri ko sila.
C: Gurong Kaibigan- sino ang walang kaibigan? Mag-isip ka
na.Kaibigang masama o mabuti, hindi dapat mawala ito
sayo.SAlamat sa kanila dahil nalaman nating hindi tayo
nag-iisa, may napagsasabihan ng baho at malupit na super
secret.
D: Gurong kaaway- siya ang magtuturo sa atin kung pano
maging bad, he he he..pag-iisipan mo siya ng walang
kapantay,subalit kung walang kaaway hindi tayo matuto kung
paano makipagbati at mabuhay muli.
E: Gurong asawa/partner sa buhay- saan ka matututo ng unang
halik at yakap? Wala namang eskwelahan para sa mga ganyan,
unless nagpupunta ka sa mga madidilim na lugar,hwag don..bad yan.Sila ang nagtuturo sa atin ng walang hanggang pasensya at pagmamahal na walang kapalit.Asus, madrama.
F:Gurong Diyos- hindi ko siya hinuli dahil wala sia sa lIst of priority ko.Marami mang nangyayari sa ating mundo ngayon, naniniwala akong sa haba ng paglalakbay tayong lahat ay muling magkikita kasama siya. Kaya ikaw na isang kulisap na katulad ko ay hwag bibitiw dahil sa munti o laking kaligayahan o lungkot na nakukuha mo, sia ang nagbibigay non.
Ikaw may guro ka bang hindi ko naisama dito?
PAKITA (Paquita)
Nakalapag na ang tandang at inahing manok ngunit tulog na tulog
pa rin si Paquita,nangingiti pa ang mga labing manipis ngunit may bahid ng
natuyong panis na laway,malalim ang pagkakahimbing, tila yata
nanaginip.
Si Paquita ay ipinanganak sa Bordios pero nanirahan sa Mauban dahil
kinupkop siya ng kanyang mga Lola Tale at Lola Inta.May trahedyang nangyari
sa kaniyang ina kung kayat napilitan siyang tumira sa mga Lola.
Si Lola Tale ay Nanay ng kaniyang nanay at pinsan nito si Lola Inta na
gumagawa ng tablea gamit ang orinola,ito ang sikretong malupit kung bakit
pakyaw ang tinda ni Lola Inta.Siya ay lamog kung tingnan kapag gumagawa ng
tablea, pahid sa salawal at saya,ang kaniyang linas na nanggaling sa buli
ay tila basurang palamuti sa bahay.Wala siyang asawa ngunit may anak sia
sa Ragay,si Benito, na tila yata walang lugar sa mundo ni Paquita.
Si Paquita ay tila anak araw dahil sa kaniyang buhok ngunit sumibol
na napakaganda, kaibigan niya sina Tange o Mimay, isang hira-hira at sulikdat,si Antot
ay hindi mabantot,isa siyang mahinhin at magandang babae,si
Atan na panglalake ang pangalan ngunit babae ay anak ng may ari ng pasitahan ng Komiks at magasin
,mabenta ang Aliwan,Tagalog Komiks,Hiwaga,Funny at iba pa.Tropa niya din si Dyoy,na pilosopo
ang dating dahil nagmamarunong lagi ngunit tinuring niyang matalik na
kaibigan, saling pusa sina Uwan at Millet sa laro nilang bahay bahayan at lutu-lutuan.
Na nauuwi sa sunog sunugan ng bahay dahil nakalimutang patayin ang apoy
sa bahay-bahayan.
Si Paquita ay busog sa alaala ng lumipas,sariwa pa sa balintataw niya
sina Tugina, ang baklang hawig ni Dick Israel,sa madali’t
sabi siya ay manikurista,manggugupit ng bayan,isa siyang aba sa mga kamay
ni Nonong, ang kapatid niyang sanggano. Ang misteryosang si Aling Palab na
nanay ni Millet na labandera ng bayan,silang mag-ina ay di nabibilang sa
Ipinakikilala ko ang mga dalaginding ng Mauban
mataas na uri ng lipunan, animo walang bahay dahil natatabunan ito ng
mayayabong na puno sa may bangbang.Paboritong libangan ni Millet ang nakawin
ang tsinelas na Spartan ni Paquita.
Si Amang Pitong- ang hanap buhay niya ay
magtahi ng sirang payong maghapon,saulado din niya ang mainit init na balita
sa dyaryo,mabuting may bahay niya si Aling Belen at anak anakang si Joseph,dili
yata at tunog Pasko ang pamilya ni amang Pitong.
Amang Milan-isa siang pulis na 3/4 ang hayt,kayumangging kaligatan,makapal ang labi
at kulot ang buhok,sarat ang ilong,buyanyanin pa ang tiyan.Asawa nia si Aling Uno-nagtitinda ng snowball
at pancit lukban.Nga,pala si Amang Milan ay nabuhusan ng ihi mula sa orinola ni Lola Inta.
Sino ba namang makakalimot kay Josie na mahilig sa pogi ngunit walang magkagusto,nanay
nina Tokneneng at Marimel.
Si RickyBabyJun opo di kayo nagkakamali ng binabasa, rickybabyjun -magkakapatid na
kalaro ni Paquita may-ari din ng pasitahan, sailalim ng bahay ay ang nagtitinda ng balot na si Mang Siso
Pinket at Gordon-mga anak ni Amang Hapon pero mula sa Spanish descent,rebolusyon ng lahi ang nangyari kaya ganun.
Teli-isa ring matalik na kaibigan,maisingit lang,hataw sa name.
Itik-kalaro sa jackstone, naglalaro ng jackstone ang Itik?Malaking palaisipan.Di bale na.
Amang Uro-mananahi sa tabi ng bahay na asawa ni Inang Sana.Si Maya na dabyana ay
anak nila. Malaki na pala ang ibong maya ngayon?
Pulo-kaibigan ni Ambi at kalaro ni Paquita
Mang Leyvi at Aling Beyti-mga magulang nina Alice at Aleli,pagsamasamahin ang magkakatunog
Aling Isti-magulang nina Menchi at Soli
Inang-Benered-may ari ng tindahan na binibilhan ni Paquita ng adong at kukuwati
Jaspered-aso ni Con na kumagat sa kanya habang naghaharutan. Past tense ang noun? Jaspered talaga?
Hayy,marami pang kwento tungkol kay Paquita.
Sayang,kailangang tapusin ang pagbabalik tanaw, papasok pa sa trabaho.
Samantala ay nakahanda na ang mainit na tsokolate ni Paquita…sino kaya ang
gamuwa ng tablea?