Tama ang computation ko, aaminin ko hindi ako magaling sa Mathematics pero sa pagkakataong ito, paninindigan kong tama ako. Depende pa yan sa dollar rate kung kailan ipapalit ni Pacman ang kanyang kwarta.
Ang halaga ng napalunan ni Pacquiao sa laban niya kay Cotto ay halos katumbas na ng isang taong kita ng malaking kumpanya dito sa Pilipinas.Paano kaya iuuwi ni Pacman ang premyo kung tig-pipiso ang ibibigay sa kaniya? Ang isang ordinaryong construction worker ay hindi ito kikitain kahit pandayin pa niya ang isang gusali na aabot sa ulap. Ikamamatay na niya iyon, kahit na ako o ikaw man maliban na lamang kung hanggang sa kabilang buhay ay kikita pa tayo ng kwarta, kwarta, oo mukha akong kwarta.
Hindi ko pinapaboran ang boksing bilang isang uri ng pampalakasan, basagan ng mukha na para sa iba ay banal, iniingatan at inaalagaan o halos sambahin ng ilan. Sakitan ng katawan ang larong boksing, paano ka susuntok kung walang pwersa o enerhiyang magtutulak sayo para saktan ang kalaban? Hindi ko itinatangging umaangat ang aking pwet habang tumutulo ang pawis sa aking kilikili habang nagpapaapoy naman ng suntok si Pacman kay Cotto. Marahil napapasuntok ka rin habang tumatalsik ang laway mo sa iyong katabi.
Matagal ko ng kinalimutan ang larong boksing pero napag-isip isip ko, kailangan ko na ulit umakyat sa ring Ax, pwede ba kitang coach, kaya lamang abala ka pa yata sa kakapraktis ng sayaw para sa inyong Christmas party. Si Jason na lamang muna ang aking manager, pwede ba Hamster? . Syempre joke joke lang ‘yan.
Si Pacman ay Pilipino pero bakit siya ang sikat? Bakit hindi si J. Kulisap? Naghuhumiyaw ang katangian ni Pacquiao bilang isang lipi ng kayumanggi, pitong titulo sa larangan ng boksing- kasaysayan na ‘yan. Salamat sa kamote, hindi ba pareng Taribong?
Sa kabilang banda hindi matatawaran ang katatagang ipinakita ni Cotto, halos matagalan niya ang umaapoy na 12 rounds na laban kung hindi lamang inawat ni Kenny Bayless sa huling round, tiyak na mahihimlay sa canvas si Cotto kung nagkataon. Pero ang pinakamahalagang natutunan ni Cotto sa labang Fire Power ay hindi ang maglaro ng apoy kungdi ang matutong sumayaw ng cha-cha, dapat ang titulo ng laban ay “ Bloody Cha-cha with Pacman” you know, now you know. Totoo pala ang kasabihang “ Lumuha ka ng dugo”, nasaksikhan ng mundo ang pag-agos ng dugo ni Cotto habang yakap niya si Pacquiao. Dahil sa ipinakitang katapangan at katatagan ni Cotto, maituturing na malinis at mahusay na manlalaro si Cotto. Karapat-dapat na purihin bilang isang tunay na kampon ni Adan. Hindi nalugi ang mga manonood, sulit na sulit pati sa patalastas.
Si Cotto habang nag-aaral ng Bloody Cha-cha.
Sapat nang maging inspirasyon ka sa mga Pilipino, na matuto silang mangarap, magkaroon ng disiplina, determinado at tingnan ang buhay sa positibong pananaw.
Hindi na siya isang simpleng mamamayang Pinoy kahit na magpakababa pa siya.
Mabuhay ka Manny Pacquiao, mabuhay ang lahing Pilipino.
Hanggang dito na lang, may tumatawag sa akin.
J.Kulisap: Haylo? Hus diz?
Caller: Bi ip ip, nagwatch ka ng payt ko?
J.Kulisap: (medyo irate ang voice)…hindi eh, bc ako.
Caller: You know..i’m so tampo na, ‘di mo ako lab lab. Ano ba ginagawa mo?
J.Kulisap: Nagsusulsi ng butas kong brip. Next time, magwatch na ako dong.
P.S.
Salamat sa mga larawan mula sa internet.
Inakyat ko ang bundok, bigla akong niyakap ng talinghaga, siya ay patpatin. Ikinurap ko ang aking paningin wala siya sa bundok kundi nasa disyerto. Mainit ang klima ngunit tila yelo naman sa lamig ang kaniyang kalooban.Patpatin ang talinghagang bumalot sa kaniyang katauhan.Tangan ang talangkang mahigpit na sumipit sa nalulumbay na kinabukasan. Kung kaya ko…ayaw ko nang bitiwan ka..kung kaya ko lamang.
Namamalisbis ang luha ni Jesuza habang mahigpit na yakap ang kaniyang mag-iisang taong gulang na anak na si Busyok at ang kaniyang asawang si Plaridel. Pumirma siya ng dalawang taong kontrata bilang domestic helper sa HongKong, tila naiintindihan naman ni Busyok ang nangyayari, pumalahaw ito ng iyak, namumula naman ang mga mata ni Plaridel habang nakakuyom ang kamao nito, wala siyang magawa, pumayag siyang lumisan ang kaniyang asawa……pinakamamahal na kabiyak ng puso.
Makapigil hininga ang tagpo sa itaas mga giliw na mambabasa. Ginahasa, binitay, pinatay, inalipin, itinuring na hayop, binaboy at tinanggalan ng karapatang pantao, mga kwento sa likod ng mga kaganapan sa mga itinuturing nating makabagong bayani sa ating panahon sa ibayong dagat. Sila na nag-aakyat ng malaking salapi sa naghihikahos at naghihingalo nating bansa. Sapat ba ang papuri para matighaw ang pait na idinulot ng pagkakalayo sa kanilang mga mahal sa buhay? Hindi man lahat, karamihan sa ating mga OFW’s ay isinantabi ang sarili nilang kapakanan para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahirap makipagsapalaran sa ibang bansa, nandyan ang takot at mga walang katapusang pagtatanong kung ano ang kanilang kahihinatnan. Mabilis kumita ng pera doon kaysa sa dito. Ilang beses na rin akong hinikayat na magtrabaho sa labas, pero mas madalas kong sabihin sa sarili kong, hindi ko kaya ang ginagawa nilang sakripisyo, isang kaduwagan…subalit hindi ko isinasara ang opurtunidad na inihahain. Isa ako sa tatlo o sampung Pilipino na umaasang may pag-asa pa tayong makaahon kung magsisilbi tayo ng tapat at wasto dito sa ating bansa.
Buong puso kong naiintindihan ang paghahanap mo sa iyong nanay na nag-aalaga ng iba. Ilang taon na ang pasko sa buhay mo na wala ang iyong ama, si ate o si kuya. Huwag mo naman sana idaan sa pagrerebelde ang lahat, mas masasaktan sila kung uuwi silang bigo sa kanilang pangarap sayo..huwag naman.
Ibang citizen ka na? Hindi mo pa rin maitatago ang iyong kulay, ang iyong dugo. Alam mo kung saan ka nagmula, minsan lingunin mo itong bansang nagluwal sa iyo, kailangan niya ng tungkod lalo na ngayon. Huwag mo sanang kalimutan, minsa’y minahal ka niya, kinandili at ipinagyayabang..huwag naman.
Pssst….ngalay ka na ba sa kababalik sa aking bahay kubo? Wala pa bang bago? Heto, mayroon na. Basahin mo hanggang katapusan, mabibitin ka kapag pinasadahan mo lang. May masarap na palaman sa sukdulan. (more…)
Humahangos na sumugod si Prinsipe Ax, kalagitnaan ng gabi, kinalampag niya ang pintuan ng palasyo. May isinisigaw ito, nabagansya daw si Prinsipe Jason, nasibat diumano nito ang isa sa kalaban ng kanilang palasyo. Namutla si Prinsesa Dalisay, tila tunog ng kampana ang kabog ng kaniyang dibdib, napabalikwas ito habang mabilis na nakawala sa pagkakayakap ni Prinsipe Stain, umaalingasaw ang hininga, tiyak na nakipag-ulayaw na naman ito sa alak. Ginising niya ito pero tulog-mantikang naghihilik na may kasama pang halak.Sumugod siya papunta sa pintuan ng palasyo, hinarangan naman siya ni Kondesa Sopya, nanlilisik ang mga matang binalaan siyang bawal lumabas, siya daw ang tagapagbantay ng palasyo, iniamba nito ang tungkod, anumang oras ay pwede siyang paluin ng tungkod na may patalim sa dulo. Nakita niya ang kadenang nakapulupot sa bakal na pinto, imposibleng madamayan niya ang kaniyang anak, hihintayin na lamang niya ang umaga. (more…)
Pasulyap, nakita ko, nakakatuwa, nakakatawa. Humalakhak ako, nanundo pa ako ng isa pa, hindi siya natawa, pero natuwa siya. Ginaya ko ang kanilang galaw, naghakot ako ng mga lumang nalalaman, hindi pala, pinalitan ko. Ipinakita ko sa kaniya, bigla siyang umiling, ano kaya ang nais nito?. Sinubukan kong sabayan ang kaniyang himig, ang kaniyang indak at galaw, mayrong napasulyap, mayrong umasim ang hilatsa ng mukha. Nagustuhan mo ba? Ano ba ang iyong nais? (more…)
Pasing: Ayaw ko na Tonyo, lumayo ka sa akin. Sawang sawa na ako, pagod na ako, gusto kong magpahinga, alam mo namang limang pamilya ang pinaglalabadahan ko. Kwarenta na ako Tonyo, pang-trese na itong nasa sinapupunan ko, malakas ang kapit, ayaw matanggal, uminom na nga ako ng makabuhay, kortal, pinatapakan at pinalamas ko na ito kay Piti at Pitang, ayaw pa ring matanggal, hinayupak ka, napakalakas ng semilya mo Tonyo. Ayaw mo namang gumamit ng kondom, ayaw ko din ng pils, nagkakaan-an at kung anu-anong sakit sa balat ang lumalabas sa akin, kung gusto mong magparaos, itong kilikili ko may buhok at mainit-init din, pagtyagaan mo na,hwag mo na akong kakalabitin, parang awa mo na, tingnan mo itong suso ko, (more…)
J.Kulisap: Bakit ka umiiyak?
Pepe: Pagod na pagod na po akong akyatin at babain ang pitong bundok para pumasok sa eskwela, ayaw ko na rin pong tumawid sa rumaragasang ilog kapag tag-ulan. Nakikita nyo po itong paa ko, gusto po nitong magkaroon ng sapin, ‘yong tsinelas po, para kahit malayo, baka makapagtiis pa ako. (more…)
Inabangan ng punla ang iyong pagdating, upang layon niya’y makamtan. May kalulwang tumataghoy sa panangis, may inaagos hanggang sa malunod. May isang baliw na alagad ng sining , inaapura ang kaniyang obra, dahil kapag ikaw ay tumigil, hihinto din ang isip niya. (more…)
Kuchi, kuchi, sige na tikman mo ‘to
Ayaw ko, masama…masama. No, Nooo!..Noooo!?!
Bakit naman? Ang sarap kaya, nguya, nguya, yumyum
TL na me. Sigurado ka, ‘di tayo mapapahamak?
(more…)
Patalastas:
Panawagan sa lahat ng mga bayani, maaari po lamang magpatala ngayon upang mabigyan ng pabuya. Isang balot na Marie (biskwit) at pisong palamig, may kasamang lumang damit, may nakabalot na isang latang sardinas, Ligo ang brand at dalawang dried fish, in tagalog dilis pare.
Maglalakas loob ka bang magpatala? Bakit masasabi mong ikaw ay maituturing na bayani? (more…)